Page 1 of 11 123456 ... LastLast
Results 1 to 30 of 328

Thread: ANTING-ANTING sa SABONG (maniwala ka man o hindi)

  
  1. #1
    roland_kent
    Guest

    ANTING-ANTING sa SABONG (maniwala ka man o hindi)

    something that might be of interest to all,
    bilang sabungero


    Yung mutya ng pangil ng kidlat ay ibababad mo sa tubig at yung tubig
    na pinagbabaran ang ipainom sa manok. Supposedly magbibigay ito ng
    ng dagdag na bilis sa panabong mo.

    May narinig din akong panubo na isasama mo sa pagkain ng manok para
    magbigay ng kunat at kabal sa panabong, pero hindi ko ito verified.
    :hat:

  2. #2
    roland_kent
    Guest
    Eto pa.....



    Pagong na luno, yung pagong na malambot 'yung shell. Nakukuha daw ito sa may ilog at inalagaan.
    gawan ng bahay yung pagong

    Ang gagawin, sa umaga ng araw ng sabong, kukuha ka ng tubig galing sa tirahan ng pagong.

    Ipapainom mo ito sa manok.

    At ito ang importante, kapag 'yung pag-inom ng manok ay tuloy-tuloy o dire-direcho, siguradong panalo sa laban 'yung manok.

    Kapag 'yung pag-inom e patikim-tikim lang, huwag mong ilaban 'yung manok at siguradong talo.

    Tried and tested na daw n'ya ito.

    At tungkol sa mutya ng pangil ng kidlat. Kapag ang nakalaban n'ya e ito ang gamit, tabla lang ang laban.

    Simula Biernes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay, 'yung pagong e inaalis sa tirahan. At gatas daw ang ipinapainom sa mga araw na iyon. Ibabalik na lang sa kanyang tirahan yung pagong, araw na ng Lunes.

  3. #3
    Senior Member hammertime's Avatar
    Join Date
    Jun 2001
    Location
    PIPINDAN
    Posts
    623
    Post Thanks / Like
    At ito ang importante, kapag 'yung pag-inom ng manok ay tuloy-tuloy o dire-direcho, siguradong panalo sa laban 'yung manok.
    Dapat pala maghanda ka ng mga 20 cocks tapos piliin mo yung iinom ng dirediretso at ilaban mo na sa WSD wag na sa hackfight kasi sigurado naman ang panalo....Dahil sigurado naman ang panalo,lakihan mo na rin ang pusta kahit wala kang pera...

  4. #4
    Senior Member Taga_Cebu's Avatar
    Join Date
    Jul 2005
    Posts
    1,793
    Post Thanks / Like
    eh yung kaibigan mo na nagsabi na tested na ..... eh tanong lang kung anong kotse ang dina drivan nya ngayon ?..... saan din sya naka tira ?

  5. #5
    nosi balasi
    Guest
    naku kung si sen. mon revilla pa baka maniwala ako

  6. #6
    Senior Member jepoy723's Avatar
    Join Date
    Nov 2004
    Posts
    1,309
    Post Thanks / Like
    Tuwing biernes santo lang yata tumatalab ang mga iyan eh.....Pag biernes santo wala yata sabong puro tupadahan lang kaya wala rin masyado pera hehehe....:lol:

  7. #7
    CyberFriends
    Join Date
    Apr 2001
    Posts
    1,139
    Post Thanks / Like
    Roland, ano ba ang mutya pangil ng kidlat at saan matatagpu-an ito. Kung ito man ay kidlat tapos kulog, e mag hihintay pala tayo ng tag-ulan para may kidlat. Yon naman daw manok na tuloy-tuloy ang inom na naka tingala ay nag dadasal hindi para manalo kundi kung papa-ano siya ee-hi, ha ha, joke only.

  8. #8
    buhawi
    Guest
    kung itong anting anting ko sana sa babae................e pwede rin sana sa manok............ayos sana:lol:

    e kaso.........pangbingwit lang ng babae..........itong anting anting ko
    :lol:

    kapag tumitig ka sa babae.........tumingin din ng malagkit.....na may kasamang ngiti ng pag iimbita sa lips........ay parang nag kambiyo kana ng primera............sigurado pasok yan.......ilipat mo kaagad ng segunda....huwag mong bibitinin......get ready ka..........ha highway kayo,hahaha.

  9. #9
    tigercobra
    Guest
    "will over matter"....what you think is what you get....like in faith healers motivate nila ang strong will ng patient....sa group ng basketball malakas ang fighting spirit kung meron teamwork at sa teamwork nadedevelop ang fightingspirit....sa sabong kung meron isa na mag negative thinking sira na ang fighting spirit na susuporta sa laro ng manok.....god says we are created according to his image and likeness, the power vested in us is just awaiting to be tap...god also says believe and you will see...pero sa atin mga tao....to see is to believe kaya galit yata c lord sa atin dahil nde tau naniniwala sa sinabi nya. .

    Tap that fighting spirit and you will see the force if they combined as one.

    "Believe and you will See"......

    preng norriell ako naniniwala sa anting-anting....nde naman lalabas e2 kung nde totoo....ung kaibigan ko noong elementary dwende ang nagbigay ng anting-anting nya pero nde cya sumunod sa patakaran, ipinakita nya sa ibang tao, ayun namatay agad cya...maaring nasa mundo na ng dwende ung spirit nya.

  10. #10
    ukay ukay
    Guest
    ako rin naniniwala din ako dyan sa anting anting dahil matalik kong kaibigan alok din ako ng anting anting sa sabong , piro sabi ko sa kanya sya na lang gumamit para di na sya palagi buntot sa akin hingi ng balato hehehe.

  11. #11
    Member sugbo_slashers's Avatar
    Join Date
    Oct 2004
    Posts
    366
    Post Thanks / Like
    bilang isang mananari, may mga customers na mahilig magpadikit ng kanilang anting-ating sabay sa electrical tape.

    karamihan sa anting-ating nila ay balot sa foil. ang binalot daw ay papel na may nakasulat na Latin.

    may ibang mananari naman na ang gamit na paunan ay perang papel..

  12. #12
    WickedFrog
    Guest
    :lol:

  13. #13
    Senior Member Taga_Cebu's Avatar
    Join Date
    Jul 2005
    Posts
    1,793
    Post Thanks / Like
    sugbo slashers,


    may na rinig ako sa kaibigan kong mananari na kung magpadikit ang kalaban mo sa anumang anting-anting nila sa aluminum foil.......... sabi nga kaibigan ko na ang counter dyan (TOTOO ITO HA !) ..... AY MAG PLUCK KA NG TATLONG PUBIC HAIR MO AT E PADIKIT MO SA IYONG MANOK...... SIGURADO KUNO...... NA MANALO MANOK MO !!! :lol: :lol:


    TOTOO BA KAYA ITO ?...... MAY NAKA SUBOK NA NG ITO ?

  14. #14
    nosi balasi
    Guest
    yun daw ihi ng buwaya magandang ipainom sa manok at sigurado kamig kayong parati na parang buwaya

  15. #15
    Member tikistikis's Avatar
    Join Date
    Jul 2004
    Posts
    282
    Post Thanks / Like
    :lol:

  16. #16
    buster
    Guest
    WALANG MASAMA KUNG MANIWALA KA SA ANTING-ANTING, KUNG TUMALAB DI AYOS!
    ETO NAMAN ANG ALAM KUNG ANTING-ANTING NA PINANGGALINGAN NG ISANG MATANDA NA ALAM KO----HEHE DI BIRO ITO;

    KUNG MAKAKITA KAYO NA BAGONG TAE NG KALABAW, I MEAN UMUUSOK PA AT TINAIHAN DIN NG ASO SA IBABAW ORA MISMO-----AHA> YAN PO AY ONE IN A MILLION DAW MANGYARI,
    WALA KAYONG IBANG DAPAT GAWIN, SIMPLE LANG KAYO HUWAG MAGPAHALATA AT MAGSASABI, IPUNIN ANG TAE , PATUYOIN AT YONG ANG IHALO SA PATUKA NG MANOK ONCE LANG SA ARAW NG LABAN....... RESULTA PANALO LAGI.

    DI KO LANG MAALALALA KUNG ANONG MGA ALITUTUNIN PANG IBA ANG DAPAT OBSERBAHAN NG DI MAALIS ANG BERTUD NG ANTING ANTING NA ITO PARA HABANG MAY TAE NG KALABAW NA NAIPON NIYO TULOY ANG BERTUD NG ANTING ANTING.

    SIGE, MULA NGAYON TALASAN ANG IYONG MGA MATA PAG MAY TUMATAE NA KALABAW BANTAYAN NIYO . UNFORTUNATELY 20YEARS NA AKONG NAGHAHANAP NITO WALANG LUCK!DI PA RIN AKO MAKASAKSI! HEHEHEHE

    PARANG IBON ADARNA , KAILANGAN MAHULI MO AT MAKUHA YONG BATO NA KUPKUP DAW NG PAA>>>YONG MAHUSAY NA ANTING ANTING SA SABONG!:rbounce:

  17. #17
    ryan72_2000
    Guest
    ano ba iyan ang baho :lol:

  18. #18
    Senior Member beakheel's Avatar
    Join Date
    May 2005
    Location
    guam,cavite
    Posts
    2,757
    Post Thanks / Like
    dati binigyan ako....mutya daw ng tubig iyon....(parang bulitas na mas maliit na magkakadikit sa tubig)babantuan mo lang ng tubig para ipainom sa manok bago ilaban
    sabi ingatan ko daw at itago kapag masama ang panahon at baka kunin ng kidlat.

    ewan ko ba at di ako nagkainteres na gamitin ni minsan hanggang sa mawala na tubig.

  19. #19
    nosi balasi
    Guest
    mas mabisa daw yun agimat sa tae ng pusa. ang pusa kapag tumae ay tinatabunan nila. ang gawin daw habang tumatae ang pusa ay budburan ng feeds ng manok at ito ang ipatuka sa manok. kailangan gawin ito sa araw ng laban

  20. #20
    ryan72_2000
    Guest
    bastat unusual occurrence eh kunin daw at gawing anting-anting, katulad nito:
    (1) iyung kaibigan ko eh nakiusyoso sa isang naganap na barilan. sa kakausyoso niya eh may nakita siya na bala ng baril na nakasabit sa pinakakanto ng posteng kwadradong kahoy at kinuha niya ito ng lihim. ginamit niya ito sa sabong at ginawang paunan sa tari. lahat ng laban niya ay panalo kahit sa bayong lang nakuha ang nokis. ang lahat ng nakalaban ay para daw binabaril. nawala lang daw ang bisa nito ng mahawakan ng esmi niya;
    (2) may nakuha din siyang bato sa loob ng niyog na lumulutang. ang kwento niya ay minartilyo niya daw ito at talaga daw napakatigas na di mabasag. ginamit din niya ito bilang bertud sa sabong, kasama din sa paunan. lagi daw nakababad ito sa sabaw ng niyog na napagkuhanan nito. ang sabaw ng niyog ay siya niyang ipinapainom at ipinapahid sa nokis na ilalaban. di daw tinablan ng tari ang lahat ng nokis na nailaban niya. di na daw niya ginamit ng maubos na ang sabaw ng niyog na pinagbababaran ng batong lumulutang.

  21. #21
    nosi balasi
    Guest
    yun daw salagubang sa tae ng kalabaw ay ipakain at mainan na agimat iyon sa manok. walang kasintulad na lakas ang ibibigay

  22. #22
    etwin
    Guest

    Anting anting

    sa manok at ito ay talagang mabisa daw hindi tinatabaln ng
    baril ang tao 6:00 pm pumunta ka sa ilalim ng puno ng balite
    at tuminga la ka ng nakanganga mag damag hangat walang
    pumapasok sa loob ng bunganga mo na kahit anong bagay...
    insecto, tai ng ibon,bato,whatever...pag pumasok ito sa bunganga mo wag mong lulunukin at wag mong iluluwa hangat
    hindi ka dumadating ng bahay mo....may dasal kayalang
    kailangan yung dasal na ibibigay sayo ay isang beses mulang
    babasahin ng hindi mo uulitin pero kailangan makabisa mo ito
    kaagad kung hindi hindi ito tatalab may kahirapan pero sigurado.
    inu ulit ko isang basa lang ha?.... sorry mga tol kasi sabado
    ngayon hindi ko p'wedeng ibigay ito... kailangan sa biyernes
    para kung sino man ang maka kabisa ng isang basalang ok ito
    pero kailangan kumuha kamuna ng anting anting sa balite...
    yung dasal ay iyon ang orasyon mo sa kanya para laging buhay siya....
    :teeth:

  23. #23
    Senior Member Kidd Sentencia's Avatar
    Join Date
    Apr 2000
    Location
    Carson Ca/Pangasinan
    Posts
    4,991
    Post Thanks / Like
    Ako meron din...pero tuwing nananalo lang ito epektib :lol:

    Kidd

  24. #24
    Senior Member jason_slay's Avatar
    Join Date
    Jun 2005
    Location
    Laguna Sunrise
    Posts
    1,533
    Post Thanks / Like

    wag kau manioniwala s ganyan!

    kung cno ang meron hianahamon pero leghorn ang gamit nyang manok. tingnan natin kung umubra ang anting anting nla!!! pg un nanalo p saka lng ako maniniwala!

  25. #25
    Member bogart's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    297
    Post Thanks / Like
    ako meron din..... alagaan nyong mabuti alaga nyo tiyak ko papalo at papalo yan..


    bogart

  26. #26
    Member sweet&friendly's Avatar
    Join Date
    Oct 2005
    Posts
    366
    Post Thanks / Like
    Ako basta ang paniwala ko ang sabong sagrado hindi sigurado
    'gawin mo lahat para manalo wag lang mang daya'

  27. #27
    nosi balasi
    Guest
    may alam pa akong anting anting na wento ng isang kaibigan
    kumuha daw ng asogeng buhay ay ito ang ipahid sa pinakatalampakan ng manok at siguradong patay ng manok mo pero naglalakad pa kaya sa drag fight sigurado ka na.

    kausapin mo lang yun sentesiador para mapulokan sa pagtuka

  28. #28
    WickedFrog
    Guest
    ANTING ANTING SA SABONG HEHEHE

    OK DIN ITO AH:lol:

  29. #29
    Edwinski
    Guest
    :rbounce: sana bigyan nyo naman ako!!!marami pala kayong alam na agimat!!!

  30. #30
    WickedFrog
    Guest
    ANTING ANTING GAMIT KO PAPAYA AYOS NA:lol:

Similar Threads

  1. ANTING-ANTING
    By andrefred in forum Usapang Manok
    Replies: 123
    Last Post: May 14th, 2014, 10:00 AM
  2. Replies: 32
    Last Post: February 17th, 2009, 08:23 AM
  3. MANIWALA KAYO o HINDI!!!!!!!
    By a2y in forum Chit-Chat
    Replies: 60
    Last Post: January 17th, 2009, 05:47 AM
  4. Replies: 127
    Last Post: January 17th, 2006, 02:48 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •