Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 30 of 120

Thread: Mga madalang na pisikal na senyales sa manok?

  
  1. #1
    Banned ParaTex70's Avatar
    Join Date
    Sep 2001
    Posts
    233
    Post Thanks / Like

    Question Mga madalang na pisikal na senyales sa manok?

    Ano ba sa palagay niyo ang mga ito na madalang lang makita sa isang panlabang manok.

  2. #2
    Senior Member cesario's Avatar
    Join Date
    Dec 2002
    Location
    LINANG
    Posts
    929
    Post Thanks / Like
    bulik tae na itim ang paa

  3. #3
    BULIK
    Guest
    sa akin iyong itim ang dila, magandang senyales yon, kasi nagkaroon na kami ng itim and dila mas madalas ang panalo, minsan lang kami natalo ng mayron kaming itim ang dila, kaya lang namatay dahil na peste. paborito ko rin ang kukong baboy at solo sintas na kaliskis, kasi di pa kami natatalunan ng ganyang sinyales. Pero, kailangan din ng magandang alaga o kondisyon at magandang match o laban dahil di natin kailangan umasa sa senyales ng manok para manalo, dahil ang senyales ay isang pangdagdag lamang sa swerte.

  4. #4
    Senior Member Bty Hunter's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    2,049
    Post Thanks / Like
    Sa amin naman ay onse-onseng bagwis.. Walang natatalo sa unang laban. At yung may pamukulan sa dalawang bagwis..May mga naging manok na kaming ganito, alahado na nananalo pa.

  5. #5
    macgyver
    Guest
    sa tingin ko yung may baligtad sa pakapak o yung barenahan sa pakpak @ sa buntot, nagkaroon kc ako nyun naka 7x win sa 8x nya win yung kalaban syang.

  6. #6
    banyog1023
    Guest

    senyal

    para sakin yong namimilas sa joint ng pakpak. habang sariwa pa yong pilas kulay brownish red, halos magsasalita na ang manok na 'ilaban mo na ako amo' ganito ang manok ng tropa ko dati, nakarami din yon kaya lang nilaban nya ng sya ang namilas, hindi yong manok, kya natalo rin

  7. #7
    Senior Member balian's Avatar
    Join Date
    Nov 2002
    Location
    Kuala Lumpur/ Laguna
    Posts
    1,996
    Post Thanks / Like

    guhit lapis sa tuka

    meron akong manok na nakita ng isang matandang magmamanok sa amin... sabi niya pasabihan ko raw siya kapag ilalaban ko na at sasama daw siya ng pusta. Pambihira daw sa manok ang may "guhit lapis" sa tuka dahil nagkaroon daw siya dati at nagbilang ng panalo. hindi ko pa 'to nailalaban pero nasa pre-con na siya.

  8. #8
    CyberFriends rebel's Avatar
    Join Date
    Sep 2000
    Location
    VIZMIN
    Posts
    2,317
    Post Thanks / Like
    Ang isang buntot na parang walis tingting lang ay bihirang makita sa manok. Para siyang barina pero iba eto doon. Nakahalo lang sya sa normal na buntot kaya parang hindi mo mapapansin kung talagang hindi mo titingnan ng maige. 4X winner na sa amin ang manok na may buntot na ganito sa hackfight lang. Hindi namin nilalaban sa derby kasi binili namin sya sa murang halaga lang at pang catch cock lang namin para sa mga hinahanda na manok.
    Nag iisip pa kami kung susubukan namin syang i breed o hayaan na lang syang tumanda at mamatay....

  9. #9
    Senior Member Bty Hunter's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    2,049
    Post Thanks / Like

    Senyal

    Rebel yan yata yung tinatawag na "baston" marami sa amin ang bilib sa ganyang senyal

  10. #10
    macgyver
    Guest
    mga pre meron ako tanong, yung tig dalawa ang tahid left & right legs e senyalis din ba? actually naka 3x na syang nananalo. tapos yung ibinireed ko cya sa mga anak nyang babae e yung anak nya e puro talo syang?

  11. #11
    Wintuha
    Guest
    Rebel,

    Anong kulay ng manok ninyo na may baston na may baston? Paki describe naman?

    Thnak you
    Wintuha

  12. #12
    Senior Member Bty Hunter's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    2,049
    Post Thanks / Like

    Unhappy

    Yung sa amin mayahin at isang dalusapi.. Nanalo 2 years ago walang sugat..nadale ng peste sa lugar namin August last year walang laban

  13. #13
    Senior Member Camarines's Avatar
    Join Date
    Mar 2000
    Posts
    3,114
    Post Thanks / Like
    Sa akin ang pinakamadalang na senyales ay ang daliri ng manok ay parang hagdanan.

  14. #14
    patuzai
    Guest
    para sa akin ang pinaka-madalang na senyales ng manok ay
    dalawa ang kuko sa kanang daliri ng manok , na nabili ko sa GORTTO last january 19 araw ng linggo yun ng umaga at nilaban ko kinahaponan sa kaybega at
    nanalo naman .


    patuzai

    MABUHAY ANG SABUNGERO !!!!!!

  15. #15
    Senior Member cesario's Avatar
    Join Date
    Dec 2002
    Location
    LINANG
    Posts
    929
    Post Thanks / Like

    senyales

    sino na sa inyo ang nagkaroon ng manok na duling, maganda raw itong senyales

  16. #16
    CyberFriends rebel's Avatar
    Join Date
    Sep 2000
    Location
    VIZMIN
    Posts
    2,317
    Post Thanks / Like
    Wintuha,
    Ang kulay niya ay sinibalang at dilaw paa. Baston ba ang tawag dun sa ganun senyales? Ang baston para sa akin ay yung kaliskis na derechong linya mula una hanggang dulo ng kaliskis ng manok.

  17. #17
    Member abai's Avatar
    Join Date
    Jun 2002
    Posts
    213
    Post Thanks / Like
    Tawag sa Bisaya nito "Banaogan". One of the best senyales.

  18. #18
    Wintuha
    Guest
    Rebel,

    Maraming salamat sa email mo na nasa PM.

    Tungkol naman sa senyales, mayroon kaming na breed last season na ang pagitan ng daliri ay may maliliit na balahibo. Hindi pa namin inilalaban ito dahil medyo bata. Pero sa bitaw ay may ipinakikita ng kagalingan maski ang kabitaw ay matatanda pa.

    Ngayon lang ako nakakita nito ng ganitong senyales at sabi ng matatanda sa amin ay pambihira daw ito.

    Mayroon na ba sa iyo na nagkaroon ng ganitong klaseng manok.

    Ano ang experience ninyo dito?

    Maraming salamat mga cockmates,

    Wintuha

  19. #19
    patuzai
    Guest
    wintuha ..

    Pre....... nagkaroon na ako ng ganyan klasing
    manok . maganda yan ilaban sa panahon ng tag-init
    mabilis .

    patuzai

    :blush:

  20. #20
    tsampoy
    Guest
    smooth,a bit oily strawberry red face.puffy area between eye and beak.crow in "high pitch".reddish pink on the side of the shank. :lol:

  21. #21
    Wintuha
    Guest
    Patuzai,

    Maramang salamat sa tip mo. Balak kung ilaban ang batch nila (3 brothers) sa Mayo, 14 months na sila by that time.

  22. #22
    Senior Member roy reyes's Avatar
    Join Date
    Jul 2000
    Posts
    1,689
    Post Thanks / Like
    para sa akin ang isa sa magandang senyales ng manok ay ang may "uban"(1 white na balahibo sa bandang likod ng ulo ng manok)buenas daw ito at napatunayan ko na rin,preng cecario yaan mo hanap ako ng manok na duling,kayang lang mukhang mahirap hanapin yon.he,he.

  23. #23
    patuzai
    Guest
    Roy.

    maganda nga yang may uban kc meron ako niyan
    wala pang natalo sa unang laban . tawag namin ay
    ubanin .


    patuzai

  24. #24
    daguevar
    Guest
    sa amin may manok ako na duling na bakang pa ,mahusay sa bitaw ang manok laging nakakapagpatakbo ng kalaban di ko lang alam pag natarian na kung ok pa sya...:hippie:

  25. #25
    Senior Member Boy London's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Location
    LONDRES/LAGUNA
    Posts
    6,210
    Post Thanks / Like
    Mga Kaibigan,
    Huwag kayong kukuha ng manok na duling, Dahil ang manok na duling walang magawang magaling he:lol: he:lol: he:lol:

  26. #26
    CyberFriends sweater02's Avatar
    Join Date
    Jul 2002
    Location
    earth
    Posts
    920
    Post Thanks / Like

    Thumbs up

    "sinco in camas" tama ba spelling ko? manok na may limang buong kaliskis sa magkabilang paa nabasa ko 6years ago sa magazine ng sabong. napaka galing daw ng manok na ito at nanalo ng 3 times sa derby w/o scratch. halos mawasak daw ang katawan ng manok sa lakas pumalo. sabi ng lolo kong sabungero nung nabubuhay pa sya bihira daw ito sa manok at totoo daw na magandang sinyales ito ng manok.

  27. #27
    Babam
    Guest
    meron akong manok na may kaliskis sa ilalim ng kanyang kaliwang paa. ewan ko kung senyales ito pero 2x derby winner sa pasig square. hindi pa nasusugatan. pag binibitaw namin sa mga ibang winner namin, parang ayaw siyang paluin. nagiiba ang palo ng nakakatapat niya.

  28. #28
    Member Teksas's Avatar
    Join Date
    Dec 2002
    Posts
    455
    Post Thanks / Like

    Senyales

    Karamihan ng mga mananalong manok ay may senyales na hawak. Lalo na kung 3 o higit pang panalo.

    Ito ang mga halimbawa
    May krus sa tapat ng tahid
    Ang tahid ay pababa o pataas
    Paningit sa kamao
    Kukong baboy kung tawagin
    Sudya sa biyas at marami pang iba.


    Thanks.

  29. #29
    tristan
    Guest
    meron akong manok na barenahan tapos silong sa lilongang buntot at walang kaliskis famillar ba kayo sa manok na walang kaliskis sabi ng kapitbahay namin wala daw katalo-talo yun pero ayoko laban e pls. reply anyone 1 na familliar thanks

  30. #30
    tristan
    Guest
    meron akong manok na barenahan tapos silong sa lilongang buntot at walang kaliskis famillar ba kayo sa manok na walang kaliskis sabi ng kapitbahay namin wala daw katalo-talo yun pero ayoko laban e pls. reply anyone 1 na familliar thanks

Similar Threads

  1. senyales ng manok
    By vince_abad07 in forum Usapang Manok
    Replies: 42
    Last Post: June 14th, 2013, 10:19 PM
  2. senyales ng mga manok
    By asillemon84 in forum Chit-Chat
    Replies: 223
    Last Post: May 30th, 2011, 12:45 PM
  3. Replies: 1
    Last Post: March 23rd, 2011, 04:21 PM
  4. Walang Kaliskis! Senyales Ba Ito Ng Manok?
    By ema42363 in forum Usapang Manok
    Replies: 69
    Last Post: August 20th, 2010, 11:17 PM
  5. Replies: 15
    Last Post: July 28th, 2008, 04:09 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •