Page 3 of 4 FirstFirst 1234 LastLast
Results 61 to 90 of 120

Thread: Mga madalang na pisikal na senyales sa manok?

  
  1. #61
    alcothans
    Guest

    Sinyales

    Alaga-an nyo ang manok na may sinyalis o katangi-an. Barinahan, sip-sipan huwag mong ma-una pagbitaw. Haya-an mo sila ang ma-una. Kaliskis sa pa-a, huwag mong elaro sa tag ulan at epa-alam kasi ahas ayan. Yon ang na experience ko at advice nang mga matanda pa sa akin.

  2. #62
    patuzai
    Guest
    tanong ko lang

    ano ang gagawin kung dumalaga or inahin na BARINAHAN ?:wink2: meron kasi ako rito anak ng imported cock ko na barinahan din ....

  3. #63
    Member boolick's Avatar
    Join Date
    Jul 2003
    Posts
    411
    Post Thanks / Like
    Mayroon kami may balahibo sa paa. tinamaah yung puno kung saan siya nakatungtong. Bumagsak siya at nakahiga nang mga 2 minuto tapos bumangon. Yung puno patay.

  4. #64
    Member duweewowee's Avatar
    Join Date
    Sep 2004
    Posts
    67
    Post Thanks / Like
    mayron akong manok na may daliri sa may pinakasiko niya, nagkaruon na ba kayo nito?

  5. #65
    Anak ng Damulag
    Guest

    Question Siko?

    SAN parte ba ng manok un?:innocent: siguro para sa akin ang pinaka-magandang senyales at madalang ay yung manok na bano sa bitawan pero kpag natarian na ay magaling lumaban.:zippo:

  6. #66
    rogenador
    Guest
    ano ba tamang panahon para ilaban ang manok na may senyalis?

  7. #67
    rogenador
    Guest
    e how about kung in visayayan term pamandulan
    ...?

  8. #68
    roland_kent
    Guest
    ang sakin ay..

    may sisiw akong tatlo ang butas ng ilong ang panagatlong butas ay nasa gitna bandang taas ng palong hindi ko lang masilip kung tagusan ang butas, at kung humihinga din cya dun..

    ano kaya ang ibig sabihin nito?

    hindi ba cya normal o senyales ito???

  9. #69
    alikabok
    Guest

    kent

    me nagsabi sa akin maganda daw yan wag mo susundutin!
    nagkamanok ako buo sa tapat ng tahid 5x winner hkfight lang.
    another one is kukong baboy..galing sa unang laban.

  10. #70
    Member Aramos's Avatar
    Join Date
    Nov 2004
    Posts
    261
    Post Thanks / Like

    Walang kaliskis

    Sir Rolly_rolly216

    Magkano po price nyo nung manok nyo na walang kaliskis/? meron po ba kayong inahin na availble na for selling? Interesado po ako kahit isang lalaki lng.

    saan po ba location nyo?

  11. #71
    Member Chris Balba's Avatar
    Join Date
    Aug 2003
    Posts
    106
    Post Thanks / Like

    Madalang na pisikal na senyales

    Noong highschool ako, nakabili ako sa lugar ng mga lolo ko ng isang 2 bawang edad na lalakeng sisiw, green legged at mataas ang pagkadugo, noong hinihimas ko na siya sa edad na anim na buwan, ay nasugatan ang aking kamay, napansin ko na may matalas syang bahagi sa kanang pakpak. Di ako makapaniwala namay kuko siya doon. Binili sa kin ito ng aking pinsan na noon ay malakas magsabong sa Roligon, ang resulta naka tatlo sa kanya ito at wala nakong balita noong dinala nya ito sa probinsya ng kanyang asawa.

  12. #72
    leinad
    Guest
    meron akong green legged,pea comb sinibalang na inahin na nagaanak ng may senayales.bigay ng kapitbahay namin.according to him ang nanay daw ay may lahing zamboanga white at 'yung erpat e 3x derby winner worth 12 thou from IloIlo na parehong ibinigay lang sa kanila.so meaning to say,hindi sigurado ang mga lahi.karamihan sa mga anak nya may senyales from batch 1 to 5.hindi nawawalan ng sota every batch.nag anak din cya ng may kuko sa leeg.you read it right!may kuko sa leeg!hindi lang isang kuko,2 pa!as in hindi talaga tinutubuan ng balahibo yung bahaging may kuko.nag anak din siya ng silong salilong ang buntot.tapos sinibalang na banderahan.usually pag nagpalahi kayo,ang mga anak kadalasan magkapareho ang kulay di ba?siya 3 klase.sinibalang,alimbuyugin at pula.lamang lang ang sinibalang.eto pa.pag nag-iitlog sya.dark green ang paa,afer maglimlim,asul na maputla na.ang kulay naman ng balahibo nya black and white lang.ang mata combination of black and brown na parang nagaapoy.I REALLY LOVE THIS PRICELESS HEN!why? kasi she is an 80% male producer and ang winning percentage naman ay 90%.in fact,yung lahi nya ang mas mabenta.baby stag pa lng nabibili na.specially yung mga may senyales.kung performance naman, mailag,mautak and 1 hitter lang.pero sure hit naman.1 or 2 hits lang na malinis,paalam na ang kinakanta ko.hehehe.8 months pa lng pwede na.but the problem then was,mahina sila sa sugat. yun kasi ang ikinakatalo minsan e.nag-infuse na ko ng hatch blood(blue face & mclean) to upgrade her chicks last year.so far,quiet good naman ang result.
    sensya na kung napahaba ang kwento ha?:blush: :blush:

  13. #73
    2_Tower
    Guest

    SENYALES

    mga cockmyte


    yun Broodcock ko ay may senyales na pitong bakod at barenaha yun pakpak mahal n mahal ko yun brood cock at ang yun mga anak niya may mga pitong bakod at barenaha sa pakpak. at yun ibang mga stag ko at pullet ko ay may isang puti sa pakpak.


    salamat
    John

  14. #74
    sandixph
    Guest

    senyales

    mga pre

    meron akong manok meztisuhin tapos kulay nya sinibalang ang senyales nya yung kalahati ng buntot nya puti lahat pati lawe, tapos yung kabilang kalahati ng buntot nya itim lahat pati lawe dati pina pantropa ko lang sya kasi meztiso lang pero ginawa ko ikinundisyon ko sya at pinaganda ko katawan kc sabi nung isang matanda samin na senyalado daw yung manok ko na yun at idinadaos daw ng manok ang pagiging senyalado. nilaban ko sa hackfight mitra nakalaban mataas ang pagkamanok at medyo matangkad, ang tanging lamang ko lang medyo malaki katawan ng manok ko, tinarian dehado ako,unang sigawan lo dyes pangalawa lo tres sabi ko ginigisa na manok ko pangatlong sigaw sampu anim patay kako kulang nalang bitawan ko manok ko at luto na! pagbitaw ko 5 secs lang pinatay ng manok ko yung kalaban pero may tama rin manok ko sa kanang hita at sa pulso sa kaliwa buti nalang nkamatay sya agad!

  15. #75
    steben_cgal
    Guest

    Lightbulb ang senyales na hinahanap ko...

    ako naghahanap ako ng manok na tatlo ang mata! eto sigurado mahirap matalo na manok! :lol:

  16. #76
    ENZOB
    Guest

    senyales....

    ako ang hinahanap ko ay yung me tahid sa dibdib, nagkaroon ako ng manok na ganito naka 4x sa hackfight, yung pangalawa laban nya sa me Las pinas nabaonan ng tari sa likod pagbunot ng tari tumilaok tapos nakatayo pa rin kala mo la tama di inda tama nya, sayang lang namatay sa bilad pagkatapos ng pang apat na laban ya

  17. #77
    Member ariel.aquino's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Location
    Tarlac City
    Posts
    234
    Post Thanks / Like

    UNANG PUTOK & KALIMA"Y BALI! & SOLO SINTAS

    sa aking mga napag alaman sa aking Tatay at matatandang sabungero sa amin..

    ....ang UNANG PUTOK o ang unang kaliskis sa kahit anong daliri ng manok magmula sa kuko nito ay may hiwa .,,at kapag ang unang putok ay nasa pinaka maliit na daliri ng manok itoy mas mabisa at kung ang lahat ng daliri nito ay may unang putok cgurado lang na bibilang ng panalo....

    ...sa manok namn na may hiwa sa ika limang kaliskis sa pinakamahabang daliri nito o yung sa gitnang daliri nito,,,ito rin ay mahirap talunin sa uang laban....

    ...ang SOLO SINTAS namn ay ang nagiisang linya sa gilid ng shank o paa ng manok yung kulay pulang linya na makikitang diretsong isang guhit lang....cguradong panalo ito sa uang laban!!!

    sa aking paniniwala ang mga senyales ay nagbibigay lang ng extra tapang at tiwala sa ating manok na itoy mananalo..sa tamang alaga at conditioning at syempre magandang lahi...cgurado PANALO KA!!!

  18. #78
    Desert Dust
    Guest

    Ariel

    Tama ka sa solo sintas, wala pa akong natalong ganyan, pero doon sa isa yung sinasabi mo quinto ang tawag magaling sa bitawan pero pag may tari na halos talo, pero merong nagbibitaw na nag papanalo nito madalang lang(isa na ako doon) ang sa akin ang pinakamganda ay ang itim ang dila, pagmasdan ninyo pag tumilaok siya walang sasagot isa man sa mga katabi niya.

    Dante D.

  19. #79
    Member ariel.aquino's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Location
    Tarlac City
    Posts
    234
    Post Thanks / Like
    sir DD,

    ang tatay ko po ang may swerte sa kalimay bali o yung quinto pala...tnx po.

    yung itim ang dila first time ko po narining yan,,cge sir check ko ang aking mga nokis bak mayroon nya heheh!!!

    tnx!

  20. #80
    Member racso's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Location
    NE
    Posts
    102
    Post Thanks / Like
    mga dre

    ok bang senyales ang maraming puting buhok na nasa gawing ibaba ng pitso malapit sa pwet? mas mahaba siya sa balahibo kaya pansinin.
    di ko pa kasi mailaban dahil medyo maliit nagaalangan ako.

    ang tested namin na senyal ay yung tinutubuan ng bilog na kulay pula sa kilikili o ilalim ng pakpak. bumibilang ng panalo.

    tagay pa!!!:evil:

  21. #81
    CyberFriends rebel's Avatar
    Join Date
    Sep 2000
    Location
    VIZMIN
    Posts
    2,327
    Post Thanks / Like
    Desert dust,

    Kumusta naman ang laban mo sa mga manoks mo na itim ang dila? Narinig ko na rin yang itim ang dila ng manok pero di ko alam kung senyales ba yun. Ang alam ko ay pag itim ang dila ng tao ay malakas ang dating sa taong sinabihan ng anything good. Nawawalan ng malay ang tao pag sinabihan ng taong itim ang dila ng " ang kinis naman ng mukha mo, or ang cute naman ng mata mo. Na 'usog' ata ang tawag dun. Ang lola ng kaibigan ko ay may itim na dila kaya pag nagkita kami ay inuunahan ko na ng salita na "LOla, cute ako at chinito kaya wag ka na magsalita, sabay takbo nyahahaha"

    reb

  22. #82
    ochoocho attack
    Guest
    sa akin yong manok na mapula ang isang mata ang isa medyo yellowish, meron kaming ganoon manok 4x sa derby 3x sa hackfight, hayup sa laban pag hindi sabihin ng kalaban tama na hindi titigil sa kapapalo

  23. #83
    Senior Member nemesis's Avatar
    Join Date
    Jan 2005
    Location
    Karangalan Village
    Posts
    627
    Post Thanks / Like
    How about kaliskis-buwayang mga paa...
    Barenahang pakpak...
    Buntot-inahen sa puno ng buntot (Round feathers instead of the usual pointed)...
    saka saddle spurs (medyo umbok sa magkabilang paligid ng tahid)...
    Lastly, manok na may tatlong paa :lol: joke

  24. #84
    Member racso's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Location
    NE
    Posts
    102
    Post Thanks / Like
    meron talagang tatlo paa, may apat pa nga

    my uncle from samar owns quite an interesting collection:
    apat pakpak, apat paa, salape, dalawa pamukulan, dalawa tahid, kaliskis sa talampakan, balahibo sa paa, kuko sa katawan ng manok, etc...

    pero di siya lumalaban sa sabungan, pang tupada lang.

    pati paraan ng pagpili kung aling tari ang gagamitin meron din siyang seremonya.:lol:


    tagay pa mga dre:evil:

  25. #85
    guapo410
    Guest
    Meron ako nabasa tungkol sa mga kaliskis ng manok sa latest edition ng Battle Cock Magazine. Baka makaragdag sa kaalaman nyo. Article ni Dr. Bunan.
    For your information only. Hindi ko ina advertise ang magazine baka magalit sakin iba publisher. he he he.

  26. #86
    dodieindita
    Guest

    tahid...

    senyales daw ito sabi nila,ano sa palagay nyo?
    Attached Files Attached Files

  27. #87
    dodieindita
    Guest

    tahid...

    heto isa pang picture mas malinaw,sensya na sa dumi di pa ko nakapaglinis ng kulungan.
    Attached Files Attached Files

  28. #88
    JunRussel
    Guest
    Ang alam ko lang na mga senyales ng manok or kakaiba ay yung mag karoon ng parang paa na may kuko syempre sa bitso ng manok yung iba naman ay nagkakaroon ng tubig yung tenga at yung iba rin lagyan mo ng balahibo ng walis tambo yung tenga at lalabs yun sa kabilang tenga yung iba naman ay kung matulog ay talagang nakahiga kaya ilaban mo agad at karamihan naman ay panalo. Kaya lang kasi sa akin ay hindi ako masyado naniniwala sa swerte at malas at sa mga balahibo at senyales. Pero sabi nila gumagana daw lahat yan karamihan. Sa balahibo naman ito lang ang nakita kong hindi pa talaga nananalo sa 14 ko ng nakita ito ha kasi nagsimula naman ito sa manok namin. Pang Derby bangkas nakuha namin kalaban at talisayin namputsa pagdating sa laban yung amin ay parang nakaposas eh ang tindi ng manok na yun kaya ayun sabi ng matanda na koloran daw talo sa kulay mula noon yun na sinubaybayan ko at sa 11 na nakita ko personal talo nga lahat at panalo bulsa ko yung tatlo ay nakita ko naman sa Derby Video. Kaya siguro baka maniwala ako ng lubusan kapag naging 30 na nakita ko hehehehe kulang pa rin kasi yung 14. Kung nakakalaki at taas ba naman manok ko eh bakit hindi ako umoo sa laban kahit na ibigay ko ng lahat ang senyales niya.

  29. #89
    BushPit
    Guest

    Post SENYALES

    Meron ako manok, nasa paa ang palong, binebenta ko nga e:rbounce:

  30. #90
    johnnex
    Guest

    s

    familiar ba kayo sa "siete coronados"..? may isang kaliskis na kahanay ng tahd at napalibutan ng anim pang kaliskis...pambihira daw ang lakas nito...maari nyong makita to either sa left or roght na paa ng manok.

Similar Threads

  1. senyales ng manok
    By vince_abad07 in forum Usapang Manok
    Replies: 42
    Last Post: June 14th, 2013, 10:19 PM
  2. senyales ng mga manok
    By asillemon84 in forum Chit-Chat
    Replies: 223
    Last Post: May 30th, 2011, 12:45 PM
  3. Replies: 1
    Last Post: March 23rd, 2011, 04:21 PM
  4. Walang Kaliskis! Senyales Ba Ito Ng Manok?
    By ema42363 in forum Usapang Manok
    Replies: 69
    Last Post: August 20th, 2010, 11:17 PM
  5. Replies: 15
    Last Post: July 28th, 2008, 04:09 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •