Results 1 to 28 of 28

Thread: kaliskis or sinyales ng manok, totoo ba ito or pampalakas loob lng?

  
  1. #1
    atogamefarms
    Guest

    kaliskis or sinyales ng manok, totoo ba ito or pampalakas loob lng?

    mga cockmates!!! totoo pong tau ay nasa moderno ng pag aalaga at pag sasabong ng manok...matanong lng po ang ating mga ibang cockmates na may experience na po dito, kaliskis or sinyales ng manok ay totoo ba or pampalakas ng loob lamang ng isang sabungero?

  2. #2
    atogamefarms
    Guest

    Re: kaliskis or sinyales ng manok, totoo ba ito or pampalakas loob lng?

    katulad po ng isang sinyales ng manok na kung tawagin ay fuente or isang maliit na sugat na lumalabas sa magkabilang silong ng pakpak ng manok, ayon sa aking kaibigang sabungero din nagkaroon cia ng ganitong manok at 11 times na nanalo na halos lahat ng laban ay walang galos dahil nga sa sinyales.....pero natalo ito ng ilaban ng dpa lumabas ung sugat sa ilalim ng kanyang pakpak......totoo kaya ang sinyales na ito or nagkataon lamang?.......:hat:

  3. #3
    Senior Member Taga_Cebu's Avatar
    Join Date
    Jul 2005
    Posts
    1,793
    Post Thanks / Like
    ang uncle ko magaling mag obserbar at mag monitor ng mga nokis nya.... mahusay din sya magbasa sa himbis ng manok.... kapag pasyal ako sa kanyang backyard.... tanong sya sa akin kung may e sabong ba ako.... kapag wala.... sabihan ako niya na iyung isa niya na manok.... pwede ma sabong kasi namilas ang sa ilalim ng pak-pak nito. (namilas is a bisaya term sa yung parang maliit na sugat sa ilalim ng pak-pak)..... sabi nya kapag manok na ganito ay kondisyon na kondisyon !....at lumaro ng tunay nya na laro at pwersada pa.... so....dinala ko sa sabungan.... tama nga sya.... nanalo na walang sugat.....

    sa susunod na linggo... pasyal din ako sa kanila at tinitingnan ko yung manok na nanalo....sabi ko sa kanya na ..."ok na siguro ito e sabong...hulbotin ko lang to"....sabi nya sa akin na wala na yan namilas pero hindi ako nakinig sa kanya......pag uwi ko.... ako nalang ang naka uwi.... talo ang manok.

    itong sinyales..... ay pareho din sa sinyal na sa gabi....obserbahin nyo ang manok na palaging nag "preening".... yung parang nag a-ayos sya ng mga balhibo sa pako at sa katawan.... sabi ng mga matatanda itong klaseng manok ay naghanda na sa guerra....at nag parang nag lagay na ng armor sa kanilang katawan.... itong klaseng manok.... ay maganda maglaro sa laban niya, malakas pumalo....at parang hindi sya maka feel sa mga sugat nya... parang unbreakable...ala bruce willis ! hehehe

  4. #4
    Senior Member dotman's Avatar
    Join Date
    Nov 2005
    Posts
    719
    Post Thanks / Like

    ...

    boss ato,

    kung may sinyales o wala, basta't may laro at nasa kundisyon ang manok, fight siguro ako. pero sabi nga, wala namang mawawala kung maniniwala ka dito. :hippie:

  5. #5
    Senior Member jason_slay's Avatar
    Join Date
    Jun 2005
    Location
    Laguna Sunrise
    Posts
    1,533
    Post Thanks / Like

    condition ur cock well

    observation ang pinakmhlga dito!!! pero walang msama kung mani2wala k s ganyan! hanggat kaya mong pangatawanan! hahaha!

  6. #6
    Manokiz
    Guest
    di lang dapat i-asa,,,

    bigyan ng sapat na pagkain at tamang preparasyun,,,

    kung meron,,,
    TUNGO SA LILONG,,,

  7. #7
    Jusilomeniop
    Guest
    ako naniwala sa mga sinyales

  8. #8
    atogamefarms
    Guest

    cockmates!!!

    ano ano ba ang nalalaman mong mga senyales ng panabong na maganda? sa kaliskis halimbawa ung topic nila na buong kaliskis sa paa. share naman dito

  9. #9
    atogamefarms
    Guest

    dragon legs!!!

    maganda bang kaliskis or sinyales ng manok panabong ung dragon legs?......:hat:

  10. #10
    t2tnaki
    Guest

    minsan..

    oo,minsan totoo, minsan hindi. kc nga ang sabong, swertihan tlga mga pre! d po ba??? pano kung parehong me sinyal ang maglalaban, eh di swerte n lng ang mananalo. pano kung parehong kondisyon at high tech n preparasyon ang gamit ng dalawang maglalaban, eh di swerte n nman ang magdedesisyon. :hippie:

  11. #11
    EAV_back
    Guest

    sir

    para sa akin,wala sa kaliskis un.. di ako nani2wala dun.. swertihan nga po kasi ang sabong.. nasa manok na mismo at mag-tatari..:lol:

  12. #12
    geornam
    Guest
    may mga senyales na totoo ...:hat:

  13. #13
    atogamefarms
    Guest
    ano ba ang senyalis na napapansin natin sa ating mga manok panabong 3 days before the fight hanggang bago ito ibitaw at nanalo or natalo..........paki share naman po mga cockmates:hat:

  14. #14
    atogamefarms
    Guest
    halimbawa po ay ang pagtilaok ng manok habang inaalisan ng bayna, kapag llamado po ang tumilaok at sinagot ng dihado paktay po ang dihado yan po ang aking napapansin sa sabungan pero kapag dihado po ang unang tumilaok at d sinagot ng llamado paktay ang llamado pero pag sinagot nia ito paktay ang dihado.......yan po ang aking experience sa sabungan at palagi kong inaabangan kc dian ako nananalo......pero hindi po 100% 99.9 lng po....he he he!!! try nio po mga cockmates obserbasyon lng po lalo na kong marunong kang makiramdam sa senyales na ipinapakita ng manok lamang sa panalo....:rbounce:

  15. #15
    atogamefarms
    Guest

    Re: minsan..

    cockmates! share naman dito ng ating mga nalalaman na senyalis ng mga manok nating palaging nananalo dian. ano po ang natatandaan natin pahiwatig or paramdam nila bago sila nanalo or d lamang sa kaliskis ng paa kundi sa pagpaparamdam nila na talagang cla ay 99.9% na mananalo, na isa ring nagpapalakas ng loob natin na maganda ang paramdam ng manok un.....:hat:

  16. #16
    atogamefarms
    Guest
    paki share naman po dito ang ating mga experience sa ating mga manok na nanalo or natalo. ano po ang mga ginawa nilang paramdam sa atin bago cla ilaban at nanalo or natalo.....kung ito po ay ating napapansin.......paki share lng po at sa palagay ko ay malaki ang maitutulong nito lalo na sa mga bagong tulad ko at especially sa mga naniniwala dito......thanks!!!...:hat:

  17. #17
    Member swizz_blade's Avatar
    Join Date
    Feb 2006
    Location
    Imus Cavite / CA 92336
    Posts
    213
    Post Thanks / Like
    ato,

    senyales ng manok.. yung manok ng erpat ko noon naka 9 wins at ang kalaban nya daw ay di basta bastang manok, kwento ni erpat.. kahit ako nakita ko yun senyales kapag tumitilaook sya o binubuka ang tuka, may nakikita na parang puting lumiliwanag sa loob.. napakingay sa gabi, tilaok ng tilaok.. naalaala ko parin yung manok ng erpat ko.. kahit di daw nya nakikita yung puting maliwanag sa loob ng tuka.. ang palatandaan nya yung maingay sa gabi na parang ayaw magpatulog ng tao.. hehe


    swizz_blade

  18. #18
    KBAURILE
    Guest
    Ako naniniwala din dyan. Pero dapat maayos pa din ang pagkondisyon mo ng tinali. Dahil bukod sa may swerte ka na dahil sa senyales, meron ka pang back-up na magandang kondisyon.

  19. #19
    atogamefarms
    Guest
    patuka, pakain or pagkondisyon ng manok ay ang unang una talaga sa lahat kc sa pagkakakaalam ko pag wala sa kondisyon ang manok ang ipapakita niyang senyales or paramdam ay matatalo siya....he he he!!! jokes.......ano ano po ba ang mga nalalaman nating paramdam ng ating mga manok ng nanalo cla or natalo? paki post lng po para matutunan natin at mapag aralan...lalo na sa bagong mga tulad ko ay malaking tulong....:hat:

  20. #20
    atogamefarms
    Guest

    Lightbulb may baliktab na tubo ng pakpak or buntot...swerte daw!

    may senyales ng manok na may mga baliktad na tubo ng pakpak, kumpleto na ang pakpak sa loob ay may tumubo pa na pabaliktad sa labas ay swerte daw na pampatuka sa mga isasabong lalo na kung ito daw ay magkabilaang pakpak...nagkamanok naba kau ng ganito at totoo ba?

  21. #21
    Senior Member WT AVALON's Avatar
    Join Date
    Jan 2006
    Location
    So. California-Tarlac,Phil.
    Posts
    6,594
    Post Thanks / Like
    Lagi kong sinasabi sa aking Handler/Conditioner, maganda ang
    may sinyales, at gawing ang tamang condition, at doon lang
    matutulungan ang manok...





    "win or loss ishow you played the game"

  22. #22
    Senior Member mondragon_allan's Avatar
    Join Date
    Jun 2005
    Posts
    2,120
    Post Thanks / Like

    senyales ba?

    kamao--eto ung kaliskis na walang hati (buo) maganda kung nakapwesto malapit sa tahid..maganda ilaban sa kabilugan ng buwan

    krusan---eto ung kaliskis na magkakatapat pati guhit magkakatapan kaya mukhang krus maganda rin kung malapit sa tahid..maganda ilaban sa mahal na araw.

    bastunan----eto ung guhit sa na makakasunod-sunod mula taas pababang guhit...minsan kabilaang paa meron nito....kahit anong araw pwedeng ilaban...

    pakuan----makikita ito sa pinakamailiit na daliri ng nokis kung ang kuko ay nakabaliktad eto ung sinsabi na pakuan...

    barinahan---malimit makita eto sa buntot/pakpak eto ung balahibo na tumutubo na parang barena...

    dila----maganda rin maka tyempo na itim ang dila ng manok..
    super sa panalo....

    uno medya---magandan sa lahat ng klase ng kaliskis...aprubado


    kaliskis ta talampakan---mainam din sa laban wag pauuna sa pagbitaw ng manok sa ruweda





    marami pa sana...next time nalang....hehehehhe

  23. #23
    atogamefarms
    Guest

    Re: senyales ba?

    galing mo naman cockmates!!! ang dami mong alam na kaliskis at senyales ng manok.....pero ung dila na lng ang aabangan ko...he he he!!!

  24. #24
    CHAMPION
    Sabong.NET Derby 2010
    Super_Bayong's Avatar
    Join Date
    Oct 2005
    Posts
    1,620
    Post Thanks / Like

    AKO

    Mahilig sa mga senyales katulad ng doble tahid, Buong kaliskis,

    May kuku sa butse, sota, barenahan at iba pa.

  25. #25
    Junior Member
    Join Date
    Nov 2004
    Posts
    29
    Post Thanks / Like
    walang mawawala kung gusto mo sumunod sa mga pamahiin at tumingin sa kaliskis ng manok panabong basta mahalaga may angking galing ang manok na ilalaban. dahil dala na tayo ng makabagong siyensya kailangang alagaang mabuti ang mga manok panabong, alagaan ito ng katulad sa isang pamilya, na may halaga dahil ang kapalit nito ay isang tagumpay.

  26. #26
    KBAURILE
    Guest
    well said jerome!!!

  27. #27
    macario llanes
    Guest
    Masarap pong mag laban lalo na kung alam mong kumpleto ang manok mo sa lahat. Pero d po ba mas masarap mag laban lalo na kung senyalado kahit konti sa isip natin ay may kasamang swerte ang laban. Pag bitaw mo may kasamang kumpiyansa at konting kaba mas exciting ang laban. win or loose may bukas pa mga kasabong.

  28. #28
    Senior Member DINOPATANI's Avatar
    Join Date
    Jun 2004
    Location
    Mina...............
    Posts
    1,331
    Post Thanks / Like

    Thumbs up sinyales?

    ang isang magandang palatandaan ay kung bago ilaban ang manok mo, siya ay naniniksik sa kanyang puno ng buntot. Kumbaga e "naglalana" kasabihan sa visayas. Meron kami noon talisayin nilaban sa tupada, unang away walang sugat, isang palo lang ulo kaagad ang kalaban. Pinahinga sa limber at ipapasok na sana sa karton, pero panay ang pag lana niya at kumukutok pa. Na trippan ng pinsan kong me toyo rin at mahangin, hinananp uli ng makalaban sa ulutan. Asus.... pinag-agawan ng mga bulong boyz kasi nakita nilang nailaban na. Pumusta lang ako ng konti, kasi duda na nga ako, pero ang pinsan ko tinodo lahat ng pera, sabay bulong sa akin na kung matalo, ilibre ko na lang sya ng pamasahe pauwi.

    Siya ang nagbitaw, unang salto nailalim kami sabay patihulog ng manok, sigawan ang aming mga kalaban. Sabi ko, patay...... napuruhan yata at naghuhugot na ako ng pambayad...... mantakin mong naka bill hold pa ang amin at tumihaya sabay kikig ng mahaba..... talsikan ang mga buhangin, di makita ang dalawang naglalaban.... pagkalipas nung alikabok, kariyo ng sentensyador...... tumutuka ang amin at ang kalaban...... laylay na ang ulo.... panalo uli!

    Malaki ang sugat sa pakpak pero wala sa katawan, mga two weeks lang magaling na uli.....

    Sabi ng mga matatanda, kapag agyun ang pinakikita ng manok mo bago bitawan...... segurado panalo at buhay siya. Swerteng oras raw ng manok yung ganoon......

    Pero sa mga imported na lahi ngayon, wala pa akong nakita na gayun ang manok bitawan....

Similar Threads

  1. Replies: 79
    Last Post: March 3rd, 2014, 11:32 AM
  2. Pagdadala ng manok sa loob ng LRT at MRT...
    By sharp&silver in forum Usapang Manok
    Replies: 14
    Last Post: January 9th, 2013, 11:18 AM
  3. Replies: 11
    Last Post: March 16th, 2012, 12:44 AM
  4. Replies: 15
    Last Post: July 28th, 2008, 04:09 PM
  5. Pampalakas ng Legs ng manok....
    By xzkiel in forum Usapang Manok
    Replies: 5
    Last Post: January 27th, 2008, 05:46 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •