Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 30 of 39

Thread: ano po bang dapat gawin para malakas kumain ang sisiw

  
  1. #1
    neryam_forever
    Guest

    ano po bang dapat gawin para malakas kumain ang sisiw

    mga cockmates patulong naman......ano po bang dapat kung gawin para malakas kumain ang sisiw kasi parang walang ganang kumain, dati hindi naman ganun...nasa 2 weeks & 2 days palang po saya, napansin ko po kasi parang naiba ang katawan nya, ano po kaya dapat ibigay sa kanya na vitamina/pagkain salamat po sana po makatulong po kayo..........



    nerbanz,

  2. #2
    Senior Member ix_precious's Avatar
    Join Date
    Sep 2005
    Location
    L.A. Verna
    Posts
    513
    Post Thanks / Like
    baka may sakit sila sir...

  3. #3
    geornam
    Guest
    doxylak soluble

  4. #4
    neryam_forever
    Guest
    kung sa pa inum ko naman sa kanila vetracin premium, at sa pagkain naman sagupaan chick boster, ano paba kaya ang kulang, pero sa lugar naman ay naa sa CR sila pero malinis namn na CR kasi hindi na ginagamit. pero pinalabas kunaman sa CR 20-30 munites para mag laro......ano po kaya ang kulang sa kanila?

  5. #5
    Member darandaran's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    75
    Post Thanks / Like
    tama ang suggestions, ang sisiw ang likas na maganang kumain. kung merun problema, talagang may sakit. try mo rin ang pyristat or ESB3.

  6. #6
    g-ayo
    Guest

    bacterial flush...

    at LEAST once a month...pag ganyang edad ,sa first week plang then do this from time to time lalo na kung masama ang panahon or sobrang init.
    example: baxidil powder or vetracin soluble etc..

    and vitamins....water soluble syempre...

  7. #7
    Senior Member romcruz's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Posts
    506
    Post Thanks / Like
    Neryam...obserbahan mo muna kung may sakit....check mo yung dumi....kung may kulay pula sa dumi bigyan mo ng ESB3 or Axylin..
    kung wala na man bigyan mo na lng ng antibiotic water soluble...vetracin premium....T2S powder....bigyan mo rin ng multi vitamins...highly recomend ko sa yo score multi vitamin....bigyan mo rin ng bee pollen 1/4 lng pare after 5 days makarecover na yan...kung simpleng sakin\t lang yan.....

  8. #8
    neryam_forever
    Guest
    Sir Romcruz, salamat po pala sa reply nyo Sir, parti naman sa dumi, wala naman akong nakikitang kulay pula……Sir, salamat po ulit at malaking tulong po yan sa aking alagang sisiw, kung pwede po sana na anong klasing multi-vitamins na ibigay ko sa kanya powder po ba???? At anong klasing multi-vitamins…. salamat po ulit Sir……..

  9. #9
    Senior Member romcruz's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Posts
    506
    Post Thanks / Like
    pare...subukan mo score multivitamins water soluble bigyan mo rin ng bee pollen natural antibiotic kasi bee pollen nagbibigay pa ng extra energy....madali sila makarecover....

  10. #10
    3BCA FORTBONIFACIO's Avatar
    Join Date
    Jun 2004
    Location
    THE FORT
    Posts
    2,637
    Post Thanks / Like
    maganda lahat ang gamot na sinabi nila....kailangan lang tamang gamot sa tamang sakit....baka naman sinisipon na ang mga iyan...wala bang singaw yong CR na pinaglalagyan....kahit na malinis iyan kapag may singaw at lumalabas yong amoy na methane hindi magtatagal iyang mga sisiw mo matitigbak iyan.
    "LEGALLY ARMED AND PROUD OF IT"

  11. #11
    Member Ed Domingo's Avatar
    Join Date
    Dec 2003
    Posts
    128
    Post Thanks / Like
    Tama si Mr FORTBONIFACIO tungkol doon sa singaw ng old CR.
    Ang kailangan sa mga sisiw ay malinis ang kanilang kinalalag-
    yan may sariwang hangin na nalalanghap at may malinis na
    kapaligiran. May tamang temperatura ang kulungan dahil sa
    ang mga sisiw ay nagagailangan ng init para hindi magkasakit.
    Ang pagkain ay kailangan din na nasa malinis na lalagyan at
    laging pinapalitan ang tubig na iniinom. Mahirap magpa-sisiw.
    At sayang ang panahon. Kaya isaayos mo ang pagaalaga para
    hindi maubos ang iyong pinaghihirapan.Huwag kang magalala
    sa mga gamot marami kang mabibili sa mga poultry supply.
    Kailangan lamang ay iyong naaangkop sa karamdaman ang
    gagamitin mo. Tama lahat ang mga payo ng ating mga kasama-
    han sa sabong sport.

  12. #12
    Senior Member BullRider's Avatar
    Join Date
    Apr 2005
    Location
    Bakersfield, CA
    Posts
    782
    Post Thanks / Like

    pampagana..

    my 2cents...

    Ang mga sisiw ay natural na merong dala na parental immunity.
    Sa umpisa ng buhay nila, sila ay masisigla at maganang kumain
    but after a few days/period they tend to be "walang gana" at
    nawawalan ng sigla. May programa po ba kayo sa pagbabakuna,
    sa panahon ngayon iba na talaga ang "bakunado". The Vaccination
    Program must be done with their parents prior to the Breeding Season.
    And the Booster Shots are done when the chickens are out.
    Sa kasalukuyang sitwasyon, I would suggest that "MAG PRO-BIOTICS" ka.
    Products like POWER PAK POWDER are really very good.
    They will increase the GOOD BACTERIA in their system and
    deter the population of the BAD BACTERIA. If the BAD BACTERIA
    POPULATION are NOT CHECK, our chickens will SUFFER different
    ILLNESSES.. like those that are mentioned above.. ANTI-BIOTICS
    are toxins to Our Chickens' System..and kung hindi ito maiiwasan
    sa paggamit..the immediate USAGE of Pro-biotics treatment with
    our CHICKENS are necessary. Dahil sa bawat gamit ng ANTI-BIOTICS,
    pinapatay nito BOTH THE GOOD and BAD BACTERIA..therefore
    making our chickens' IMMUNE SYSTEM WEAKER and WEAKER as
    it goes on..hence to replace those Good Bacteria you need to use
    the POWER PAK POWDER or YAKULT which has LOTS of GOOD
    BACTERIA with your FEEDS..

    CHEERSSS and HAPPY COCKING...

    BullRider:hat:

  13. #13
    Senior Member escobar's Avatar
    Join Date
    Jan 2005
    Posts
    519
    Post Thanks / Like
    lagyan mo ang chick booster nila ng powdered milk gaya ng bear brand. ganun ang ginagawa ko from day old to 3 weeks. kung madami ka namang pera e lactum ang ilagay mo. tatlong apaw na kutsara sa bawa't kilo ng patuka. makikita mo naman ang epekto sa sisiw, 3 days old pa lang ang sisigla na. pag 1 month old na pwedeng wala na. lagyan mo rin ng quick cooking oats ang pagkain nila pag ang edad ay 1 week pataas.

  14. #14
    neryam_forever
    Guest
    Sir, Romcruz salamat sa reply mo ulit, pero Sir, nag gamit ako ng Vetracin Premuium, yun po bang ipalit ko ung score multi-vitamins????

    Sir FORTBONIFACIO, salamat din sa reply mo, tungkol naman sa CR Sir, minsan maamoy pero inayos ko namang mabuti na hindi sya sisingaw kasi kung sisingaw naman pati kami maka amoy, kasi wala nang pintu-an na ang CR na un, pero e double check ko parin baka un ang dahilan na nag ka sakit sila..salamat po ulit Sir FORTBONIFACIO.

    Sir Ed Domingo, salamat din Sir sa mga payo nyo, at tungkol naman sa malinis na lugar at pag lilinis kulungan ayos naman pati araw-araw na tubig. …pero ung sariwang hangin hindi ko po un maibigay, pero inilabas ko naman 20-30 munites araw-araw para maka pag laro…… salamat po ulit Sir Ed,…..

    Sir BullRider, salamat po sa lahat ng payo nyo, Sir tama po kayo sa umpisa palang nakakasayang tingnan kasi talagang masisigla at malakas kumain ang mga sisiw, pero pag dating ng 1week after parang na iba na parang wala ng gana…..at tungkol naman sa pag babakuna, hindi po sila na ipa-bakuna, kasi hindi ko alam kong anong proper processing sa pag pabakuna at anong magandang bakuna….kaya hindi ko nalang po na ipa-bakunahan… at sa pag gamit ko po ng yakult Sir, ano ko pong gawin ihalo ko lang sa pagkain nila????salamat po din Sir, malaking tulong po yun sa aking sisiw…..

    Sir Escobar, salamat po din Sir, lagyan ko ng powdered milk yong sisiw ko, laking tulong po yan sa sisiw ko… at sa mga idea nyo….salamat po ulit sa Sir,….


    Sa lahat ng nag susuporta sa aking sisiw…Salamat po sa lahat ng nag bibigay ng payo sa aking sisiw…… SALAMAT PO ULIT….. LAKING TULONG PO YAN SA SISIW KO…SA LAMAT PO ULIT…….



    nerbanz.....

  15. #15
    Senior Member romcruz's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Posts
    506
    Post Thanks / Like
    pare....although mataas ang B12 content ng vetracin para pampagana kumain antibitioc pa rin ito....siguro pang preventive maintenance mo nal ang ok yan score....

  16. #16
    geornam
    Guest
    trisullak caplet...kung di na kayang lunukin trisullak injectable...

  17. #17
    Member raul dimaandal's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Location
    Virginia
    Posts
    135
    Post Thanks / Like
    gutumin mo lang!

  18. #18
    Senior Member Kidd Sentencia's Avatar
    Join Date
    Apr 2000
    Location
    Carson Ca/Pangasinan
    Posts
    4,991
    Post Thanks / Like
    Huwag din kaligtaan ang mga preventive meds...CRD, fowlpox, etc.

  19. #19
    neryam_forever
    Guest
    Sir Rormcruz, salamat sa iyong pagsusuporta sa mga sisiw ko Sir, sa ngayon sa tingin ko ok na yong sisiw ko, sana tuloy2x nato, salamat po ulit Sir.

    At sa lahat ng nag susuporta sa thread na to.. salamat din po ulit......




    nerbanz,

  20. #20
    CyberFriends HAS's Avatar
    Join Date
    Sep 2001
    Posts
    483
    Post Thanks / Like
    Try mixing afscillin sa feeds nila and laktamino sa tubig.

  21. #21
    Senior Member mataban's Avatar
    Join Date
    Oct 2005
    Location
    Oas,Albay/Queens,NY
    Posts
    20,675
    Post Thanks / Like
    as long as maganda ang pangangatawan at di nagkaka sakit ang mga sisiw mo... mas maganda ang konti lang kumain tipid ka tol.. hehheh

  22. #22
    neryam_forever
    Guest
    Sir HAS, kung mag gamit tayo ng laktamino hindi po ba mag conflict sa vetracin, kasi vetrasin po kasi ang gamit ko, sa ngayon nga parang nanghihina na ulit ung sisiw ko…..ano kayang dapat gawin dito para bumalik sa normal ang sigla nila….. sa tingon ko kasi parang nanghihina at parang pumapayat……. Sana maka tulong po kayo sa baguhan….



    Sir Mataban, salamat pos a reply nyo at hindi po kasi pwede eh kasi saying po kasi if mamatay sila…. At ang pagud natin at sacrepesyo…..


    nerbanz,

  23. #23
    Senior Member mataban's Avatar
    Join Date
    Oct 2005
    Location
    Oas,Albay/Queens,NY
    Posts
    20,675
    Post Thanks / Like
    neryam_forever,

    pre ung sinabi is incas ena wala kang problema sa sakit ng chicks siempre mas gugustuhin mo na konti lamang ang tsibog pero ok ang pangangatawan..


    sa akin pre ang ginagawa ko ay isinasama ko sila sa nanany up to 2-3 weeks sa kulungan at di ko sila pinapalabas.. pinapakain ko sila kasama nanay.. kung nag kakasakit ay wala akong ginagawa kung i alis na lang ito at ihiwalay sa ibang mga kapatid at baka madamay pa ang iba... after that inaalis ko na nanay sa kanila.. minsan kasi napansin ko na by nature ang mga hens ang natuturuan ang mga sisiw kung pano mabuhay.. gngawa ko lang ito kasi maliit lang ako mag produce at di by volume na kailangan ng incubator...


    sana makatulong sau eto ay personal na ginagawa ko...

  24. #24
    Senior Member utoy_32's Avatar
    Join Date
    Mar 2006
    Posts
    886
    Post Thanks / Like
    kakmeyt, baka naman kaya matamlay eh di na natutunawan ang mga sisiw mo? at tanong ko lang bakit naman sa CR mo nilagay ang mga sisiw mo wla kabang cage para sa mga sisiw? kasi kahit na wlang pintuan ang C.R. na pinaglagyan mo iba pa rin un nasa labas ang kulungan nila at least naka ka circulate ng maganda ang hangin na nalalanghap ng mga sisiw mo diba? not like sa C.R. na limitado lang..

    advice ko lang pre, ilipat mo sila ng pwesto, tapos Vet.gold mo. mas maganda sa premium un, pag dating ng 1 month old na sila i pidro worm killer mo na sila..at dapat i vaccine mo na sila hanggat di pa sila tinatamaan ng sakit..lalo na ngayon pasok na ang tag-ulan sa atin.

  25. #25
    orlando
    Guest
    ang lugar na kinalagyan ang dahilan ng pagtamlay ng sisiw.not conducive to their health ikanga.

  26. #26
    neryam_forever
    Guest

    salamat po sa mga payo nyo....

    Sir Mataban, salamat po ulit sa mga payo nyo….. ung sinasabi mo ay isasama sa inahin ung mga sisiw, ay yan din dati ang ginawa ko sa amin sa provinsya, kaso lang ay nasa manila pa po kase ako… un din dati ang ginawa ko dati Sir masmaganda sana kung may inahin kaso lang hindi pwede….. salamat po ulit Sir sa mga payo nyo……


    Sir utoy_32, salamat po sa mga payo nyo Sir, malaking tulong po un sa sisiw ko, at sa mga baguhan……tungkol naman sa kulungan ay wala po kasing ibang ipinaglalagyan kayat nasa CR sila na punta, mahilig lang kasi sa manok kayat anong paraan bastat maka pag alaga lang ng manok….pero hindi naman mabaho ung CR, pero pinalabas ko naman 20-30 munites para maka kita naman sila ng araw, at makapag laro… at ung painumin kop o naman ay Vet. Gold ..salamat po ulit Sir malaking tulong po ito…..


    nerbanz,

  27. #27
    neryam_forever
    Guest
    Sir Orlando, parang dito na nga sa kinalalagyan ko sa CR, pero malinis naman at wala namang amoy ung CR, pero sa hangin wala silang malalanghap na preskong hangin……..salamat po sa rply nyo…..

    nerbanz,

  28. #28
    Senior Member mataban's Avatar
    Join Date
    Oct 2005
    Location
    Oas,Albay/Queens,NY
    Posts
    20,675
    Post Thanks / Like
    GOODLUCK SYO PAREKO!!!


    enjoy cocking

  29. #29
    neryam_forever
    Guest
    Salamat po Sir....... Sir, may bagong dating na manok ah, sa gallery mo, ang ganda, parang machine gun ang dating, kapag pumalo un parang mahihiyang tumayo ang kalaban hehehehehehe.... ganda Sir...........



    nerbanz,

  30. #30
    Member vqquerol's Avatar
    Join Date
    Apr 2005
    Posts
    484
    Post Thanks / Like
    gud pm....ano kaya dosage ng afcillin sa feeds ng manok....

    ano po ba kinakain ng manok at walang gana

Similar Threads

  1. Replies: 107
    Last Post: August 20th, 2012, 03:34 AM
  2. ano dapat gawin para gumanda pagtunaw ng manok
    By f2gade in forum Usapang Manok
    Replies: 7
    Last Post: February 20th, 2009, 11:39 PM
  3. anok gamot d2 ayaw tumaba pero malakas kumain
    By fowlfox_denan in forum Filipino Discussions
    Replies: 9
    Last Post: August 18th, 2008, 10:54 PM
  4. Ano ang dapat gawin para ganahan ang manok sa pagkain
    By C.A.T. in forum Filipino Discussions
    Replies: 12
    Last Post: June 2nd, 2008, 07:20 PM
  5. Putulin ang dulo ng dila para mas malakas kumain
    By honeyroyce in forum Usapang Manok
    Replies: 37
    Last Post: May 25th, 2006, 09:27 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •