Results 1 to 20 of 20

Thread: hackfight:sa pagitan ng ala una at alas dos ng hapon ang gusto mong laban.

  
  1. #1
    tsampoy
    Guest

    hackfight:sa pagitan ng ala una at alas dos ng hapon ang gusto mong laban.

    anong oras sa umaga ka mag papakain at ilang gramo ng patuka?ito ay isang tanong para sa mga nag ha hackfight.halimbawang sa pagitan ng ala una at alas dos ng hapon ang gusto mong laban.halimbawang hindi natin ia apply ang tinatawag na pag labas ng moisture dropping,yung ta tantsahin lang natin yung bilang ng oras ng pagtunaw at pag diskarga ng butse (crop) ng manok at ilang oras na lakas dulot ng nutrients na naipasa sa gizzard at intestine.anong oras sa umaga ka magpapakain at ilang gramo o kutsara ng pagkain ang ibibigay mo?

  2. #2
    Senior Member cocker122563's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    pateros, metro manila
    Posts
    700
    Post Thanks / Like
    base sa experience ko, mga anim oras bago mawala sa butse at mapunta sa bituka para i-digest ang pinatuka natin sa manok (depende rin ito sa dami ng patuka. kung magpapakain ka ng regular feed of 2 tablespoons ay mga 8 oras pero kung half lang o isang kutsara ay mga 6 oras lang.) so kung maglalaban ka ng 1 to 2pm, i suggest na pakainin mo sila ng alas-sais "eksakto" ng umaga para tamang-tama lang ang pag-peak ng manok mo. na halos puti na lang ang inilalabas niya come fight time.

    sa takal naman ng patuka, binibigyan ko sila ng 1 heaping tablespoon (yung punung-puno talaga ang kutsara) at kalahating nilagang puti ng itlog. nakakatulong tumunaw kasi ng conditioner feeds ang puti ng itlog. by 1pm ay halos wala ng laman ang butsi ng manok.

    hope this helps.

  3. #3
    talahib747
    Guest
    tsampoy,

    pare pag hackfight suggest ko lang sa iyo ay wag mong ipoint gaya ng ginagawa mo pag nagdederby ka. kasi mahirap mangyari ito sa oras ng laban nya. di mo hawak ang oras kaya di mo matatantiya. yung paghahanap lang ng kaulot ay di mo na mameasure kung ganu kabilis o ganu katagal, yung pagpila sa tarian ay di mo din kalkulado kung aabot sa oras, yung pila papuntang ruweda ay di mo din matatantiya ang oras at pagdating sa ruweda ay di mo din matatantiya ang bilis ng kasador sa pagkasa ng pusta mong P1.1M. pag minalas ka pa ay ilabas nung kalaban mo yung manok nya pag sinampu anim sa tawagan.sakit ng ulo mo ngayon ito pag nagkataon.

    suggest ko sa iyo ay wag mong gutumin ang manok mo at baka mag-off. tantyahin mo lang yung kakainin nya ay tama lang tunawin nya sa maghapon.

  4. #4
    Senior Member cocker122563's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    pateros, metro manila
    Posts
    700
    Post Thanks / Like
    Tama ka doon, talahib 747. Once kasi na nag-peak na ang manok, ang kasunod nun ay downhill na ang progression ng kondisyon niya o ang tinatawag na pagiging off or off-peak ng manok. Pag nangyari yun, mas makabubuting huwag mo na lang ituloy ang laban ng manok mo.

    Nainterview minsan si Gerry Alivia ng CVGBA, champion ng Bakbakan 2001 & 2002, na mas mainam daw ilaban ang manok na may laman ang butse kaysa wala for the simple reason na ang manok na gutom, dalawa ang nasa isip, ang kumain at lumaban. Hindi kagaya kung busog ang manok na nakasentro talaga ang isip sa pakikipaglaban.

  5. #5
    tsampoy
    Guest
    preng talahib at cocker,maraming salamat for sharing your experiences and knowledge.tanong uli mga kaibigan.halimbawang dumating ako ng ma agaaga sa sabungan at ikinulong ko muna ang manok para mag rest.GAANO KADALAS O KADA ILANG ORAS KO SIYA ILALABAS SA KULUNGAN PARA MAG LIMBER AT MAG DROP(TUMAE)?papaano naman ang timing dito?bale sa pagitan ng ala una at als dos pa rin ang gusto kong laban.

  6. #6
    larryboy
    Guest
    di naman kailangan na talagang busog pre,dahil kung busog, ang blood circulation mas malakas sa digestive system para tunawin ang pagkain.syempre kailangan equal para pati brain functional,konting butil ng mais at chop boiled egg cguro pwede na para lang makaconcentrate sa laban.

  7. #7
    Member judgedred's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Location
    Silang Cavite
    Posts
    489
    Post Thanks / Like

    tanong din po?...

    Gaano karaming tubig ang kailangang ipa-inom sa ating feathered warrior? Kailangan pa ba kahit meron ng boiled egg white na pinakain?

  8. #8
    larryboy
    Guest

    Re: tanong din po?...

    judgedred


    sa mga feedstore dyan sa pinas pre merong conditioning method na galing kay p.a ng sagupaan,applicable yan hackfight man o derby.obserbahan mo lang droppings kung kailangan ng tubig mga dalawa o tatlong sip pwede na.

  9. #9
    Senior Member MICHAEL ALCANTA's Avatar
    Join Date
    Jul 2004
    Location
    taguig city....
    Posts
    670
    Post Thanks / Like

    Re: hackfight:sa pagitan ng ala una at alas dos ng hapon ang gusto mong laban.

    gud day mga kasabong.. up lang natin baka meron pang magbigay ng tip.....

  10. #10
    Senior Member kikiyo17ca's Avatar
    Join Date
    Jul 2007
    Location
    MASINLOC-LAGUNA-CANADA
    Posts
    696
    Post Thanks / Like

    Re: hackfight:sa pagitan ng ala una at alas dos ng hapon ang gusto mong laban.

    taas ko lang po!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  11. #11
    Member
    Join Date
    Dec 2009
    Location
    Maryland, USA
    Posts
    101
    Post Thanks / Like

    Re: hackfight:sa pagitan ng ala una at alas dos ng hapon ang gusto mong laban.

    sa akin nman pag hackfights lang di problema sa akin kasi sinasanay ko ang manok ko sa bitaw na busog siya. Hindi ako nagbibitaw ng manok na hindi kumain muna. Kasi minsan pag nag init ang pwet ko sa bahay, bigla ko na lang dadalhin ang manok ko sa sabungan at nilalaban. Nananalo nman ako parati. Ang ginagawa ko kasi parati silang nakacondition. yun nga lang magastos kasi magastos ang magkundition ng manok sa pagkain, tableta, etc. Natural conditioning ang gamit ko kasi kung magexercise ako ng manok baka pagnsaumpungan kong ilaban siya baka pagod at di pumalo. Kung natural ang conditioning, pwede uraurada mong ilaban. Kaya mga manok sa bahay, friday pa lang naka up na sa kulungan. syempre iba nman pag derby. Dapat talaga timing lahat ang pagpakain at pointing. Manok ko Monday to friday nsa running pen yan katapat tandang o inahin para galaw ng galaw. Nasa tabi ng daanan ng tao para masanay at di mailang, sa gabi lipat sa flying pen para makalipad at humapon. pag dating ng hapon ng friday, nasa keep na ito. At least nakapahinga bago ilaban sa sabado o linggo.

  12. #12
    Member
    Join Date
    Dec 2009
    Location
    Maryland, USA
    Posts
    101
    Post Thanks / Like

    Re: hackfight:sa pagitan ng ala una at alas dos ng hapon ang gusto mong laban.

    Ang laban nman natin ay slasher so hindi kailangan na maresistensya ang manok mo. Hindi nman patagalan ang laban. Sandali lang katalo na. So kung ang manok mo magaling pumalo at sumugat, pwede ka ng manalo. Pwera na lang kung medyo malas ka at nagtagal ang laban umabot ng basaan. Pero sa akin naman, nananalo rin ako sa basaan kasi condition rin nman ang mga manok ko. 24/7 yan condition sila. Wala akong maintenance feeds parating feeds para conditioning. tuloy tuloy yan. Saka once a week ako magbitaw, tuwing mondays 10 minutes after they eat sa umaga tapos 10 minutes after they eat sa hapon. Saltik lang ang bitaw ko, yun bang kumilos lang sila.

  13. #13
    Senior Member
    Join Date
    Dec 2009
    Posts
    822
    Post Thanks / Like

    Re: hackfight:sa pagitan ng ala una at alas dos ng hapon ang gusto mong laban.


    sa akin ang pinag aaralan ko kung gaano kabilis tumunaw ng pagkain ang manok,kasi,tulad rin ng tao,iba iba ang bilis ng panunaw ng manok,basta ang pinaka importante,kabisado mo ang mga panlaban mo,kaya mo ng i timing kung anong oras sila pwedeng ilaban,kasi sa hackfight,matatantya mo lang ang oras ng laban kung na ulot na ang manok mo.

  14. #14
    Member maldito's Avatar
    Join Date
    Dec 2009
    Location
    olongapo city/alaminos city
    Posts
    50
    Post Thanks / Like

    Re: hackfight:sa pagitan ng ala una at alas dos ng hapon ang gusto mong laban.

    maki-up lang po magandang usapan eto about sa hackfight at malapit na din ang bakasyun ko sa pinas at ng masubukan etong mga bigay ng mga ka sabong natin dito....
    Quote Originally Posted by redevil

    sa akin ang pinag aaralan ko kung gaano kabilis tumunaw ng pagkain ang manok,kasi,tulad rin ng tao,iba iba ang bilis ng panunaw ng manok,basta ang pinaka importante,kabisado mo ang mga panlaban mo,kaya mo ng i timing kung anong oras sila pwedeng ilaban,kasi sa hackfight,matatantya mo lang ang oras ng laban kung na ulot na ang manok mo.

  15. #15
    Member baruchashem jka's Avatar
    Join Date
    Dec 2009
    Location
    chino california/holyland/tiaong quezon
    Posts
    298
    Post Thanks / Like

    Re: hackfight:sa pagitan ng ala una at alas dos ng hapon ang gusto mong laban.

    magandang usapan eto...taas ko lng...

  16. #16
    Senior Member
    Join Date
    Nov 2005
    Location
    cuernos de negros
    Posts
    3,208
    Post Thanks / Like

    Re: hackfight:sa pagitan ng ala una at alas dos ng hapon ang gusto mong laban.

    sana meron pang mga inputs dyan

  17. #17
    Member
    Join Date
    Oct 2011
    Posts
    110
    Post Thanks / Like

    Re: hackfight:sa pagitan ng ala una at alas dos ng hapon ang gusto mong laban.

    Ang ginagawa ko, 1 kutsara lang na patuka mga 7am, tapos baon ng saging at pellets sa sabungan, pag di agad naulot at nakita basa ang ipot, binibigyan ko ng mga 3 pirasong pellets, pagka na delay pa ng kunti ang laban patutukain ng kunting saging.

    Sa hackfight di mo sigurado kung malaban ng ala 1pm o 6pm an manok mo, kaya ang ginagawa ko na lang pag delayed ang laban binibigyan ko ng saging para di naman sumubra gutom ng manok at mag off.
    Last edited by tiktaktwo; March 9th, 2012 at 03:59 PM.

  18. #18
    Member Uragons's Avatar
    Join Date
    Dec 2011
    Location
    Pangasinan/bico
    Posts
    237
    Post Thanks / Like

    Re: hackfight:sa pagitan ng ala una at alas dos ng hapon ang gusto mong laban.

    Makisingit lng poh mga sir,pnu naman p0h pag 9-10 am ang laban ng man0k,panu ang feeding at ganu kadami?...

  19. #19
    Member
    Join Date
    Oct 2011
    Posts
    110
    Post Thanks / Like

    Re: hackfight:sa pagitan ng ala una at alas dos ng hapon ang gusto mong laban.

    kabayan yong sa akin lang, pwede mong bigyan ng mga 5 butil ng pellets at mga 5 pecks ng saging at 5 dips water kahit 7am din.
    Last edited by tiktaktwo; March 9th, 2012 at 10:28 PM.

  20. #20
    Senior Member drewpogi's Avatar
    Join Date
    Jul 2008
    Location
    pque
    Posts
    558
    Post Thanks / Like

    Re: hackfight:sa pagitan ng ala una at alas dos ng hapon ang gusto mong laban.

    sakin 7am 5crackcorn 5 pellets 5 grains tapos mag babaon nalang ako ng crack corn meryenda kapag medyo humaba ung oras sa pag uulot

Similar Threads

  1. Pagpapakain sa araw ng laban- HACKFIGHT at DERBY
    By jdjulianne in forum Filipino Discussions
    Replies: 18
    Last Post: November 18th, 2011, 06:05 PM
  2. di ituloy ang laban sa dec.21 pero ituloy sa hackfight
    By remmuel in forum Usapang Manok
    Replies: 9
    Last Post: December 6th, 2007, 10:23 PM
  3. Replies: 12
    Last Post: July 15th, 2007, 11:46 PM
  4. Eto ang laban na gusto nating mapanuod!!!
    By gensoriano in forum Chit-Chat
    Replies: 12
    Last Post: December 17th, 2006, 04:29 AM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •