Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 30 of 54

Thread: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

  
  1. #1
    Member
    Join Date
    Aug 2003
    Posts
    195
    Post Thanks / Like

    Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Mga cockmates,

    Anong balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban kung Newmoon, First Quarter, Fullmoon at Last quarter.

  2. #2
    Senior Member
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    1,139
    Post Thanks / Like
    cockmate; gusto ko sanang ishare sa iyo ang aking mga naging obserbasyon during my past 25 years na pagsasabong tungkol sa tanong mong anong balahibo ang dapat ilaban ayon sa buwan (moon) igan, observation ko lang to. it might help.
    mainam nailaban ang mga sumusunod kapag NEW MOON :
    sinibalang,puti,bangkas,dalusapi,malatuba,bulao
    kung !st Quarter o nagsisimula palang magkabuwan:
    abuhin, binabae,talisain
    pag bilog ang buwan o FULL MOON :
    alimbuyugin, malatuba, kasilihin,panaguan, hirao,
    white chocolate,gold
    sa LAST QUARTER mainam ang:
    bangkas o pyle,mayahin

    tandaan mo kaibigan na itoy pansariling observation ko
    lang at PAA at H I N D I balahibo ang pinampapatay ng manok.

    mayroon din akong obsevation tunkol sa kulay ng paa sa next time ..... good luck sa iyo.

  3. #3
    dunghill
    Guest
    hindi ako naniniwala dyan, dahil kung paglabanin natin ang mag katulad na kulay ng paa at balahibo ay diskarte pa rin ng individual na manok ang kalalabasan ng resulta. hindi maaring maging laging draw ang bawat laban ng mag katulad. katulad ng dunghill, dunghill pa rin sya kahit ano ang kanyang kulay.

  4. #4
    Member bossm's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    127
    Post Thanks / Like
    ang sbong dalawa lng yan...... panalo at olat ....... khit nong kulay pa ng balahibo at paa basta ang importante lging handa ang bulsa mo......:blush:

  5. #5
    blackhatch
    Guest
    kakmeyt,

    sa mga naniniwala sa calendar horoscope maaring tama ang mga nakasulat dahil daang taon din pinag-aralan ng mga dalubhasang mananabong.

    pero sa advance technology na mga gamot at panuka natin ngaun na mabibili sa mga poultry supply ay pinag-aralan din ng mga mas matatalino at magagaling na scientist/chemist/vetmed.

    laging tandaan "speed, good cutting ability at aggressivess" kung meron ang manok mo nito, lamang ka sa panalo.

    godbless and goodluck!

  6. #6
    BackYard
    Guest
    Mga CockMates,

    Hi-Tech na ngayon! good foods and medicines supplements, good quality/characteristics of your fowl, good environment and shellter. You among the best of best!!!

    --BackYard

  7. #7
    SIAKO
    Guest
    Pare Sonny Padilla....sa paa naman, anong kulay ang dapat ilaban sa NM,FM,FQ and LQ?
    Maraming Salamat!

  8. #8
    Member alimbuyugin's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    BATANGAS
    Posts
    308
    Post Thanks / Like

    pamantayan?

    ang payo ko lng sa U kaibigan wag m ng pag-aksayahan ng panahon kung ano kulay ng paa at balahibo at kung kelan maco-confused ka lang ang mahalaga sa manok bloodline,gameness,cutting ability etc. at lalo pinaka-importante health, ipoint-out ko lng ha tama nga ung buwan,kulay ng paa at balahibo eh kung payatot at nagkasakit ang manok wala rin hadlang sa pag-asenso ang mga ganyan,sa ganang akin...:hat:

  9. #9
    Senior Member
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    1,139
    Post Thanks / Like
    kaibigang SIAKO ,

    sa aking obserbasyon, kapag new moon (walang buwan) magandang ilaban ang yellow legs , ganoon din hangganang 1st quarter pero pag full moon na (bilog na ang buwan) ang mga manok na green, blue at silver legged ang madalas na nanalo kung ang kanilang makakatapat ay yellow at white legs. kapag last quarter na o pawala na ang buwan, ang white legs ang magandang ilaban.
    note: muli kong sasabihin na itoy pansarili kong obsevation
    salamat sa tanong mo kaibigang SIAKO

  10. #10
    miguel88
    Guest

    sabong myth

    mga igan,

    halos lahat ng mananabong ngayon ay talagang makabago na dahil na rin sa mga ads na nababasa sa magazine at napapanood sa tv subalit di parin natin mai-aalis sa ilan lalo pa duon sa mga OLD Cockers natin na minsan ay sumasandal parin sa mga pamahiin o sa myth na sinasabi ng ilan...ako ay nagsimula magsabong 7yrs ago lang pero ako ay isa sa mga naniniwala na may araw din talaga ng mga buenas o malas. ang myth ay alternatibong gabay bukod sa bagong teknolohiya na ating sinusunod....wala naman masama kung may sinusunod tayong ganito lalo pa kung ito ang nagiging gabay sa ating pagka panalo....WALANG PINAGKAIBA YAN SA MGA GAMOT NA BINIBILI AT BINIBIGAY SA MGA MANOK NATIN...kumpleto nga medication at maganda ang training pero sa laban talo pa rin...MAHIRAP IPALIWANAG DI BA???

    sonny_p, napuna ko lang parang baligtad ang ating gabay...hehehe! patunay lang yan na walang tiyak na paraan para sa 100% winning....

  11. #11
    SIAKO
    Guest
    Pareng Sonny, maraming salamat!

  12. #12
    Member
    Join Date
    Aug 2003
    Posts
    195
    Post Thanks / Like

    Myth or Pamahiin

    SONNY P./ SIAKO / MIGUEL88 / ALIMBUYUGIN,

    Mga cockmates, thank you sa mga share ninyo, mas mainam din talaga na parehong meron tayong pamahiin at at scientific method sa mga manok natin (quality, speed, agressiveness or pointing) ang mga pamahiin na ayon sa buwan ay makakatulong din kung parehong nating pagsabayin.
    Sa aming sabungan sa lugar namin, aking na obserbahan halimbawa fullmoon, mga manok sa ulutan halos mga pinutian mga sinibalang, lasak, bangkas at kung minsan mga binabae pa. Sa sabungan sa amin, kung maoobserbahan mo, kapag malas ang talisain malas talaga, kahit anong gawin, kung minsan parehong talisain ang naglaban parehong tabla, pero kapag buenas ang ganong balahibo, buenas yon mag hapon,
    Kaya sabi ng Lolo ko (RIP) kapag maglalaban ka ng manok mo ay iyong ayon sa buwan na balahibo nya, bukod sa preparado na sa gamot at kondisyon ang manok mo, ay doble pa ang lakas nya dahil sa ka buwanan ng balahibo nya. kung minsan talaga mas matibay ang pamahiin.

    Egay

  13. #13
    miguel88
    Guest

    calendar myth

    yong dating kasamahan ko sa trabaho meron pa ngang sinusunod na libro kung ano ang mataas ang kulay (in reference sa kulay ng paa at date). hal. tuwing a-uno or 1, mataas daw ang panalo ng mga green legs at itim ang paa over sa mga malinaw na paa... yan ang pinoy cockers!!! hahaha! kailangan mong sauluhin ang 1-31 na petsa sa kalendaryo kung anong kulay ng paa ang may mataas na % manalo....

  14. #14
    Member
    Join Date
    Aug 2003
    Posts
    195
    Post Thanks / Like

    confidence.

    Pareng Miguel88,

    Alam mo pre may katotohanan din naman talaga ang pamahiin, pero para sa akin hindi pamahiin ang mga iyon.
    ang mga kulay ng balahibo at kulay ng paa ng mga manok ay may kanya-kanyang araw talaga, ma-oobserbahan mo kapag araw ng sabong, Halimbawa, Kulay ng talisain buenas ng araw na yon, makikita mo na malilinaw ang palo ng mga talisain, kahit binubugbog pa sila ng kalaban hindi sila mapatay patay, pero kapag biglang pumalo ang buenas na balahibo sigurado na 3 points ka na.
    Kaya para sa akin, hindi ko matatawag na pamahiin ang mga kulay ng balahibo ng bawat manok, mayroon talaga silang mga panahon ng laban na malalakas sila, kaya't sa kabuuan ng lahat ng ito. Ito'y hindi pamahiin lamang, ito'y isang pag-aaral din at obserbasyon ng isang mananabong (tulad ko).
    Kaya ang payo ko sa mananabong, mag-obserba muna bago kayo maglaban ng manok para mas malaki ang tsansa na manalo ang manok mo, dahil ito lamang ang huling sandali na iyong maitutulong sa alaga mong manok. Salamat po.


    Egay

  15. #15
    Senior Member reongmanchi63's Avatar
    Join Date
    Jul 2003
    Location
    USA
    Posts
    819
    Post Thanks / Like

    Korek Ka dyan....

    Di ba si Idol PA ay nangangaliskis din at tumitingin sa balahibo? Tignan nyo yung mga kalendaryo ng winners nya may kaliskis na balanse pa ngang sinasabi o timbangan....!Siguro wala namang masama kung maniniwala ka sa ganitong paniwala lalo na kung aalagaan mong mabuti ang panlaban mo.

  16. #16
    miguel88
    Guest
    ema,reo

    sang-ayon ako sa inyo...ako nga mismo pag nasa sabungan na ako para maglaban ng manok, ang una kong pinupuntahan na lugar ay yong pagamutan ng manok para makita kung anong balahibo o yong kulay ng paa ang nagpapanalo...pagkatapos duon naman sa mga napatay na manok...hehehe! cgurista ba????

  17. #17
    Member
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    75
    Post Thanks / Like

    sa akin lang ito

    basta sa akin ang importante ay binibigay ng husto ang mga paa
    at malalakas na palo kahit ano pa ang kulay basta pumapalo ng todo ok na yan! di ako masyadong naniniwala sa mga kulay ng balahibo dahil di ito nakakamatay kundi sa palo ng manok..

    opinion ko lang naman igan...

  18. #18
    joe@manoks
    Guest
    bossing sonny padilla.... tong lasak o lambohon sa visaya pwede ba to sa last quarter...puti kasi ang kanyang paa...

  19. #19
    lryhdc
    Guest
    naku iho wag kang magpaniwala sa mga ganyan! sabi nga high tech na tayo ngayon.

  20. #20
    Member
    Join Date
    Aug 2005
    Posts
    199
    Post Thanks / Like

    balahibo

    di masamang maniwala sa mga sina una pero minsan di masamang maniwala paminsan minsan. pagnagsabong ang tiyohin ko ang unang tingin niya yung nakakabalahibo ba kami yung tipong kayang patayin agad ang kalaban.

  21. #21
    Senior Member casti21's Avatar
    Join Date
    Jun 2004
    Location
    Victorias City
    Posts
    812
    Post Thanks / Like
    perdi pilo.

  22. #22
    Senior Member reongmanchi63's Avatar
    Join Date
    Jul 2003
    Location
    USA
    Posts
    819
    Post Thanks / Like

  23. #23
    Junior Member
    Join Date
    Dec 2005
    Posts
    3
    Post Thanks / Like
    right & proper fowl management ang akin lang...

  24. #24
    Senior Member Kidd Sentencia's Avatar
    Join Date
    Apr 2000
    Location
    Carson Ca/Pangasinan
    Posts
    4,991
    Post Thanks / Like
    pula o kaya, red :lol:

  25. #25
    Simurgh
    Guest

    Paliwanag ang kailangan hindi pinagtawanan

    Ang buwan ay mahalaga sa lahat mga hayop maging tao man.
    Sa mga manok mahigit sa 50 porsyento ay naapektuhan ang mood at kondisyon. pag inilaban mo ang manok ayon sa mga proven na pamahiin, ito ay indikasyon na malamang nasa magandang kondisyon ang manok. Kung nasa kondisyon ang manok mo hindi rin ito garantiya na mananalo ka. epektibo ito sa mga kasamahan nating medyo salat sa mga kaalamang moderno at perang panustos sa mga mamahaling gamot gaya ng bacyard raiser na magbubukid. Hindi panalo kondi kondisyon ng manok ang laman ng pamhiin ng lolo ninyo. Alam nating ang manok na nasa kondisyon ay lumalaban ayon sa limitasyon ng kanyang kakayahan.hindi siya umgaling pero inilalabas niya ang kanyang lubos na kakayahan. Kung siya manay manalo, ibig sabihin nanlo siy dahil higit siyang nasa mabuting kondisyon at galing kesa kalaban. isang palo lang kalimitan ang simula ng panalo ng manok natin . kung sadyang hindi magaling ang manok natin at nakauna sa palo makikita natin na pingtatawananang ang manok natin habang pinapatay ng unti unti ang mas magandang lahi na papatalo na.

    ANg pamahiin ay physical at mental condition lamang.

    Sa totoo lang , my time na tumitingin muna ako sa buwan bago ko sinasagot ng isa sa mga kaibigan ko sa site na ito!:lol:

  26. #26
    Junior Member
    Join Date
    Jan 2007
    Posts
    2
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Quote Originally Posted by ema42363
    Mga cockmates,

    Anong balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban kung Newmoon, First Quarter, Fullmoon at Last quarter.

  27. #27
    Member partydude's Avatar
    Join Date
    Feb 2005
    Posts
    372
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    May nakakaalam ba sa inyo kung anong ibig sabihin ng LIBASON? bisaya o ilonggo ata ito. ano bang kulay ito? sabi ng tao ko eh lemon daw ito. tama ba sya? ano ba talaga sa bisaya o ilonggo ang kulay na lemon?

  28. #28
    Junior Member
    Join Date
    Feb 2011
    Posts
    27
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    kahit anong kulay ng balahibo yan at kulay ng paa ng manok mo pag tinamaan ka ng malas la ka maggawa na i try q na yan mga paMAHIIn na yan la naman nangyari lumaban pa nga ako nang bitin manok q dahil sa pamahiin na yan ayun di man lang nagalusan manok kalaban q

  29. #29
    Senior Member drewpogi's Avatar
    Join Date
    Jul 2008
    Location
    pque
    Posts
    558
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    para sakin walang kinalaman ang manok sa buwan napaka layo yata nila tamang kondisyon tamang kalaban patayan na ....panu pag nawalan na ng buwan kawawa ung mga manok mo mamatay sa katandaan ni hinde sa nailaban peace!!!!

  30. #30
    Senior Member val casero's Avatar
    Join Date
    Jun 2006
    Posts
    565
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Share ko lang po sa inyo ang post na ating kasabong na si Public Enemy #1 sa bentahan.com baka sakaling makatulong.

    Kontrapelo..@..mga senyal (part 1 KULAY)
    Reply #8 on: March 29, 2010, 10:08:34 AM
    ________________________________________
    Lahat ng bagay sa mundong ibabaw ay may katapat. Iginuguhit ang kapalaran ng bawat nilikha. Maraming mga bagay ang kinatatakutan at pinangingilagan ng bawat isa na udyok ng panahon, kapaligiran at iba pang elemento ng pagkaparool. Ngunit ang lahat ng ito ay nakasalalay pa rin sa pangkalahatang kondisyon ng isang katawan. Kahit nangingibabaw ang kulay ng balahibo ng isang manok, kaya pa ring lupigin ng mas mababang uring balahibo kung nawawala sa tamang ritmo ang pakiramdan nito. Kaya bilang isang sabungerong naghahangad ng tagumpay, dapat munang kilalalanin ang sariling kakayahan at sandatang taglay bago sumugod sa kaaway. At, hindi lamang sarili ang dapat tingnan at unawain, dapat ring suriin ang armas, galing, tibay at taktika ng kalaban upang mapaghandaan at mapaglabanan. Ito ang sining ng pakikibaka na dapat analisahin at pag-aralang mabuti para gawing susi sa panalo at pamimiyapis.

    Kung ang manok ay may likas na pinangingilagan at kinakatakutang kulay sa bawat oras saan man makarating na lupalop, nararapat lamang na tunghayan natin ang mga kariktang kaakibat ng usaping ito. Narito ang mga kontra-balahibo na magsisilbing gabay sa malinis na pagsasabong.

    Part 1

Similar Threads

  1. Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan
    By cccforevergold in forum Usapang Manok
    Replies: 2812
    Last Post: October 25th, 2014, 04:27 PM
  2. Buwan Buwan ba dapat pinupurga ang panlabang Manok
    By iw3l10 in forum Usapang Manok
    Replies: 25
    Last Post: November 20th, 2013, 07:45 AM
  3. tutuo ba ang hiyang sa kulay o balahibo ng manok
    By kingsMALIK in forum Usapang Manok
    Replies: 20
    Last Post: December 27th, 2009, 03:55 AM
  4. kulay paa at balahibo ng manok
    By ta_wing in forum Usapang Manok
    Replies: 0
    Last Post: November 29th, 2008, 03:48 PM
  5. Replies: 16
    Last Post: June 24th, 2008, 07:10 AM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •