Page 2 of 2 FirstFirst 12
Results 31 to 52 of 52

Thread: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

  1. #31
    Senior Member val casero's Avatar
    Join Date
    Jun 2006
    Posts
    565
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Part 2

    Nakakatiyak ng panalo ang manok na mapusyaw ang kulay kontra matingkad o maumula-mulang kalaban kung sila ang unang sultadang isasalang sa isang bagong gawang sabungan o ruweda. Pambungad na laban. Pambasal. First fight.

    Mananalong muli ang manok na naligo o nakulapulan ng dugo ng kalaban sa huling engkuwentro na kinasangkutan nito. Ang kambal na pansabong ay kadalasang pinapatay lamang ang kalaban ngunit ayaw namang tumuka sa oras ng kareo. Puro tabla ang magiging resulta.

    Iisang kulay ng manok-pansabong ang tumatalo sa isang ganador na PUTING TAGAKIN. BULIK lang ang sumisira sa balahibong ito.

    Patok sa laban ang ALIMBUYUGIN kapag kabilugan ng buwan o full moon. Kaya nitong lupigin ang SINIBALANG dahil kayang patayin at lamunin ng bubuyog ang balang sa ganitong pagkakataon.

    Patok ang MALATUBA kontra ALIMBUYUGIN at MAYAHIN dahil madaling malasing sa tamis ng tuba ang bubuyog at maya.

    Patok ang ABUHING PULA kontra MAYAHIN dahil kayang apuyan at gawing abo ang isang maya. Pero kayang palisin ng BINABAE ang ABUHIN dahil winawalis lang ng isang babae ang bunton ng abo sa dapugan.

    Patok sa laban ang MAYAHIN kontra BULIK dahil ugali ng maya na tukain at kainin ang palay sa bukid na siyang sumasagisag sa kulay ng bulik.

    Patok ang TALISAIN kontra BINABAE dahil hirap umahon at umakyat ang isang babae sa bundo at puno ng Talisay. Pero daig ng MALATUBA ang TALISAIN dahil ang niyog na pinagmumulan ng tuba ay tumutubo sa kabundukan ng Talisay.

    Patok ang DALUSAPING DILAW-PAA kontra ABUHIN dahil lahat ng bagay bago maging abo ay dapat munang tupukin ng apoy. Nagsisilbing apoy ang DALUSAPING DILAW-PAA samantalang ang ABUHIN ay nanatiling abo lamang.

    Daig ng MALATUBA ang MAYAHING LASAK, DALUSAPI, TALISAIN, PUTING SAMPAGAHIN, BULIK NA PULA at ABUHIN. Mapapansin na tuwing kabilugan ng buwan pumapatok ang ALIMBUYUGIN. Mahirap ding talunin ang TALISAING ITIM-PAA sa unang tatlong araw mula kabilugan ng buwan.

  2. #32
    Senior Member val casero's Avatar
    Join Date
    Jun 2006
    Posts
    565
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Part 3

    Patok sa laban ang PUTI kontra HIRAW sa bandang umaga. Ngunit angat sa laban ang HIRAW kontra PUTI pagdating ng hapon. Ang puti na sagisag ng tubig ay kayang painitin ng araw sa umaga hanggang tanghali subalit lumalamig na ito banding hapon o paglubog ng araw.
    Lalong walang laban ang PUTI kontra HIRAW kung gabi dahil daig ng tulisan, na sumasagisag sa hiraw , ang pari na nakasutana ng puti sa loob ng kumbento.

    Patok ang MAYAHIN kontra TALISAIN. Nililipad lamang ng maya ang bundok ng Talisay at kayang dapuan ang pinakamataas na puno ng Talisay.

    Patok ang MAYAHIN at BULIK kontra PUTING TAGAKIN. Pero kayang lupigin ng PUTING TAGAKIN ang kahit anong kulay ng kalaban maliban sa dalawang nabanggit.

    Patok sa laban ang MAYAHING LASAK kontra MAYAHING LISO.

    Pero talo naman ang MAYAHING LASAK kontra MALATUBA.
    Patok ang KASILIHIN kontra PUTI. Ang puti ay kulay ng tubig at papel na kapag hinaluan ng dinurog na sili ay nag-iiba ang lasa ng tubig at nasisisra ang papel.

  3. #33
    Senior Member jans1998's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Location
    Angola
    Posts
    704
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Ok ito , sir val , sana may mga kasunod pa ...

  4. #34
    Senior Member val casero's Avatar
    Join Date
    Jun 2006
    Posts
    565
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Quote Originally Posted by jans1998 View Post
    Ok ito , sir val , sana may mga kasunod pa ...
    Iyan ay mga myth lamang hango sa kaalaman ni sir Public Enemy #1, kung hiyang ka diyan wala namang mawawala, kanya kanyang paniniwala lamang. Mas naniniwala ako sa kaliskis ng manok, na pwede ring itulad sa palad ng isang tao. Kaya lang napakahirap hanapin ang mga katangiang pinaniniwalaan ng ating mga ninuno.

  5. #35
    Senior Member val casero's Avatar
    Join Date
    Jun 2006
    Posts
    565
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Part 1
    Senyales of the Week –ni San Totoy Batumbakal

    SALUGSUGAN
    Mahapdi at gumigiyagis na sakit sa sugat ang mararamdaman ng manok na ang nakalaban ay may kaliskis na salugsugan. Mula sa salitang salugsug o salubsob – isang maliit at matulis na bagay na bumaon sa laman o kaya’y sa pagitan ng kuko at laman. Nanunuot at naninigid sa kalamnan ang sakit na dulot nito.
    Dahil sa ibayong sakit na mararamdaman mula sa hagupit ng manok na salugsugan, wala nang ibang susulingan ang kalaban kundi tumakbo at kumakak.
    Makikita ang senyales na salugsugan sa pagitan ng kuko at unang kaliskis sa panggitnang daliri ng manok. Maliit ito na parang matulis na laman.

    “TRES TITOS”
    Kahit ano pa ang kaildad ng alagang manok, maging native, island-born o imported man, pangit o guwapo – ang huling batayan kung magaling nga ito ay kung nananalo at bumibilang ng panalo kontra mahuhusay na kalaban. Kapag ang isang manok ay may likas na tapang, nagtataglay ito ng senyales na tres titos o tres marias. Makikilala ang ganitong senyales kung ang palong ng manok ay may tatlong tulis lamang, nakalapat sa batok ang palong at pantay sa dulo ng tuka ang unahang bahagi ng palong nito. Ang panggitnang tulis ay dapat nakatapat sa mata ng manok.
    Mahirap talunin at bumibilang ng panalo ang ganitong senyales. Tinatalo nito ang isang ganador. Walang kinakatakutan kulay. Walang pinipiling kalaban. Huwag pupungusan ang manok na may ganitong senyales. Mawawala ang bisa at galing nito. Parang pinutol mo ang bwenas na hatid ng tres titos.
    Sa panig ng inahen na may senyales na tres titos o tres marias, sinasabing mahusay itong mag-akay ng sisiw, matapang at lagging handa sa panganib para ipagtanggol ang mga inakay at higit sa lahat magaling na panlahi o broodhen.

  6. #36
    Senior Member val casero's Avatar
    Join Date
    Jun 2006
    Posts
    565
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Part 2

    KANYUNAN
    Napakahirap hanapin ang magaling na kaliskis at senyales. Pero walang imposible sa buhay ng isang mapagpunyaging sabungero. Kaya nitong hanapin at matagpuan ang hinahangad na senyales kahit saan at kahit kailan. Isang senyales na mahirap makita ang kanyunan. Isa itong butas na lampasan o naglalagos sa magkabilang paa o biyas ng binti ng manok mula talmpakan hanggang tuhod.
    Nakatagpo ako ng ganitong senyales sa manuka ni Andong ng Calintaan, Occidental Mindoro noong mga huling taon ng dekada 70. Isang matandang binata na ang tanging aliwan o buhay ay magsabong. Isa siyang Ilokano na nakaranas ng makulay na kahapon sa larangan ng pag-ibig. Kanyunan ang senyales ng manok ni Andong. Pangkaraniwan o yano lamang ang porma ng mga kaliskis nito pero 12-time winner na. Hindi nagkasugat nang malubha sa bawat panalo. Karamihan ay putok-balat lamang. Ayon pa sa kanya ito’y single stroker, mabilis at lubos na mabuti ang tayming sa paluan.
    Para magpatuloy ang galing ng kanyunan huwag susuutan o tutuhugin ng tingting o ano mang bagay na matulis ang butas nito. Mawawala ang bisa ng birtud na kanyunan. Iwasan din hangga’t maaari ang makipaglaban sa manok na pakuan kung kanyunan ang senyales ng manok mo. Pako ang nagsisilbing sagka o bara sa butas ng kanyon. Naniniwala pa rin si Andong na kapag nag-asawa siyang tuluyan, mawawalang parang bula ang bisa ng kanyunan sa kanyang ganador.

  7. #37
    Senior Member val casero's Avatar
    Join Date
    Jun 2006
    Posts
    565
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Part 3

    Kontrapelo..@..mga senyal
    on: March 28, 2010, 08:17:12 AM

    “LUKSAAN”
    Talakayin naman natin ang senyales na luksaan. Bihira sa manok ang ganitong senyales. Tahid ito na habang lumalaki o tumutubo ay umaayon sa drieksiyong pababa o nakatuon sa lupa ang tulis nito.
    Luksaan o paglilibing sa kaaway ang ibig sabihin. Kahit gulapay na sa laban o tipong matatalo na sa sultada ang isang luksaan, malaki pa ang tsansa nito na manalo o maka-three points sa kalaban dahil ito ang isinisigaw ng kanyang senyales. Bukod sa pagiging itim ng tahid, dapat ang kulay ng paa ay dilaw o puti. Lahing Kelso at Claret ang karaniwan na tintubuan ng ganitong senyales.

    BATONG-GAPANG
    Karaniwang nakikita sa binti ng manok ang batong-gapang. Isa itong matigas na umbok na lumilitaw kung minsan sa tapat ng tahid at laraniwang nasa itaas o ibabang bahagi ng tahid maging sa kaliwa o kanang paa. Parang bato ito na gumagapang sa paa o biyas ng binti ng manok. Kaya batong-gapang ang tawag. Magaling lamang ang taglay senyales na ito kung kung yano ang kaliskis na taglay. Mabagal at pagulong-gulong sa bitaw ang ganitong manok. Kantiyawin ang bikas dahil bako-bako ang paa. Pangit tingnan. Pero kwidaw, kapag natarian o nagkabakal na ang manok na may batong-gapang, ikaw naman ang mangangantiyaw sa kalabn dahil parang ipu-ipo sa bilis, ilag at pagpatay ang gagawin nito sa bawat makaengkwentro.

    PUTOK SA LINTEK – Makikita ito sa kaliwang paa ng manok. Putok, basag o hati ang isang kaliskis na nakatapat sa tahid. Maaring bumaba ng isa hanggang dalawang kaliskis ang nag-iisang putok. Dapat matakpan ito ng sapin kapag tinarian na.
    Walang talo sa unang laban ang manok na may putok sa lintek. Kailangan yano ang kaliskis ng manok. Tinatalo ng senyales na ito ang mga ganador o multi-winners”. Mahina sa bitaw o sparring ang may putok sa lintek ngunit matibay at walang kasinggaling kapag nagkabakal o natarian na.

    Public Enemy # 1
    Newbie

  8. #38
    Senior Member val casero's Avatar
    Join Date
    Jun 2006
    Posts
    565
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Part 4

    KALISKIS-PALAYOK
    Apatan ang paraan nang pagbibilang sa kaliskis ng manok mula panggitnaang daliri hanggang tapat ng tahid. May katapat ba kahulugan ang bawat bilang na 1-2-3-4. Kung ano ang huling kaliskis na taumapat sa tahid, iyon ang kargada o birtud na dala ng isang manok.
    Ganito ang kahulugan ng bawat numero o bilang. Uno-ginto; Dos-pilak; Tres-kampit o patalim; Kuwatro-palayok.
    Karaniwang bilang ng kaliskis na tumatapat sa tahid ay 26, 27, 28, 29, 30 at 31. Kung numero 26, pilak o pera ang ibig sabihin nito. Kung 27, kampit o patalim ang galing na taglay. Mahusay sa panalo ang dala ng ganitong senyales. Kung 28, palayok o dapat lang katayin ang manok dahil walang galing na ibubuga. Kapag 29 naman, ginto o malaking karangalan ang ibinabadya ng kaliskis na ito. Ang 30 ay pilak at ang 31 naman ay kampit.
    Sa ganitong punto, ibig kong pansinin ang bilang na 28 o tinatawag na kaliskis-palayok sa kaliwang paa ng manok. Kamatayan ang dala nito dahils sa petsa 28 ng ipapatay ni haring Herodes ang mga sanggol sa Betlehem sa pagtatangkang lipulin ang mga batang inaakalang kinabibilangan ni Jesukristo na hinulaang hahalili sa kanyang paghahari.
    Kung ang bilang ng kaliskis ay parehong 28 sa magkabilang paa, maaaring sumikat ka kung marunong kang magdala nito sa laban. Mag-ingat sa pagpili ng kalaban. Maaring patayin ng 28-28 na senyales ang magkakaenkwentro pero may panganib na iwanan o ayawan nito ang kalaban. Hindi ito tutuka sa kareo. Tabla o talo sa laban ang ganitong manok. Kumbaga sa tao, naghuhugas ng ng kamay pagkatapos magdesisyon. Tumatanggi o umaayaw at nagdadalwang-isip. Ganyan ang senyales na 28-28 o kaliskis-palayok.
    Kapag nakatagpo ng ganitong senyales at naipanalo sa unang laban, asahang mananalo pa sa mga susunod niyang laban ang nasabing manok.

  9. #39
    Senior Member compadre's Avatar
    Join Date
    Apr 2005
    Posts
    696
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Quote Originally Posted by val casero View Post

  10. #40
    Member
    Join Date
    Aug 2010
    Posts
    40
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    share ko experience;
    naglaban ang handler ko ng ganador na alimbuyugin laban sa malatubang mistisuhin talo kami dahil inilaban ng hapon, ( lasing na kasi ang bubuyog sa tuba pagdating ng hapon kaya kada sugod ng aming manok angat ng konti ang malatuba sa leeg pirmes ang tama ng aming manok kaya talo) pero ang kapatid na inilaban sa kaparehas na kulay at kontra balahibo ay ang isa ay nakadalawa at ang isa ay nakatatlo ng panalo. by the way ang bloodline ng aming manok ay blackbonanzaxcckelso both winning line.

  11. #41
    Member
    Join Date
    Dec 2010
    Location
    moncada tarlac
    Posts
    49
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Idagdag ko lng mga ksabong napulot ko lng dyan s tabi tabi!!!sna mkatulong

    http://i1182.photobucket.com/albums/..._2365272_o.jpg

  12. #42
    Member
    Join Date
    Jan 2011
    Location
    Bundok sa Norte
    Posts
    133
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Quote Originally Posted by lionheart16 View Post
    Idagdag ko lng mga ksabong napulot ko lng dyan s tabi tabi!!!sna mkatulong

    http://i1182.photobucket.com/albums/..._2365272_o.jpg

    ok po ito...ito po lagi ko naririnig kina sir rolly ramos at sir philip neri sa palabas nila sa tv...

  13. #43
    Member
    Join Date
    May 2011
    Posts
    65
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    kung manok ko ay binabae ay 100 % di ako lalaban sa talisayin unless na manok kong
    binabae ay talisayin din ang kulay.....

  14. #44
    Senior Member
    Join Date
    Dec 2010
    Posts
    558
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Matanong ko lang mga kasabong kung sino may idea,2 entries ako ngayon i entry yellow legs, another entry white legs puro pula sila. Ano ho ho mas lamang kung susundin ang kontrapelo at buwan? salamat

  15. #45
    Member cygnus-masbate's Avatar
    Join Date
    Mar 2011
    Location
    Riyadh,KSA
    Posts
    182
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Quote Originally Posted by miguel88 View Post
    ema,reo

    sang-ayon ako sa inyo...ako nga mismo pag nasa sabungan na ako para maglaban ng manok, ang una kong pinupuntahan na lugar ay yong pagamutan ng manok para makita kung anong balahibo o yong kulay ng paa ang nagpapanalo...pagkatapos duon naman sa mga napatay na manok...hehehe! cgurista ba????
    Tama ka cockmate parehas tayo ng gawain kapag nag tratrabisiya lang ako.Ganun din ang ginagawa pumupunta ako sa mga nabalahibuhan na mga manok at pra alamin ang kulay ng paa at balahibo ng natatalo.Aaminin ko sa inyo sa tagal ko na sa pagsasabong since 1992 pa.Kahit tumitingin ako sa Bloodline ng manok,sa mga gamot na lumalabas ngayon,sa pag training,sa pag-aalaga,sa gaffer.Hindi pa din nawawala sa akin ang mga kasabihan ng matatanda.Pandagdag proteksyon ko lang ito pra sa aking mga manok.

  16. #46
    Senior Member e4alnied's Avatar
    Join Date
    Aug 2010
    Location
    ticao is.
    Posts
    647
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Quote Originally Posted by lionheart16 View Post
    Idagdag ko lng mga ksabong napulot ko lng dyan s tabi tabi!!!sna mkatulong

    http://i1182.photobucket.com/albums/..._2365272_o.jpg

    ito ang secret ko sa pag sabong noon. ngayon hindi na secret.......hehehehe

  17. #47
    Member
    Join Date
    Apr 2006
    Posts
    192
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Sabi nga ni Boss Sonny eh, pang sariling observation lang yang mga sinabi nya. Ako medyo naniniwala sa ganyang balahibo at kulay ng paa ng manok ayun sa hugis ng buwan. Pero dapat talaga na mas maganda ang katwan nga mga manok natin, winning line at tamang pag kundisyon at least yung para sa hugis ng buwan eh para drag fight lang umaandar minsan. Madami din akong alam dyan tulag ng pag 3 to 4 days before fullmoon ang bulik medyo nagpapanalo dyan. At leat kung nagtatrabisya tyo medyo lamang ka ng konti kasi maaalala mo ung natutunan natin dito. Mas may advantage ka pag nakita mo ang maglalaban na manok kung ano ang pde mong pustahin di po ba.

  18. #48
    Senior Member
    Join Date
    Dec 2010
    Posts
    558
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Quote Originally Posted by BATTLE TESTED View Post
    Matanong ko lang mga kasabong kung sino may idea,2 entries ako ngayon i entry yellow legs, another entry white legs puro pula sila. Ano ho ho mas lamang kung susundin ang kontrapelo at buwan? salamat
    May 18 yong laban ko update lang,lahat ng white legs panalo lahat ng yellow legs talo.Ewan ko kung ano nangyari regla yata ang nasunod pero yllw legs din ang kalaban ng yllw legs

  19. #49
    Senior Member UK Lipat Bahay's Avatar
    Join Date
    Aug 2010
    Posts
    629
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    Dehinz ko a napag-bigyan ng pansin yang hugis ng buwan, paa't balahibo ng kaulutan kapag naga-laban ini. Kapag nasa ruweda na, concentrate na ako sa routine ng ibu-butaw ko. Palagi pati ako nakamasid sa warm up ng kabila baka maka-ligtaan ko, kung Flyer or Grounder ba ga.

  20. #50
    Member robertandrei's Avatar
    Join Date
    Jun 2011
    Location
    payatas/cam sur
    Posts
    119
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    e sir may natatago ka bang kalendaryo dyan/ para sa petsa ng laban

  21. #51
    Junior Member
    Join Date
    Dec 2011
    Posts
    2
    Post Thanks / Like

    Re: Anong Balahibo at kulay ng paa ng manok ang dapat ilaban ayon sa buwan.

    post nyo naman lahat ng kulay @ klase na manok.,..,.,.from old to latest.,.,thnx

  22. #52
    Junior Member
    Join Date
    Mar 2014
    Posts
    1
    Post Thanks / Like

    Re: confidence.

    tama po reference po natin yung buwan,or moon phase,,ksi lahat namn na bagay sa mundo,,di nangyayari na alang batayan or reference,,tulad ng science,meron din sila reference ika nga sa geometry reference point,,he,he..any line going any direction have reference or origin..ganun din sa sabung bago tyu pumunta sa ruweda need din ntin tumingin sa phase of moon..

Similar Threads

  1. Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan
    By cccforevergold in forum Usapang Manok
    Replies: 2764
    Last Post: August 24th, 2014, 07:40 AM
  2. Buwan Buwan ba dapat pinupurga ang panlabang Manok
    By iw3l10 in forum Usapang Manok
    Replies: 25
    Last Post: November 20th, 2013, 07:45 AM
  3. tutuo ba ang hiyang sa kulay o balahibo ng manok
    By kingsMALIK in forum Usapang Manok
    Replies: 20
    Last Post: December 27th, 2009, 03:55 AM
  4. kulay paa at balahibo ng manok
    By ta_wing in forum Usapang Manok
    Replies: 0
    Last Post: November 29th, 2008, 03:48 PM
  5. Replies: 16
    Last Post: June 24th, 2008, 07:10 AM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •