Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 30 of 55

Thread: panlabang manok dapat pa bang pakainin ng mash?

  
  1. #1
    Senior Member cocker122563's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    pateros, metro manila
    Posts
    700
    Post Thanks / Like

    panlabang manok dapat pa bang pakainin ng mash?

    nabasa ko sa isa sa mga threads dito na hinahaluan niya ng mash ang conditioner grains na pinapakain niya sa kinokundisyon niyang manok. meron bang gumagawa sa inyo ng ganito? at bakit?

  2. #2
    Senior Member LUPIN3's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Location
    CAVITE
    Posts
    1,730
    Post Thanks / Like
    Pare yung mash.. feeds sa manok na pangkatay, hindi feeds for Fighting Cock...

  3. #3
    Senior Member cocker122563's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    pateros, metro manila
    Posts
    700
    Post Thanks / Like
    lupin3,


    yun nga rin pare ang pagkakaalam ko. nabasa ko lang kasi sa thread na entitled "The Importance of Bitaw when buying Gamefowl at a Farm" (page 3) ang isa sa mga posts ni 'glenn', a prominent cocker and breeder in cebu. this is what he has to say and i quote:

    "i don't feed any special feed. it is the same feed that is given to the layers and the growers. even during conditioning - i use mostly the same MASH feed plus a little concentrate.
    (which is not really necessary except that i need to satisfy my handlers' beliefs in order to boost their morale so that they will be ganado in preparing cocks.)
    no matter how you explain it to them and no matter how many times you WIN w/ feeding ordinary MASH, the handlers will still have more faith in the brightly colored packaged concentrates that are endorsed by the cocking legends."

    incidentally, glenn has won a number of bigtime multi-million peso derbies feeding his fowls this way.

    maybe, the person to ask with regards to this topic should be 'glenn' himself.

    pareng glenn, can you enlighten us please?


    YFIS,
    cocker122563

  4. #4
    ryan72_2000
    Guest
    pre,

    laying mash pwedeng ihalo sa grains at ipakain sa panlabang manok. ang laying mash ay masagana sa protein at may balansyadong halong calcium at phosporous.

  5. #5
    Senior Member P_U_L_A's Avatar
    Join Date
    Oct 2002
    Posts
    604
    Post Thanks / Like
    Di kaya itlog ang score mo sa derby pag laying mash! :lol: :lol: jokelang! hehehe

  6. #6
    Senior Member ROM_PH's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    Monterrey, Mexico
    Posts
    703
    Post Thanks / Like

    Mash

    Pare,

    Maraming klase ang mash, merong starter mash, broiler mash, laying mash, etc. Meron din mashed potato, mashed calabasa, mashed banana pero pakain sa mga baby natin yan, hahaha!

    I agree with ryan na kung laying mash, sigurado masagana sa calcium yan. Kaya nga kahit walang semilya yung mga layers nangingitlog pa rin.

    I think ang sinasabi ni Glenn na ginagamit niya ay broiler mash na pinapatuka sa 45-days na table chicken. I must agree na ayos yan during preconditioning season para lumaki agad. Kasi high in carbo and fats ang broiler mash kaya nga sa 45 days meron ka nang 1-2 kilos na chicken, pero halos taba. Of course sa fighting cocks ayaw natin yan, gusto natin lean and mean parang si bruce lee. Kaya kung hinahalo nila yung high protein concentrates during conditioning season ok din yun kasi mostly muscle building ang target. In the end, ang importante ay balanced diet.

  7. #7
    solraya
    Guest
    mash ay hindi ibig sabihin na patuka sa mga pangkatay or inahen...hindi pang layers or broilers lang ito.

    ang mash ay form ng feeds, tulad ng pellets and crumble.

    parang mais..merong whole, cracked at grits... pero mais silang lahat. pareho din ang sustansya...form lang ang iba.

    ako mismo ang gamit ko ay mash na alang growth promotants and walang gamot...para mabagal ang development ng katawan.

  8. #8
    Gallos Locos
    Guest
    Depende kung anong klaseng mash.

    :hombre:

  9. #9
    Senior Member ROM_PH's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    Monterrey, Mexico
    Posts
    703
    Post Thanks / Like

    Different Forms

    Sandy,

    Maybe you can post the different kind of forms of feeds, the different products and include the nutritutional value of each if you won't mind. It seems that a lot of our friends here are getting confused to forms and misconstruing it for the actual product. I saw at least two conversations, 1 is about grits and now about mash. For sure somebody will also ask about crumble and pellets later if they haven't done so.

    It will be a great help for everybody.

    Also, include your organic feeds.

  10. #10
    Senior Member P_U_L_A's Avatar
    Join Date
    Oct 2002
    Posts
    604
    Post Thanks / Like
    ang mash feeds ata ay yong durog o pino.
    example nito ay : starter mash, boiler mash, growing mash ano pa ba?

    Iba naman yong Feeds na Pellet form.hehehe...

  11. #11
    Senior Member P_U_L_A's Avatar
    Join Date
    Oct 2002
    Posts
    604
    Post Thanks / Like
    Pwede rin siguro Thunderbird High Protien Mash :lol: kaso mahal,,,Basta mash pwede ipakain sa manok yon. Baka growing mash tinutukoy ni Sir Glenn

  12. #12
    tsampoy
    Guest
    MASHsustansiya,MASHsarap,MASHmalusog,MASHmura..... .............................SAAN KAPA.....................edi sa MASHkaya ng bulsa natin,hahahahhahahahahahahahahhahahahahahaha:lol: :lol:

  13. #13
    CyberFriends Draven51501's Avatar
    Join Date
    Aug 2001
    Posts
    1,173
    Post Thanks / Like

  14. #14
    Senior Member P_U_L_A's Avatar
    Join Date
    Oct 2002
    Posts
    604
    Post Thanks / Like
    :lol:

  15. #15
    solraya
    Guest
    ROM_PH

    i will have to get back to you on that...yung feed miller/vet eh pag linggo eh carwasher hahahah

    ayoko mag salita ng mali..sabi nga nya "little knowledge can be dangerous"

  16. #16
    Senior Member cocker122563's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    pateros, metro manila
    Posts
    700
    Post Thanks / Like
    actually, nung mabasa ko yung post ni glenn sa chicken talk ay natulala ako.

    coming from a derbyist at that, medyo unorthodox ang feeding regimen niya para sa fighting cocks niya. as i recall, mukhang malinaw na sinabi niyang growing mash ang pinapatuka niya mixed with a little concentrate grains. talagang nakakabigla.

    we have this notion kasi na we should feed our cocks conditioner grains kasi more or less ay matatawag natin itong 'balanced diet' ng ating mga panabong.

    and lately, lumabas na rin nga yung pelletized feeds like sagupaan power pellets, power bullets, etc. which can be classified as mash in pelletized form (am i correct on this?).

    what's really baffling is glenn wins feeding his gamecocks this way at sa bigtime derby pa.

    ma'am solraya, anu-ano ba ang mga nutrients na makukuha natin sa growing mash aside from it being a growth booster? ang nutritional value ba nito ay the same as conditioner grains?

    i really hope glenn can explain to us the 'logic' in going unconventional with his feeding concoctions. ibahagi mo naman sana sa amin ang iyong 'trade secrets'. hehehe. by the way, we miss your witty insights.

  17. #17
    Member jackborek's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    79
    Post Thanks / Like

    mash

    tama si pare tsampoy... ano ba talaga mashmura..... mashmahal...mashbayani..... joke.... joke nakakalito ang mash

  18. #18
    CyberFriends sweater02's Avatar
    Join Date
    Jul 2002
    Location
    earth
    Posts
    920
    Post Thanks / Like
    cocker122563 this might answer your question:


    Poultry Grower/Finisher Crumblet

    (contains Bio-Mos)

    BIO-MOS:

    Complex carbohydrates enhance gut microflora through natural selection. That is why it is the ingredient that can make the difference to your animal diet, now and in the future. Bio-Mos is a stable, all-natural nutritional product added to starters, broiler, layer and turkey diets at low inclusion rates. Backed by worldwide research from universities and research institutes, Bio-Mos has proven effective in diets with or without growth promoters.

    Research proven
    Yeast derived
    Stability
    Safety
    A crumblet to be fed after the birds are six weeks old until they start to lay.



    Guaranteed Analysis
    Crude Protein (Min) 15.00%
    Lysine (Min) 0.60%
    Methionine (Min) 0.35%
    Crude Fat (Min) 3.00%
    Crude Fiber (Max) 4.00%
    Calcium (Min) 0.85%
    Calcium (Max) 1.05%
    Phosphorus (Min) 0.60%
    Salt (Min) 0.25%
    Salt (Max) 0.35%

  19. #19
    Senior Member LUPIN3's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Location
    CAVITE
    Posts
    1,730
    Post Thanks / Like
    Mash .. Broiler mash, laying mash, growing mash... durog na pino, na may halong mais etc...

    Katulad ng "Darak"

    another form ng feeds

    Pellets, crumblets.. medyo buo buo, specially formulated for pigeon, fighting cocks, stags.. battle cock

    Just curios.. doon ba sa label ng mga sack ng Broiler, laying , grwing mash ang nakadrawing Fighting Cock o pang 45 days na chicken?

  20. #20
    tsampoy
    Guest
    pwede yang mash basta haluan mo lang ng conditioner grains and 365 days tender loving care.

  21. #21
    Senior Member cocker122563's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    pateros, metro manila
    Posts
    700
    Post Thanks / Like
    naiiba ka talaga tsamps!!!

  22. #22
    Member
    Join Date
    Apr 2003
    Posts
    42
    Post Thanks / Like

    Thumbs up walang nakasulat na nutritional facts sa sako...

    ito ang problem sa pagbili ng mash form of feeds. sasalukin lang. bahala ka mamili kung starter mash, growing mash, laying mash. ewan ko kung may nabibiling developer mash (for chickens that will be used for breeding purpose). ang crumble form of feeds ay parang asin na pag hinawakan mo ay saka nadudurog. ang pellet ay matigas at korteng pellet ng perdegones (medyo pahaba ang korte). opinion ko lang, siguro kaya mash ang pinapakain nung isang winning sabungero na nabanggit dito ay dahil complete commercial feed ang ginagamit niya. ang opinion ko eh baka sa u.s. pa siya bumibili nito. sang-ayon sa isang research university sa u.s., pag hinaluan pa ng ibang klaseng grain (such as corn) ang complete commercial feed, nagkakaroon ng imbalance ito.

  23. #23
    Senior Member cocker122563's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    pateros, metro manila
    Posts
    700
    Post Thanks / Like
    kaya nga unless we hear the side of glenn, we can't really substantiate if the inclusion of mash in a gamefowl's ration will do wonders or otherwise.

    gaya ng sinabi ko, baka may secret formula pa si glenn aside from (growing)mash and concentrates for his birds to perform that well in derbies.

    alam kong maraming skeptics sa atin, me included. pero there must be a valid reason kung bakit niya ginagawa yun.

    and to answer lupin3's question kung anong hayop ang nakadrawing sa mga sako ng mash...mukhang broiler nga yata yun pareng lupin.

  24. #24
    tsampoy
    Guest
    ang alam kong pagbabasehan natin sa mash ay yung PERCENTAGE NG CRUDE PROTEIN na nakasulat sa sako.noon naman kasi wala pang pellets,mga MASH lang.hinahaluan na lang nila ng grains.so bale bumalik lang si glenn sa sinaunang mixture ng feeding,ipinapauso lang ngayon.opinyon ko lang.ang pinaka mainam kong nasubukan na mash ay gawa ng VITARICH.yung ibang feeds company kung ano ano na lang ang pinaghahahalo at saka yung quality ng darak ng iba na ginamit ay very poor,ayaw kainin ng mga manok.

  25. #25
    Senior Member
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    1,139
    Post Thanks / Like
    cockmate,

  26. #26
    Senior Member cocker122563's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    pateros, metro manila
    Posts
    700
    Post Thanks / Like
    meron akong kwento kung bakit ako skeptical pagdating sa pagpapakain ng mash sa mga tinale ko.

    about 2 years ago, sinamahan ko yung barkada kong bumili ng panabong sa lipa, batangas. bale backyard breeder lang yung pinuntahan namin doon. maraming palahing manok yung matandang nagmamay-ari ng manukang iyon. hindi niya masabi kung anong mga lahi ng mga manok niya. halo-halo na raw ang mga dugong krinoss niya pero puro winning line daw.

    sa unang tingin ay mukhang magaganda nga ang mga palahi ng matanda. sa kanya din daw pala kumukuha ng mga manok ang mga biyahero dito sa maynila. magaganda ang mga hipo. punung-puno.

    sinimulan na naming magbitaw ng ilang manok. (balak namin kasing magbaba ng mga walong manok sa maynila). maayos naman ang fighting style ng mga tinale. may salto. may grounder. may nagwi-weave. may shuffler.

    isa lang ang napansin ko sa mga manok. malatang humataw at medyo malambot ang tuhod.

    napansin ko rin ng hipuin ko ang butse na obvious na purong mash ang pinapakain ng matanda dahil wala akong nasasalat na grains.

    sinabi sa amin ng matanda na mash daw talaga ang dapat ipakain para lumapad ng husto ang katawan ng manok. saka na lang daw patukain ng grains kung ikukundisyon na.

    kaya kung mapapansin ninyo ang mga biyahero sa sabungan, magaganda talaga ang mga hipo ng mga manok na nasa bayong pero kung ibibitaw niyo na ay malalay humataw.

    kaya medyo apprehensive akong magpakain ng purong mash sa manok unless mga tandangin pa lang sila pero once na naglalaban na (about 6-7 months old) ay magshi-shift na ako sa concentrate grains.

    sa aking opinyon, maganda lang maghalo ng mash (growing or laying mash) kung medyo kulang sa laman ang manok mo. madaling magpataba ng manok kung may halong mash dahil siguro sa mas kumpleto sa nutrients ang mash kaysa grains. madaling mag-gain ng muscle mass ang manok pero naisasacrifice naman ang bone development dahil naa-outgrow ng muscle ang bone, lalong-lalo na kung mga sisiw pa lang ang inaalagaan mo.

    pero mabalik tayo sa mga panlaban natin. mabuti sigurong magpakain ng mash pero yung may high calcium content, like duck laying mash, para sabay ang development ng muscle at bones.

    maganda nga ang hipo pero matatag pa rin ang tuhod.

    aking dalawang sentimong kontribusyon.

  27. #27
    hatchclaret
    Guest
    good day mga kasama , tama yun kay solyara , yun tsampoy malapit niya matumpok ang puntos , tama ang sagot ng matanda ,,lalapad ang katawan ng manok malata at malabot ang hipo
    about mash , itu ay ginawa ibang hugis from mash to cruble to pellet ,ang mga timplada ay iisa ,, ang crumle ,pellet ay conpact ,para doon sa malaking manok dahil big openin ng bibig nila , kaya ginawa iyan dahil may ingridient na 1 kilo mix to 1 ton at iba pa ,para makunsomo ng dapat kumain ,kapag mash many are wasted in d feeder like vit ,calcium etc ..

    sa mash parin chick booster , higher cp at least 22 %,next broiler starter pababa na 18 % di ko sure laying mash 18 din , close ingridients ang broiler starter at kaya lang laying mash ay may calcuim mix ,dapat ay pang texas na feeds ang gamit natin ,i mention those feeds ay ,may halu coconut oil at anu pang oil , sanay may mag post na nutritionist dito about complete mix ingredient ng chick booster ,broiler ,starter,at laying

  28. #28
    Senior Member cocker122563's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    pateros, metro manila
    Posts
    700
    Post Thanks / Like
    pareng tsampoy, can you answer this?

    napansin ko na dark brown at semi-solid, aside from foul-smelling, ang tae ng manok ko if i'm feeding mash. yun bang ipot talaga ang consistency. unlike when we are feeding conditioner grains, medyo maganda ang kulay ng discharge niya (light green to dark green with whitish portions). at buo talaga.

    hindi kaya mas mahirap i-control ang moisture ng panabong natin if we are going to feed him mash dahil in order for our fowl not to gag eating mash, kailangan nating basaing mabuti para din mas palatable sa manok natin.

    in pointing, how can we know kung on-point na ang manok natin kung ang ipot niya ay mamasa-masa because of the wet mash we fed. can we use mash as pointing feed?

    i really don't get it.

  29. #29
    solraya
    Guest
    nakukuha ninyo tapos nawawala nanaman....


    ang mga patuka ay may mash, crumble and pelletized form.

    tandaan ..FORM ha.

    mayroong patuka na designed para layers, broilers, gamefowl, baboy.


    nung sinabi nung Glenn na gumagit sya ng grower mash...ang grower ay para sa slow development ng layers, para hindi mataba. kabaliktaran kasi yan sa patuka ng pang broilers na gusto na patabain agad.

    dati mash lang ang form ng feeds. lumabas ang crumble and pelletized. yung dalawang huli ay dumadaan sa crumbling and pelletizing machine. further pocess and mash, dumadaan sa heat, and supposed to be pinapatay ang salmonella.

    ang pelletized ay dinesign para supposed to be mas madaling handling, kasi mas madaling magsalin, less ang tapon.

    as i said...i for one use grower mash na may halong conditioner. pero ang grower mash ko ay alang gamot.

  30. #30
    Senior Member LUPIN3's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Location
    CAVITE
    Posts
    1,730
    Post Thanks / Like
    oo nga po at nawawala tayo sa topic.. pero ang tanong , "ang panlaban bang manok dapat pakainin ng mash?"

    kaya nga po ang tanong ko.. yun po bang label sa sako ng mash ano nakadrawing? fighting cock po ba o broiler chicken?

    bakit pa kayo susubok sa mash, madami na lumabas na pellets na talagang "subok" na sa fighting cock..

    opinyon lang po!


Similar Threads

  1. Nanalong manok dapat pakainin?
    By Bloodsport in forum Filipino Discussions
    Replies: 49
    Last Post: May 31st, 2014, 04:20 PM
  2. Buwan Buwan ba dapat pinupurga ang panlabang Manok
    By iw3l10 in forum Usapang Manok
    Replies: 25
    Last Post: November 20th, 2013, 07:45 AM
  3. dapat ba pakainin o hindi?????
    By ariel7210 in forum Usapang Manok
    Replies: 12
    Last Post: January 1st, 2008, 04:45 PM
  4. manok na sinipon dapat bang ireject?
    By macke_1 in forum Usapang Manok
    Replies: 4
    Last Post: August 22nd, 2006, 08:55 AM
  5. Replies: 1
    Last Post: August 9th, 2004, 05:57 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •