Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 30 of 91

Thread: nakakatawang kwentong manok

  1. #1
    Cyberfriends benjoy's Avatar
    Join Date
    Oct 2006
    Location
    Pasay / Dubai
    Posts
    693
    Post Thanks / Like

    Talking nakakatawang kwentong manok

    guys post nyo nman d2 ang mga nakakatawang kwentong manok n na experience nyo or khit kwentong barbero lang ika nga..
    ---------------------------------------------------------------------------------------------
    HERES MINE,

    may nakatabi akong matanda na nag tatrabisiya.. makapal ang salamin nya sa mata at lintek ang tagal sumipat ng kursunada.. halos isang oras n e hindi prin mk pili ng kursunada...
    bumunut ng pera at nag labas ng 400 sa wakas naka silip..
    parehang kulay ang mag kalaban pati paa... ky kulay ng tape ang tinandaan ko.. onsehan ang logro... si tatang daliang sumahod ng 400.. galit p

    TATANG; 400 sa wala ako pasigaw n diga nya..

    binitiwan n ang manok... at nag paluan mula taas hanggang baba...

    c tatang napakapit ng mahigpit sa inuupuan nya sabay sigaw...

    TATANG; palo, palo, paloooooo... cge syapol bugbugin mo, wag mo ng papormahin... palo, palo,paloooo. (comes with body language)

    AKO; tatang san po b kayo pumusta?

    TATANG; san p edi dun sa WALA.. (pinagmamalaki nyang sagot)

    AKO; e tatang yung WALA po yung ginugulpi e...

    TATANG; ay sya!!! ganun ba? abay ILAG, ILAG, IWAS, IWAS DAPA DAPA

    BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

    cheers

    --------------------------------------------------------------------
    failure is never an option, its an opportunity to succeed!!!

  2. #2
    Moderator george's Avatar
    Join Date
    Mar 2000
    Posts
    390
    Post Thanks / Like

    Re: nakakatawang kwentong manok

    benjov,

    you made my day!!!! thanks for sharing. keep 'em coming guys.
    visit us at [url]www.geocities.com/c_and_s_gamefarm/MainPage.html[/url]

  3. #3
    Member JMJ Brothers's Avatar
    Join Date
    Jan 2006
    Location
    Pangasinan
    Posts
    377
    Post Thanks / Like

    Talking Re: nakakatawang kwentong manok

    Nice one there

  4. #4
    3BCA FORTBONIFACIO's Avatar
    Join Date
    Jun 2004
    Location
    THE FORT
    Posts
    2,649
    Post Thanks / Like

    Re: nakakatawang kwentong manok

    ilang beses ko na ring naranasan noong bata pa ako na mag karoon ng raid sa isang tupadahan na dinarayo namin...minsan sa kalagitnaan ng laban ay bigla kamong dumating ang mga parak.....kitang kita ko po na itinakbo ng sentenciador yaong dalawang manok na kakaryuin sana nya karipas palabas ng tupadahan....kung makikita nyo lamang ang hitsura ng isang taong may daklot daklot sa tig isang kamay na may taring manok na nakataas ay matatawa kayo....meron namang sa karipas ng takbo pati yong sampayan na may nakasampay na damit ay dala dala ng nasabitang katawan...merong nag pupumilit pumasok sa isang bahay na hindi naman siya pinag bubuksan ng pinto dahil hindi siya kilala.... pati iyong nag kakara kruz nadamay din makikita mong hindi malaman ko kakaripas na ng takbo o babalikan yong taya para damputin....dahil alam ko na rin na hindi naman ako huhulihin dahil paslit pa laang ako noon ay ako ang namumulot ng perang naiwan.....tinitingnan laang ako ng mga pulis.... pag nakaalis na yong mga parak....muling mag lalabasan kung saan saan at mag hahanap ng kung ano ano......samantalang ako naandoon na sa tindahan at umiinom na ng soda at bumubunot na ng text....he he he he.
    "LEGALLY ARMED AND PROUD OF IT"

  5. #5
    Senior Member goryo888's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    Isla de Bahag, Baryo Kurukya
    Posts
    6,238
    Post Thanks / Like

    Re: nakakatawang kwentong manok

    [quote=benjoy]guys post nyo nman d2 ang mga nakakatawang kwentong manok n na experience nyo or khit kwentong barbero lang ika nga..
    ---------------------------------------------------------------------------------------------
    HERES MINE,

    may nakatabi akong matanda na nag tatrabisiya.. makapal ang salamin nya sa mata at lintek ang tagal sumipat ng kursunada.. halos isang oras n e hindi prin mk pili ng kursunada...
    bumunut ng pera at nag labas ng 400 sa wakas naka silip..
    parehang kulay ang mag kalaban pati paa... ky kulay ng tape ang tinandaan ko.. onsehan ang logro... si tatang daliang sumahod ng 400.. galit p

    TATANG; 400 sa wala ako pasigaw n diga nya..

    binitiwan n ang manok... at nag paluan mula taas hanggang baba...

    c tatang napakapit ng mahigpit sa inuupuan nya sabay sigaw...

    TATANG; palo, palo, paloooooo... cge syapol bugbugin mo, wag mo ng papormahin... palo, palo,paloooo. (comes with body language)

    AKO; tatang san po b kayo pumusta?

    TATANG; san p edi dun sa WALA.. (pinagmamalaki nyang sagot)

    AKO; e tatang yung WALA po yung ginugulpi e...

    TATANG; ay sya!!! ganun ba? abay ILAG, ILAG, IWAS, IWAS DAPA DAPA

    BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

    cheers

    Bwahahahaahaaaa!!

  6. #6
    Senior Member goryo888's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    Isla de Bahag, Baryo Kurukya
    Posts
    6,238
    Post Thanks / Like

    Re: nakakatawang kwentong manok

    Quote Originally Posted by FORTBONIFACIO
    ilang beses ko na ring naranasan noong bata pa ako na mag karoon ng raid sa isang tupadahan na dinarayo namin...minsan sa kalagitnaan ng laban ay bigla kamong dumating ang mga parak.....kitang kita ko po na itinakbo ng sentenciador yaong dalawang manok na kakaryuin sana nya karipas palabas ng tupadahan....kung makikita nyo lamang ang hitsura ng isang taong may daklot daklot sa tig isang kamay na may taring manok na nakataas ay matatawa kayo....meron namang sa karipas ng takbo pati yong sampayan na may nakasampay na damit ay dala dala ng nasabitang katawan...merong nag pupumilit pumasok sa isang bahay na hindi naman siya pinag bubuksan ng pinto dahil hindi siya kilala.... pati iyong nag kakara kruz nadamay din makikita mong hindi malaman ko kakaripas na ng takbo o babalikan yong taya para damputin....dahil alam ko na rin na hindi naman ako huhulihin dahil paslit pa laang ako noon ay ako ang namumulot ng perang naiwan.....tinitingnan laang ako ng mga pulis.... pag nakaalis na yong mga parak....muling mag lalabasan kung saan saan at mag hahanap ng kung ano ano......samantalang ako naandoon na sa tindahan at umiinom na ng soda at bumubunot na ng text....he he he he.

    Langya ka talaga Klasmeyt...bata ka pa eh...madugas ka na....weheheheheeee!!
    Oppsss....yang salitang yaan ay sa kaibigan laang....heheheee!! Wak masamain yung salitang madugas dahil ginawa mo naman....wahahahaaaaa

  7. #7
    3BCA FORTBONIFACIO's Avatar
    Join Date
    Jun 2004
    Location
    THE FORT
    Posts
    2,649
    Post Thanks / Like

    Re: nakakatawang kwentong manok

    ....klasmeyt Goryo.....paslit pa tayo noon....kailangang mabuhay eh,.....he he he he.
    "LEGALLY ARMED AND PROUD OF IT"

  8. #8
    Member minas emmanuell's Avatar
    Join Date
    May 2005
    Location
    kangkongan
    Posts
    367
    Post Thanks / Like

    Re: nakakatawang kwentong manok

    naglaban naman ako sa tupadahan piyesta sa amin pero may yerong gradas naman ang tupadahan,ang kalaban ko nanalo na nung araw din na yun dahil sa walang sugat nilaban nila ulit pagbitaw sugod yung talisay na kalaban sabay angat naman yung pulang manok ko tinamaan sa tagiliran ang manok ko pero pagbaba nakaganti agad akalain mo ba naman pagkaganti biglang tumakbo eh dahil tupada lang at yero lang ang gradas nakasilip yung manok ko ng butas at lumosot doon habang habol habol ng kalabang talisay at sa kakahabol hanggang sa labas biglang namatay ang talisay grabe pala yung ganti ng manok kung takbohin naka sikreto.pero ewan ko malas ba o swerte maaring swerte na din kasi kung walang butas yung gradas nahuli yung manok ko ngsentenciador at makakaryo tutuka parin ng dalawa yung kalaban bago mamatay talo parin ako ehehehe yun ang nakakatawang experience ko sa pagmamanok.

  9. #9
    Moderator george's Avatar
    Join Date
    Mar 2000
    Posts
    390
    Post Thanks / Like

    Re: nakakatawang kwentong manok

    nung Nov. ng 2004 ay naghack fight ako sa Darasa cockpit. Inuulot namin ang aking
    Asil cross. Nung pinagtapat ang mga manok ay medyo mataas ang akin.

    Ako: Pwede na yan...... teksas naman ang iyo. Itong akin eh...... tagalog na tagalog.

    Inuulutan: Tagalog nga ho yang manok ninyo........ eh Inglis naman ho ang palo.

    Natawa na lang ako at napakamot ng ulo. Kung inaakala mong makakaisa ka...mas matitinik pa sila sa iyo.
    visit us at [url]www.geocities.com/c_and_s_gamefarm/MainPage.html[/url]

  10. #10
    Senior Member
    Join Date
    Nov 2005
    Location
    cuernos de negros
    Posts
    3,208
    Post Thanks / Like

    Re: nakakatawang kwentong manok

  11. #11
    Senior Member DLANOD's Avatar
    Join Date
    Jul 2006
    Location
    dito lang sa tabi-tabi
    Posts
    2,218
    Post Thanks / Like

    Smile Re: nakakatawang kwentong manok

    May Nakaupo Sa Harapan Ko Na Matanda...napansin Ko Na Llamadista Sarado Sya! Laban Na Ng Manok Namin Ng Kumpare Ko, Sa Meron Kami! Ang Ginawa Ko Ng Wala Pang Lomologro...sumigaw Ako Sa Wala...sa Wala...sa Wala! Sumigaw Din Sya Ng "sa Wala!" Sabay Sumahod Ako Sa Kanya! Tapos Biglang Na-llamado Na Yung Manok Namin...onse Pa Ang Logro! Napakamot Sa Ulo Yung Matanda! Inaantay Ko Na Ipwera Nya Yung Pusta Nya Pero Nakahiyaan Siguro...panalo Manok Namin!

  12. #12
    Cyberfriends benjoy's Avatar
    Join Date
    Oct 2006
    Location
    Pasay / Dubai
    Posts
    693
    Post Thanks / Like

    Talking Re: nakakatawang kwentong manok

    sa sabungan walang bayad sa pinto ang may dalang manok panabong... si juan para maka libre nagdala ng INAHIN... e nakita ng bantay at agad syang sinita!!!

    BANTAY: ooops oops oopsss!!! anu yan?

    JUAN: GALIT!! anu p edi MANOK!!! (pa sigaw nyang sagot)

    BANTAY: oo alam ko manok yan!! pero bkit inahin?

    JUAN: me fight kaya ang anak nya... cyempre MORAL SUPPORT!!!

    BWAHAHAHAHAHAHA

    cheers
    ----------------------------------------------------
    failure is never an option! its an opportunity to succeed..

  13. #13
    Senior Member sabungero76's Avatar
    Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,648
    Post Thanks / Like

    Re: nakakatawang kwentong manok

    Eto nman sakin...

    Naglaban kmi ng me halak na nokis... Diniga nya agad sa nagpapasabong at sa sentensyador na nangingitim dahil me halak... D nman inanunsyo basta nilarga na...

    Pag bitaw.. sugod agad nokis namin, umangat d sumabay klban... Binagsakan ng nokis namin... dapa klaban, tapos pinupog patay klban....

    Bago bumaba ung kaibigan ko sa gradas... hinarang ng nagpapasabong, nagalit sabi; ANG SABI MO ME HALAK AT NANGINGITIM SA LABAN!!! TIGNAN MO... UNG KLABAN NANGITIM!!!!

    Sagot ng friend ko; ME HALAK NG APO ITO BOSS, PERO TLGANG MGALING ITO WAG TATAGAL LABAN.... Bwehehehe.

  14. #14
    Moderator george's Avatar
    Join Date
    Mar 2000
    Posts
    390
    Post Thanks / Like

    Re: nakakatawang kwentong manok

    hackfight sa Batangas. Lumapit ang isang nanguulot.

    Nanguulot: Pre, medyo nakakataas itong aking pero bulag naman ang kanang mata( inikot niya ang ulo ng manok para ipakita na talaga namang bulag).

    Inuulutan: Hindi ho pwede malaki ang inyo.

    Nanguulot: Inulit na naman...pero bulag naman ang kanang mata nito.

    Inuulutan: Nakulitan na ata sa nanguulot....sabi ko ho hindi nga pwede...kung gusto ninyo dun ninyo iulot(sabay turo sa isang manok sa ulutan). Yun ho eh bulag naman ang kaliwa. Patas kayo!

    Nakakatuwa talag ang usapan sa sabungan.
    visit us at [url]www.geocities.com/c_and_s_gamefarm/MainPage.html[/url]

  15. #15
    Senior Member DINOPATANI's Avatar
    Join Date
    Jun 2004
    Location
    Mina...............
    Posts
    1,331
    Post Thanks / Like

    Talking Re: nakakatawang kwentong manok

    na tsambahan ko lamang noon sa ulutan sa Jeddah.............. ganito yun.......

    Rico: sadik, bakja dito sa manoik ko pwede na yang hawak mo........
    Glenn: Masaya ka, kalaki na mataas pa yang hawak mo.................

    parating ang matchmaker. sabi: "Tabi, o dito kayong dalawa, pakahig..........

    kumahig naman ang dalwang galing sa gilid..........

    matchmaker: o ayan, parehas na, pwede na yan........... tari!!

    sabi ng isa: e boissing, di yata match.............

    matchmaker: match na yan... parehong pangit kasi ang may hawak.......... we-he-he........

    ka ugong ng tawanan, pero hindi naman natuloy........

  16. #16
    3BCA FORTBONIFACIO's Avatar
    Join Date
    Jun 2004
    Location
    THE FORT
    Posts
    2,649
    Post Thanks / Like

    Re: nakakatawang kwentong manok

    may isang nang ulot....sabi nya sa nakursunadahan...pre pwede na tong sa atin.....sabi ng naulutan pre, hindi pwede malaki ang manok mo....sagot naman ng umuulot...pre, partida na putol ang isang dalire nito sa kanan kulang sa panimbang....sagot naman ng inuulutan pre, hindi talaga pwede malaki ang manok mo!.....pre, kulang ang daliri nito sa kanan partida na yan.....sagot naman ng naulutan ....ang kulit mo naman....wala namang partida dyan kulang nga ng isang daliri sa kanan...lima naman ang daliri ng manok mo sa kaliwa di parehas din.....
    "LEGALLY ARMED AND PROUD OF IT"

  17. #17
    Senior Member
    Join Date
    Dec 2004
    Posts
    668
    Post Thanks / Like

    Re: nakakatawang kwentong manok

    nakakatuwa yung kwento ni benjoy.....

  18. #18
    Senior Member 1925blossomhill's Avatar
    Join Date
    Jul 2006
    Location
    San Jose,Ca./Sta.Cruz,Zambales
    Posts
    1,542
    Post Thanks / Like

    Re: nakakatawang kwentong manok

    tupadahan sa paligidlid sa amin,
    nakaugalian na ang samahan ng sabungero dito sa bandang amin ay masaya, bago simulan ng action ay may barbecuhan at kumakatay ng kambing, yong araw na iyon ay nauna ang action at nagkakatamaran na katayin yong kambing dahil nagkakasarapan na ang sabong, pero usapan na pagmayparak ay walang tatakbo parang nagkakasiyahan lang na kainan o inoman, may isang nagbiro na sinabing parating ang parak, biro mo yong kambing ay napakabilis na makatay, lahat gustong humawak ng torch para malinis yong kambing.

  19. #19
    Senior Member
    Join Date
    Dec 2004
    Posts
    668
    Post Thanks / Like

    Re: nakakatawang kwentong manok

    Quote Originally Posted by 1925blossomhill

    WAAAAAAAAAA okey din ahhh.....

  20. #20
    Senior Member devonloch's Avatar
    Join Date
    Dec 2006
    Location
    Heart of Panay , Passi City , Iloilo , Philippines
    Posts
    3,246
    Post Thanks / Like

    Re: nakakatawang kwentong manok

    Quote Originally Posted by benjoy
    sa sabungan walang bayad sa pinto ang may dalang manok panabong... si juan para maka libre nagdala ng INAHIN... e nakita ng bantay at agad syang sinita!!!

    BANTAY: ooops oops oopsss!!! anu yan?

    JUAN: GALIT!! anu p edi MANOK!!! (pa sigaw nyang sagot)

    BANTAY: oo alam ko manok yan!! pero bkit inahin?

    JUAN: me fight kaya ang anak nya... cyempre MORAL SUPPORT!!!

    BWAHAHAHAHAHAHA

    cheers
    ----------------------------------------------------
    failure is never an option! its an opportunity to succeed..

  21. #21
    Cyberfriends benjoy's Avatar
    Join Date
    Oct 2006
    Location
    Pasay / Dubai
    Posts
    693
    Post Thanks / Like

    Smile Re: nakakatawang kwentong manok

    umaga nun, papasok ako sa trabaho ng salubungin ako ng kumpare kong mag mamanok...

    UDENG: Pre baka gusto mong bumakas sa manok ko, ilalaban ko mamaya?

    AKO: magaling b yun?

    UDENG: aba cyempre, napaka galing mag laro nun...

    AKO: (medyo naniniguro) paano mag laro?

    UDENG: naku napakagaling sa itaas at pag dating sa baba abay napaka husay din..hindi ka titigilan ng palo (pag mamalaki nyang sagot)

    napabunot ako ng madalian kc tulo laway ko sa kwento nya.. 600 nlng pera ko.. isinapalaran ko yung 550 kc lamang sa panalo e nag tira ako ng pamasahe d nlng ako kakain... (pauwi nko at sobrang exited sa resulta) nakita kong nag mumukmuk yung kumpare ko... inunahan ko n

    AKO: pre 1000 nlng kukunin ko, syo n yung 50 plasada (optimistic)

    UDENG: TALO pre sabay iling at kamot sa ulo...

    AKO: Ha? paano natalo? akala ko ba magaling sa itaas at lintek sa ibaba!!

    UDENG: nadale sa GITNA...

    BWAHAHAHAHAHAHAHA

    cheers

  22. #22
    Moderator george's Avatar
    Join Date
    Mar 2000
    Posts
    390
    Post Thanks / Like

    Re: nakakatawang kwentong manok

    hehehehehe.....galing benjoy! kwento pa naman diyan. aliw na aliw ko sa mga istorya mo.
    visit us at [url]www.geocities.com/c_and_s_gamefarm/MainPage.html[/url]

  23. #23
    Senior Member
    Join Date
    Dec 2004
    Posts
    668
    Post Thanks / Like

    Talking Re: nakakatawang kwentong manok

    bwahahahahahahaha ang galing galing ni benjoy!!!!

  24. #24
    Senior Member nicontrina's Avatar
    Join Date
    Jan 2006
    Location
    Ciudad del Pque en Alaminos
    Posts
    1,898
    Post Thanks / Like

    Re: nakakatawang kwentong manok

    More! More!

  25. #25
    Senior Member DLANOD's Avatar
    Join Date
    Jul 2006
    Location
    dito lang sa tabi-tabi
    Posts
    2,218
    Post Thanks / Like

    Talking Re: nakakatawang kwentong manok

    sa ulutan...inulutan ako...malaki at pogi daw yung manok ko! yung manok daw nya ay maliit na at pangit pa! ang sagot ko naman...syempre mana lang sa akin yung manok ko! pogi! eh ano nga ba uli ang sabi mo tungkol sa manok mo!?!

  26. #26
    johnb1965
    Guest

    Re: nakakatawang kwentong manok

    DOON SA AMIN SA BATANGAS MAY MASAYA DIN KUWENTO SA MAGLOLO TUNGKOL SA SABONG.

    LOLO- apo pakilaban mo nga ari manok ko ngayon. di na ako makakasama at ako ay matanda na ay baka kung mapaano pa ako sa sabungan.

    APO LAKAYO- sge lolo at ako na bahala. magkano ga naman ho ang inyong ipupusta.

    LOLO- ako ay may naipon dne isang libot isa ( 1,100 noon panahon yon nakakaparada pa ng 550 pesos) apo huwag mo naman ilalaban sa malaki at ipupusta ko diyan ay mainit pa sa baga at pinagbilihan pa sa kawayan. ( bilin na bilin ng lolo)

    si lolo ay nag aantay na sa apo ng hapon at sabik ng malaman resulta, dumating na si apo ng hapon na dala yon kahon na pinaglagyan ng manok. di naman masilip ni lolo kung may laman pa AT MALABO NA ANG MATA..

    LOLO- ANO RESULTA NG LABAN NG MANOK KO..

    APO LAKAYO- TAKBO HO ANG KALABAN

    LOLO- OH AY NASAAN ANG AKIN KABIG (panalo)

    APO LAKAYO- papaano ga ho kayo kakabig ay talo ho ang manok..

    LOLO- di ga sabi mo ay takbo ang kalaban.

    APO LAKAYO- oo nga ho takbo ho ang kalaban ay pagat pagat (habol habol) ho ang atin eh.

    YON PALA ANG KANILA ANG TUMAKBO AT HABOL NG KALABAN..

  27. #27
    Senior Member yellowhackled84's Avatar
    Join Date
    Jan 2006
    Posts
    734
    Post Thanks / Like

    Re: nakakatawang kwentong manok

    sa 1 sabungan... may mananrabesya na 8 sunod ang tama . tuwang tuwa siya at nagtatatalon nung pangwalong tama niya.... pero nabagsakan siya ng electricfan habang sumasayaw siya... sabi nung katabi... ayos ah... 9 na sunodsunod ang tama niya... lol

  28. #28
    Senior Member DLANOD's Avatar
    Join Date
    Jul 2006
    Location
    dito lang sa tabi-tabi
    Posts
    2,218
    Post Thanks / Like

    Smile Re: nakakatawang kwentong manok

    Quote Originally Posted by johnb1965
    DOON SA AMIN SA BATANGAS MAY MASAYA DIN KUWENTO SA MAGLOLO TUNGKOL SA SABONG.

    LOLO- apo pakilaban mo nga ari manok ko ngayon. di na ako makakasama at ako ay matanda na ay baka kung mapaano pa ako sa sabungan.

    APO LAKAYO- sge lolo at ako na bahala. magkano ga naman ho ang inyong ipupusta.

    LOLO- ako ay may naipon dne isang libot isa ( 1,100 noon panahon yon nakakaparada pa ng 550 pesos) apo huwag mo naman ilalaban sa malaki at ipupusta ko diyan ay mainit pa sa baga at pinagbilihan pa sa kawayan. ( bilin na bilin ng lolo)

    si lolo ay nag aantay na sa apo ng hapon at sabik ng malaman resulta, dumating na si apo ng hapon na dala yon kahon na pinaglagyan ng manok. di naman masilip ni lolo kung may laman pa AT MALABO NA ANG MATA..

    LOLO- ANO RESULTA NG LABAN NG MANOK KO..

    APO LAKAYO- TAKBO HO ANG KALABAN

    LOLO- OH AY NASAAN ANG AKIN KABIG (panalo)

    APO LAKAYO- papaano ga ho kayo kakabig ay talo ho ang manok..

    LOLO- di ga sabi mo ay takbo ang kalaban.

    APO LAKAYO- oo nga ho takbo ho ang kalaban ay pagat pagat (habol habol) ho ang atin eh.

    YON PALA ANG KANILA ANG TUMAKBO AT HABOL NG KALABAN..

    AYOS!!! SAKIT TYAN KO KAKATAWA DITO!!!

  29. #29
    Junior Member
    Join Date
    Feb 2005
    Posts
    3
    Post Thanks / Like

    Re: nakakatawang kwentong manok

    minsan(di ako nakasama sa mga kaibigan ko sa sabong na naglaban nga manok)nakita ko silang ang saya-saya nilang nagkukuwentohan binibida nilakung gaano kagaling yung manok na inilaban nila.sabi ng isa ,pare ang galing nung manok ng kaibigan natin sayang di ka napasama akalain mo kumpleto ang laro taas hanggang sa baba sa kanya lahat.ohh, napabilib ako.kaso pahabol ng isa na pakantiyaw,oo pati bayad.talo pala...sa kanya nga lahat...
    Last edited by torogiya; February 7th, 2007 at 05:29 AM.

  30. #30
    janrex33
    Guest

    Re: nakakatawang kwentong manok

    Isang araw magkausap ang magkaibigang si Kups at si Dups.

    Kups - Pareng Dups ilalaban ko sa Linggo ang anak ng mananalo kong panabong. Ibang klase ang ama ng manok ko nato. Itaas...Ibaba...Ilalim...Ibabaw...Kaliwa...Kanan.. ..Harap...Likod kung pumalo. Walang humpay, di tumitigil.

    Dups - Aba sama ako dyan...Eto ang 550 dalhin mo na lang sa kin ang panalo ko ha at me lakad ako sa Linggo..Di na ko sasama.

    Linggo.....(Tanghali)

    Kups (Sumisigaw) - Sige bata palo ng palo wag kang titigil ipakita mo lahi mo!!!!!!!!!!!!!!!

    Linggo....(Hapon)

    Dups (Masaya) - Pareng Kups, musta ang laban.

    Kups - Grabe pre pag bitaw pa lang di na tumigil. Itaas...Ibaba...Ilalim...Ibabaw...Kaliwa...Kanan.. ..Harap...Likod ang palo. Lahat pasok. Walang humpay, di na tumitigil. Pagkalas tadtad ng tama at wala ng buhay yung kalaban.

    Dups (lalong Sumaya) - nung manok mo?

    Kups - Nung kalaban Pre..ang galing ng kalaban.Di man lang tayo nakasugat.

    Dups - Walangya naman!!!!! Kala ko ba mananalo!!!!!!

    Kups - OO nga

    Dups - Eh bakit nagkaganun?

    Kups - Mananalo...LAHAT NG PALO NG KALABAN SINALO ng KATAWAN ayun PATAY!!!!!!!!!

    WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH

Similar Threads

  1. Nakakatawang Karanasan
    By Thaddeus in forum Usapang Manok
    Replies: 43
    Last Post: February 16th, 2011, 08:31 AM
  2. Mga Nakakatawang Post at Nakakaaliw Basahin
    By JAZEERA in forum Usapang Manok
    Replies: 1
    Last Post: August 16th, 2010, 03:43 AM
  3. kwentong sabong/manok 2009
    By nativelito23 in forum Usapang Manok
    Replies: 0
    Last Post: April 11th, 2009, 11:36 AM
  4. kwentong barbero
    By hampaslupa in forum Chit-Chat
    Replies: 27
    Last Post: December 4th, 2007, 10:21 AM
  5. kwentong ka palpakan sa pag tatare
    By b_tigas in forum Chit-Chat
    Replies: 7
    Last Post: May 16th, 2007, 09:08 AM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •