Results 1 to 10 of 10

Thread: Balidasyon!

  1. #1
    yenbehold
    Guest

    Thumbs up Balidasyon!

    Magandang Araw Po sa Inyo!

    Ako po si Ian CrisL. Cadile ng Poblacion, Tubod, Lanao del Norte, Mindanao. Kasalukuyan ko pong tinatapos ang aking MA Thesis na may Pamagat na Biya, Inilog: Register ng mga Sabungero.
    Narito po ang aking mga nailista na mga salitang pansabong. Mangyari lang pong na paki-valedeyt ng mga salita at ng konsepto nito. Upang maging wasto ito. Hihingi po ako sa inyo ng kaunting panahon para matapos lang po ang aking pag-aaral.
    Alam ko pong matapos ang thesis na ito, malaki pong tulong ang mga salitang nalikom upang maging gabay sa mga baguhang sabungero upang maunawaan nila ang kakaibang salita ng mga sabungero. Malaking tulong din itong pag-aaral sa mga sabungero bilang panimulang paglilikom ng mga salitang panabong.

    Marami pong salamat sa inyong panahon at mabuhay po ang sabungerong pinoy!

    Sumasainyo,

    IAN CRIS L. CADILE


    ANG REGISTER NG MGA SABUNGERO

    Abay. Ito ay tumutukoy sa pusisyon ng bulang. Ang bulang ay inilalagay sa ibaba ng tahod.

    Abuhon. Ang manok na abuhon ay manok na may kulay na gray o kulay abo ang balahibo.

    Babag. Ito ay ang pagpapalit o pag-iiba ng posisyon ng mga largador upang makita sa ibang direksyon ang dalawang manok na maglalaban.

    Baina. Ang baina ay ang kaluban ng bulang. Ginagamit ito upang hindi masusugatan ang nagdadala ng manok.

    Bakiki. Ito ang manok na may kulay puti at medyo may pula-pula ang balahibo.

    Balao. Balao ang manok na may pagkapula ang balahibo at may stripe pa na puti ito.

    Balda. Ito ay tumutukoy sa manok na napilayan.

    Bandilaan. Ito ang manok na may puti balahibo sa pakpak at sa lawi nito.

    Bangkas. Bangkas ang manok na may kulay red-orange at may halong puti ang balahibo.

    Bantam. Ito ay tumutukoy sa manok na pandak o bansot.

    Banugon. Ito ang manok na may orange at may halong puti ang kulay ng balahibo.

    Baryable. Ang baryable ay tumutukoy sa malakas at magaling umiskrima na mga manok. Ito ang hinahanap ng mga sabungero bago sila tataya sa mga manok. Makikita ang pagiging baryable ng manok sa pamamagitan ng kanilang pagkahig, haba ng tahid, laki ng sungo at ulo, at maging ang kinis ng balahibo nito.

    Basilan. Tawag sa manok kapag ang paa nito ay mahahaba at malaki ang ulo nito.

    Bayong. Bayong ang tawag sa tandang na may edad na mababa sa isang taon. Kapag nasa edad na dalawa hanggang tatlong buwan na, ang bayong ay ipapa-diet at sisimulan nang bigyan ng vitamins. Kadalasang pinapakain na ito ng mga grains at dog food. Iniiwasan ang pagpapataba sa mga manok dahil mahihirapan itong kumilos sa pagsasabong. Kung may edad na itong limang buwan ay sisimulan nang i-training ito para sa sabong.

    Bihag. Bihag ang tawag sa natalo at napatay na manok sa labanan na karaniwang napupunta sa may-ari ng nanalong manok. Ang bihag ay karaniwan ding itinatakbo sa mga manghimulbulay upang makuhanan ng balahibo at maging ready nang iluto.

    Binabayi. Binabayi ang tawag sa manok kapag ang kulay nito ay parang sa inahin o babaing manok. Sa sabong, minsan ay pinagbabawal ang paggamit ng binabayi dahil hindi ito aatakihin ng ibang manok sa pag-aakala ito ay inahin dahil sa kulay ng balahibo. Sa halip ito ay susuyuin lamang ng mga tandang.

    Bisaya. Ang mga manok na bisaya ay mga manok na tubong-Pilipinas. Makikilala ang manok bisaya sa pamamagitan ng sungo o tuka nito. Kung maliit ang sungo ito ay bisaya. Maaaring sa ulo rin ay makilala ang bisaya. Kung ang ulo ng manok ay malaki ito ay bisaya.
    Karaniwang ginagamit na mga manok sa mga ordinaryo at maliliit na sabungan ay mga bisaya. Maliitan lamang ang taya dito na proporsyunal sa gastos sa pag-aalaga ng mga ito. Ang bisaya na mga manok ay hindi na masyadong nangangailangan ng maraming mga bitamina at nutrisyon dahil taglay na nito ang katapangan sa larangan ng laban.
    May iba’t ibang klase ng mga bisayang manok. Ang pangalan nito ay naaayon sa kulay ng kanilang balahibo.

    Biya. Tinutukoy nito ang manok na may maliit na pustang ipinataw ng financier.
    Malalaman sa sabungero kung sa biya siya tataya sa pamamagitan ng pagtuwid ng kanyang ang kamay na nakalahad ang palad.

    Bloodline. Tumutukoy sa lahi ng mga manok ang bloodline. Maaaring bisay,high-breed o mistizo ang lahi ng mga manok. Ang bawat lahi ng manok ay may kanya-kanyang katangian sa larangan ng pagsasabong. Higit na magugustuhan ang high-breed o may lahing dayuhan dahil matatapang sila sa royda. Kaya bago pa man mag-breed ng manok, tutukuyin muna kung anong lahi ng manok ang gagamitin.

    Blue-legged. Ito ay tawag sa manok na asul ang kulay ng paa.

    Breeding. Ang breeding ay ang paraan ng pagpapalahi ng manok. Ayon sa mga sabungero, may iba’t ibang paraan ng breeding. Nariyan ang inbreeding, line breeding at, crossbreeding. May tinatawag ding yard breeding, flock mating o group breeding.
    Kahit anong uri man ng breeding, ang kailangan ay kilalanin ang mga manok na palalahiin. Dapat ang mga manok ay galing sa mga lahing kilala bilang matatapang sa royda. Iwasan ang mga manok na nagmula sa mga lahing walang kasaysayan sa paging panalo sa labanang sabong. Iwasan ding palahiin ang mga manok na matamlay at may sakit. Makikilala ang manok na malusog tuwing umaga. Kung anong manok ang unang tatayo at maghahanap ng mga insekto iyon ay malusog at ang manok na mahuhuli sa pagtayo iyon ay may sakit o dili kaya ay tamad na mga katangiang hindi maaaring ipasa sa mga susunod na henerasyon. Nagbibigay ng mahinang katangian sa mga sisiw ang mga pinalahing manok kapag ang mga ito ay nasa mababang sampung buwan ang edad. Ang magandang edad ng inahing-palahian ay nasa hindi bababa sa tatlong taon ang edad at hindi naman hihigit sa anim na taon. Sa tandang naman ay maganda kung ito ay may edad na dalawa hanggang anim na taong gulang.

    Brood cock. Ang brood cock ang tawag sa tandang na palahian.

    Brood fowl. Ang brood fowl ay mga manok na ginagamit lamang para palahian. Ang mga manok na ito ay hindi ipinansabong. Inaalagaan lamang ang mga ito upang magbigay ng magagandang offspring na may potensyal na ipansabong. Sinisiguro lamang na ang gagawing brood fowl ay may magandang bloodline para maganda ring strain ang maipasa sa kanyang mga sisiw. Tinutukoy na mga palahiang manok ay ang brood cock at brood hen.

    Brood hen. Brood hen ang tawag sa inahing-palahian. Ito ang manok na uupo sa kanyang mga itlog upang mainitan ito hanggang mapisa.

    Brood pen. Ang brood pen ay isang kulungan o ang tirahan ng manok. Ito ay may dalawang uri, ang permanent pen at portable pen. Sa brood pen inilalagay ang pugaran o isang kahon na iitlogan ng brood hen. Dito rin kadalasang pinapakawalan ang mga manok upang mageehersisyo at magpapakondisyon.

    Buayahon. Uri ng manok na sinyalan. Ang manok na buayahon ay may crack ang kaliskis ng hinliliit sa paa.

    Bugok. Tumutukoy ito sa nabubulok na itog. Maraming pagkakataon kung bakit nabubulok ang mga itlog. Isa na rito ay kung maarawan ang mga itlog. May pagkakataon ding may makapasok na mga insekto sa pugaran na nagpapabulok sa mga itlog. Isa pa rito ay ang pagpapabaya ng mga inahin sa mga itlog na hindi na hindi nililimliman. Minsan naman may mga inahin na hindi tatapusin ang paglilimlim sa mga itlog kapag may naiwan pang isa na hindi napipisa. Ang ginagawa ng mga sabungero ay lalagyan ng artipisyal na itlog upang maloko ang inahin nang sa gayon ipagpapatuloy niya ang paglimlim hanggang mapisa ang lahat na itlog. Dapat gagawin ang paglagay ng artifisyal na itlog sa gabi upang hindi malaman ito ng naglilimlim na inahin.

    Buhi. Ang buhi ay ang pagbitaw ng mga largador sa kani-kanilang manok sa ibabaw ng royda. Ito ang hudyat na magsisimula na ang sabong at hihinto na ang pagtaya.

    Bulang. Ang bulang ay isang matalim na blade na inilalagay sa paa ng manok na papatay sa kalaban. Ito ay may sukat na 3 inches, 4 inches, 5 inches, at 6 inches. Ang gagamiting tari ay depende sa sukat ng paa ng manok. Kapag mahaba ang paa ng manok, ang ilalagay ay iyong malalaking sukat ng bulang at syempre kapag maliit naman ang paa, ang ilalagay ay ang maliliit din na bulang. Ang bulang na 3 inches ang pinaka-standard na habang ginagamit. Karaniwang inilalagay ang bulang sa kaliwang paa ng manok dahil ang manok ay kaliwete o ang lakas ng paa ay nasa kaliwa. Kung hihingi ng lorgoang kalabang sabungero sa katwirang maliit lamang ang kanyang manok ay maaaring ilagay ang bulang sa kanang paa.
    Bago ilalagay ng gaffer ang bulang ay nilalagyan muna ang paa ng likit upang mabalanse ang paglagay ng bulang. Pagkatapos ay itatali na ang bulang sa pamamagitan ng gabot. Upang hindi masugatan ang nagdadala ng manok ay nilagyan ng baina.
    May iba’t ibang posisyon ang bulang sa paa ng manok: lugar,sampao at gawas.


    Bulanting. Bulanting ang tawag na manok kung maypagkapula at may tuldok-tuldok na puti ang balahibo nito.

    Bunal. Ang bunal ay ang pagpalo ng paa ng manok. Sinasabing ang malakas na pagpalo ay nasa kaliwang paa ng manok kaya dito inilalagay ang bulang.

    Bunguton. Ito ang tawag sa manok na may balbas.

    Buno. Ito ang tawag sa nanalong manok.

    Buyugon. Ang buyugon na manaok ay may pagka-dark red-orange at halong brown at itim ang balahibo nito.

    Champion. Ito ay tumutukoy sa manok na nanalo sa derby.
    Sa derby, halimbawa sa 5-cock derby, kung may dalawang manok na nanalo ay bibigyan ang financier nito ng insurance basta may dalawang manok na na makapasok sa championship. Kung ang limang manok na entry naman ay nanalo lahat sa derby, ang financier ang tatanghaling champion sa derbing iyon. Ngunit maaaring sa isang derby ay may maraming mag-champion. Ang guaranteed prize ay paghahati-hatian ng lahat ng mga nag-champion. Ngunit hindi buong guaranteed prize ang matatanggap ng mananalong financier. Ito ay kukuhanan ng porsyento para sa handler at gaffer ng nanalong manok.


    Cock. Cock ang tawag sa tandang na isang taon ang gulang pataas. Sa edad na isang taon ay mature na ang isang manok. Maaari nang ipansabong ang tandang. Pinapakain na ito ng mga pagkaing puno ng bitamina at minerals na magpapalakas sa manok. Maaaring ibenta ang cock na may sapat nang training.

    Cock derby. Ang cock derby ay isang uri ng derby na ang mga manok na ginagamit may edad na lampas sa isang taon. Ito ay may iba’t ibang uri tulad ng 2-cock derby, 3-cock derby, 4-cock derbey, pataas.

    Cockhouse. Ang cockhouse ay mga kulungang nakahilera sa likod o gilid ng sabungan. Dito kinukulong ang mga manok na nag-aabang ng kanilang oras sa royda.

    Cord. Ito iyong pormang titik T na dadapuan ng manok. Ito ang ginagawang flying pen na ginagamit sa pag-ehersisyo sa pamamagitan ng pagpapalipad ng mga manok. Pang-ehersisyo sa pakpak ang cord.

    Crossbreed. Lahi ng manok na may magkahalong blood mula sa iba’t ibang lahi ng manok. Ito ay tinatawag ding rasa o high-breed.

    Crossbreeding. Mula sa iba’t ibang lahi ng manok naman ang ginagamit kapag crossbreeding. Kadalasan itong ginagamit ng mga sabungero upang makapagpalahi ng manok panabong. Ginagawa ito upang ang mga katangian ng dalawang manok o strain ay maipasa sa kanilang offspring. Tinatawag din itong pag-eeksperimento ng pagpapalahi ng manok.

    Dahili. Ito ang manok na naghihingalo. Kapag ang manok ay naghihingalo dahil sa laki ng sugat ay itinatakbo sa mga doktor upang tahiin ang sugat. May mga dahiling manok ang masasalba ngunit meron ding diretso na sa himulbulay.

    Dehado. Tingnan ang tungkol sa biya.

    Derby. Ang derby ay isang sabong rin. Naiiba lamang ito sa halaga ng mga pusta, dami ng manok na kasali sa laban, lahi ng manok na isinasali, premyong makukuha at sa alituntunin sa paglalaro.
    Ang pangalang derby ay nagmula kay Bob Dyer ng Kentucky noong 1929.
    Sinasabi ng mga sabungero na ang derby ay isang seryosong larangan ng sugal. Dito ay may mahigpit na patakarang sinusunod. Ang sabungero ay naghahanda nang mabuti sa kanyang manok. Ang isang sabungero ay gagasta ng hanggang P200,000.00 sa pagkain at bitamina ng isang manok lamang sa loob ng isang buwan.
    Sa kabuuan ay pareho lamang ang paglalaro sa ordinaryong sabong at ang derby. Ginagamit pa rin ng bulang, likit, gabot at baina sa mga manok. Naririyan pa rin ang mga tauhan sa sabungan -- ang kristo, monton, financier, handler at koymi. At higit sa lahat, manok panabong pa rin ang ginagamit. Ngunit sa pangalan pa lang ay may pagkakaiba na ang dalawa.
    Ang derby ay kadalasang ginagawa lamang tuwing fiesta at kung may malaking okasyon sa isang maliit na lugar at ginaganap pa rin ito sa isang pangkaraniwang sabungan. Ganoon pa rin ay may nagtitinda ng iba’t ibang paninda sa labas ng sabungan. Ginaganap naman ang international derby sa malalaking colliseum tulad ng Araneta. Sinasalihan ito ng mga sabungerong nagmumula sa iba’t ibang antas ng buhay mula sa iba’t ibang bansa. Sa mga malalaking siyudad, tulad ng Metro Manila, halos araw-araw ay may ginaganap na derby na kadalasang pinapalabas sa telebisyon tuwing gabi.
    May iba’t ibang uri ng derby: ang cock derby at stag derby.

    Diperensya. Ito ay tumutukoy sa agwat ng dalawang pusta na ipinataw ng mga financier sa kanilang manok na maglalaban.
    Hindi magsisimula ang sabong hanggat may diperensya pa ang dalawang pusta. Ano ang gagawin dito? Para maging pantay ang pusta ay ipapasa ng anawnser ang tayaan sa mga sabungero. Halimbawa ang inilog o llamado ay may pusta na P1000 at ang biya o dehado ay may taya na P500. Ang diperensya nito ay P500. Ito ay ipapasa sa ibang sabungero at ang kadalasang pinapasahan nito ay ang mga puntos o mga big-time. Minsan naman ay may mga puntos na sekreto ang pagtanggap sa diperensya. Ipadadala lamang niya ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng runner o messenger. Kung may tumanggap na ng diperensya ay sisimulan na ang laban.

    Discase. Ang discase ay ang pagtanggi ng sabungero sa pagtaya o iniatras niya ang kanyang taya. Ang pagtanggi ng isang sabungero ay sinamahan ng pagmwestra ng kamay.

    Doktor. Ang mga doktor ay tagatahi sa mga sugatang manok. Kadalasang makikita ang mga doktor na ito sa likuran ng sabungan. Sila ay hindi lisensyadong beterinaryo ngunit sila ay may sapat na karanasan sa pagtahi ng sugat ng manok. Mayroon din silang isang kubo na nagsisilbing clinic sa mga sugatan. Ang mga doktor na ito ay may professional fee rin. Ang bayad ay P30.00 bawat manok kung maliit lamang ang sugat at kung malaking sugat naman ay P50.00 ang singil.

    Drumstick. Ang drumstick ay tumutukoy sa hita ng manok.
    Mas magandang bilhin ang manok panabong na may mahabang drumstick. Sa mahabang drumstick makikita ang lakas ng pagpalo ng manok sa kanyang kalaban. Ang tagumpay ng sabong ay nasa pagpalo ng paa ng manok sa kaaway kaya nararapat lamang na malakas ang mga drumstick nito. Maganda rin ang manok na may mahabang drumstick dahil ang mga manok na ito ay matatapang at palaging nasa kundisyon. Puno sila ng mga nutrisyon mula sa mga kinakain at nasa kondisyon dahil sa ehersisyo. Ito ang indikasyon na pinapakita ng mga manok na malulusog.

    Dyeste. Tingnan ang tungkol sa syete-dyes.

    Financier. Ang financier ang nagmamay-ari ng manok panabong.

    Flock mating. Ito ay paraan ng pagpapalahi ng manok. Ito rin ay tinatawag na group breeding. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagpakawala ng isang brood cock sa brood pen na may maraming brood hen.

    Flying Pen. Ang flying pen ay ginagamit sa pag-ehersisyo sa pamamagitan ng pagpapalipad ng mga manok. Sa flying pen ay na tre-train ang pakpak ng mga manok. Kadalasang ginagamit bilang flying pen ang cord minsan naman ay nilalagyan lamang ng kahoy ang kahit anong poste ng bahay para madapuan ng mga manok.

    Gaffer. Ang gaffer ang taong naglalagay ng bulang sa paa ng manok.
    Dapat asentado kung maglagay ng bulang ang isang gaffer dahil kung siya ay magkakamali ito ang ang magiging dahilan ng pagkatalo ng kanilang manok-panabong sa laban. Ngunit minsan talaga ay nagkakamali ang gaffer sa paglalagay ng bulang. Dito makikita sa paglalagay ng bulang kabalintunaan nangyayari sa isang gaffer. Kapag ang kanyang manok ay nanalo sa laban ito ay pinagbubunyi at nakalimutang pasalamatan ang gaffer. Ngunit kung ang manok ay natalo ang sinisisi ay ang gaffer.
    Kung mananalo sa derby ay hindi buong guaranteed prize ang matatanggap ng mananalong financier. Ito ay kukuhanan ng porsyento para sa gaffer ng nanalong manok. Bibigyan ng (5) porsyento ng guarateed prize ang gaffer.

    Gabot. Ang gabot ay tumutukoy sa isang kagamitan ng sabong. Ito ay isang cotton thread o sinulid na itinatali sa bulang doon sa paa ng manok.

    Gallera. Ito ay ibang tawag sa royda. Tingnan ang tungkol sa royda.

    Gawas. Ito ay isang maling paraan ng pagkalagay ng tari sa paa ng manok. Ito ang tawag sa bulang na nakaposisyon palabas sa katawan ng manok. Kung ganito ang pusisyon ng bulang ay hindi matatamaan ang kalabang manok.

    Glabs. Ang glabs ay ang sinusuot sa tahid ng manok kung magkakaroon ng sparring. Kailangang protektahan ang tahid nito dahil ito ang makasusugat sa mga manok.

    Green-legged. Ito ay tawag sa manok na may kulay berdeng paa.

    Group Breeding. Tingnan ang flock mating.

    Guaranteed prize. Ang guaranteed prize ay ang halaga ng premyo bawat manok kapag nag-champion sa isang derby. Ang guaranteed prize ay nagdedepende rin sa ilang entry ng manok. Karaniwan na ang bawat manok ay nagkakahalaga ng P1,000.00. Kung may limampung (50) entry, ang guaranteed prize ay P50,000.00; kung sandaang (100) entry, may P100,000.00 na guaranteed prize. May mga derby na ang guaranteed prize ay umaabot ng P1,000,000.00. Ang guaranteed prize ay magmumula sa naipong pot money ng derby.
    Ngunit maaaring sa isang derby ay may maraming mag-champion. Ang guaranteed prize ay paghahati-hatian ng lahat ng mga nag-champion na mga financier.
    Ngunit hindi buong guaranteed prize ang matatanggap ng mananalong financier. Ito ay kukuhanan ng porsyento para sa handler at gaffer ng nanalong manok. Bibigyan ng sampung (10) poryento ng guaranteed prize ang handler ng manok at limang (5) porsyento naman ang mapupunta sa gaffer. Kaya sa isang derby ay may maraming mananalo -- mananalo ang financier, handler at ang gaffer. Kung marami ang magcha-champion ay paghahatian ng mga financier, handler at gaffer ang guanteed prize.
    Ganito pa rin ang sistema kung stag-derby ang pag-uusapan.

    Hapin. Ito ay isang tela na may butas sa gitna upang malusutan ng tahod. Nilalagyan ng hapin ang paa upang hindi ito masusugatan kung lalagyan na ng likit.

    Handler. Ang handler ay ang tagapag-alaga ng manok. Siya ang nagbibigay ng ehersisyo ng mga manok tuwing umaga. Dito niya ginagawa ang sparring ng mga manok. Sa halip na bulang ay glabs ang ginagamit. Ginagawa ito upang malaman ng handler kung handa na ang isang manok panabong sa laban. Ang handler din ang gumagawa ng formula ng mixture ng pagkain na nagbibigay lakas sa mga manok. Ang pagkain na ito ay hindi ipinapaalam sa iba upang maiwasan ang pangongopya.
    Sa loob ng royda, ang handler ang tagabitaw sa manok at siya ang magsusuot ng kalo. Kung sisignal na ang koymi upang simulan ang laban ay puposisyon na ang dalawang handler sa mga linyang may layong 8-foot sa bawat isa na nakalaaan sa kanila. Sila ay magkakaharap at hawak ang manok sa tamang posisyon. Pagkatapos mabitawan ang mga manok, ang mga handler ay lalabas na sa royda.
    Kung mananalo ang manok ang panalo nito ay kukuhanan ng porsyento para sa handler ng nanalong manok. Bibigyan ng sampung (10) poryento ng guaranteed prize ang handler ng manok.

    Heater. Ang heater ay ang pagbibigay-init sa dalawang manok na ilalaban. Kaya kung bibitawan na ng mga largador ang dalawang manok ay diretsahan na silang mag-aaway sa ere dahil galit na sila isa’t isa. Dalawang paraan ang nagbibigay init sa mga manok, ito ay ang kahig at ang patusik.

    High-breed. Higit na magugustuhan ang high-breed o may lahing dayuhan dahil matatapang sila sa royda. Kadalasang ang mga lahing dayuhan ay nagmumula sa cross-breeding. Ang mga rasa o high-breed ay karaniwan namang inilalaban sa mga derby. Ang manok na ito ay may taglay na dugong dayuhan at sinasabing matapang. Matapang dahil maayos na inilagaan, masustansya ang pinapakain, at may sapat na bitamina. Ito ay mamahaling manok dahil ang mga lahing ito ay nagmula pa sa ibang bansa at inalagaan ng mga kilalang sabungero. Nangangailangan ito ng malaking halaga sa pag-aalaga dito lalung-lalo na sa mga kailangang bitamina at pagkain.
    Ang pangalan sa high-breed na manok ay karaniwang magmumula sa pangalan ng owner o may-ari ng manok. Maiuugnay lamang ang kanyang pangalan kung maging tanyag na sa lahat ang kanyang manok. Nangangahulugang palaging nananalo ang manok o mga manok sa lahat ng labanan. Kung gustong magpalahi sa kilalang lahi ng manok ay mananatili ang pangalan ng orihinal na may-ari ng manok at maaaring madagdagan ng ibang pangalan alinsunod sa kagustuhan ng magpapalahi. Isang halimbawa nito ay ang mga lahing Hatches. Ito ay nagmula kay Sanford Hatch. Ang mga varayti nito ay Gilmore Hatch, Blueface Hatch, Jack Walton Hatch, Kentucky Hatch, Oakgrove Hatch at iba pa.

    Hikapay. Ang hikapay ay isang kilos ng mga sabungero na makikita sa taparan. Ito ay ang paghimas ng isang sabungero sa manok na kanyang gustong ipartner sa kanyang manok. Hihimasin niya ito para malaman kung malaki o maliit ito kung ikumpara sa kanyang manok. Mas maganda kung maliit pa ito kaysa kanyang manok para madali itong matalo. Pero sa mga wais na sabungero, bawal ang paghimas sa kalabang manok upang hindi malaman nito ang mga katagong dagon ng manok at upang hindi ito mapilayan.

    Hiniktan. Ang mga hiniktan ay tumutukoy sa mga manok panabong.

    Inbreeding. Ang inbreeding ay isang paraan ng pagpapalahi ng manok na ang mga broodfowl ay ang magkakapatid na tandang at inahin. Ginagawa ito upang mapalakas ang bloodlines at mapanatili ang kanilang pure line.

    Incubator. Ito ay isang artifisyal na paraan ng pagpipisa ng itlog kung saan ang init ng ilaw lamang ang nagsisilbing init ng katawan ng inahin. Ang mga itlog ay inilalaghay sa isang malaking kahon na may ilaw sa loob na nagbibigay-init at nagpipisa sa mga itlog. Kadalasang ginagamit ito dahil may mga inahin na hindi naglilimlim sa kanilang mga itlog. Pinapabayaan lamang ng mga ito ang mga itlog kaya ito ay hindi napipisa at humahantong sa pagkabugok. Minsan naman may mga inahin na hindi tatapusin ang paglilimlim sa mga itlog kapag may naiwan pang isa na hindi napipisa.

    Indian-indian. Ang indian-indian ay isang simpleng bahay na pormang baligtad na titik V. Ginagamit ito upang hindi masyadong maarawan ang isang manok kung ito ay nagkalansad at nagpapakondisyon sa labas ng permanent pen.

    Inilog. Ito ang manok na may malaking pustang ipinataw ng financier.
    Malalaman kung ang sabungero ay tataya sa inilog sa pamamagitan ng paglalagay ng isang kamay sa ulo. Tinutukoy nito ang kalo o sumbrero na suot ng handler ng inilog na manok.

    Insurance. Ito ay halaga ng pera bilang panimulang premyo basta may dalawang manok na na nakapasok sa championship. Ang halaga ng insurance ay itatakda ng management ng derby depende sa bilang ng entry ng mga manok.

    Kabilyadahon. Tinatawag na kabilyadahon ang manok kapag ito ay may kulay orange ang balahibo.
    Tinatawag ding kabilyadahon ang manok kung ang katawan nito ay malaki na parang kabir. Ang ganitong manok ay tinatawag ding kawayanon.

    Kahig. Ang kahig ay ang pagpapalakad sa manok palapit sa kalaban habang hawak ang buntot nito. Pagpapalakas ito sa mga paa ng manok at pagpukaw rin sa galit nito sa kalaban. Nagbibigay rin ito ng palatandaan sa mga sabungero kung alin sa dalawang manok ang baryable.

    Kalo. Ang kalo ay tumutukoy sa sumbrero na suut-suot ng largador ng inilog. Ang largador ng biya ay hindi na nagsusuot ng kalo. Ito ang nagbibigay-kaibahan sa dalawang manok na nagsasabong.
    Hindi masisilayan sa derby ang kalo. Dahil dito ay may nakatalagang lugar para sa inilog at para sa biya sa dalawang sulok ng royda. Tulad ng sa boksing ay may blue corner at red corner.

    Kanawayon. Ang manok na kanawayon ay may balahibong magkahalong itim at puti.

    Kapay. Ang kapay ay tumutukoy sa pakpak ng manok.
    Sa taparay, hindi pinahihintulutan ng may-ari ng manok na iunat ang kapay ng manok dahil ito ang isang batayan upang kilalanin ang isang magaling na manok. Kapag ang manok ay may malaki’t malapad na pakpak ay kinatatakutan ito dahil magaling itong lumipad kaya hindi madaling maabutan ng bulang o tari. Para maehersisyo ang pakpak ng manok, ginagamit ito ng flying pen.

    Karyo. Ang karyo ay ang pagpapatukaan ng dalawang manok. Kung alin sa dalawa ang tutuka pa nang tatlong beses sa kanyang kalaban ay siyang tatanghaling panalo. Kung ang dalawang manok ay hindi na tutuka ay tatanghaling tabla ang laban. Kapag ang desisyon ng koymi ay naitakda na, hindi na ito mababago. Ang anumang pagtututol o hindi pagsang-ayon ay hindi na kikilalanin o pakikinggan ng koymi.
    Ginagawa ang pagkakaryo kapag ang dalawang manok na naglalaban ay tumigil sa paglalaban, kapag ang isa sa dalawang manok na naglalaban ay nasablay sa gilid ng royda o natusok sa tari ng kalaban upang matiyak kung nais pa niyang lumaban o kung siya ay patay na. Ngunit kung ang isang manok ay nagpapahabol, hindi ito maaaring karyuhin dahil may mga manok na mahilig magpahabol bago lumaban, maliban lamang kung ang dalawang manok ay natatakot sa isa’t isa lumaban.
    Minsan naman may mga manok na tumangging lumaban kahit sa simula pa lamang ng labanan. Kung ganito man ang mangyayari, tatanghaling tabla ang laban at mawawalang bisa ang lahat ng pustahan. Tatawagin ding tabla ang labanan kung ang isang manok ay tumatakbo sa gitna ng laban at ayaw nang lumaban kahit ginawan na ng pagkakaryo. May pagkakataon naman na ang dalawang manok ay nababalda o nasusugatan at nawawalan nang lakas upang lumaban. Sa ganitong pagkakataon ay kakaryuhin ito ng koymi. Kapag ang mga manok na nababalda o nasusugatan kahit marami na ang ginawang pagkakaryo ay nagpapakita pa rin sila ng lakas na lumaban dito gagawin ang pagbibilang ng sampung segundo. Pagkatapos magbilang, kung tumutuka pa rin ang dalawang manok, tatawagin ng koymi na tabla ang laban.


    Koymi. Ang koymi ay ang referree sa labanan ng mga manok panabong sa loob ng royda. Siya ay pinagkakalooban ng ganap na kapangyarihan upang ipatupad at bigyang-bisa ang nasabing mga alintununin, sa maayos at wastong paglalaban ng manok. Ang koymi ang siyang makapangyarihan sa loob ng royda dahil nasa kanyang mga kamay ang pagtigil sa alinmang pareha sa gitna nang kanilang paglalaban, kung mapatutunayan niyang may katiwalian o pagdaraya sa labanan. Kung ganito ang nangyayari, tatanghaling patas o tabla ang labanan. Ang lahat ng tiwala ng mga sabungero ay ibingay sa koymi. Malaking tiwala nila na ang koymi ay may matapat at wastong paghahatol sa mga manok na naglalaban. Upang mapagkatiwalaan dapat lamang siya ang may katangiang makakaibigan ngunit may matatag na paninindigan sa kanyang desisyon na hindi maaaring mabayaran, matapat na walang bahid-dungis sa pagpapatupad ng kanyang tungkulin at higit sa lahat dapat ang koymi ay may sapat na kaalaman sa larong sabong.
    Bago simulan ang sabong, papahiran muna niya ang mga tari ng dalawang manok upang maalis ang lason dito dahil may mga sabungerong naglalagay ng lason sa tari upang madaling mamatay ang kalaban. Ito ay ipinagbabawal para maging patas ang laban. Sisiyasatin din niya ang pagkakalagay ng tari baka hindi ito maayos o hindi kaya ay may depektibo ang tari. Kung sa gayon, ipag-uutos niyang huwag nang ituloy ang laban. Kapag ang desisyon ng koymi ay naitakda na, hindi na ito mababago.
    Ang anumang pagtututol o hindi pagsang-ayon ay hindi na kikilalanin o pakikinggan ng koymi.
    Ang koymi ay isa sa may karapatang maglalagay ng wingband o leg band.

    Kristo. Ang kristo ang tagatawag ng taya.
    Ang isang kristo ay maaaring tumanggap ng singkwentang kapustang iba-ibang tao. Memoryadong-memoryado ng isang kristo kung sinu-sino ang tumataya sa kanya. Maaaring siya ang pumusta o maaaring sa iba naman galing ang pusta at siya ang ginagawang tulay. Pagkatapos ng laban ay sisimulan na ng kristo ang pangungulekta sa mga taya. Matutunton niya kung sinu-sino ang mga taong kataya niya. Ito ang katangian ng mga kristo. Sila ay may matalas na isip at maganda ang memorya. Ang mga natalo naman ay bukas-loob na nagbabayad. Dito nakikita ang pagkakaroon ng palabra de honor ng isang sabungero. Ang kristo namang naging tulay ng pustahan ay binibigyan ng sampung porsyento (10%) ng napalunang pusta ngunit wala siyang matatanggap na porsyento sa natalong taya.
    Tinatawag na kristo dahil kung titingnan siya ay palaging nakadipa sa pagtawag ng mga taya at siya ang daanan ng mga taya mula sa financier tungo sa iba pang sabungero. Ang kanyang katangian ay hinalintulad kay Hesus Kristo na nakadipang pinako sa krus at si Hesu Kristo rin ang daanan ng mga tao bago makapunta sa Panginoon.

    Lambuhon. Lambuhon ang tawag sa manok kapag ang balahibo nito ay may halong itim at gray.

    Lansad. Ito ay pagpakawala ng mga manok sa damuhan nang makakain din ng mga insekto at mga butil-butil na nagbibigay magandang nutrisyon. Sabi ng ng mga kilalang sabungero na wala nang tatalo pa sa natural habitat bilang pampalakas sa manok. Ngunit kadalasang tinatalian ang mga manok na ito upang hindi makapunta sa malayong lugar at makakita ng kalabang manok.

    Largador. Tinatawag din itong handler. Tingnan ang tungkol sa handler.

    Lawi. Ang lawi ay tumutukoy sa mataas na balahibo sa buntot ng manok. Ito ang nagpapaiba sa manok na pulang-basag, pulang-latong at bandilaan.

    Legband. Ang legband ay isang uri ng band na inilalagay sa paa ng manok. Ito ay gawa sa isang maliit na aluminum at iniipit sa paa.
    May mga rason kung bakit nilalagyan ng legband ang mga manok. Lalagyan ang mga sisiw nito upang malaman kung anong lahi ito nagmula at kung anong formulang ginagamit upang ito ay maging malakas at matapang na manok panabong. Tuwing may derby, ang entry number ay iuukit sa legband at ito ay iki-clip sa may pakpak. Ito ang palatandaan na rehestrado ang nasabing manok upang ipanlaban sa derby. Sisiguruhin itong hindi basta-basta matatanggal upang maiwasan ang pagpapalit ng manok ng iba na hindi naman ang siyang nai-register.

    Likit. Ang likit ay isang maliit na kahoy na papatungan ng bulang upang mabalanse ang pagkalagay nito. Sinasabing ang likit ay nagtataglay ng dagon lalong-lalo pa kung ito ay galing sa mga di-pangkaraniwang kahoy tulad ng balite at kung ito ay galing ng Siquijor.

    Limber. Isa itong uri ng portable pen. Isa itong kulungan ng manok at panandaliang tirahan ng mga manok. Ang mga ito ay ginagamit kung pinapaarawan ang mga manok upang makondisyon sila.


    Line Breeding. Ang line breeding ay isang paraan ng pagpapalahi ng manok na ang ginagamit ay ang amang tandang at ang kanyang mga anak na inahin. Ginagamit ito upang magkaroon ng lahi na magmula sa isang kilala at matapang na tandang. Isa itong magandang paraan upang maipasa ang genes mula sa isang matapang na tandang patungo sa kanyang mga offsprings.

    Llamado. Tingnan ang tungkol sa inilog.

    Lorgo. Ang lorgo ay tumutukoy sa pabor na hinihingi ng isang sabungero. Tulad na lamang ang paghingi ng lorgo ng isang sabungero sa pagpalipat ng tari mula sa kaliwa tungo sa kanan sa katwirang maliit lamang ang kanyang manok.

    Lugar. Ito ay tumutukoy sa tamang posisyon ng bulang sa paa ng manok. Kung lugar ito ay nasa gitna ng tahod ang pagkakalagay ng bulang.

    Lumlom. Ito ang pag-upo at pagpapainit ng brood hen sa kanyang mga itlog upang mapisa. Ginagawa ang paglumlom sa pugaran nito at aabot ito ng 21 na araw.

    Masyador. Ito ay tinatawag ding kristo. Tingnan ang tungkol sa kristo.

    Mistizo. Mistizo naman ang tawag sa lahi ng mga manok na pinaghalo ang dalawang lahi ng magkaibang mga manok. Ang mga high-breed at crossbreed ay tinatawag din na mistizo. Kabaliktaran ito sa pure line.

    Monton. Ang monton ay ang cashier sa bulangan. Sa kanya magbabayad ng taya ang dalawang magkalabang financier. Ang monton din ang magkukwenta kung magkano ang diperensya ng dalawang taya.

    Namasyada. Ito ay tumutukoy sa kristo na tumatawag ng taya.

    Namilas. Ito ay tawag sa manok na pula ang ilalim ng pakpak o ang kilikili nito. Ang manok na namilas ay isang uri ng manok na sinyalan.

    Nangarol. Tumutukoy ito sa manok na nagpapalit ng balahibo. Ang mga manok na nangarol ay hindi maaaring ipanlaban dahil sa sobrang sakit at sensitibong balat nito.

    Nuwebe. Ang nuwebe ay tumutukoy sa uri ng taya na ginagawa ng mga sabungero. Ito ang pustahang P90 kontra P100 o P900 kontra P1000. Ang pagtaas ng taya ay nagdedepende ng pagmwestra ng kamay. Kung nakaturo sa itaas ang mga daliri, ito ay nangangahulugang P90, kung sa gilid nakaturo, P900 at kung nasa ilalim nakaturo ay P9,000.

    Offspring. Ito ay tumutukoy sa sisiw ng manok.

    Ogis. Ogis ang tawag sa manok kapag puro puti ang balahibo nito. Ito ang uri ng manok na pinaniniwalaan ng karamihan na manok ni San Pedro ang isa sa disipulo ni Hesu Kristo.

    Onse. Ang onse ay tungkol sa uri ng taya ng mga sabungero. Tinutukoy nito ang pustahang P1000 kontra P1100. Ang ganitong pusta ay sinasabayan ng pagmwestra ng kamay upang matukoy ang uri ng pusta.

    Pago. Ang pago ay isang natalong sabungerong hindi nagbabayad ng pusta. Ang mapatutunayang tumatakas na sabungero ay hindi na mapagkakatiwalaan at pinagbabawalan na pumasok sa sabungan.

    Pamitay. Ang pamitay ay tumutukoy sa pulang balat ng manok na nakabitin sa leeg nito.
    Sa panahon ng sabong, kinukuha ang pamitay ng manok dahil nagpapabigat ito sa ulo ng manok at madali itong kagatin ng kalabang manok kaya mahihirapan itong makalipad. Kinukuha ito sa pamamagitan ng blade. Pinaniniwalaan ng mga sabungero na ang nakuhang pamitay ay dapat ipakain sa manok dahil nagbibigay daw ito ng lakas sa manok sa panahon ng paglalaban.

    Parada. Ang parada ay ang halaga ng pustang ipapataw ng sabungero sa tatayaang manok. Sa magkalabang manok ay karaniwan nang hindi magkapantay ang parada. Ang may malaking pustang manok ay tinatawag na inilog o llamado at biya o dehado naman ang manok na may maliit na pusta.

    Pasong. Tawag sa manok kapag kapag ginupitan ang tapay sa ulo ng manok.

    Patusik. Ang patusik ay ang pagpapatuka sa leeg o sa tambulok ng kalabang manok para magalit ito nang husto. Ang patusik ang nagbibigay-init sa mga manok na magkakalaban at nagbibigay rin ito ng palatandaan sa mga sabungero kung alin sa dalawang manok ang baryable.


    Permanent Pen. Ang permanent pen ay isang uri ng brood pen. Ito ay ginagamit sa pagpapalahi ng manok at may lawak na 5-7 sq. ft. para sa dalawang broodfowl. Ang permanent pen ay kailangang lilinisin nang isang beses sa isang taon. Kailangan ding isprihan ito ng insecticides upang mawala ang mga pesteng makakaapekto sa kalusugan ng mga manok at sa development ng mga itlog.

    Portable pen. Ang portable pen naman ay palahian at bahay ng manok ngunit ito ay maililipat-lipat sa ibang lugar. Maliit ito kaysa permanent pen. Maganda ito dahil mai-lansad ang mga manok sa damuhan nang makakain din ng mga insekto at mga butil-butil na nagbibigay magandang nutrisyon. Sabi ng ng mga kilalang sabungero na wala nang tatalo pa sa natural habitat bilang pampalakas sa manok.
    Ang mga uri ng portable pen ay ang limber at indian-indian. Ngunit ang mga portable pen na ito ay mahirap kung gagamitin bahay-palahian dahil mapuputikan ang mga manok at ang mga itlog tuwing uulan na makakaapekto sa pagkapisa nito.

    Pot Money. Ito ang tawag sa entrance fee ng mga manok. Ang bayad sa pot money ay nagdedepende sa uri ng derby. Kung ang derby ay 2-cock ang bawat manok ay may bayad na P550.00 at sa 3 cock at 4-cock pataas ay P1,100.00 bawat manok. Mula sa naiipong pot money ay kukunin ang premyo sa mananalong manok na tinatawag na guaranteed prize.

    Pugaran. Ang pugaran ay inilalagay sa brood pen. Gawa ito sa isang kahon na may laki na 9 x 9 inches at ginagamit bilang iitlogan ng brood hen. Ang pugaran ay isang normal na paraan sa pagpipisa ng mga itlog. Tanging ang inahin ang naglilimlim sa mga itlog. Nilalagyan ito ng mga tuyong damo o dayami upang maging malambot. Dapat ito ay may atip upang maiwasan na maarawan ang mga itlog at mabugok o mabulok. Kailangan itong ilagay sa lugar na madaling ma-inspeksyon ang mga itlog hanggang sa pagkapisa nito. May pagkakataon ding mga makapasok na mga insekto sa pugaran na nagpapabulok sa mga itlog. Upang maisawan ito mas maganda kung lalagyan ng mga dahon ng madre de cacao ang pugaran dahil may amoy ito na nagpapalayo sa mga insekto.

    Pula. Pula ang tawag sa manok na may pulang kulay ang lahat ng balahibo nito.

    Pulang-basag. Ito ang manok na may puro orange at pula ang balahibo sa leeg at may lawi na puti.

    Pulang-latong. Ang manok na pulang-latong ay may dark red ang kulay ng balahibo sa leeg at may lawi na puti.

    Pulta. Ang pulta ay ang tawag sa entrance fee ng mga sabungerong papasok sa derby. Sa derby lamang makikita ang pulta dahil sa karaniwang sabong ay wala ito. Karaniwan na ang P100.00 sa bawat tao ang pulta. Ang perang maiipon ay ipinambabayad sa kuryente, pag-aayos sa sabungan at pundo ng organisasyong nag-oorganisa ng derby.

    Puntos. Ang mga puntos ay mga big-time kung pumusta. Ito ay ang mga sabungerong mayayaman o malalaki kung pumusta. Ang mga ito ay nakaupo sa paligid mismo ng royda. Kadalasang sila ang tatanggap sa diperensya ng dalawang manok.

    Pureline. Ito ay tumutukoy sa lahi ng manok na hindi pa nahalinan ng ibang lahi. Nanatili sa manok ang kanyang tunay na lahi.

    Rasa. Rasa ang tawag sa lahi ng mga manok na tubong ibang bansa. Ito rin ay tinatawag na high-breed. Makikilala ang manok na rasa sa pamamagitan ng sungo o tuka nito. Kung ang sungo ay mahaba, ito ay rasa. Maaaring sa ulo rin ay makilala ang lahi ng manok. Kung maliit ang ulo ng manok ito ay rasa.
    Tingnan din ang tungkol sa high-breed.

    Ratsada. Ang ratsada ay nangangahulugang tuloy-tuloy ang panalo. Ito minsan ang naging basehan ng ibang sabungero kung saan sila tataya. Titingnan muna nila kung alin sa biya o inilog ang nagraratsada sa pagpanalo at iyon ang kanilang tatayaan.

    Reweigh. Ito ay ang pagtitimbang ng dalawang manok. Kung halos magkapareho ang timbang ay sila ang magkakalaban sa royda. Ang ganitong gawain ay sa derby lamang nangyayari dahil sa ordinaryong sabong ay hanggang pagtatantya lamang sa pamamagitan ng pagtingin at paghimas sa katawan ng manok.

    Roundhead. Ito ang tawag sa manok na kurba ang tapay.

    Runner. Ang runner ay tumutukoy sa taong tagapagdala ng mensahe. Karaniwang ang financier ang nagbibigay ng mensahe at ipinapadala sa kanyang mga handler.

    Royda. Ang royda ay isang entabladong nasa gitna. Ito ay parang isang boxing ring kung saan naglalaban ang mga manok panabong. Dito ang atensyon ng lahat upang husgahan ang kapalaran ng mga sabungerong pumupusta sa mga manok.

    Sabong. Ang aves de combate sa Kastila, cockfighting sa Ingles o sabong sa Filipino ay ang paglalaban ng dalawang tandang na may parehong laki o timbang hanggang sa may isang mamamatay o tatakbo. Ito ay maikling labanan ngunit madugo dahil kadalasan ay may isang manok na nalalagas. Ang paa ng bawat manok ay nilalagyan ng tari o razor-sharp-blade na siyang tutusok sa katawan ng kalabang manok habang nagrarambulan sila sa ere. Ang alin mang manok na mamatay o tatakbo ang talo at ang matapang na manok ang tatanghaling panalo.
    Ang manok na may malaking pusta ay tinatawag na inilog o llamado at ang kabaliktaran ay biya o dehado. Ngunit sa sabungan, hindi ang malaking pusta ang nagiging batayan upang masabing malakas ang manok. Nagdedepende ito sa iskrima ng bawat manok sa ere. Ang desisyon ay nasa pagbagsak ng mga manok sa lupa.

    Sais. Ang sais ay tumutukoy sa taya na P75 kontra P100, P750 kontra P1000 o P7500 kontra P10,000. Ang pagtaya sa sais ay may kasamang pagmwestra sa kamay ng mga sabungero.

    Sais-dyes. Ang sais-dyes ay tumutukoy sa uri ng taya ng mga sabungero. Ito ang na P60 kontra P100, P600 kontra P1000, 0 P6000 kontra P100,000. Ang pagtaas ng taya ay nagdedepende ng pagmwestra ng kamay. Kung nakaturo sa itaas ang mga daliri, ito ay nangangahulugang P60, kung sa gilid nakaturo, P600 at kung nasa ilalim naman nakaturo ay P6,000.

    Saligando. Ito ay nangangahulugang may tiwala ang isang financier sa kanyang manok na mananalo sa laban. Kaya paparadahan niya ito nang malaking halaga.

    Sampao. Ang sampao ay ang paraan ng paglagay ng tari sa paa ng manok. Ito ay paglagay ng tari sa ibabaw ng tahod.

    Scratching pad. Ginagamit ang scratching pad sa pagti-training ng mga manok sa kanyang paa.

    Shoot. Ang shoot ay tumutukoy sa pagtaya ng isang sabungero. It ay nangangahulugan na uubusin ng isang sabungero ang kanyang pera sa pagtaya.

    Shuffle. Ang shuffle ay ang pag-eskrima o pagliliparan ng mga manok sa ere. Dito masisilayan ang pagbunal ng mga bulang sa bawat katawan ng manok..

    Sikad. Iba itong katawagan para sa kahig. Tingnan ang tungkol sa kahig.

    Singko. Ang singko ay tumutukoy sa uri ng taya sa sabungan. Ito ang tayang P40 ay madadagdagan ng P50 o P80 kontra P100 o P160 kontra P200 at pataas pa. Ang ganitong taya ay simahan ng pagmwestra sa mga kamay.

    Sintensyador. Ibang tawag ito sa koymi. Tingnan ang tungkol sa koymi.

    Sinyalan. Ito ay tumutukoy sa manok may dagon o anting-anting kaya ang manok na ito ay kinatatakutan ng mga sabungerong kalabanin ng kanilang manok. Ang mga manok na sinyalan ay ang buayahon at namilas.
    Isa ito sa mga rason kung bakit ayaw ng mga sabungerong ipahimas sa kalabang sabungero ang kanilang dalang manok baka makita nila ang taglay na anting-anting ng kanyang manok at baka walang kakalaban na manok.

    Stag. Tingnan ang bayong.

    Stag derby. Ang stag derby ay isang uri ng derbey na ang inilalabang mga manok ay mga manok na mababa sa isang taon ang edad. Ito ay may iba’t ibang uri tulad ng 2-stag derby, 3-stag derby, o 4-stag derby pataas.

    Strain. Ito ay ang katangian ng manok. Mga katangian itong namana buhat sa mga magulang ng manok. Kung ang mga magulang nito ay nagmumula sa magagandang lahi ng manok tiyak na maganda ring strain ang maipasa sa kanyang mga offspring. Maisasakatuparan lamang ang pagpasang ito kung maayos na napili ang mga manok na gagamitin sa breeding.

    Subang. Tingnan ang tungkol sa suta.

    Suhag. Ang suhag ay ang pagpusta nang malaking halaga ng isang financier sa kalabang manok. Ito ay kadalasang nangyayari kung makita nang financier ang magiging kalaban ng kanyang manok na sa tingin niya ay mas matapang pa kaysa sa kanyang sariling manok.

    Sulod. Ang sulod ay isang maling pusisyon ng bulang sa paa ng manok. Kapag sulod, ang bulang ay nakaposisyon papaloob. Kung ganito ang pagkaposisyon ng bulang ay hindi maaasinta sa pagbunal o pagpalo ang paa ng manok kaya hindi matutusok ng bulang ang kalaban.

    Sultada. Ang sultada ay ang tawag sa bawat labanan ng manok. Sa ordinaryong sabong, maaaring umabot sa 50 sultada sa isang araw ang sabungan. Kung sa derby naman ay aabot ng libu-libong manok at aabot ng ilang araw ang labanan. Subalit depende pa rin ito kung may maraming manok na sasali sa laro. Tuwing matapos ang isang sultadang susunod kaagad ang isa pang pareha. Sunud-sunod ang nangyayaring labanan. Pagkatapos ng isa ay may pangalawa, may pangatlo, at maraming iba pa. Bawat sultada ay magsisimula na ring magsisigaw ang mga kristo at mangulekta ng panalo.

    Sungo. Ang sungo ay ang tuka ng manok. Ito ang ginagamit ng mga manok sa patusik bago simulan ang sabong. Ginagamit din ito upang kagatin ang leeg ng manok upang galitin ito.
    Makikilala ang manok kung ito ay bisaya o rasa sa pamamagitan ng sungo o tuka nito. Kung ang sungo ay mahaba, ito ay rasa at kung maliit naman, ito ay bisaya. Ang dalawang ito ay nagbibigay takot minsan sa mga sabungero dahil ang mga manok na tulad nito ay may sapat nang karanasan sa larangan ng sabong na makakatalo sa kanilang panabong.

    Suta. Ito ay manok na magkahalo ang mga kulay nito sa paa.
    Syete-dyes. Ang syete-dyes ay isang uri ng taya sa sabong. Ito ay tumutukoy sa taya na P70 kontra P100 0 P700 kontra P1000. Ang pagtaas ng taya ay nagdedepende ng pagmwestra ng kamay. Kung nakaturo sa itaas ang mga daliri, ito ay nangangahulugang P70, kung sa gilid nakaturo, P700 at kung nasa ilalim naman nakaturo ay P7,000.

    Tabla. Ang tabla ay tumutukoy sa sitwasyon na magiging patas ang labanan ng dalawang manok.
    May mga sitwasyon sa royda kung kailan tatawagin ng koymi na tabla ang laban. Isa na rito na kung mapatutunayan niyang may katiwalian o pagdaraya sa labanan. Tulad ng paglagay ng lason sa tari ng manok. Tinatawag ding tabla ang laban kung ang dalawang manok ay hindi na tutuka kung sila kinakaryo ng koymi. Minsan naman may mga manok na tumangging lumaban kahit sa simula pa lamang ng labanan. Kung ganito man ang mangyayari, tatanghaling tabla ang laban at mawawalang bisa ang lahat ng pustahan. Tatawagin ding tabla ang labanan kung ang isang manok ay tumatakbo sa gitna ng laban at ayaw nang lumaban kahit ginawan na ng pagkakaryo. May pagkakataon naman na ang dalawang manok ay nababalda o nasusugatan at nawawalan nang lakas upang lumaban. Sa ganitong pagkakataon ay kakaryuhin ito ng koymi. Kapag ang mga manok na nababalda o nasusugatan kahit marami na ang ginawang pagkakaryo ay nagpapakita pa rin sila ng lakas na lumaban dito gagawin ang pagbibilang ng sampung segundo. Pagkatapos magbilang, kung tumutuka pa rin ang dalawang manok, tatawagin ng koymi na tabla ang laban.

    Tahod. Ito ay tumutukoy sa daliri ng manok na makikita sa gilid ng paa nito.
    Makikila sa tahod ng manok ang edad nito. Kapag ang tahod ng manok ay putol, ito ay nangangahulugang matanda na ang manok at may sapat nang karanasan sa labanan. Karamihan sa mga sabungero ay ayaw ilaban ang kanilang manok sa manok na may putol na tahod.

    Tali. Ang tali ay ang pag-iwan ng mga sisiw sa kanilang inang inahin. Ginagawa ito ng mga sisiw kapag sila ay nasa edad na isang buwan dahil hindi na nila kailangan ang init ng katawan ng inahin. Ito na ang pagkakataon na ilalagay na sila sa pen upang matutong lumipad at maeehersisyo ang kanyang mga pakpak at mga paa.

    Talisayon. Ang manok na talisayon ay may balahibong kulay gray na may halong yellow at itim.

    Tambulok. Ang tambulok ay ang balahibo sa leeg ng manok. Ito ay pinapapakagat ng kalabang manok para magalit ito nang husto.

    Taparan. Ang taparan ay isang lugar sa sabungan na pinagtapat-tapat ang maaaring magkapareha manok sa ibabaw ng royda. Sinisipat-sipat ang manok ng kapwa sabungero na maaaring ipantapat sa kanyang manok sa labanan. Dito rin ginaganap ang hikapay.
    Sa taparan ay dapat mata lang ang pinagagalaw ng sabungero. Ngunit para sa wais na sabungero bawal ang ang paghimas sa kanyang manok. Hindi ipinahihimas ng isang sabungero ang kanyang manok at baka ito ay pilayan nang hindi niya na mamalayan. Baka makita rin ng kalaban ang pinaniniwalaang dagon tulad ng namilas na kilikili at buayahon. Ayaw din niyang malaman ng kalaban kung gaano kalaki o kaliit ng kanyang manok na ilalaban sa manok nito. Dapat ding matalas ang mata ng sabungero sa pagtingin sa kalabang manok dahil dapat iwasan ang manok na may putol na tahod o tahid dahil ito ay matanda na at may sapat nang karanasan sa labanan. Hindi rin pinahihintulutan ng may-ari ng manok na iunat ang kapay o pakpak nito dahil ito ang isang batayan upang kilalanin ang isang magaling na manok. Kapag ang manok ay may malaki’t malapad na pakpak ay kinatatakutan ito dahil magaling itong lumipad kaya hindi madaling maabutan ng bulang o tari. At upang manalo sa laban ay bubugahan ng usok ng sigarilyo ang mga mata ng manok upang maging alisto sa lahat ng galaw ng kalabang manok.

    Taparay. Ang taparay ay ang pagtatabi ng mga manok para kilalanin ang magkakapareho ng laki na maglalaban.

    Tapay. Ang tinutukoy na tapay ay ang pulang balat na tumutubo sa ulo ng manok.
    Makikilala ang kasarian ng manok sa pamamagitan ng tapay ng sisiw. Kung mayroon nito ang ulo, ito ay lalaki at kung wala naman ay babae.
    Bago isabong ang isang manok ay sinisiguro munang kuhanin ang tapay sa ulo ng manok dahil mabibigatan ang manok sa kanyang ulo at madali itong kagatin ng kalabang manok kaya mahihirapan itong makalipad. Kinukuha ito sa pamamagitan ng blade. Pinaniniwalaan din ng mga sabungero na ang nakuhang tapay ay dapat ipakain sa manok dahil nagbibigay ito ng lakas sa manok sa panahon ng paglalaban.

    Tapayan. Ito ang tawag sa manok na ang tapay nito ay parang korona ang hitsura.

    Tari. Tingnan ang tungkol sa bulang.

    Tarungan. Tawag sa manok na may balahibo sa ulo.

    Tee pee. Ang tee pee ay isang uri ng lalagyan ng mga manok. Ginagamit ito sa pagta-transport ng mga manok, lalung-lalo kung panahon ng sabong o derby. Karaniwang gawa sa kartoon na may butas sa gilid bilang hingahan ng mga manok-panabong.

    Tinunga. Ang tinunga ay tumutukoy sa halaga ng taya. Ito ang pustahang kalahati tulad ng P20 kontra P40, P50 kontra P100, P100 kontra P200, o P500 kontra P1000. Ang pagtukoy at pagtaas ng taya ay nagdedepende ng pagmwestra ng kamay. Halimbawa kung nakaturo sa itaas ang dalawang daliri, ito ay nangangahulugang P20, kung sa gilid nakaturo, P200 at kung nasa ilalim naman nakaturo ay P2,000.

    Tres-dos. Ito ay tumutukoy sa uri ng taya na isinisigaw ng kristo. Ang tayang ito ay nagkakahalaga ng P30 kontra P20. Ngunit minsan ang tres-dos ay nangangahulugan ding P300 kontra P200 o P3,000 kontra P2,000. Ang taas ng pusta ay depende sa aksyon ng kanyang kamay. Kapag ang daliri ay nakaturo sa itaas ay nangangahulugan itong ang pusta ay hindi aabot sa sandaan. Kapag ang daliri ay nakaturo sa gilid ay nangangahulugang ang pinag-uusapan ay daan-daan ang pusta. Kapag nakaturo paibaba ang daliri ay nangangahulugang libu-libo na ang pinag-uusapan.

    Tubaon. Ito ay uri ng manok na may dark orange at may halong pula ang kulay ng balahibo.

    Tukong. Ito ang tawag sa manok na walang buntot.

    Unong. Unong ang tawag sa manok na nanalo ngunit maya-maya pa ay namatay rin.

    Weight card. Ang weight card ay ang listahan ng timbang ng manok, entry number at ang iskedyul ng paglalaban sa manok. Ito ay may tatlong kopya. Ang isang kopya ay nasa management ng derby, ang pangalawa naman ay nasa koymi at ang panghuling kopya ay nasa financier ng mga manok upang maging gabay kung pang-ilan sa listahan ang mga manok nito.

    White-legged. Ito ay tawag sa manok na may kulay puro puti ang paa.

    Wingband. Ang wingband ay isang uri ng band na inilalagay sa pakpak ng manok. Ito ay gawa sa isang maliit na aluminum at iniipit sa pakpak.
    May mga rason kung bakit nilalagyan ng wingband ang mga manok. Lalagyan ang mga sisiw nito upang malaman kung anong lahi ito nagmula at kung anong formulang ginagamit upang ito ay maging malakas at matapang na manok panabong. Tuwing may derby, ang entry number ay iuukit sa wingband at ito ay iki-clip sa may pakpak. Ito ang palatandaan na rehestrado ang nasabing manok upang ipanlaban sa derby. Sisiguruhin itong hindi basta-basta matatanggal upang maiwasan ang pagpapalit ng manok ng iba na hindi naman ang siyang nai-register.

    Yard breeding. Isang paraan ng pagpapalahi ng manok. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagpapakawala ng brood hen sa isang kulungan o brood pen na may mga brood cock.

  2. #2
    edmundo
    Guest

    Re: Balidasyon!

    ian, murag na lipong ko, lisod ning lampas 40 na kay ang mata medyo di na kaklaro kaayo. nadaot lang ang among computer, pero naay pipila ka mga terms nga medyo kinahanglan ug correction. for example, abay - kadikit sa kalingkingan, hindi sa tahid. bandilaan, puti sa buntot lamang. etc.

  3. #3
    yenbehold
    Guest

    Smile Re: Balidasyon!

    salamat po sa inyo!

    nadaut na hinuun ang imong mata. Siguro dili na sa edad. Kay life starts at 40.

    Daghan ng salamat. Paano ko po kaya matatapatan ang iyong kaayo?

    Siguro, akong ihatag sa imo ang akong mahuman na thesis puhon.

    Unta dili lang kini mao ang higayon na imong i-extend ang imong kaayo.

    Mabuhay kayo.

    Daghang kaaung salamat!!!



    IAN CRIS LATONIO CADILE

  4. #4
    spitfire_ace
    Guest

    Re: Balidasyon!

    Maayong Adlaw diha sa imoha, bai...

    Unsa ni imong thesis, bai... sa Binisaya or tinagalog... Kay ang uban nga term man gud sa atua sa bisaya, lain ang meaning sa Tagalog..ug ang uban pod sa english...

    Si Sir Edmundo, ang pwede kaayo nimong pangutan-on aning mga bahina..Pangayo sa iya ug recommendation, bai.. Plus na sa imong Thesis...

    Goodluck ug ayo-ayo, bai.....

    LONDIKAP- mao ning mga manok nga cull...in short for, Ilunod sa Kapayas ang Manok para lami kaayo ang sabaw...( joke onli) pero pwede pod...Binisaya lan ning ato....

  5. #5
    yenbehold
    Guest

    Smile Re: Balidasyon!

    maung gabii sa imo dha.

    nakafokus ningakong thesis sa mga cebuano nga sabungero.pero naapod tay pareho nga mga termino sama sa mga tagalog.

    ya, nananikit intawon ang mata ni sir elmendu saakong mga termino kay perteng daghana.

    ikaw bai, basin naakay nahibal an nga mga termino nga wala nako nalista. Puede bang imo akong hatagan?

    salamat sa imong higayon.

    IAN CRIS LATONIO CADILE

  6. #6
    spitfire_ace
    Guest

    Re: Balidasyon!

    Kini, bai...

    Sumaluna= ito yung term na ibig sabihin ay alternate ang trend ng mga nanalo..e.g. inilog-biya-inilog-biya-inilog-biya..so on....

    Samaluya= ito ang term kung natatalo ka na..(joke onli)...

    Bai, if you don't mind..pwede ba mi mag-correction sa uban nga mga terms nimo...
    (sa nahibal-an lang ha...)

    Goodluck, bai...

    BTW, Kanus-a diay nimo ni i-pass?

  7. #7
    yenbehold
    Guest

    Re: Balidasyon!

    maayong gabii!

    salamat sa imong kaayo. ang imong pag-correct sa akong dfinition sa mga termino dako nga tabang sa akong thesis.

    sige hulaton nako ang imong pag-correct.

    ian

  8. #8
    obrigado
    Guest

    Re: Balidasyon!

    Parang may mali don sa onse.

    Sa amin ang pago ay sahod or sa dehado ka. Logro kung sa llyamado ka.

    Pero di ko alam sa ibang lugar. Baguhan lang po ako. Pakitama na rin po ako kung mali ang aking nalalaman.

  9. #9
    yenbehold
    Guest

    Smile Re: Balidasyon!

    magandang gabi po!

    maraming salamat po sa inyo!

    itatanong ko lang po kung ano ang mali ng konsepto ko sa onse?

    marami pong salamat uli.



    ian

  10. #10
    yenbehold
    Guest

    Smile Re: Balidasyon!

    maaung gabii po sa inyo SIR EDMUNDO UG SIR SPITFIRE ACE!

    daghang salamat sa panahon ug kahibalo na inyong gitabang para mahuman ang akong thesis. Ako na ning i-defend. Mau unta kung wala nay sayop.

    Busa, pwede ba ko makapangau ug biographical data sa imo para akong ibutang sa apediks kung kinsa ang akong mga valideytor.

    salamat sa imong kaau!



    ian cris latonio cadile

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •