Results 1 to 16 of 16

Thread: Unang alagang manok panabong, naalala nyo pa ba?

  
  1. #1
    eight
    Guest

    Unang alagang manok panabong, naalala nyo pa ba?

    Binigyan ako noon ng tiyuhin ko ng kulay pulang manok, matangkad, at kulay berde ang mga paa.

    Dahil sa takot kong mangangayat ang alaga ko, binibigyan ko siya araw-araw ng sangdamukal na kanin at munggo. Pati nga yung pagkain ng kalapati ko ay ipinapakain ko na rin sa kanya.

    Araw-araw ko rin siyang pinapaliguan para hindi mangamoy. Hinihimas ko siya tuwing umaga at sa gabi naman bago ako mamahinga ay sinisilip ko pa siya.

    Makalipas ang ilang buwan na pag-aalaga ay hiniram sa akin ng tiyuhin ko yung manok.

    Doon ko siya huling nakita.

    Baka natalo! :lol:

  2. #2
    Senior Member Bty Hunter's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    2,049
    Post Thanks / Like

    Smile eight mayaman ako niyan..

    Unang manok ko si Piyok at Balulang= pinamigay ng tatay ko.
    Unang "ikinundisyon" manok ng 'insan ko =takbo hahaha
    Unang nanalo pinangalanan ko "T", kulay bulik etat's.
    Unang multi-winner( 4x ) black traveler.
    Unang bitaw sa sabungan, manok ng 'pinsan' ko = talo

    Unang "keep": basta makatikim ng Broiler Finishing Crumble ang manok ko, ma-otso-otso at kahig=READY TO FIGHT NA YAN!:lol: Sabagay yung mga kalaban ko sapal lang ng niyog o palay ang kain nilalaban pa na puno ang butse:crazy: hahahaha!

  3. #3
    Senior Member P_U_L_A's Avatar
    Join Date
    Oct 2002
    Posts
    604
    Post Thanks / Like
    Noong 12 years old ako,meron akong kaibigan na nagmamanok( pangtinola ) nalilibang kami pang nagbibitaw,minsan dumadayo pa kami para makapagbitaw lang.hehehe...

    Pinahiram nya ako ng pullet para raw palahiin ko.Medyo metsisa na ito dahil ang inahin nya, na asawa ng manok ng kapitbahay nilang nagmamanok ng Teksas.

    Pina-asawa ko ito sa manok ng tiyuhin ko na White Claret.
    Nagkaroon ako ng apat( 4 ) ng sisiw,2 lalaki at 2 babae shempre...Ang patakaran doon sa amin ay hati ng sisiw pagnanghiram ka.Sa makatuwid naghati kami.

    Yong natira sa akin ay Lumaking magaling lahat ng kabitaw nya ay nilalampaso nya( helicopter style). :lol:

    Marami ang gustong bumili,pero doon ko binenta sa Lolo kong kilalang mananari at sabungero sa amin.hehehe... sa halagang 100pesos lang.Kasi sabi nya bibigyan daw nya ako ng balato at talunan pagnanalo.hahahaha....

    Umabot sa lilmang(5X) panalo iyon.
    Di ko pa alam ang inbreeding noon,pero yon ang nangyari kasi ala naman akong ibang manok na ipapalahi.
    Pero ang mga sumunod ay hangang 3X lang napanalo.

    Ang lahing yon ay umabot ng 5 years sa akin.Hangang naubos sa magnanakaw. :smoke:

  4. #4
    Eboy Martin
    Guest
    Unang manok ko ay hingi ko sa tatay ko, texas pero nabansot. Nagustuhan ko kasi maliit nga siya, madali ko pang mahawakan at hindi nanunuka. Kapag wala tatay ko, yung pinakamagandang lugar na tulusan, doon ko siya nilalagay, aalisin ko yung mga panlaban ng tatay ko. Bago siya dumatuing balik na uli sa pwesto. Minsan, nalimutan ko, pingot ang abot ko. Nilaban ng tatay ko sa tupada, panalo pero patay. Ngal-ngal ako ng husto dahil 10 taon lang ako noon.

  5. #5
    Member ROYhatchkelso's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    Camarines Norte
    Posts
    233
    Post Thanks / Like
    Hindi ko malilimutan ang unang alaga kong manok panabong. Black traveler daw yon. palibhasa, wala pa akong alam sa kung paano mag-alaga at magcondition ng manok kaya kung ano ano lang pinapakain ko. Minsan, feeds na pagkain ng baboy, minsan kanin lang kasi first year high school pa lang ako noon at wala pang talagang kaalaman at panggastos sa pagmamanok. Minsan, niyaya ako ng isang tauhan sa racho na ilaban namin ang manok, e di punta kami sa sabungan. kaso, isang lipad lang, nadaplisan yata manok namin, biglang tumakbo, hinahanap yata ako... he.he..he.. tapos noong salubungin ko ang kasama ko sa labas ng ruweda, nakasalubong ko ang uncle ko. nagsasabong din pala. buti na lang hindi ako isinumbong sa erpat ko. Wala pa kasi akong pases sa sabong noon e... Imagine ninyo kung gaano ang kaba ko noon.. he..he..he.. buti na lang hindi ako isinumbong sa erpat ko.... :rbounce:

  6. #6
    Senior Member
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    1,139
    Post Thanks / Like
    unang naalagaan kng manok ay pasalubong sa akin ng katulong namin nagbakasyon sa bikol . bulik mabilog kambusa bukbukin ang mga binti. sabi ni lolo hindi pwede ilaban kasi kaliskis kusinero may paningit sa ika limang kaliskis mmula sa kuko. napalaban sa la loma OLATS ang kalaban :lol:

  7. #7
    Senior Member hammertime's Avatar
    Join Date
    Jun 2001
    Location
    PIPINDAN
    Posts
    623
    Post Thanks / Like
    Unang inalagaan ko ay abuhin na nakagala sa itikan namin when i was 10 years old.pagkain din ng itik ang patka nya.Nung ilaban namin ng boy namin,hayun nagbenta ng karayom...buong gabi yata akong di nakatulog.Then yung unang panalo ko naman ay bulik.Gala din sa itikan namin pro tuwing umaga sinusubuan ko talga cya ng maliliit na isda hanggang mapuno ang butse nya tapos calcium lactate tablet.Yun kasi ang naririnig ko sa matatandang sabungero kaya ginaya ko.Ayoko na kasing matalo ulit yung panlaban ko kaya nagreresearch na ako.Mga 7mos pa lang cya nun,one time nag iinuman ang lolo ko tpos nakikita nila yung manok ko na nakatali.Nung malasing na sila nagkayayaan magtupada,di ko alam na dinala pala yung manok ko.Hayun pagbalik may sugat na yung manok ko at my dalang talunan,nanalo daw sabi ng lolo ko.Masaya na din ako kahit di ko napanood ang laban kasi nanalo yung manok ko at may balato pa...

  8. #8
    bherwin427
    Guest

    kiyok..

    kiyok ang unang alaga kong sisiw, bigay ng barkada ng kuya ko..kuya ko kasi ang sabungero..ibinigay sa akin ng kuya ko..alagaan ko raw..pakain himas ang alaga ko..maliit lang na box ang kulungan pero tama lang sa pag-laki nya..ang ginagawa ko non eh sinelas ang praktisan ko...hala syapol ng syapol sa sinelas..galit na galit..hehehe. habang lumalaki eh nagiging matapang palibhasa eh sa sinelas ang praktisan nya..pati pusa at aso sinasyapol din..iwat ko naman baka matuluyan eh..pag-gising ko ng umaga wala na ang manok ko. ibinenta ng kuya ko
    galit ko non..pero wala naman akong magawa..barkada naman nya. yamot lang ni kuya..7x panalo bago natigok..huhuhu......

    kaya hayun..nahilig na ako sa manokis

  9. #9
    CyberFriends sweater02's Avatar
    Join Date
    Jul 2002
    Location
    earth
    Posts
    920
    Post Thanks / Like
    ang unang manok ko ay galing sa isang mag ama na taga olongapo na dumayo pa sa lugar namin sa San Narciso Zambales para kumbinsihin ako na ipagpalit ang manok nila na Richard Bates daw na ang kulay ng manok ay puti. sa dalawang kalapati ko na taiwan pigeon na lahi ng mga ginagamit ko sa sa mga long ditance race. nung una ayoko dahil hilig ko ang kalapati at malaki ang kita ko dito. pero nung ibitaw namin ang manok lintik ang bilis at namangha kaagad ang mga tambay sa amin sa pinakita ng manok na yon kaya pumayag akong palitan. di naman ako nag sisi dahil nanalo yung manok nung ilaban namin sa tupada after 5month na inaalagaan. pinpakain ko lang ng concentrate tulad ng pagkain ng kalapati.

  10. #10
    Senior Member ARESFORTUN's Avatar
    Join Date
    Jun 2007
    Posts
    3,070
    Post Thanks / Like

    Re: Unang alagang manok panabong, naalala nyo pa ba?

    Hahaha... maalala ko unang alaga ko isang pullet na 7 months na itim na Hatch daw. Lahat ng inilabas pag nakita ng mga kaibigan e sinasabing Half Texas daw... hindi ko mailaban dahil walang pera kaya hanggang sparring lang mga anak at walang maglakas loob ilaban sa sabungan at baka TUMAKBO heheheh.... That was in 1995!




  11. #11
    Senior Member 311newroad's Avatar
    Join Date
    Jun 2007
    Location
    Canada/Pampanga
    Posts
    2,101
    Post Thanks / Like

    Re: Unang alagang manok panabong, naalala nyo pa ba?

    nong elementary palang kami ng mga kaibigan ko..nag aalaga kami ng mga native na tandang..hinihimas himas namin para tumpang..pag naglalaban na sila nilalagyan namin ng taring gawa sa pinukpok na alambre..walang namamatay..takbuhan lang sila...hahaha..kc masyado pang bata..basta pag naglaban na sila ayun di namin matiis na di paglabanin...

  12. #12
    gerka
    Guest

    Re: Unang alagang manok panabong, naalala nyo pa ba?

    My 1st chickens...trio from my chinese brother-in-law...A tony trebol grey hatch cock 2x derby wnner unscratched and 2 Mclean hens...really quality materials kaya nga nanghihinayang akong isipin kasi di ko inalagaan ang linya wala na ngayon..Binata pa kasi ako that time and medyo di pa gaanong mahilig mag-alag ng manok nung panahon na un...whew..now i think mahirap na makita ung ganung materyales and they are worth a fortune na...sayang...

  13. #13
    Senior Member GMY's Avatar
    Join Date
    Oct 2007
    Posts
    766
    Post Thanks / Like

    Re: Unang alagang manok panabong, naalala nyo pa ba?

    unang manok ko, galing sa tiyuhin ko sa Iloilo kinundisyon at nilaban ko sa tupadahan, nanalo na walang sugat.

  14. #14
    Member rosario's Avatar
    Join Date
    Sep 2006
    Posts
    387
    Post Thanks / Like

    Smile Re: eight mayaman ako niyan..

    Quote Originally Posted by Bty Hunter
    Unang manok ko si Piyok at Balulang= pinamigay ng tatay ko.
    Unang "ikinundisyon" manok ng 'insan ko =takbo hahaha
    Unang nanalo pinangalanan ko "T", kulay bulik etat's.
    Unang multi-winner( 4x ) black traveler.
    Unang bitaw sa sabungan, manok ng 'pinsan' ko = talo

    Unang "keep": basta makatikim ng Broiler Finishing Crumble ang manok ko, ma-otso-otso at kahig=READY TO FIGHT NA YAN!:lol: Sabagay yung mga kalaban ko sapal lang ng niyog o palay ang kain nilalaban pa na puno ang butse:crazy: hahahaha!

  15. #15
    Senior Member dick bais's Avatar
    Join Date
    Dec 2006
    Location
    TEL-AVIV,ISRAEL
    Posts
    649
    Post Thanks / Like

    Re: Unang alagang manok panabong, naalala nyo pa ba?

    Unang manok ko bigay ng pinsan ko sa Pampanga noong magbakasyon ako doon 4 months pa lang ito alagang alaga ko ito pero isang umaga nagising ako nakita ko siya duguan at wakwak ang tiyan.Niyari ng mga mababait na daga.

  16. #16
    Member rosario's Avatar
    Join Date
    Sep 2006
    Posts
    387
    Post Thanks / Like

    Smile Re: Unang alagang manok panabong, naalala nyo pa ba?

    Quote Originally Posted by dick bais
    Unang manok ko bigay ng pinsan ko sa Pampanga noong magbakasyon ako doon 4 months pa lang ito alagang alaga ko ito pero isang umaga nagising ako nakita ko siya duguan at wakwak ang tiyan.Niyari ng mga mababait na daga.
    kala ko sir nag papadala sa doctor

Similar Threads

  1. tips para maiwasan matutong mamalo ang alagang manok?
    By noypi_one in forum Usapang Manok
    Replies: 9
    Last Post: October 11th, 2008, 03:07 PM
  2. UNANG BITAW NYO ng manok sa ruweda........
    By dbm174 in forum Usapang Manok
    Replies: 64
    Last Post: September 19th, 2008, 06:53 PM
  3. ano ang senyales na pangkatay lang ang alagang manok?
    By nokman junior in forum Usapang Manok
    Replies: 55
    Last Post: December 31st, 2007, 01:55 PM
  4. Replies: 22
    Last Post: May 8th, 2007, 11:19 AM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •