Results 1 to 23 of 23

Thread: Sugal o sports

  
  1. #1
    dingper
    Guest

    Sugal o sports

    Mga pare, kailan ba natin masabi na ang sabong ay sports at hindi sugal. kung sugal ang kahinatnan hindi ba tayong mga breeders ay magkakasala din dahil tayo ang nag supply ng manok sa mga sabungan at sa mga sugarol?

  2. #2
    Member
    Join Date
    May 2007
    Location
    Philippines
    Posts
    308
    Post Thanks / Like

    Smile Re: Sugal o sports

    para sa akin ang sabong ay isang uri ng sugal sa pagkat dito ay sinusugal natin ang buhay ng ating alaga para lamang sa kapritso ng ating larong sabong(opinyon lamang mga kasabong walang magagalit )

  3. #3
    tigergrey
    Guest

    Re: Sugal o sports

    Ang sabong ay Sugal, Sports, Negosyo

    Ang sabong ay Sugal....dahil may pustahan.
    Ang sabong ay Sports....dahil nakakapaglibang.
    Ang sabong ay Negosyo....dahil malakas din ang Bentahan.

    Ang Sabong sa Pilipinas ay isang Cultural Heritage o Pamana ng Lahi kaya naman wlang makaka pigil nito, Ayon sa mga nagawang batas ang cultural heritage ay dapat manatili o preserve ang mga sinaunang kaugalian o nakasanayan ng mga pilipino.....mawawala lang cguro e2ng Sabong kung mapapalitan ang ating gobyerno at ang naka upong pangulo nito at magkakaroon ng mga bagong mambabatas na tututol d2.

    Nasa pinoy na ang pagsagot sa tanong kung cya ay magiging sugarol, maglilibang o magne negosyo.

    Kung may self-discipline at self control ang isang sabungero sa tingin ko alam nya kung saan nya ilalagay ang kanyang sarili.

    Kung magkasala tau dahil tayo ang breeder ng panabong na manok?....Sa tingin ko nde tau magkakasala dahil nasa batas natin na pangalagaan ang pamana ng lahi....kung wla tayong mga breeders ay mawawala ang lahi ng teksas sa ating bansa at mapabilang sa endangered species.

    Nde pa ipinagbabawal ng batas ang Sabong sa ating bansa, maliban sa mga illegal na tupadahan, bawal ang tupada at matatawag talaga na sugal un at nde sports.

    Sa tanong mong magkakasala din ba tayong mga breeders?.....

    Kung ipinagbabawal na ng batas ang magparami ng teksas, magkakasala talaga tau.

    Kung ang bebentahan mo ay mahilig sa tupada na illegal, magkakasala talaga tau.

    Kung sa Mata ng Diyos...tingin ko nababalanse naman ng breeder, kung may pinapatay ay napapalitan naman 3 times pa at lalong dumadami pa...parang 1 killed...13 new born.

    Nalululong sa sabong na sugal dahil may nakukuhanan ng manok na panlaban....tingin ko kasalanan na ng bumili saiyo dapat magkaroon sila ng kontrol sa sarili....tandaan as breeders bumubuhay tau at nagpaparami.
    Last edited by tigergrey; August 7th, 2007 at 03:29 PM.

  4. #4
    Senior Member sahodero's Avatar
    Join Date
    Apr 2007
    Posts
    505
    Post Thanks / Like

    Re: Sugal o sports

    di naman kasi tayo pwede maglaban ng walang pusta at magpagalingan na lang ng mga alaga natin di po ba? sabong is a sport tha involves money kaya malinaw na ito ay isang uri ng sugal.

  5. #5
    Senior Member manok911's Avatar
    Join Date
    Nov 2005
    Location
    taga bukid
    Posts
    1,897
    Post Thanks / Like

    Re: Sugal o sports

    ito ay sports na may sugal.......

  6. #6
    Senior Member boglis's Avatar
    Join Date
    May 2007
    Location
    Cocklandia
    Posts
    1,128
    Post Thanks / Like

    Re: Sugal o sports

    ang sabong could be classified into a sport, an art, sugal at negosyo...
    sports, kasi nagtatagisan ng galing ang ating mga tinale...
    art, kasi pinagsisikapan nating mailagay sila sa pinakamagaling nilang physical condition bago sila ilaban kasama na ang pagbibigay ng pinakamahusay na mananari para magkabit ng kanyang sandata...
    sugal, kasi may involved na money...
    at business opportunity naman para sa iba...

    halos lahat naman ng sport ay nagiging sugal, art at negosyo...
    sa basketball may game fixing kaya nagiging sugal...
    art din naman kasi ginagalingan ng bawat isa para tumaas ang presyo niya next contract...
    at nagiging negosyo kasi dumadaan din sa mga broker ang mga ito...

    wala naman masama sa sabong...
    basta wag lang mandaya mga kasabong...
    Last edited by boglis; August 7th, 2007 at 07:17 PM.

  7. #7
    Member
    Join Date
    May 2007
    Location
    Philippines
    Posts
    308
    Post Thanks / Like

    Smile Re: Sugal o sports

    Tanong lang uli mga kasabong kong hindi masama ang sabong at ito'y mabuti bat kailanagn pa natin magbuhis ng buhay ng alaga natin para lang sa larangan ng larong ito

  8. #8
    Member
    Join Date
    May 2007
    Location
    Philippines
    Posts
    308
    Post Thanks / Like

    Re: Sugal o sports

    Sabi nang nakakaraming sabongero ang sabong daw natin ay isang sport, negosyo at kultura natin mga pinoy na dapat daw tangkilikin natin

    Pero paano natin masasabing sports ang sabong gaya ng karera ng mga hayop na kalakip talaga ang pagpusta na nauuwi sa sugal ay buhay po ng manok ang ating pinaglalaruan dito at sa laban sa sabong ay mahirap masiguro na hindi madidisgrasya ang buhay ng mga manok.

    Maari nga pong likas sa mga manok ang dugong mangdirigma na handang makipagpatayan sa kanyang makakalaban sa pagkat likas po sa mga manok ang ipagtanggol ang kanyang teritoryong nasasakupan laban sa iba at hindi po ito dahilan upang gamitin ang kanilang kakayahan o ugali para paglaruan ang kanilang buhay.

    Kultura daw ang sabong na pinamana ng ating mga ninono na dapat respetuhin at mahalin, hindi yata masamang isipin na ang larong barbaro ay isang kultura nating mga pinoy na dapat natin yakapin at pagyamanin na hindi lamang natin pinag-iisipan ng maigi.

    Negosyo marahil ang sabong pagkat dito pumapasok ang mga malalaking korporasyon
    na nagbibinta ng mga gamot, mga patuka at sari-saring produkto para sa larung pag-sasabong na hindi iniisip kong tama o mali ang larong sabong o di kaya ay nagbubulagbulagan at tila nag-bibingi-bingihan na lamang sila dahil sa laki ng kanilang kinikita dito.

    Ito po ay sarili ko lang pong opinyon at agam-agam sa larong aking pinasok kaya sa susunod na linggo ay magsasabong kami!!!!!

  9. #9
    Senior Member johndi's Avatar
    Join Date
    Aug 2007
    Location
    Emilia Romagna
    Posts
    554
    Post Thanks / Like

    Re: Sugal o sports

    ito po ay 1 uri ng o sport o libangan (art of breeding) o 1 negosyo na puede rin hanapbuhay na nauwi minsan sa sugal at naging bisyo

  10. #10
    Senior Member BullRider's Avatar
    Join Date
    Apr 2005
    Location
    Bakersfield, CA
    Posts
    782
    Post Thanks / Like

    Re: Sugal o sports

    Quote Originally Posted by dingper
    Mga pare, kailan ba natin masabi na ang sabong ay sports at hindi sugal. kung sugal ang kahinatnan hindi ba tayong mga breeders ay magkakasala din dahil tayo ang nag supply ng manok sa mga sabungan at sa mga sugarol?
    bro dingper,
    bakit pare may hinanakit ka ba sa ginagawa mong pagbbreed at pagbebenta ng mga produce mo? kung mabigat ang kalooban mo dahil naging contributory factor ka sa pagsusugal ng mga kababayan mo... i think you are on the wrong footage. Nasa isip mo na nagkakasala ka dahil sa pagsusupply mo ng manok panabong sa mga nagsasabong at pumupusta sa mga manok na nabili sa iyo. Free your conscience para magiging magaan para sa iyo ang pagmamanok..pagbbreed at pagpapalaki ng maayos.
    First hand ang pagsasabong ay isang sugal. sugal dahil may pusta, sugal dahil araw at gabi ay binabantayan mo against two and four legged predators and you'll never know if they are still in your hands the following day.
    These creations i believe were given to us to make us happy and learn from the experience and mature from all the ups and downs.. sometimes it's called the LEARNING CURVE. As you learn your way through life.. You can see the CREATOR in your being and in your surroundings.. Be HAPPY though not ETERNAL HAPPINESS.. LIVE ON.. and find yourself a PLACE in the SUN...

    Cheerssss..

    BullRider
    (661)325-1217

  11. #11
    Senior Member BullRider's Avatar
    Join Date
    Apr 2005
    Location
    Bakersfield, CA
    Posts
    782
    Post Thanks / Like

    Re: Sugal o sports

    Quote Originally Posted by dmtred
    Tanong lang uli mga kasabong kong hindi masama ang sabong at ito'y mabuti bat kailanagn pa natin magbuhis ng buhay ng alaga natin para lang sa larangan ng larong ito
    Bro dmtred,

    mababasa mo sa Bibliya on the Book of Genesis.. ibinibigay sa iyo ang kapangyarihan over all creations.. at sea, on air and on earth...
    kung naging masama ang sabong ay dahil sa taong irresponsable... sa pamilya at sa kaniyang kapwa.. dishonest and deceivers...
    ito'y mabuti dahil ito ay nagbibigay saya sa iyo at sa kapwa mo and makes you responsible as a good and caring individual. a good cocker/breeder feeds and water his chicken all day 24/7, umulan man at bumagyo.
    ang buhay ay panandalian lang.. just like the beauty of those flowers that withered before the scorching heat of the sun..

    BullRider

  12. #12
    Senior Member sahodero's Avatar
    Join Date
    Apr 2007
    Posts
    505
    Post Thanks / Like

    Re: Sugal o sports

    Quote Originally Posted by BullRider
    Bro dmtred,

    mababasa mo sa Bibliya on the Book of Genesis.. ibinibigay sa iyo ang kapangyarihan over all creations.. at sea, on air and on earth...
    kung naging masama ang sabong ay dahil sa taong irresponsable... sa pamilya at sa kaniyang kapwa.. dishonest and deceivers...
    ito'y mabuti dahil ito ay nagbibigay saya sa iyo at sa kapwa mo and makes you responsible as a good and caring individual. a good cocker/breeder feeds and water his chicken all day 24/7, umulan man at bumagyo.
    ang buhay ay panandalian lang.. just like the beauty of those flowers that withered before the scorching heat of the sun..

    BullRider
    NICE!! VERY WELL SAID PAREKOY! CLAP! CLAP! CLAP!

  13. #13
    Member ibong adarna's Avatar
    Join Date
    May 2006
    Posts
    362
    Post Thanks / Like

    Re: Sugal o sports

    Quote Originally Posted by BullRider
    Bro dmtred,

    mababasa mo sa Bibliya on the Book of Genesis.. ibinibigay sa iyo ang kapangyarihan over all creations.. at sea, on air and on earth...
    kung naging masama ang sabong ay dahil sa taong irresponsable... sa pamilya at sa kaniyang kapwa.. dishonest and deceivers...
    ito'y mabuti dahil ito ay nagbibigay saya sa iyo at sa kapwa mo and makes you responsible as a good and caring individual. a good cocker/breeder feeds and water his chicken all day 24/7, umulan man at bumagyo.
    ang buhay ay panandalian lang.. just like the beauty of those flowers that withered before the scorching heat of the sun..

    BullRider
    hehehe may nalalamang ka pang biblya ah.

  14. #14
    Senior Member Boy London's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Location
    LONDRES/LAGUNA
    Posts
    6,210
    Post Thanks / Like

    Re: Sugal o sports

    basta ang alam ko sugal at sport yan..

    at ang alam ko rin yung avatar ni adarna at katulad ng amo niya waaaaa

  15. #15
    Member ibong adarna's Avatar
    Join Date
    May 2006
    Posts
    362
    Post Thanks / Like

    Re: Sugal o sports

    waaaaaah nayare mo ga ako sir bl. di naman ga tayo ganire. heheehe ang ibong adarna ay walang hilig sa ganiyan.

  16. #16
    Bahoster
    Guest

    Re: Sugal o sports

    Quote Originally Posted by ibong adarna
    waaaaaah nayare mo ga ako sir bl. di naman ga tayo ganire. heheehe ang ibong adarna ay walang hilig sa ganiyan.
    oo nga naman. mahilig ang ibong adarna sa litsong Orig.

  17. #17
    Member
    Join Date
    May 2007
    Location
    Philippines
    Posts
    308
    Post Thanks / Like

    Re: Sugal o sports

    well said sir bullrider ngunit hindi kaya natin inaabuso ang kapangyarihan binigay sa atin ng dyos o MALI lang ata ang INTINDI natin dito upang mabigyan natin nang puwang ang larong ito

    hindi ko yata nabasa sa bibliya na binigyan tayo ng kapangyarihan na paglaruan ang buhay ng hayop upang tayo'y may paglaruan lamang at ayon mismo sa bibliya ang kapangyarihan na binigay sa atin ay upang silay pamahalaan at ingatan dahil silay nilalang din ng dyos na dapat mahalin at pagyamanin

    kaya nga tuloy na tuloy na ang sabong namin sa susunod na linggo!!!

  18. #18
    Member ibong adarna's Avatar
    Join Date
    May 2006
    Posts
    362
    Post Thanks / Like

    Re: Sugal o sports

    Quote Originally Posted by Bahoster
    oo nga naman. mahilig ang ibong adarna sa litsong Orig.
    di naman maSYADO MGA IGAN. PATIKIM TIKIM LAANG. PAG GUSTO DAGDAG KOLESTEROL BA GA.

  19. #19
    Member pogibots's Avatar
    Join Date
    May 2007
    Location
    AUSTRALIA
    Posts
    341
    Post Thanks / Like

    Re: Sugal o sports

    Ang sabong ay hindi sports, kase sa sports ang manlalaro ang pinapawisan, sa sabong ang naglalaban ang pinapawisan kapag talo! hahahaha

    Sugal? hindi para sa mga sabungero pero sa mga misis OO


  20. #20
    Member fish_bone's Avatar
    Join Date
    May 2007
    Posts
    140
    Post Thanks / Like

    Re: Sugal o sports

    sugal, kapag may manok na ilalaban cguradong may pusta.

  21. #21
    dingper
    Guest

    Re: Sugal o sports

    tama ka bullrider! nakumbinsi mo ako. kaya if you cant lick them, join them na lang ko pre! bahala na yung nakabili sa akin ng mga rejects! ang importante lang naa tay gamay lingawlingaw... kapoy sige trabaho. they say life is hard and then you die. he he he.

  22. #22
    conger_hug
    Guest

    Re: Sugal o sports

    parehong sugal at sports!!!

  23. #23
    Member scorpio69's Avatar
    Join Date
    Aug 2007
    Posts
    91
    Post Thanks / Like

    Re: Sugal o sports

    Quote Originally Posted by dingper
    Mga pare, kailan ba natin masabi na ang sabong ay sports at hindi sugal. kung sugal ang kahinatnan hindi ba tayong mga breeders ay magkakasala din dahil tayo ang nag supply ng manok sa mga sabungan at sa mga sugarol?
    Ang sabong po ay sports pag nanalo ka,......pag natalo ka sugal na yon he,he,he

Similar Threads

  1. Sports Fortunate 50
    By apong_ambo in forum English Discussions
    Replies: 1
    Last Post: December 28th, 2007, 05:09 AM
  2. Ang Sabong Ba Ay Isang Sugal O Isang Libangan???
    By JHAN in forum Usapang Manok
    Replies: 50
    Last Post: July 23rd, 2007, 01:13 PM
  3. sky sports farm
    By chrisgeoff21 in forum Usapang Manok
    Replies: 2
    Last Post: July 29th, 2006, 09:51 AM
  4. Bama Sports
    By Thompson in forum Chicken Talk
    Replies: 2
    Last Post: July 14th, 2006, 11:41 PM
  5. n-sports
    By patusik in forum Usapang Manok
    Replies: 2
    Last Post: April 7th, 2005, 02:52 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •