Page 1 of 10 123456 ... LastLast
Results 1 to 30 of 298

Thread: ano ang pinakamagaling na SENYAL?

  
  1. #1
    Member spangle's Avatar
    Join Date
    Apr 2001
    Posts
    348
    Post Thanks / Like

    ano ang pinakamagaling na SENYAL?

    iisip-isip,

    Ano sa palagay nyo ang pinakamagaling na senyales na nagbigay ng pinakamaraming panalo
    ng inyong manok?

    SPANgLe

  2. #2
    mikee
    Guest

    Thumbs up

    sa 'kin lang ang pinakamandang senyales ng
    manok yon bang may''puwente''makikita 'to sa
    kili-kili ng manok...namamasa -masa na parang
    sugat..sa native na manok madami 'to ewan ko
    lang sa mga texas:> )

  3. #3
    popeye61
    Guest

    Post

    ang pinakamagandang senyales para sa akin ay yong paningit.sa pandulan.

  4. Thanks Daniel Jerome thanked for this post
  5. #4
    Senior Member Kidd Sentencia's Avatar
    Join Date
    Apr 2000
    Location
    Carson Ca/Pangasinan
    Posts
    4,991
    Post Thanks / Like

    Wink

    pareng Mikee, nakita ko na yang senyales na yan...one time pa lang, I mean sa isang manok pa lang. Hirao, aba eh tuwing namamasa yung senyal nananalo...naka-apat yata. Hindi natalo...namete na lang sa huling laban pero panalo pa rin.

    Kidd


  6. #5
    mikee
    Guest

    Post

    pareng kid,meron akong manok na may puwente
    native na ''binabae''naka pitong beses pard's
    puro texas ang pinapatay..madaling ilaban dahil sa kulay:> )pero ng mapunta ako dito sa tate pinagbili ko 'yon nilaban sa manila.. nilaban ng patuyo na ang puwente''talo''kala
    nila makakaharang sila pero sila ang naharang
    buti na lang wala na ako kong di..hehhehhhe
    sama ako sa talo :> )

  7. #6
    leo
    Guest

    Post

    kaibigang mikee, kung ako naman ang tatanungin mo ang gusto ko yong may kuko sa leeg napakahirap makita ang ganitong senyal at talagang bibilang.naka 18 panalo sa akin walang tatalo,
    siguro dito.

  8. #7
    Senior Member astro's Avatar
    Join Date
    Jul 2001
    Posts
    791
    Post Thanks / Like

    Post

    Mga pards & pren nagkaroon din ako ng dalawang manok na may senyales. ang isa katulad ng kay leo, matindi talaga, isang tira lang patay ang kalaban,kilikili palagi.
    Pangalawa iyong mayroon latigo sa puwet,ibig sabihin nito iyong parang ting ting lang na kasamahan sa feather sa puwetan. Texas itong may senyales na ganito sa pamilya ng lemon.So far naka 20 beses na panalo sa hacks lang, panharang at karamihan ang anak nito ay panalo sa unang laban. Pero naghinayang ako dahil namatay lang ito sa katandaan.

    Astro

  9. #8
    mikee
    Guest

    Post

    leo&astro,nabanggit na rin sa 'kin ng ibang sabungero ang mga senyalis na 'yan ..matindi
    nga ang mga senyal na yan lalo na yan kuko sa leeg..pangil sa leeg kong tawagin sa amin
    dito sa tarlac

  10. #9
    leo
    Guest

    Post

    mayroon akong kakilala taga alaminos pangasinan ang manok niya dinagit ng aguila noong sisiw pa ito .pero ang karamihan ng buntot ng manok, yong mahaba ay dalawa di ba?yong manok niya 6 na mahahaba.sabi ng matanda sa amin ngayon lang siya nakakita ng ganitong manok, alam nyo ko ilang beses nanalo sa derby ito sa calasiao at sa pampanga 13 times derby winner pero hindi nagbibigay kahit isang lalaki .ang alam ko binili ni mayor guico noon.

  11. #10
    Senior Member astro's Avatar
    Join Date
    Jul 2001
    Posts
    791
    Post Thanks / Like

    Post

    Mikee, nakaroon pa ako ng isang manok na may senyales, buo ang kaliskis sa tarian. Pare ito ay siguradong panalo sa unang laban. Kaya todo ang taya. Sa panglawang laban 50-50 ang chance, kaya sa hacks lang puede ito para makapamili ng laban.

    Astro

  12. #11
    Babam
    Guest

    Post

    nagkaroon rin kami ng manok ng katulad sa kuwento ni leo. itong manok namin ay montik na makain ng hawk. yung dalawang kapatid niya ay napatay na ng hawk. siya na injure sa leeg pero nakalaban sa hawk. yung hackle feathers niya ay hindi kumpleto kaya pangit siya tingnan pero magandang manok. naging 4 time derby winner sa virginia at 2 time winner sa hackfight sa maryland. yung last derby fight niya nanalo siya pero pinatay na ng kano na partner namin kasi napilay. hindi na nakakatayo. sayang madami din inakyat na pera sa amin yon.

  13. #12
    mikee
    Guest

    Post

    tanong lang mga pard's''bakit yon mga nadagit ng agila na nabalik uli ay nag-
    bibilang ng panalo?

  14. #13
    Member firm believer's Avatar
    Join Date
    Dec 2000
    Location
    Sa Sports na Sabong
    Posts
    322
    Post Thanks / Like

    Post

    Mikee, Yung mga nadagit ng agila (bird of prey), ay nagbibilang ng panalo kasi siguro nakaligtas ito sa mahigpit na hawak at matatalas na kuko ng agila. Mantakin mo pupulutanin na lang siya eh nakaligtas pa. [img]//sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/wink.gif[/img] hehehe. Kumbaga sa swerte eh naka-guhit na ang tagumpay sa kanya.

    Mga pards, [img]//sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/confused.gif[/img] ang kinatatakutan kong manok na kalabanin ay yung panabong na may itim na tahid. Nagkaroon kasi kami noon sa probinsiya (camiling) ng pulang linaw na may itim na itim na tahid. Bull-stag palang ito ay naka-tatlong panalo agad sa hackfight. Laging walang sugat. Parang binabaril ang kalaban. Sayang nga lang at napagtripang nakawin. [img]//sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/mad.gif[/img]

    Senyal - Kung namimili ako ng panabong eh tinitingnan ko kung ito ay "tungo sa lilong". [img]//sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/bounce.gif[/img] Mainam din ang senyales na ito.

  15. #14
    popeye61
    Guest

    Post

    May sabungerong taga south cebu na palaging nag champion nang derby sa TALISAY SPORT COMPLEX noon.Lahat na manok na isinali sa derby ay puro may senyal.Alam mo kung ano? STAINLESS SA MAY KILIKILI.

  16. #15
    kasador
    Guest

    Post

    sa hackfights okey lang ang paggamit ng pamahiin at mga senyales.karamihan naman ng manok ay mediocre lang.may mangilanngilan na mainam na ipinanghaharang sa hackfight.the point is senyales don`t play a great role in tough derby fights.gumana man ay mangilanngilan at bilang na bilang,tsamba lang o kayay natapat.in tough derbies it is the breeding,feeding and conditioning departments that count.still it is the 365days or perhaps more that count and not the 1 day you spent looking for that myth and senyales that you expect to bring you luck.or let`s say tsamba ng oraculo.mabuhay ang SABONG!

  17. #16
    Member firm believer's Avatar
    Join Date
    Dec 2000
    Location
    Sa Sports na Sabong
    Posts
    322
    Post Thanks / Like

    Talking

    ang mga senyales eh pampalakas lang ng loob.

    popeye61,
    yung panabong na may tapal sa kilikili eh mga mandaraya na yon. [img]//sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/lol.gif[/img] hehehe. kasama na dito yung nagpapahid ng lason sa pulok ng panabong. senyal ito ng tunay na mandurugas 'ika nga. 'di marunong lumaban ng parehas.

    kasador,
    tama ka pare, sa derby ay mas malamang na scientific method ang ginagamit at hindi senyales. [img]//sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/wink2.gif[/img] kaya lang pare kung minsan nasusunod ang agos ng orakulo. may araw na puro talo ang talisain, palagay ko eh tsamba lang din. siguro ha, may kinalaman din ang moon positioning. nakapagtataka lang kasi pati tubig sa ilog at dagat eh apektado, i.e. high at saka low tide. pati na rin mga topak at iba pang may sayad eh nag-iiba ang ugali kung full moon. [img]//sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/crazy.gif[/img]

    [img]//sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/peace.gif[/img] sa derby, hackfight, or tupada hanapin natin ang senyales ng nagpapanalo, 'di lang sa manok pati na rin sa tao at agos ng swerte.

  18. #17
    popeye61
    Guest
    Totoo nga pareng FIRM BELIEVER,talagang mandaraya yung tao.Hndi na nga makasali mula nang mahuli yun.Ang nakahuli noon yung sentenciador na taga SAGAY,NEG. .

  19. #18
    Member firm believer's Avatar
    Join Date
    Dec 2000
    Location
    Sa Sports na Sabong
    Posts
    322
    Post Thanks / Like

    Thumbs up

    popeye61,

    alam mo pare, magaling yung sentenciador. sa hackfight o tupada naman sa maynila, mahulaan mo kung may tapal sa kilikili ang kalaban kasi kung maglaban sila ay hindi bale manok. alam din nila na kung makukuha mo yung bihag e buking yung gimmick nila. may lumang video tapes nga pala ako ng derby sa cebu na makikita ang pagrebisa sa kilikili ng manok.

    pare, ang gagaling ng mga sentenciador sa derby doon. kayang-kaya nilang ihagis at saluhin ng walang nalalagas na balahibo ang mga naglalaban. ang gagaling sa kareo. saludo ako. [img]//sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/wow.gif[/img]

    [This message has been edited by firm believer (edited 09-01-2001).]

  20. #19
    Rattlesnake
    Guest

    Wink

    may anting-anting ang mga sentenciador sa cebu. hehehe

    ------------------
    Abu Ahas

  21. #20
    Member firm believer's Avatar
    Join Date
    Dec 2000
    Location
    Sa Sports na Sabong
    Posts
    322
    Post Thanks / Like
    nadale mo pareng abu ahas!

    ------------------
    tambobondang

  22. #21
    Senior Member ROM_PH's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    Monterrey, Mexico
    Posts
    703
    Post Thanks / Like

    Kuko sa dibdib

    I came across 1 bird from a friend, may kuko sa dibdib. Post ko picture para sa mga gustong makakita. 2x winner na ito at ginawa na nilang broodcock. Kaso ang manok na ito ay kuba.
    Attached Images Attached Images

  23. #22
    Senior Member
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    1,139
    Post Thanks / Like
    cockmates ,

    karaniwan na tumatalo sa mga senyaladog manok ay basal na yano o pangkaraniwan lang ang kaliskis ng manok

  24. #23
    aruiz
    Guest
    Mga kaibigan.........

    Paano nga pala kung yung dalawang manok na

    maglalaban ay parehas matibay ang senyales...?

    Tabla ba ....?

    Unang-unang nagkaroon ako ng manok ay mistizo lang
    kuno (pinabayaran lang sa akin ng 100 pesos,.. that was
    1973) at nailaban ko sa Negros , 2X panalo.... sa
    Marikina , 2X panalo... sa Mandaluyong , 2X panalo. Ang
    sabi ng isang matanda (batangueno siya), di raw ito
    magpapatalo. Sa anim na laban, puro sa daliri lang ang
    sugat at kuha lahat na kalaban sa itaas. Pero kung
    ibitaw mo siya, parang di mo pupustahan. Sa gabi ng
    7th fight niya.... ninakaw.
    Di masabi ng matanda kung anong senyal ang meyron
    dahil di naman ako masyadong naniniwala sa senyal.

  25. #24
    hatch767
    Guest
    kakmeyts,

    e2 ang ilan na senyalado na manok na mananalo.

    1. walang kaliskis sa paa.
    2. may uban na isa sa parteng batok.
    3. isang baliktad na balahibo sa dibdib.
    4. isang kuko sa dulo ng kaliwang pakpak.
    5. banderang puti sa buntot.
    6. paang buwaya ang tawag sa kaliskis sa paa.
    7. maumbok sa parteng ibaba ng mata.
    8. bumubuka ang 2nd na kaliskis mag umpisa sa dulo ng daliri nd kaliwang paa.
    9. wing band or leg band.
    10. toe and nose markings.
    11. pangit na pagkatanggal ng palong o nde tinanggal ang palong.
    at marami pang iba.....

    Ako naman ang tatanong sa iyo anong bloodline ang tatalo sa mga senyalado?

  26. #25
    Member
    Join Date
    Aug 2003
    Posts
    195
    Post Thanks / Like

    share ko lang/

    MGA PRE.

    MAY MANOK AKONG NABILI P250.00 LANG, GALING PANGASINAN, PANGKATAY AT PANGHANDA SA ARAW NG KASAL, ALAM MO NAMAN SA PROBINSYA MAY ADVANCE PARTY SA PAGHAHANDA NG PAGKAIN SA ARAW NG KASAL.
    IN-SHORT, NAGING AKING ANG MANOK, INALAGAAN KO PA NG APAT NA BUWAN DAHIL MEDYO BATA PA KASI AT GAGAMITIN KO LANG CATCH COCK SA MGA PANLABAN KO, KAPAG IBINIBITAW KO LAGING TUMATAKBO PERO HINDI UMAAYAW, NAGPAPAHABOL LANG BA, MINSAN DINALA NAMIN SA SABUNGAN PARA GAMITING PANUKA NG 2 MANOK NA PANLABAN NAMIN, NANALO NA YUNG 2 MANOK, PERO MEDYO BITIN PA ANG TROPA SA PANALO, AT NAISIPAN NILANG ILABAN YUNG PANUKA NAMIN (KATUWAAN LANG), ABAY NANALO DIN AT WALA PANG SUGAT, HANGGANG SA NAKA WALONG PANALO ITONG KAKATAYIN KONG MANOK, ALAM NYO BA KUNG ANO ANG SENYALES NITO, KAPAG DINERETSO MO ANG BINTI AT PAA NITO (NAKAHARAP SA IYO ANG MANOK) IYON PARANG TITIGNAN MO KONG TIHAYA O' KALTIS ANG MANOK. ITONG MANOK KO AY PALAD TAO ANG MGA DALIRI, TIKOM LAHAT ANG MGA DALIRI SA PAA PATI YUNG DALIRI NA MALAPIT SA TAHID, AT KAPAG ORAS NA NG LABAN ANG KULAY NA PAA NYA NAGIGING KULAY ASUL PAGDATING SA RUEDA , KASI PUTI ANG TUNAY NA KULAY NG PAA NYA KAPAG HINDI MO ILALABAN, KAYA KAPAG HINDI NAGBAGO ANG KULAY NG PAA SA RUEDA AY INILALABAS KO NA NG RUEDA DAHIL MATATALO DAW SABI NG MGA MATATANDA, KAYA LANG NAMATAY DIN ITO DAHIL SA PESTE, WALA KASI SYANG SENYALES LABAN SA PESTE....


    EGAY

  27. #26
    Senior Member Bty Hunter's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    2,049
    Post Thanks / Like

    Egay..

    Yan din ang kahinaan nung mga mananalo naminb sa una:lol: :lol:

  28. #27
    Senior Member
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    1,139
    Post Thanks / Like
    ang mga tatalo sa may senyales na manok ;
    1. magnanakaw
    2. napeste
    3. nakatay para ulam
    4.manlalason
    JOKE , JOKE , JOKE ONLY
    :lol:

  29. #28
    CyberFriends erick's Avatar
    Join Date
    Feb 2004
    Posts
    180
    Post Thanks / Like

    magaling na senyal

    sa experience namin tungkol d2? meron kaming manok sa spar ay pagulong-gulong pero pag may tari na e parang ipuipo
    nang busisiin ang kaliskis may solo paningit pla kya ganun. ang hinihanap ko na senyal ay ang tinatawag ng "doble bangkilas" pero hanggang ngayon di pko nakakakita n2.pero nsa inyo na ang desisyon kung maniniwala kyo sa senyal. kung may magaling kang manok at may senyal pa e ok na

  30. #29
    Senior Member poginggwapo's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Location
    maryland/pasig city
    Posts
    528
    Post Thanks / Like

    senyaladong manok

    mga bossing meron din akong nakuhang manok nbile ko gleng farm sa bulakan black bonanza sunog na sunog ang kulay pero hnde ulikba pute ung katawan nya ang senyales nya e kakaiba itim ung ilalem ng dla nya hnde ko na inilaban baka msayang lng pg nglalaban kme e nilulublob ko sya sa timba tpos un ung pinanghihilamos ko dun s mga inilalaban nmen mlakas sa panalo ibinirid ko gnon din ung mga anak itim din ung mga dila nila:rbounce:

  31. #30
    Senior Member
    Join Date
    Nov 2005
    Location
    cuernos de negros
    Posts
    3,208
    Post Thanks / Like

Similar Threads

  1. Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan
    By cccforevergold in forum Usapang Manok
    Replies: 2810
    Last Post: October 23rd, 2014, 12:44 PM
  2. Senyal Na Patok Sayo...
    By HGYREDSTALLION in forum Usapang Manok
    Replies: 235
    Last Post: January 14th, 2014, 11:47 PM
  3. senyal ng manok?!
    By madstalker in forum Usapang Manok
    Replies: 5
    Last Post: March 4th, 2009, 08:51 AM
  4. Replies: 2
    Last Post: March 1st, 2007, 08:20 AM
  5. Inbreed maraming lumalabas na mga senyal.
    By casti21 in forum Usapang Manok
    Replies: 0
    Last Post: May 29th, 2006, 08:49 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •