Results 1 to 14 of 14

Thread: Tips kung Paano Pumili ng Winning Fowl sa Sabong

  
  1. #1
    Member rtb123r's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    124
    Post Thanks / Like

    Thumbs up Tips kung Paano Pumili ng Winning Fowl sa Sabong

    Baka pwede nyo namang i share yung experience nyo kung paano pumili ng winning fowl sa sabong (Derby o Trabesiya).

  2. #2
    Senior Member Kidd Sentencia's Avatar
    Join Date
    Apr 2000
    Location
    Carson Ca/Pangasinan
    Posts
    4,991
    Post Thanks / Like
    http://www.sabong.net.ph/forum/showt...ight=trabesiya

    Search engine really works!

    hehehe,

    Kidd

  3. #3
    Senior Member reongmanchi63's Avatar
    Join Date
    Jul 2003
    Location
    USA
    Posts
    816
    Post Thanks / Like
    :lol:

  4. #4
    Member rtb123r's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    124
    Post Thanks / Like
    Sorry mga sir kung medyo nakalilito ang tanong ko. ang ibig kong sabihin ay yung makakalamang sa ano mang bahagi ng pagsasabong, halimbawa sa trabesiya may mga sabungero na nasa ulatan at tinitignan nila ang pagmamatch, ito ay isang method na marunong magsabong ang isang tao kasi inaalize niya ang mga nasa ulutan at nagkakaroon siya ng kaalaman kung sino ang malaki o kaninong manok yon. Kung ito ay tahor( galing sa ibang lugar) at pumupunta sa lugar na yon kasi alam nila na kaya nila ang mga manok doon. Itong mga bagay na ito kala mo maliit na bagay pero malaking tulong sa pagpili mo ng manok at pagpusta. Meron ngang iba sa ulutan, may mga sabungero na laban ng laban specially kung lasing, so kung marunong kang magsabong tip na kaagad sa yo yon.
    Maybe you can share your experiences.

  5. #5
    Member rtb123r's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    124
    Post Thanks / Like
    Mga igan,
    pag talagang minamalas hindi ba maganda na maghanap ka nung sinuswerteng magsasabong at sundin mu na lang kung saan siya tumaya. Pwede rin naman yung kabaligtaran, kaya lang mukhang unethical yon ( maghanap ka ng minamalas at lahat ng pinupustahan niya sa kabila ka pupusta, ito naman ay payo lang kung talagang minamalas ka na!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!)

  6. #6
    Member rtb123r's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    124
    Post Thanks / Like
    FIS,

    Check sabungero.com go to pagmamanukan then the art of cockfighting.
    VERY GOOD ARTICLE AND VERY INFORMATIVE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ENJOY.

  7. #7
    hatch767
    Guest
    kakmeyt,

    marami ang titignan sa manok kung maglalaro ka sa trabesiya.

    1. kilos o galaw ng manok- kapag ang paa ay sabay umaangat ang laro nya ay talon-sipa o single stroke sa break, kung ang paa naman ay mabilis ang kahig sa lupa, e2 ay may pinakakawalang multiple shuffle either sa taas o sa lupa o parehong multiple strokes taas at baba.

    2. Laki o tanggkad ng manok at laki ng dibdib - ang mas malaki ang dibdib ay may malakas na katawan at ang matangkad na manok ay may mas mahabang paa.

    3. senyales - marami ang senyales ng winning lines kaya mas mabuti na alamin mo rin ang mga e2.

    4. bloodline - sweater (flyer and grounder)
    roundhead (flyer and grounder)
    claret (flyer and grounder)
    kelso (flyer and grounder)
    lemon (grounder)
    butcher (grounder)
    blacks (flyer and grounder)
    brownred (grounder)
    doc robinson (grounder)
    grey (grounder)
    english dom (flyer and grounder)
    Hatch (grounder)
    Speckled (grounder)
    Spangled (flyer)
    Hennie (flyer and grounder)
    etc....

    sa kulay ng balahibo mo malalaman kung ang grounder na na-cross sa flyer ay maglalaro ng (flyer and grounder) at ganon din sa flyer na meron cross ng grounder.

    Sa dami ng breeder na marunong mag timpla ng dugo ay kayang pekehin ang kulay ng manok at kung sa tingin mo ay grounder lang ang kalaban ay nde na pala basta grounder flyer na din pala, kaya idagdag mo rin ang iyong pansin sa hugis ng palong at kulay ng paa.

    5. lumaki ba sa farm o backyard breeder lang (big time ba o small time ang breeder o cocker).....kung farm lumaki meron ba records ng winning ang breed? in short mas mabuti kung kilala mo ung owner.

    6. makiramdam sa sigaw ng tao, dahil higit ang nakakarami ang nakakaalam kung kanino ung manok.

    7. pakiramdaman ang entry ng cockpit owner na sumasali, kung puro panalo ay sumabay ka sa entry ng cockpit owner.

    8. silipin kung off o nde ang manok.

    9. pansinin ang maswerteng katabi at sumabay sa kanya.

    10. kung dikit ang laro hwag pupusta, palipasin mo.

    NOTE: some winning bloodline who had a past illness history ay nakakasira sa pagpili mo, kahit winning line kung meron pinagdaanan sakit ay nawawala ang ganda ng laro, kahit winning line kung wala sa tama ang pagko condition ay talo pa rin.

    *** Experience ko sa trabesiya ay mas maraming talo keysa panalo kaya i decided na mag breed na lang ako ng sariling kong panlaban recorded ang history at nakikilala ang fighting style.

    Since maraming mapupulot na idea d2 sa internet ay madali na lang hanapan ng mahinang kaulutan sa cockpit.

    gudluck and godbless kakmeyt...be also a breeder.

  8. #8
    senerez
    Guest

    final desisyun is yours ?

    tol kung magsasabong ka (travesya o breeding ?) halos lahat ng tip e and2 na ,kaya nga lang ang masasabi ko sa yo e ikaw pa rin ang mag dedeside kung san ka lalagay?kaya dapat alam mo rin ang sarile mo ?kung dehadista ka ba o llamadista dahil lahat ng sabungero e me kakaibang katangian o karacter pagdating sa larong sabong? kasi napapansin ko me mga taong solid sa dehado lalo na yung me mga kapital ? na sabi ng iba e yun daw ang mainam sa sabong kasi malaki nga naman ang kabig kesa sa tulak? kung ako naman ang tatanungin mo e parehas ako ?pumupusta ako sa llamado at dehado na ayun naman sa mga tigapusta e magandang katangian ng isang tahor? bukod siguro sa di sila mapapagod ng sobra pag ako ang pinamumusta nila?kasi yung iba nga naman e solid sa llamado hehehe? kung sa pamemera naman sa travesya ?kung mamusta ako e roll ? hehehe? kasi katwiran ko jan e mapadali o tumagal man ako sa loob e ganoon na rin sa finishing ? kasi yung isang libo mung unang pusta e ,kung tatama ng limang beses e pwede ka ng kumalas ?kaya lang hindi rin madaling gawin eka nga ?kasi minsan e pag napalagay ka sa tyope e ubos ka rin ng iglap ?kaya sabi ko nga sayo e sa yo parin ang last desisyun ?gud luck?

  9. #9
    CyberFriends gamecock96's Avatar
    Join Date
    Mar 2000
    Posts
    6,092
    Post Thanks / Like

    Pre tip ko lang sa iyo

    Dapat marunong ka tumingin ng quality na manok. Mayroon kasing mga quality na manok pero pangit lang ang hitsura nila. Laki at liit ng ulo, nipis ng paa, conformation ng katawan and the likes. Ngayon kung mayroon minsan na pinapapangit gaya ng di masyado sinasagad ang pungos, iimagine mo rin na kung sinagad kaya yung pungos, eh maliit pa rin lalabas ang ulo nito. Having said that, hindi lahat ng pangit na manok ay hindi quality. So pag may pangit na manok ( na quality) tapos napa match sa maliit na manok na napaka ganda eh saan ka pa. Tawag dyan holdap.


    Al

  10. #10
    talahib747
    Guest
    take it to the expert holdaper!! al capone holdaper ng san mateo.... pag pumapasok ng rueda yan ay 10-6 kaagad ang tawagan.

  11. #11
    Senior Member earan's Avatar
    Join Date
    Jun 2002
    Location
    Calamba, Laguna
    Posts
    931
    Post Thanks / Like
    diskarte ko

    sa hackfight : llamadista
    kasi sa hackfight madalas extreme ang labanan magaling vs. mahina.

    sa derby : dehadista
    sa derby madalas parehong magaling ang naglalaban kaya maski sa dehado ka parehas lang malaki pa tama.

    higit sa lahat moderate betting lang and enjoy the sport...

  12. #12
    CyberFriends gamecock96's Avatar
    Join Date
    Mar 2000
    Posts
    6,092
    Post Thanks / Like

    Wink Alvin

    Di naman ako nanghoholdap. Di lang ako nagpapaholdap heheheheh


    Al

  13. #13
    Member rtb123r's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    124
    Post Thanks / Like
    Gamecock ,
    Pwede ho bang paki explain kung ano ang magiging katangian nung manok kung maliit ang ulo, manipis ang mga paa at yung uri ng katawan? Pwede ho bang maging basehan ito kung paano pumalo o lumaro ang manok ?
    Maraming salamat ho sa magiging sagot.

  14. #14
    CyberFriends gamecock96's Avatar
    Join Date
    Mar 2000
    Posts
    6,092
    Post Thanks / Like

    rtb

    Hmmmm... In general ay katangian ito ng pagiging texas ng isang manok. These are GENERAL qualities. So kung texas pala ang manok na ito, hindi sya tagalog o mistisuhin. Syempre ang hitsura talaga ay hindi makaka dikta kung ano ang gagawin ng manok sa laban pero in GENERAL ang texas ay mas mapower kaysa tagalog/mestiso. Mas magaling ang cutting at may fighting style. Yan nga ang ganda ng laban natin eh, walang kasiguraduhan. Kaya my point in general eh kung quality rin naman ang lalaban mo tapos malaki ka pa sa laban eh siguradong lamang ka diba.

Similar Threads

  1. tips po kung paano titigil sa sabong
    By X-COCK in forum Usapang Manok
    Replies: 146
    Last Post: July 19th, 2011, 07:52 AM
  2. Tips kung paano makakapagpalabas na 90% na puro lalaki.
    By juliuzcaezar in forum Usapang Manok
    Replies: 387
    Last Post: April 6th, 2009, 09:46 AM
  3. Tips naman po kung paano maguwi ng Itlog galing US
    By gingerhat in forum Usapang Manok
    Replies: 21
    Last Post: September 18th, 2008, 06:34 AM
  4. tips kung paano maiiwasan ang balato gang???
    By kenian_castro in forum Usapang Manok
    Replies: 81
    Last Post: March 5th, 2008, 04:46 AM
  5. Tips po kung paano pagsamahin 2 war freak na broodhen
    By sonny dela cruz in forum Usapang Manok
    Replies: 15
    Last Post: May 21st, 2005, 11:19 AM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •