Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 30 of 58

Thread: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

  1. #1
    Senior Member OREVON's Avatar
    Join Date
    Jul 2007
    Location
    FB:Greyhound GF
    Posts
    3,473
    Post Thanks / Like

    Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Pilit kong tinatanong sa aking sarili kung ang pagkahilig o pagmamahal sa sports na sabong ay - namamana o napag aaralan?

    Sa edad ko ngayon na 44 at minsan sa aking pag mumuni muni habang nag iisa, pilit kong sinasariwa kung bakit hindi ko makalimutan ang aking "first love" - ang manok.

    Nagsimula ang aking pagmamahal sa mga manok nung ako ay nasa grade 4. Tumira kami noon sa Naga City at napansin ko na halos mga kapit bahay namin doon ay may mga alagang manok na native. At minsan ang aking mga kaedad at kalaro ay dala dala ang kanilang pinakamagaling at pinaka matapang na alaga at kami ay makakarating hanggang sa kabilang ibayo upang maghanap ng mga tatyaw na pwedeng labanan ng bugbugan. Minsan sa tagal ng bugbugan mayron umaayaw at tumatakbo.

    Dahil dito sinabi ko sa aking itay na gusto ko rin magkaroon ng alagang manok. Sinamahan nya ako sa palengke at pinapili sa mga manok na inilalako doon. Wala akong nagustuhan. Hanggang sa minsang namasyal kami sa isang baryo, may nakita akong isang tatyaw na sya atang hari sa lahat ng mga tatyaw sa lugar na yon dahil walang sino man sa ibang tatyaw ang gustong lumapit sa kanya. Nagustuhan ko ang manok na ito at pinilit ko ang aking itay na bilhin yun para aking alagaan. Pinangalanan ko pa syang "TIKTIK". Sa tinagal tagal napaamo ko ang manok kong ito at hindi na kailangan itali. Pag tinawag ko ang kanyang pangalan ay lumalapit sya. Pinapakain ko sya ng bigas sa aking palad. Bumili rin ang aking itay ng 2 inahen para meron syang kasama.

    At minsan napapaaway ako kapag umuwi ako at nakita kong puno ng pasa ng tuka ang kanyang mukha. Pilit kong inaalam kong sino sa mga kapwa ko bata ang nagbitaw ng tatyaw sa kanya.

    Natatawa ang aking itay sa akin hanggang ikuwento nya na sya rin pala ay dating sabungero nung hindi pa ko ipinapanganak subalit inihinto na nya. Ikinuwento nya kung pano ang isa nyang puting manok ay nakaabot ng 45 panalo dahil sa taglay na rin na "ORASYON" ng aking ama. Sa huling panalo ng manok na ito, halos kalahati ng leeg nito ay hindi na magka dugtong, ang bituka ay nakalabas na pero buhay pa rin. Ang sabi ng mangagamot ay imposible na operahan at gamutin pero nagtataka ito kung bakit buhay pa rin ang manok. Ng magdesisyon ang aking ama na ipamigay na lamang upang gawing pulutan ang manok ay bigla na lang nitong inilaylay ang kanyang ulo.

    Ng ako ay mag grade 6 ay lumipat kami sa Pampanga. Ang aking alagang si Tiktik at kanyang mga anak at inapo ay iniwan ko sa aking pinsan. Sa aming bagong tirahan sa Pampanga ay mahirap mag alaga ng manok dahil walang lugar pero hindi pa rin mawala ang aking pagka hilig sa mga manok. Kahit isa lang na nakatali ay inaalagaan ko.

    Magmula noon kahit pang "bugbugan" lang ang aking alaga at hanggang ngayon na talagang mga panlaban na sa "tari" ay masasabi ko na ito ang aking FIRST LOVE.

    Hindi SUGAL ang aking hanap bagkus ay upang mapatunayan gaano kagaling ang aking alaga.

    SIGURO NGA MANA MANA LANG at NAPAG AARALANG MA DEVELOP ANG PAGMAMAHAL SA SPORTS NA TO. Gaya ng anak ko na nasa thread na ito.

  2. #2
    Member barenahan's Avatar
    Join Date
    Apr 2008
    Posts
    205
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    OREVON tingin ko ay mana mana ang pagkahilig sa manok kasi ang mga tiyuhin ko ay mga sabungero din kaya ako ay nagkahilig din sa pagmamanok at una kong naging manok ay galing din sa palengke noong ako ay bata pa at kami ng tatay ko ang bumili sa palengke ng baclaran!cheers

  3. #3
    Senior Member louie_vh's Avatar
    Join Date
    May 2003
    Location
    Ohio,USA
    Posts
    671
    Post Thanks / Like

    Talking Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Quote Originally Posted by OREVON
    Pilit kong tinatanong sa aking sarili kung ang pagkahilig o pagmamahal sa sports na sabong ay - namamana o napag aaralan?

    Sa edad ko ngayon na 44 at minsan sa aking pag mumuni muni habang nag iisa, pilit kong sinasariwa kung bakit hindi ko makalimutan ang aking "first love" - ang manok.

    Nagsimula ang aking pagmamahal sa mga manok nung ako ay nasa grade 4. Tumira kami noon sa Naga City at napansin ko na halos mga kapit bahay namin doon ay may mga alagang manok na native. At minsan ang aking mga kaedad at kalaro ay dala dala ang kanilang pinakamagaling at pinaka matapang na alaga at kami ay makakarating hanggang sa kabilang ibayo upang maghanap ng mga tatyaw na pwedeng labanan ng bugbugan. Minsan sa tagal ng bugbugan mayron umaayaw at tumatakbo.

    Dahil dito sinabi ko sa aking itay na gusto ko rin magkaroon ng alagang manok. Sinamahan nya ako sa palengke at pinapili sa mga manok na inilalako doon. Wala akong nagustuhan. Hanggang sa minsang namasyal kami sa isang baryo, may nakita akong isang tatyaw na sya atang hari sa lahat ng mga tatyaw sa lugar na yon dahil walang sino man sa ibang tatyaw ang gustong lumapit sa kanya. Nagustuhan ko ang manok na ito at pinilit ko ang aking itay na bilhin yun para aking alagaan. Pinangalanan ko pa syang "TIKTIK". Sa tinagal tagal napaamo ko ang manok kong ito at hindi na kailangan itali. Pag tinawag ko ang kanyang pangalan ay lumalapit sya. Pinapakain ko sya ng bigas sa aking palad. Bumili rin ang aking itay ng 2 inahen para meron syang kasama.

    At minsan napapaaway ako kapag umuwi ako at nakita kong puno ng pasa ng tuka ang kanyang mukha. Pilit kong inaalam kong sino sa mga kapwa ko bata ang nagbitaw ng tatyaw sa kanya.

    Natatawa ang aking itay sa akin hanggang ikuwento nya na sya rin pala ay dating sabungero nung hindi pa ko ipinapanganak subalit inihinto na nya. Ikinuwento nya kung pano ang isa nyang puting manok ay nakaabot ng 45 panalo dahil sa taglay na rin na "ORASYON" ng aking ama. Sa huling panalo ng manok na ito, halos kalahati ng leeg nito ay hindi na magka dugtong, ang bituka ay nakalabas na pero buhay pa rin. Ang sabi ng mangagamot ay imposible na operahan at gamutin pero nagtataka ito kung bakit buhay pa rin ang manok. Ng magdesisyon ang aking ama na ipamigay na lamang upang gawing pulutan ang manok ay bigla na lang nitong inilaylay ang kanyang ulo.

    Ng ako ay mag grade 6 ay lumipat kami sa Pampanga. Ang aking alagang si Tiktik at kanyang mga anak at inapo ay iniwan ko sa aking pinsan. Sa aming bagong tirahan sa Pampanga ay mahirap mag alaga ng manok dahil walang lugar pero hindi pa rin mawala ang aking pagka hilig sa mga manok. Kahit isa lang na nakatali ay inaalagaan ko.

    Magmula noon kahit pang "bugbugan" lang ang aking alaga at hanggang ngayon na talagang mga panlaban na sa "tari" ay masasabi ko na ito ang aking FIRST LOVE.

    Hindi SUGAL ang aking hanap bagkus ay upang mapatunayan gaano kagaling ang aking alaga.

    SIGURO NGA MANA MANA LANG at NAPAG AARALANG MA DEVELOP ANG PAGMAMAHAL SA SPORTS NA TO. Gaya ng anak ko na nasa thread na ito.
    Dre nasa Bloodline yan kung baga pag nagbreed ka ng Sweater o Roundhead di siempre Sweater o Roundhead din yun magiging Anak diba ? ...... :-]

  4. #4
    Senior Member louie_vh's Avatar
    Join Date
    May 2003
    Location
    Ohio,USA
    Posts
    671
    Post Thanks / Like

    Talking Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Siempre may magiging rejects din na mga anak eto yun mga walang hilig sa Sabong..... :-]

  5. #5
    Senior Member ylhatch's Avatar
    Join Date
    Apr 2005
    Location
    middle east
    Posts
    573
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    siguro namamana.all my children luvs manok.even at an early age.mayroon nga sila sari alaga manok, sariling pet (parang aso!).
    SAMPLE
    http://sabong.net.ph/gallery/showpho...00/ppuser/4267

    napag aaralan din siguro, kasi yun brother ko wala naman hilig sa manok.pero pag wala ako sya manage manukan.sya rin paluwal kung minsan.ayun sabungero n rin.!

    MAGULO!

  6. #6
    Senior Member roy reyes's Avatar
    Join Date
    Jul 2000
    Posts
    1,628
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Quote Originally Posted by OREVON
    Pilit kong tinatanong sa aking sarili kung ang pagkahilig o pagmamahal sa sports na sabong ay - namamana o napag aaralan?

    Sa edad ko ngayon na 44 at minsan sa aking pag mumuni muni habang nag iisa, pilit kong sinasariwa kung bakit hindi ko makalimutan ang aking "first love" - ang manok.

    Nagsimula ang aking pagmamahal sa mga manok nung ako ay nasa grade 4. Tumira kami noon sa Naga City at napansin ko na halos mga kapit bahay namin doon ay may mga alagang manok na native. At minsan ang aking mga kaedad at kalaro ay dala dala ang kanilang pinakamagaling at pinaka matapang na alaga at kami ay makakarating hanggang sa kabilang ibayo upang maghanap ng mga tatyaw na pwedeng labanan ng bugbugan. Minsan sa tagal ng bugbugan mayron umaayaw at tumatakbo.

    Dahil dito sinabi ko sa aking itay na gusto ko rin magkaroon ng alagang manok. Sinamahan nya ako sa palengke at pinapili sa mga manok na inilalako doon. Wala akong nagustuhan. Hanggang sa minsang namasyal kami sa isang baryo, may nakita akong isang tatyaw na sya atang hari sa lahat ng mga tatyaw sa lugar na yon dahil walang sino man sa ibang tatyaw ang gustong lumapit sa kanya. Nagustuhan ko ang manok na ito at pinilit ko ang aking itay na bilhin yun para aking alagaan. Pinangalanan ko pa syang "TIKTIK". Sa tinagal tagal napaamo ko ang manok kong ito at hindi na kailangan itali. Pag tinawag ko ang kanyang pangalan ay lumalapit sya. Pinapakain ko sya ng bigas sa aking palad. Bumili rin ang aking itay ng 2 inahen para meron syang kasama.

    At minsan napapaaway ako kapag umuwi ako at nakita kong puno ng pasa ng tuka ang kanyang mukha. Pilit kong inaalam kong sino sa mga kapwa ko bata ang nagbitaw ng tatyaw sa kanya.

    Natatawa ang aking itay sa akin hanggang ikuwento nya na sya rin pala ay dating sabungero nung hindi pa ko ipinapanganak subalit inihinto na nya. Ikinuwento nya kung pano ang isa nyang puting manok ay nakaabot ng 45 panalo dahil sa taglay na rin na "ORASYON" ng aking ama. Sa huling panalo ng manok na ito, halos kalahati ng leeg nito ay hindi na magka dugtong, ang bituka ay nakalabas na pero buhay pa rin. Ang sabi ng mangagamot ay imposible na operahan at gamutin pero nagtataka ito kung bakit buhay pa rin ang manok. Ng magdesisyon ang aking ama na ipamigay na lamang upang gawing pulutan ang manok ay bigla na lang nitong inilaylay ang kanyang ulo.

    Ng ako ay mag grade 6 ay lumipat kami sa Pampanga. Ang aking alagang si Tiktik at kanyang mga anak at inapo ay iniwan ko sa aking pinsan. Sa aming bagong tirahan sa Pampanga ay mahirap mag alaga ng manok dahil walang lugar pero hindi pa rin mawala ang aking pagka hilig sa mga manok. Kahit isa lang na nakatali ay inaalagaan ko.

    Magmula noon kahit pang "bugbugan" lang ang aking alaga at hanggang ngayon na talagang mga panlaban na sa "tari" ay masasabi ko na ito ang aking FIRST LOVE.

    Hindi SUGAL ang aking hanap bagkus ay upang mapatunayan gaano kagaling ang aking alaga.

    SIGURO NGA MANA MANA LANG at NAPAG AARALANG MA DEVELOP ANG PAGMAMAHAL SA SPORTS NA TO. Gaya ng anak ko na nasa thread na ito.
    kung hindi sugal ang hanap mo sa pagsasabong ay hahangaan kita,dahil yan din ang prinsipyo ko sa larong sabong ang makilalang mananabong hindi manunugal,gud luck sa mga first love mo..

  7. #7
    Member fpenalba's Avatar
    Join Date
    May 2003
    Location
    Cavite / Modesto California
    Posts
    51
    Post Thanks / Like

    Smile Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Yung tatay ko namana nya sa Lolo ko, lagi syan sinasama sa sabungan noong bata pa sya. same thing din noong bata pa ako, lagi akong kasama sa sabungan so think namamana sa opinion ko.

  8. #8
    Senior Member
    Join Date
    Nov 2005
    Location
    cuernos de negros
    Posts
    3,208
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    pagmamahal sa sabong sakin it runs in the blood.............

  9. #9
    Senior Member Island Born's Avatar
    Join Date
    Oct 2011
    Location
    S3BA
    Posts
    3,557
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    by influenced siguro kasi noong bata ako, natutuwa akong nakakakita ng mga nagbibitaw ng tagalugin at mga teksas.

  10. #10
    Senior Member gintong itlog's Avatar
    Join Date
    May 2011
    Posts
    1,605
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Pagmamahal involves the heart samantalang ang pag-aaral involves the brain.

    Kapag puso mo ang umiiral sa sabong ay most likely na hindi mo ito matatalikdan kahit kailan pero kapag na-overcome ng isip mo ang puso mo regarding sabong ay malamang na tumigil ka. Its your choice. Become analytical or become emotional!
    Last edited by gintong itlog; June 21st, 2012 at 04:46 AM.

  11. #11
    Senior Member Island Born's Avatar
    Join Date
    Oct 2011
    Location
    S3BA
    Posts
    3,557
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Quote Originally Posted by gintong itlog View Post
    Pagmamahal involves the heart samantalang ang pag-aaral involves the brain.

    Kapag puso mo ang umiiral sa sabong ay most likely na hindi mo ito matatalikdan kahit kailan pero kapag na-overcome ng isip mo ang puso mo regarding sabong ay malamang na tumigil ka. Its your choice. Become analytical or become emotional!
    Nandun siguro ako sa analytical, kasi kaya kong mag-umpisa at tumigil sa sabong ng ganun lang kadali. Syempre sa mga friends ko mapupunta yung mga alaga ko kung titigil ako dahil sa iba pang mas importanteng bagay. Pag may time uli ay saka na lang mag-umpisa uli. Acquired uli ng alaga sa friends

  12. #12
    Senior Member lexlavin32's Avatar
    Join Date
    May 2007
    Location
    SPINBOLDAK
    Posts
    1,409
    Post Thanks / Like

    Wink Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Quote Originally Posted by OREVON View Post
    Pilit kong tinatanong sa aking sarili kung ang pagkahilig o pagmamahal sa sports na sabong ay - namamana o napag aaralan?

    Hindi SUGAL ang aking hanap bagkus ay upang mapatunayan gaano kagaling ang aking alaga.

    SIGURO NGA MANA MANA LANG at NAPAG AARALANG MA DEVELOP ANG PAGMAMAHAL SA SPORTS NA TO. Gaya ng anak ko na nasa thread na ito.
    pareng OREVON, kumusta na... para sa akin lang ha... ang pagka hilig ko sa manok ay dahil sa... INFLUENCIA.;):)

  13. #13
    Junior Member
    Join Date
    Jun 2012
    Location
    DAVAO
    Posts
    21
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Para po saakin mga kasabong ay bloodline na talaga namin.,

    Naalala ko noong grade 1 or 2 ako sa squaters area pa kami ng Davao city nakatira at nasa tabi lang ng Cosmopolitan funeral homes ang bahay namin,.May naka tali na ng 4-5 heads si tatay at ng nilaban nila sa 2cock ay nag champion at masaya rin ako kasi sa dami ba namang bisita sa bahay at pinopuri si tatay sa mga alaga nyang manok nag nag champion.

    Maraming kaibigan kasi nag papanalo at balato.,

    At nitong nakaraang OFW pa ako para pang iwas inip at pagka homesick ay binuhos ko nalang sa pag aaral sa maka bagung systema ng manok panabong from breeding to rueda.

    Maraming Salamat sa mga nag share ng knowledge nila dito sa web site nato and Specially SABUNG.net

    Magandang Araw sa Lahat.

  14. #14
    Senior Member Intrepid's Avatar
    Join Date
    Dec 2011
    Posts
    869
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Ang pagkahilig ko sa sabong ay masasabi kong namana ko sa erpat ko at sa lolo ko.Lalo ako nagkahilig nung regalohan ako ng ninong ko ng imported na greys noong 80s.At 1st time ko magchampion sa derby gamit ang mga island born na mga anak...Happy cocking

  15. #15
    Senior Member
    Join Date
    Mar 2009
    Location
    jupiter
    Posts
    1,078
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Lolo ko mother side at Father side sabungero.
    Sa sabungan pa nga inatake ang tatay ng nanay ko eh.
    Tatay ko sabungero.Isang tiyo ko sabungero.

    Hindi ko masasabing namamana,kasi sa batch ng magpipinsan ako lang ang mahilig sa manok panabong.Siguro,IMPLUWENSYA lang.

    Ako lang siguro ang naimpluwensyahan at nagkahiig.Kasi kung namamana ang pagiging sabungero,lahat siguro kami sabungero na.hehe

  16. #16
    Member ajerome43's Avatar
    Join Date
    Aug 2010
    Posts
    466
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Napapag aralan...wala ni isang sabungero sa aming pamilya pero bakit ako nahilig sa manok...nung una kwentuhan lang ng mga kasama sa trabaho minsan naisama ako at tyempo nanalo (beginners luck) hanggang sa madalas na ako sa sabungan kahit mag isa ako at lagi namang nananalo sa trabisya hanggang sa nag umpisang mag alaga at bumili narin ng mga materiales at heto na puro manok na ang nasa isip...pero sa totoo lang kasama na ang sugal sa pagkahilig ko sa manok...

  17. #17

    Quote Originally Posted by roy reyes View Post
    kung hindi sugal ang hanap mo sa pagsasabong ay hahangaan kita,dahil yan din ang prinsipyo ko sa larong sabong ang makilalang mananabong hindi manunugal,gud luck sa mga first love mo..

    Pero madalas nating makita ata mapanood sir kadalasan ang mga kilalang mananabong ay sila yong malakas pumusta minsan umaabot pa sa milyon ang pusta...kung sabagay siguro pag mapera ka laro nalang ang milyones.

  18. #18
    Senior Member gintong itlog's Avatar
    Join Date
    May 2011
    Posts
    1,605
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Quote Originally Posted by ajerome43 View Post
    Napapag aralan...wala ni isang sabungero sa aming pamilya pero bakit ako nahilig sa manok...nung una kwentuhan lang ng mga kasama sa trabaho minsan naisama ako at tyempo nanalo (beginners luck) hanggang sa madalas na ako sa sabungan kahit mag isa ako at lagi namang nananalo sa trabisya hanggang sa nag umpisang mag alaga at bumili narin ng mga materiales at heto na puro manok na ang nasa isip...pero sa totoo lang kasama na ang sugal sa pagkahilig ko sa manok...
    Napag-aaralan din lang kasi sa yung tiyuhin kong grabeng pagkasabongero hanggang ngayon eh walang nagmana kahit isa na sabongero sa kanya. Nasa sa tao yan kasi wala namang genes na transferable ang pagsasabong kasi hindi naman directang ikaw ang lumalaban. maniniwala pa ako sa mga atleta na namamana ang galing nila transfer ang genes sa anak.

  19. #19
    Senior Member
    Join Date
    Dec 2009
    Posts
    1,600
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Quote Originally Posted by gintong itlog View Post
    Napag-aaralan din lang kasi sa yung tiyuhin kong grabeng pagkasabongero hanggang ngayon eh walang nagmana kahit isa na sabongero sa kanya. Nasa sa tao yan kasi wala namang genes na transferable ang pagsasabong kasi hindi naman directang ikaw ang lumalaban. maniniwala pa ako sa mga atleta na namamana ang galing nila transfer ang genes sa anak.
    di pa tapos ang kabanata ng tiyuhin mo kung wala sa anak baka nasa apo.

    at kahit doon sa mga anak hangga't buhay pa ang mga iyan di ka makaseseguro na walang magkakahilig sa sabong sa mga iyan.

    wala sa edad at estado sa buhay ang pagiging sabungero.

  20. #20
    Senior Member michael angelo's Avatar
    Join Date
    Feb 2008
    Location
    land of promise
    Posts
    815
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    para sa akin namamana ang pagkahilig sa pag.aalaga ng manok ewan ko lang sa pagsusugal kung namamana ba ito hehehe

  21. #21
    Member Guinver_117's Avatar
    Join Date
    Jan 2011
    Location
    FIRE STATION
    Posts
    138
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Naimpluwensyahan.......

    Masasabi ko na marami rin ang naging sabungero dahil sa impluwensya ng mga nakapaligid sa kanila... Dyan din po ako nag-umpisa, lumaki ako sa lugar na di uso ang sabong, nung akoy nagtapos ng college ang unang boss ko ay may farm doon na nag-umpisa ang first love ko sa manok...

    Na meet ko ang isa ko pang kababa sa isang sabungan naman, akoy nagtaka rin kung bakit sabungero na rin sya.... ang sagot sabungero ang naging byenan nya.. he he

    Ang partner ko naman sa manukan ay wala ring sabungero sa pamilya nya, maski daw kamag-anak.. paano napasok sa sabong? Dahil doctor sya ng isang sikat na sabungero..

  22. #22
    Member ajerome43's Avatar
    Join Date
    Aug 2010
    Posts
    466
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Quote Originally Posted by gintong itlog View Post
    Napag-aaralan din lang kasi sa yung tiyuhin kong grabeng pagkasabongero hanggang ngayon eh walang nagmana kahit isa na sabongero sa kanya. Nasa sa tao yan kasi wala namang genes na transferable ang pagsasabong kasi hindi naman directang ikaw ang lumalaban. maniniwala pa ako sa mga atleta na namamana ang galing nila transfer ang genes sa anak.

    Tama ka jay Boss GI....

  23. #23
    Member
    Join Date
    Aug 2010
    Posts
    39

    boss G.I., baka ikaw ang nagmana sa tiyuhin mo na sabungero...

  24. #24
    Senior Member OREVON's Avatar
    Join Date
    Jul 2007
    Location
    FB:Greyhound GF
    Posts
    3,473
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Maraming salamat sa inyong mga inputs mga kasabong. Medyo matagal na rin itong inumpisahan kong thread May pa buti na lang at merong nagtaas.

    Tuloy tuloy lang ang ating passion mga kasabong.........

  25. #25
    Senior Member gintong itlog's Avatar
    Join Date
    May 2011
    Posts
    1,605
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Quote Originally Posted by OREVON View Post
    Maraming salamat sa inyong mga inputs mga kasabong. Medyo matagal na rin itong inumpisahan kong thread May pa buti na lang at merong nagtaas.

    Tuloy tuloy lang ang ating passion mga kasabong.........
    Mabuti pa itong thread mo eh matagal na at nabuhay pa! Yung isa kong thread eh kabubukas ko lang killed kagad! Madami pa naman sana akong inputs about hypnotism! Okay lang ayaw nila ng Xmen sa sabong eh!

  26. #26
    Member Melekh's Avatar
    Join Date
    Jun 2011
    Posts
    400
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Quote Originally Posted by gintong itlog View Post
    Mabuti pa itong thread mo eh matagal na at nabuhay pa! Yung isa kong thread eh kabubukas ko lang killed kagad! Madami pa naman sana akong inputs about hypnotism! Okay lang ayaw nila ng Xmen sa sabong eh!
    sorry! na carried away lang dina ma uulit.....to late na nung na realized ko

  27. #27
    Senior Member gintong itlog's Avatar
    Join Date
    May 2011
    Posts
    1,605
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Quote Originally Posted by Melekh View Post
    sorry! na carried away lang dina ma uulit.....to late na nung na realized ko
    No problem boss meleck.... marami pa namang threads na pwedeng makipagkulitan eh! Duon ko na lang siguro tatalakayin ang hypnotism sa anting anting!

  28. #28
    Senior Member lexlavin32's Avatar
    Join Date
    May 2007
    Location
    SPINBOLDAK
    Posts
    1,409
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Quote Originally Posted by gintong itlog View Post
    No problem boss meleck.... marami pa namang threads na pwedeng makipagkulitan eh! Duon ko na lang siguro tatalakayin ang hypnotism sa anting anting!
    Boss GI, ano po yang anting anting na nasa avatar mo... mukhang maganda yan ah... pa share na man...

  29. #29
    Senior Member gintong itlog's Avatar
    Join Date
    May 2011
    Posts
    1,605
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Quote Originally Posted by lexlavin32 View Post
    Boss GI, ano po yang anting anting na nasa avatar mo... mukhang maganda yan ah... pa share na man...
    Yan ang batong chalcopyrite. Marami nyan sa Pilipinas kaya lang binawal na ang mining duon kaya pag may hawak kang batong ganyan ay baka hulihin ka ng pulis!

  30. #30
    Junior Member
    Join Date
    Jun 2012
    Location
    DAVAO
    Posts
    21
    Post Thanks / Like

    Re: Pagmamahal sa sabong - namamana o napag aaralan?

    Quote Originally Posted by gintong itlog View Post
    Yan ang batong chalcopyrite. Marami nyan sa Pilipinas kaya lang binawal na ang mining duon kaya pag may hawak kang batong ganyan ay baka hulihin ka ng pulis!
    Sir GI yan ba ang bato na dapat mag orasyon ka ng bisaya version na UNOD BUKUG<BUKUG UNOD? or ang bato yan ni darna?

Similar Threads

  1. SAAN NAMAMANA ?
    By jlbs72 in forum Usapang Manok
    Replies: 20
    Last Post: December 6th, 2013, 11:18 PM
  2. Saan namamana ang height sa Broodcock o sa BroodHen?
    By turagsoy in forum Usapang Manok
    Replies: 4
    Last Post: June 1st, 2012, 01:41 PM
  3. Tikwas Na Pakpak - Namamana Ba?
    By GIO POGI in forum Usapang Manok
    Replies: 11
    Last Post: June 19th, 2010, 09:14 PM
  4. baluktot na daliri namamana ba?
    By donnieray in forum Usapang Manok
    Replies: 2
    Last Post: March 24th, 2005, 03:54 PM
  5. dapat ba o hindi dapat (napag uusapan lang po)
    By Boy London in forum Usapang Manok
    Replies: 32
    Last Post: September 15th, 2004, 02:37 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •