Page 1 of 122 1234561151101 ... LastLast
Results 1 to 30 of 3634

Thread: Binabae

  1. #1
    nokman junior
    Guest

    baklang manok

    tanong ko lang po sa inyo, pano kung gagamiting broodcock ang isang henny cock?,maganda po ba itong gamitin na broodcock?....lalaki po ba ang percentage na magkaka-anak ito ng mga hennies din?

  2. #2
    tsampoy
    Guest
    pre,kung gagamit ka ng broodcock na henny piliin mo yung hubog tandang ang katawan,yung mahaba.piliin mo rin yung may mahabang buntot.ito yung matitibay na mga henny.

  3. #3
    paulajay
    Guest

    Cool

    pre,
    1/2 percent kc is coming from the cock side so pwede sya magkaroon depende sa genes na ibibigay nya....

    tingin ko lang ha...\

    paulajay


    :hombre:

  4. #4
    nokman junior
    Guest
    ang henny po ba ay matuturing na reject na manok?

  5. #5
    ryan72_2000
    Guest
    dagdag sa sinabi ni tsampoy, karaniwan sa henny ay maigsi ang leeg, yung mahaba ang leeg ang piliin mo.

    katulad din ng pang-karaniwang manok, may reject din sa mga henny. marami ding gumagamit ng henny bilang panlaban sa big time derbies.

  6. #6
    CyberFriends Draven51501's Avatar
    Join Date
    Aug 2001
    Posts
    1,173
    Post Thanks / Like

    Wink

    search using the words henny, hennies, binabae.

  7. #7
    nokman junior
    Guest
    salamat sa inyo...

  8. #8
    emoy
    Guest
    narining ka na ang gma henny ni ric bohn ng california ay magaling. si vic yu dati nagparating ng mga henny na ito at nilaban sa araneta. may panalo, may talo din pero walang tumakbo. matibay daw dahil kargado ng blueface daw. ang payo ko, ito ang hanapin mo dahil matibay ito. si emette san juan na madalas din lumaban sa araneta, suki ni ric bohn. i suggest contakin mo siya para sa henny na ito. very game.

  9. #9
    Dax_1975
    Guest
    Nokman...Pre..mukhang alam ko na kung saan ka banda sa pahse 3..dahil bka ayan yong binabae na ibenita ng kakilala ko...Alam ko kc dalawa or apat na binabae ang napunta dyan sa lugar nyo...masasabi ko lang game ang mga lagi nyan..dahil nakita ko na ang mga laban nyan at the age of 7mons...malalakas mamalo..ma shuffle at mabibilis.
    Tanong mo lang kung ayan yong nabiling palahi ni Mang Badong
    malapit kila Boy Peralta.
    Info sa lahi yan....

    Broodcock - Henny Nabili nya sa isang Farm ng Intsik 2x winner

    Broodhen - Brazilian Asil (Black Color at ang palong kla mo sungay)

    Kung ayan yon nakuha mo..mananalo ang lahi nyan..kya hanap klang ng tested rin na inahen.


    Sna nakatulong ako kahit konti...


    Thanks...Dax_1975

  10. #10
    medysalvador
    Guest

    Binabae

    Ano ba ang kaibahan ng bibabae sa totoong lalakeng manok? Kung magkapareho ang blood line nila, alin ang mas nakakalamang sa oras ng laban nito?:rbounce:

  11. #11
    balonbato
    Guest
    medysalvador,

    Ang binabae ay kulay at itsurang babaeng manok. karamihan sa mga binabae ay laging lamang sa laban dahil ang mga nakakalaban nila ay nag aalangan na pumalo. karamihan din sa mga binabae ay nakakauna sa laban.....

  12. #12
    hatch767
    Guest
    kakmeyt,

    Ang hennie ay Tandang na mukhang inahin, marami ang natatalo sa hennie dahil karamihan sa panabong ay napagkakamalang babae e2...meron gumigiri muna, meron gustong umibabaw sa kanya at aasawahin, meron ayaw paluin ng pamatay etc...kaya naman marami ang bumoto na tanggalin sa derby ang mga hennie.

    Kapag hennie sa hennie na parehong bloodline ang maglalaban ay higit na mananalo ang nasa tamang conditioning.

    Ang hennie ay merong bilis, taas ng lipad at multi shuffle strokes, tapang, mahilig sa off beat, kaya naman minsan sa ka o off beat ay siya ang nadidisgrasya.

    Ang hennie ay kapag tinamaan ay natutulog o tumitigil sa laro at kung malalim ang sugat ay mabilis mamatay.

  13. #13
    dbautista
    Guest
    Tama! Meron akong hennie at ang ama nito ay hennie din na 4x winner. Magaling sa ilalim, at kahit sa ibabaw, problema lang pag naunahan sila e hindi gano tumatagal sa laban kumpara sa lalaking manok.

  14. #14
    Senior Member
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    1,139
    Post Thanks / Like

    hennie

    kaibigan ,
    hennie ang sabong terminology sa binabaeng manok. last year apat ang nilaban kong binabae at 3 ang nanalo. naobserbahan ko na yong mga nanalo ay mabilis pumatay at yong natalo ay medyo nagkatagalan pa kaya lang medyo nagtutulogtulugan at parang mahina sa sugat para ngang nagpappataypatayan.
    kailangan sigurong pagulangin mula mga 2 taon pataas bago ilaban ang mga binabae para lalong buo ang loob.

  15. #15
    Senior Member
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    1,139
    Post Thanks / Like

    bonanza blacks

    got the same idea with cockmate redwings

  16. #16
    Member
    Join Date
    Aug 2003
    Posts
    195
    Post Thanks / Like

    Hennie (binabaeng Manok) Pino-produce Ba Ito?

    MGA COCKMATES,

    ANG BINABAENG MANOK BA AY PINO-PRODUCE O' KUSANG MAY LUMALABAS SA PALAHI, ANO ANG EXPERIENCE MO COCKMATES, (PLEASE SHARE YOUR EXPERIENCE) THANK YOU.

    :smoke: :rbounce:

  17. #17
    hatch767
    Guest
    kakmeyt,

    may sariling strain ang mga hennie...please check strains of japanese bantams and asils.

  18. #18
    leila
    Guest

    just here to help I think

    sna mk2long :lol:
    Attached Files Attached Files

  19. #19
    reng_celestra
    Guest

    binabae

    igan

    tama may strain tlaga na bnabae,pero puede mo gawin to,humanap ka lang ng inaakala mo na bnabae na cock o mski na stag na maasahan lahi,tapos imate mo sya sa pullet na di pa nangi2tlog,lagi mo sya virgin imate 90% mayron ka na


    regards ...reng

  20. #20
    ryan72_2000
    Guest

    binabaeng manok

    may binabae ako noon, 2x winner. nang pinapalahian ko ay apat ang naging anak na lalaki, dalawa dito ay binabae.

    ang sabi ng iba ang deep in-breeding ay maaari "daw" mag-labas ng binabae. ang binabae ay abnormality "daw" at produkto ng deep in-breeding.

  21. #21
    GAMEFOWL
    Guest
    Minsan talaga kahit hindi mo sinasadya ay may lumalabas na mga hennie resemblance sa mga breeding na ginawa. Just like sa BPZ Gamefarm, minsan ay may lumabas na magandang Hennie out of the experimental crosses that we did. It turned out pa na sobrang galing lumaro ng lumabas kaya ngayon ay pinag iisipan na itong ipropagate.

    This is the photo. Watch out for it!
    Attached Images Attached Images

  22. #22
    Member renzmac's Avatar
    Join Date
    Jun 2004
    Posts
    109
    Post Thanks / Like
    good day,

    Mr gamefowl gusto ko lang po na i-confirm na posible ba talaga na maglabas ng hennie ang mga manok ni BPZ, nagkataon kasi na mayroon kaming pares ng grey from BPZ, na naglabas ng 6 na hennie and it turn out na magagaling nga sila and infact lahat silang magkakapatid ay nanalo na at yung iba ay nagbilang din ng panalo, kasi kahit na nanalo yung mga naging anak ay nagkaroon kami ng doubt dun sa pares ng grey na baka hindi tutuong galing kay BPZ dahil nga ngayon ko lang nabalitaan na naglalabas talaga ng hennie ang mga manok ni BPZ, well at least ay nawala na ang duda ko dun sa mga manok, at ngayon ay sisiguraduhin ko na maalagaan ng mabuti yung pares.

  23. #23
    GAMEFOWL
    Guest
    Hi renzmac,

    Well as I've said, minsan ay may lumalabas talaga kahit hindi sinasadya. This is very rare pero pwedeng mangyari. Maaaring throwback ito from all of the crossing of the bloodlines pero maganda namang lumabas kasi magagaling lumaro.

    Good luck to your fowls and may you keep your winning ways!

  24. #24
    blackhatch
    Guest
    kakmeyt,

    Sa dinami dami ng crosses na ginawa....nasa inahin pa rin ang pagtitimpla ng dugo.

  25. #25
    Senior Member
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    1,139
    Post Thanks / Like
    may inahin akong kapag iminate ko sa isang off color na brood cock ay nagkakaroon ng anak na binabae

  26. #26
    CyberFriends gamecock96's Avatar
    Join Date
    Mar 2000
    Posts
    6,015
    Post Thanks / Like

    nabasa ko dati

    Na ang pagkakaroon ng hen feathers ng mga tandang ay isang Genetic Defect. Ika nga eh abnormality. Pero ang abnormality na ito ay limited sa feathering lang ang pagkaka Physical.

    Ngayon, since gentic defect sya ay nasa genes so naipapasa ito. Pag nag inbred ka sa side ng binabaeng lahi, natural eh palaki ng palaki ang posibilidad na may lalabas na binabae.

    Ngayon, hindi lahat ng anak ng binabae ay lalabas na binabae rin. Mayroon ding mga normal feathering. Meron din namang habang stag eh normal ang feathering pero pag naglugon eh nagigi silang hen feathered.

    Ako meron akong mga binabae, ganoon ang nangyayari sa kanila. Hindi lahat ng anak eh lumalabas na binabae, pero palaging may lumalabas na binabae sa offsprings. Kahit lalaki ang aking bine breed, may lumalabas pa rin na binabae.


    Al

  27. #27
    Member sambulat's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    150
    Post Thanks / Like

    GAMEFOWL

    luv ko yang mga off-colored gamefowls at yang lumabas na hennie mo talagang unique ang kulay nya at ang ganda.....

  28. #28
    Member MALDEN KGGMGF's Avatar
    Join Date
    Jun 2003
    Location
    East Coast USA & The Philippine Islands
    Posts
    175
    Post Thanks / Like

    BPZ

    Mr. Gamefowl,
    Kayo po ba ang designated breeder ng BPZ ? Sana ay swertehin ang BPZ hennies at maparami ang mga ito.
    Do you have spare hennies that you can part (thru sale) with?

  29. #29
    GAMEFOWL
    Guest
    sambulat,

    Thanks for your nice words...pareho tayong admirer ng mga Hennies. Ill post some more later on....

    MALDEN KGGMGF,

    Salamat sa wish mo...I'll just PM you na lang regarding the Hennie of BPZ. Nakakahiya na po kasing mag post dito.

    Good Luck to all!

  30. #30
    ricardo olaya
    Guest

    lamang sa panalo.

    kasi lagi nakakauna ng palo sa kalaban. pre may kontak no kb ni lance dela torre? do u sell cocks? txt me pls! 09166672308

Similar Threads

  1. re: Kalaban mo binabae sa WSC
    By Whitehair25 in forum Usapang Manok
    Replies: 4
    Last Post: May 6th, 2013, 09:53 AM
  2. binabae cross sa bulik.
    By hotlegs in forum Usapang Manok
    Replies: 12
    Last Post: March 19th, 2012, 12:31 AM
  3. Binabae
    By atlas in forum Chicken Talk
    Replies: 16
    Last Post: March 22nd, 2006, 07:16 AM
  4. hen na galit sa hennies (binabae)?!
    By g-ayo in forum Usapang Manok
    Replies: 6
    Last Post: August 2nd, 2005, 09:51 AM
  5. blue legs...binabae
    By dynamike2774 in forum Usapang Manok
    Replies: 2
    Last Post: April 20th, 2005, 08:09 AM

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •