Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 30 of 37

Thread: Ang Manok Kong Bulik

  
  1. #1
    Senior Member tonio's Avatar
    Join Date
    Nov 2001
    Posts
    2,044
    Post Thanks / Like

    Ang Manok Kong Bulik

    Ang Manok Kong Bulik
    Jose Corazon de Jesus

    Linggo ng umaga. Ang nayo'y tahimik,
    ang maraming dampa'y naro't nakapinid
    liban na sa ibong maagang umawit
    ay wala ka man lang marinig sa bukid...
    Di-kaginsaginsa'y aking naulinig
    ang pagtitilaok ng manok kong bulik,
    ako'y napabangon at aking naisip:
    Pintakasi ngayon! May sabong sa Pasig!
    Gadali pa halos ang taas ng Araw
    sa likod ng gintong bundok ng Silangan
    ay kinuha ko na sa kanyang kulungan
    ang manok kong bulik na sadyang panlaban...
    Kay-kisig na bulik! At aking hinusay
    bawa't balahibong nasira ang hanay,
    ang palong ay aking hinimas ng laway,
    binughan ng aso nang upang tumapang!

    Muling nagtilaok nang napakahaba
    at saka gumiri nang lalong magara,
    kumkukutok-kutok pa't kumahig sa lupa,
    napalatak ako nang hindi kawasa...
    Ang aking puhunang sampung piso yata'y
    nabilang ko tuloy sa malaking tuwa!
    "Sampung pisong husto" ang aking nawika!
    "kapagka nanalo'y doble na mamaya!"

    Nang aalis ako't handa nang talaga,
    siyang pagkagising ng aking asawa;
    sinabi sa aking iwanan ko siya
    ng maipamaryang dalawang piseta,
    ang sagot ko nama'y mangutang ka muna't
    sa pagbabalik ko ay babayaran ta...
    Nguni, di pumayag, ako'y lumayas na't
    baka ang baom ko ay makulangan pa!

    Sumakay sa tram'ya na patungong Pasig,
    na taglay ang tuwang walang kahulilip!
    Hinhimas-himas ang manok kong bulik
    at inaantig ko ang lakas ng bagwis!
    Nang ako'y dumating sa Pasig kong nais
    di naman nalaon ay aking sinapit
    ang lumang sabungan; tao'y nagsisikip!

    Nakiupo ako't nakikiumpuk-umpok
    sa hany ng mga taong tanga'y manok,
    ang aking katabi'y agad kong hinimok
    na kami'y nagkahig upang magkasubok;
    nagkayari kaming sa labang susunod,
    mga manok nami'y siyang magsasalpok,
    kaya ako noon sa tuwa ng loob
    ang panalo'y tila salat ko na halos!

    Nang kami'y naron na sa sadyang bitawan,
    ang sigawa'y halos hindi magkamayaw!
    Ang dala kong kuwalta, todo sa pustaha't
    pati kusing yata'y ipinag-ubusan...
    "Sa pula! Sa pula!" ang doo'y hiyawan;
    "Sa bulik! Sa bulik!" ang dito'y tawagin,
    may logro ang diyes sa aking kalaban
    at may doblado pa akong napakinggan.

    Ang tari ay aming hinubdan ng katad
    at ang talim nito'y kumisap na kagyat;
    iniaro ko na ang manok kong hawak
    saka ibinaba nang lubhang banayad...
    nagpandali na po sa gitna ng galak
    ang bulik at pulang kapwa malakas,
    nang magkasalpok na sa dakong itaas
    ang pula'y natari't bituka'y lumabas!

    "Panalo na ako!" ang aking nasambit,
    ang kagalakan ko'y walang kahulilip
    nguni't sa hindi ko malaman kung bakit
    ay biglang tumakbo ang manok kong bulik
    at hagad bg pula'y sa sulok sumiksik
    na nangungupeteng sa karuwaga'y labis...
    Kaya, sa nangyari ako ay nanlamig
    at pinagpusan pa ng gamunggong pawis...

    Nang aking kunin na ang manok kong duwag,
    ngalingali ko nang sa lupa'y ihampas,
    biro baga itong wala namang sugat
    ay siyang tumakbo nang wala sa oras!
    Ang sambalilo ko'y nalabnot ko't sukat
    at ako'y nanggigil sa sariling palad,
    hiyawan ng tao'y hindi magkamulat
    at parang tiyupe ang manok kong hawak!

    At ako'y umuwing malatang-malata,
    malamig ang tulo ng pawis sa mukha,
    nang aking sapitin ang sira kong dampa
    sa aming palayok tutong man ay wala...
    Mainit ang ulo't walang patumangga
    sa aking asawa'y nasabi kong bigla;
    "O! anak ang tupa! ako ay sinama,
    dahil sa kanina'y namuwisit kang lubha!"

    Sa nangyayaring ito'y isang bagay lamang
    ang sa pagkatalo'y aking natutuhan,
    bawa't pagkabigo ay aral sa buhay
    at tinandaan kong sabong ay ilagan,
    iyang mga taong lagi sa sabungan
    todo kung pumusta't todo kung humapay,
    alin sa dalawa ang kahihinatnan:
    Mamatay sa gutom o kaya'y magnakaw!

  2. #2
    Member thorr's Avatar
    Join Date
    Jul 2003
    Location
    lipa city, batangas
    Posts
    208
    Post Thanks / Like

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    sir, TAGALOG na bulik ang binabanggit sa tula...iba na ngaun ang bulik sa pilipinas....madalang na ang tumatakbo kc mga imported na ito

  3. #3
    Senior Member beakheel's Avatar
    Join Date
    May 2005
    Location
    guam,cavite
    Posts
    2,757
    Post Thanks / Like

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    noon at ngayon...iisa pa rin ang kalakaran sa pagsasabong.... wag nating ipupusta ang lahat ng pera dahil lamang sa pag aakalang walang katalo talo ang manok na hawak...kapwa may tari din ang kalaban.

  4. #4
    Senior Member romy 3388's Avatar
    Join Date
    Mar 2007
    Location
    CAN /MINDORO /NEGROS OCC. Talisay City -WWW.romy3388multiply.com/
    Posts
    831
    Post Thanks / Like

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    Quote Originally Posted by tonio
    Ang Manok Kong Bulik
    Jose Corazon de Jesus

    Linggo ng umaga. Ang nayo'y tahimik,
    ang maraming dampa'y naro't nakapinid
    liban na sa ibong maagang umawit
    ay wala ka man lang marinig sa bukid...
    Di-kaginsaginsa'y aking naulinig
    ang pagtitilaok ng manok kong bulik,
    ako'y napabangon at aking naisip:
    Pintakasi ngayon! May sabong sa Pasig!
    Gadali pa halos ang taas ng Araw
    sa likod ng gintong bundok ng Silangan
    ay kinuha ko na sa kanyang kulungan
    ang manok kong bulik na sadyang panlaban...
    Kay-kisig na bulik! At aking hinusay
    bawa't balahibong nasira ang hanay,
    ang palong ay aking hinimas ng laway,
    binughan ng aso nang upang tumapang!

    Muling nagtilaok nang napakahaba
    at saka gumiri nang lalong magara,
    kumkukutok-kutok pa't kumahig sa lupa,
    napalatak ako nang hindi kawasa...
    Ang aking puhunang sampung piso yata'y
    nabilang ko tuloy sa malaking tuwa!
    "Sampung pisong husto" ang aking nawika!
    "kapagka nanalo'y doble na mamaya!"

    Nang aalis ako't handa nang talaga,
    siyang pagkagising ng aking asawa;
    sinabi sa aking iwanan ko siya
    ng maipamaryang dalawang piseta,
    ang sagot ko nama'y mangutang ka muna't
    sa pagbabalik ko ay babayaran ta...
    Nguni, di pumayag, ako'y lumayas na't
    baka ang baom ko ay makulangan pa!

    Sumakay sa tram'ya na patungong Pasig,
    na taglay ang tuwang walang kahulilip!
    Hinhimas-himas ang manok kong bulik
    at inaantig ko ang lakas ng bagwis!
    Nang ako'y dumating sa Pasig kong nais
    di naman nalaon ay aking sinapit
    ang lumang sabungan; tao'y nagsisikip!

    Nakiupo ako't nakikiumpuk-umpok
    sa hany ng mga taong tanga'y manok,
    ang aking katabi'y agad kong hinimok
    na kami'y nagkahig upang magkasubok;
    nagkayari kaming sa labang susunod,
    mga manok nami'y siyang magsasalpok,
    kaya ako noon sa tuwa ng loob
    ang panalo'y tila salat ko na halos!

    Nang kami'y naron na sa sadyang bitawan,
    ang sigawa'y halos hindi magkamayaw!
    Ang dala kong kuwalta, todo sa pustaha't
    pati kusing yata'y ipinag-ubusan...
    "Sa pula! Sa pula!" ang doo'y hiyawan;
    "Sa bulik! Sa bulik!" ang dito'y tawagin,
    may logro ang diyes sa aking kalaban
    at may doblado pa akong napakinggan.

    Ang tari ay aming hinubdan ng katad
    at ang talim nito'y kumisap na kagyat;
    iniaro ko na ang manok kong hawak
    saka ibinaba nang lubhang banayad...
    nagpandali na po sa gitna ng galak
    ang bulik at pulang kapwa malakas,
    nang magkasalpok na sa dakong itaas
    ang pula'y natari't bituka'y lumabas!

    "Panalo na ako!" ang aking nasambit,
    ang kagalakan ko'y walang kahulilip
    nguni't sa hindi ko malaman kung bakit
    ay biglang tumakbo ang manok kong bulik
    at hagad bg pula'y sa sulok sumiksik
    na nangungupeteng sa karuwaga'y labis...
    Kaya, sa nangyari ako ay nanlamig
    at pinagpusan pa ng gamunggong pawis...

    Nang aking kunin na ang manok kong duwag,
    ngalingali ko nang sa lupa'y ihampas,
    biro baga itong wala namang sugat
    ay siyang tumakbo nang wala sa oras!
    Ang sambalilo ko'y nalabnot ko't sukat
    at ako'y nanggigil sa sariling palad,
    hiyawan ng tao'y hindi magkamulat
    at parang tiyupe ang manok kong hawak!

    At ako'y umuwing malatang-malata,
    malamig ang tulo ng pawis sa mukha,
    nang aking sapitin ang sira kong dampa
    sa aming palayok tutong man ay wala...
    Mainit ang ulo't walang patumangga
    sa aking asawa'y nasabi kong bigla;
    "O! anak ang tupa! ako ay sinama,
    dahil sa kanina'y namuwisit kang lubha!"

    Sa nangyayaring ito'y isang bagay lamang
    ang sa pagkatalo'y aking natutuhan,
    bawa't pagkabigo ay aral sa buhay
    at tinandaan kong sabong ay ilagan,
    iyang mga taong lagi sa sabungan
    todo kung pumusta't todo kung humapay,
    alin sa dalawa ang kahihinatnan:
    Mamatay sa gutom o kaya'y magnakaw!
    MANG TONIO, NAKO GRABI NAMAN IYAN NA PAWISAN TULOY AKO.

  5. #5
    Senior Member romy 3388's Avatar
    Join Date
    Mar 2007
    Location
    CAN /MINDORO /NEGROS OCC. Talisay City -WWW.romy3388multiply.com/
    Posts
    831
    Post Thanks / Like

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    Quote Originally Posted by romy 3388
    MANG TONIO, NAKO GRABI NAMAN IYAN NA PAWISAN TULOY AKO.


    MANG TONIO, SA NGA-YON IBA ANG BULIK ITO NA BULIK DOM AY NA BASA KO, GALING
    ORIGINAL SA ENGLAND LONG TIME AGO MANY MOON.

  6. #6
    E.J
    Guest

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    i think tonio was just sharing to us the poem "Ang Manok Kong Bulik".

    and with no disrespect to the bulik color and breed.

  7. #7
    Senior Member scottie's Avatar
    Join Date
    Jun 2006
    Posts
    517
    Post Thanks / Like

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    yes sir but i think un bulik n un e panahon p ng tatay k.pero mga sir ung bulik ng tatay k 12xwinner sya at d ngsusugat...but i think iba n ang bulik ngaun.ito po nsa avatar k 3xwinner bulik ang kulay pro me nkatagong tugo ng ibang linyada...

  8. #8
    Senior Member
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    Ciudad De Caceres
    Posts
    2,510
    Post Thanks / Like

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    kayo naman, nakakaaliw ngang basahin ang tula, dapat matuwa tayong mga bulik lover kasi ibig sabihin kahit noon pa kilala na ang bulik nag off lang yun dahil binogahan ng usok ng sigarilyo..he he he

    thanks for sharing that Tonio..

  9. #9
    Hammerhead
    Guest

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    Quote Originally Posted by romy 3388
    MANG TONIO, SA NGA-YON IBA ANG BULIK ITO NA BULIK DOM AY NA BASA KO, GALING
    ORIGINAL SA ENGLAND LONG TIME AGO MANY MOON.

    SINO BA MAS MATANDA SA INYO NI TONIO BAKA HO MAS MATANDA PA KAYO SA TATAY NYANG C MANG MIKE

  10. #10
    Senior Member tonio's Avatar
    Join Date
    Nov 2001
    Posts
    2,044
    Post Thanks / Like

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    I think my post has been misunderstood, I was just sharing a beautiful poem about our sport. It was written in 1911.

    I for one am a fan of off-colored roosters and breed buliks or doms as well

    hope this clears things up

  11. #11
    Hammerhead
    Guest

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    Post Should Be Appreciated As A Poem.

  12. #12
    Member yan2yen2's Avatar
    Join Date
    Oct 2006
    Posts
    157
    Post Thanks / Like

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    Quote Originally Posted by tonio
    Ang Manok Kong Bulik
    Jose Corazon de Jesus

    Linggo ng umaga. Ang nayo'y tahimik,
    ang maraming dampa'y naro't nakapinid
    liban na sa ibong maagang umawit
    ay wala ka man lang marinig sa bukid...
    Di-kaginsaginsa'y aking naulinig
    ang pagtitilaok ng manok kong bulik,
    ako'y napabangon at aking naisip:
    Pintakasi ngayon! May sabong sa Pasig!
    Gadali pa halos ang taas ng Araw
    sa likod ng gintong bundok ng Silangan
    ay kinuha ko na sa kanyang kulungan
    ang manok kong bulik na sadyang panlaban...
    Kay-kisig na bulik! At aking hinusay
    bawa't balahibong nasira ang hanay,
    ang palong ay aking hinimas ng laway,
    binughan ng aso nang upang tumapang!

    Muling nagtilaok nang napakahaba
    at saka gumiri nang lalong magara,
    kumkukutok-kutok pa't kumahig sa lupa,
    napalatak ako nang hindi kawasa...
    Ang aking puhunang sampung piso yata'y
    nabilang ko tuloy sa malaking tuwa!
    "Sampung pisong husto" ang aking nawika!
    "kapagka nanalo'y doble na mamaya!"

    Nang aalis ako't handa nang talaga,
    siyang pagkagising ng aking asawa;
    sinabi sa aking iwanan ko siya
    ng maipamaryang dalawang piseta,
    ang sagot ko nama'y mangutang ka muna't
    sa pagbabalik ko ay babayaran ta...
    Nguni, di pumayag, ako'y lumayas na't
    baka ang baom ko ay makulangan pa!

    Sumakay sa tram'ya na patungong Pasig,
    na taglay ang tuwang walang kahulilip!
    Hinhimas-himas ang manok kong bulik
    at inaantig ko ang lakas ng bagwis!
    Nang ako'y dumating sa Pasig kong nais
    di naman nalaon ay aking sinapit
    ang lumang sabungan; tao'y nagsisikip!

    Nakiupo ako't nakikiumpuk-umpok
    sa hany ng mga taong tanga'y manok,
    ang aking katabi'y agad kong hinimok
    na kami'y nagkahig upang magkasubok;
    nagkayari kaming sa labang susunod,
    mga manok nami'y siyang magsasalpok,
    kaya ako noon sa tuwa ng loob
    ang panalo'y tila salat ko na halos!

    Nang kami'y naron na sa sadyang bitawan,
    ang sigawa'y halos hindi magkamayaw!
    Ang dala kong kuwalta, todo sa pustaha't
    pati kusing yata'y ipinag-ubusan...
    "Sa pula! Sa pula!" ang doo'y hiyawan;
    "Sa bulik! Sa bulik!" ang dito'y tawagin,
    may logro ang diyes sa aking kalaban
    at may doblado pa akong napakinggan.

    Ang tari ay aming hinubdan ng katad
    at ang talim nito'y kumisap na kagyat;
    iniaro ko na ang manok kong hawak
    saka ibinaba nang lubhang banayad...
    nagpandali na po sa gitna ng galak
    ang bulik at pulang kapwa malakas,
    nang magkasalpok na sa dakong itaas
    ang pula'y natari't bituka'y lumabas!

    "Panalo na ako!" ang aking nasambit,
    ang kagalakan ko'y walang kahulilip
    nguni't sa hindi ko malaman kung bakit
    ay biglang tumakbo ang manok kong bulik
    at hagad bg pula'y sa sulok sumiksik
    na nangungupeteng sa karuwaga'y labis...
    Kaya, sa nangyari ako ay nanlamig
    at pinagpusan pa ng gamunggong pawis...

    Nang aking kunin na ang manok kong duwag,
    ngalingali ko nang sa lupa'y ihampas,
    biro baga itong wala namang sugat
    ay siyang tumakbo nang wala sa oras!
    Ang sambalilo ko'y nalabnot ko't sukat
    at ako'y nanggigil sa sariling palad,
    hiyawan ng tao'y hindi magkamulat
    at parang tiyupe ang manok kong hawak!

    At ako'y umuwing malatang-malata,
    malamig ang tulo ng pawis sa mukha,
    nang aking sapitin ang sira kong dampa
    sa aming palayok tutong man ay wala...
    Mainit ang ulo't walang patumangga
    sa aking asawa'y nasabi kong bigla;
    "O! anak ang tupa! ako ay sinama,
    dahil sa kanina'y namuwisit kang lubha!"

    Sa nangyayaring ito'y isang bagay lamang
    ang sa pagkatalo'y aking natutuhan,
    bawa't pagkabigo ay aral sa buhay
    at tinandaan kong sabong ay ilagan,
    iyang mga taong lagi sa sabungan
    todo kung pumusta't todo kung humapay,
    alin sa dalawa ang kahihinatnan:
    Mamatay sa gutom o kaya'y magnakaw!
    nice piece by jose corazon de jesus A.K.A. JOSENG BATUTE..

  13. #13
    Member juhachi_96's Avatar
    Join Date
    Oct 2007
    Posts
    118
    Post Thanks / Like

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    Ang ganda ng tula. Naaliw talaga ako. Thanks for sharing.

  14. #14
    Senior Member leiper's Avatar
    Join Date
    Mar 2003
    Location
    Balayan/San Bruno,Ca
    Posts
    1,193
    Post Thanks / Like

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    Sa modernong panahon ay may kumakalas pa rin pero hindi iyon ang mensahe ng tula.

  15. #15
    aurora gold
    Guest

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    Quote Originally Posted by scottie
    yes sir but i think un bulik n un e panahon p ng tatay k.pero mga sir ung bulik ng tatay k 12xwinner sya at d ngsusugat...but i think iba n ang bulik ngaun.ito po nsa avatar k 3xwinner bulik ang kulay pro me nkatagong tugo ng ibang linyada...
    12x winner..........nakowwww.........nambola ka na naman scottie
    kung hindi sana nakaka intindi ng sasabunging manok ang mga kausap mo dito........pupwede sana yang kwentong barbero mo na yan....hahaha.
    Last edited by aurora gold; November 14th, 2008 at 05:18 AM.

  16. #16
    SCORGEPIST
    Guest

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    Quote Originally Posted by thorr
    sir, TAGALOG na bulik ang binabanggit sa tula...iba na ngaun ang bulik sa pilipinas....madalang na ang tumatakbo kc mga imported na ito
    Mapa Tagalog man..O..Imported tumatakbo rin yan....kaya huwag kang magpakasigurado na walang manok na imported ang tumatakbo!!!

  17. #17
    chainandcycle
    Guest

    Ang Manok Kong Bulik

    Napakagandang tula mula sa isang premyadong manunulat. Huseng Batute talaga. Hindi naman ata sabungero pero grabe ang imahinasyon. Taga Tondo siya pero nagsasabong sa Pasig, maaaring ang Pasig niya ay ang Pasig River dahil wala namang trambiyang nakakarating sa Pasig noon.

    Tapos sikat pa ang sinulat niyang kantang Bayan Ko. Iba talaga ang native.

  18. #18
    Senior Member grey/dom's Avatar
    Join Date
    Nov 2005
    Location
    greysland
    Posts
    3,251
    Post Thanks / Like

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    ibig sabihin sa tulang iyan...na sikat ang bulik at di akalaing tatakbo o matalo...ang kulay bulik ang hari sa lahat ng kulay ng manok...sa mga matatandang version...

    kaya maski anong klseng manok..basta me paa..puedeng tumakbo...

    bay romy....si tonio ay yong batang kasama sa matanda sa avatar..erpats nya yon matanda..

  19. #19
    chainandcycle
    Guest

    Ang Manok Kong Bulik

    Di ba si Richard Bates yung matanda? Anak ba niya si Tonio? Hahahaha.

  20. #20
    Member
    Join Date
    Apr 2007
    Posts
    263
    Post Thanks / Like

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    The mesage is: WAG IPUSTA ANG LAHAT NG YAMAN MAGTIRA NG PANG ULAM,
    HE HEHE

  21. #21
    onadski
    Guest

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    sir ganda naman ng tula na yan
    at may aral pang mapupulot hehe

  22. #22
    Senior Member yellowhackled84's Avatar
    Join Date
    Jan 2006
    Posts
    734
    Post Thanks / Like

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    nice poem.....





    Lo there do I see my father.
    Lo there do I see my mother.
    Lo there do I see my brothers and my sisters.
    Last edited by yellowhackled84; November 14th, 2008 at 09:18 AM.

  23. #23
    Senior Member grey/dom's Avatar
    Join Date
    Nov 2005
    Location
    greysland
    Posts
    3,251
    Post Thanks / Like

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    Quote Originally Posted by chainandcycle
    Di ba si Richard Bates yung matanda? Anak ba niya si Tonio? Hahahaha.
    si richard bates ba yan? parang pinoy na e...di lang din ako sure..basta sure ako si tonio yong bata...hehehe..si tonio lang makagsabi..pero ang matanda mukha talgang si atty. romulo...baka mali naman ako..hehehe tao lang po...

  24. #24
    chainandcycle
    Guest

    Ang Manok Kong Bulik

    Pasensiya na Grey/dom. Maaring ako din ang mali.

    Sorry ulit.

  25. #25
    Member rvk's Avatar
    Join Date
    Apr 2007
    Location
    deep south
    Posts
    282
    Post Thanks / Like

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    matagal na ba tong tula na ito? para kasing nabasa ko na ito ilang taon na ang nakalipas. pero la ko masabi gandang tula. may leksyon pa ito.

  26. #26
    chainandcycle
    Guest

    Ang Manok Kong Bulik

    RVK,

    Yung sumulat namatay noong 1932. Hari ng Balagtasan.

  27. #27
    sam007
    Guest

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    Quote Originally Posted by grey/dom
    si richard bates ba yan? parang pinoy na e...di lang din ako sure..basta sure ako si tonio yong bata...hehehe..si tonio lang makagsabi..pero ang matanda mukha talgang si atty. romulo...baka mali naman ako..hehehe tao lang po...

    bro grey/dom si mr. R.BATES yan kasama ni sir tonio na nasa avatar niya

  28. #28
    Senior Member grey/dom's Avatar
    Join Date
    Nov 2005
    Location
    greysland
    Posts
    3,251
    Post Thanks / Like

    Re: Ang Manok Kong Bulik

    Quote Originally Posted by sam007
    bro grey/dom si mr. R.BATES yan kasama ni sir tonio na nasa avatar niya
    a ok..payat na kasi sya jan...at mukha ng pinoy...memorablia pic yata yan ni bay tonio...

  29. #29
    chainandcycle
    Guest

    Ang Manok Kong Bulik

    Nangitim na siguro sa pagkukundisyon ng mga manok ni Boss Danding sa Isabela, Negros Occ.

  30. #30
    chainandcycle
    Guest

    Ang Manok Kong Bulik

    Higit sa lahat napakagandang tula.

Similar Threads

  1. Replies: 11
    Last Post: May 7th, 2013, 02:15 PM
  2. Replies: 79
    Last Post: July 18th, 2011, 09:42 PM
  3. Paborito kung Manok ay Bulik
    By bumbay in forum Chicken Talk
    Replies: 3
    Last Post: May 23rd, 2011, 06:11 PM
  4. Ang manok kong sipunin! vow
    By korn007 in forum Usapang Manok
    Replies: 5
    Last Post: March 28th, 2006, 01:39 PM
  5. kong hay pat choy everyone
    By buugabo in forum Usapang Manok
    Replies: 3
    Last Post: February 10th, 2005, 12:08 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •