Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 30 of 81

Thread: Pagkakitaan at iba pang negosyong maaring pasukin sa pagmamanok.

  
  1. #1
    John Taddem
    Guest

    Pagkakitaan at iba pang negosyong maaring pasukin sa pagmamanok.

    Sa hirap ng buhay ngayong mga kapatid maraming mga kababayan natin ang walang trabaho kaya naisip ko sa paraang ito sanay makatulong man lang tayo kahit sa maliit na paraan ay may ma-iaabot tayong kaalaman sa pagpapalago ng papasuking negosyo na nauukol at may kinalaman sa pagmamanok.Tulad ng tari making,paggawa ng mga boxes,cages, incubator making, basket weaving folding cages at iba pang ideyang makapagbibigay sapat kaalaman sa negosyong ganito.

    Inaanyayahan ko kayo mga kapatid natin sa sabong kung anumang ideya niyo na makakatulong sa thread na ito lubos ang aking pasasalamat.

    Agbiag ti mannadi!

    DIOS TI AGNGINA KADAKAYO AMIN.


    JOHN TADDEM



  2. #2
    Senior Member Kidd Sentencia's Avatar
    Join Date
    Apr 2000
    Location
    Carson Ca/Pangasinan
    Posts
    4,991
    Post Thanks / Like
    Saliksikin ang mga pwedeng itanim na patuka sa atin...bakasakawaling makamura at makapagbigay ng pagkakakitaan sa industriya ng sabong.

    Alam ko, mas mura pang mag ungkat ng patuka kaysa mag grow ng sarili or pang komersiyal...pero bakasakawali lang baka pumatok, hehehe.

    Kidd

  3. #3
    boychua.NJ
    Guest

    Saan farm meron dito sa texas

    Mga kapatid Gusto ko makakuha ng magandang bloodline ng manok dito sa texas andito ako ngayon sa Austin texas..Kung meron man nakakaalam ay i share nyo naman sa akin para pagbalik ko dyan sa pinas makapagsimula ng negosyo sa larangan ng pagmamanok...gumagalang boychua.

  4. #4
    Senior Member
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    1,139
    Post Thanks / Like
    sa pagbali mo boy dito sa pinas baka pwedeng magdala kana rin ng mga multivitamins at minerals at iba pang mga suppliments na mabibili mo over the counter at sale dyan lalabas na talagang murang mura ang mga ito lalo na kung in big sizes o bulk pack.
    pwede mong ishare sa amin para makamura din kami dito. thanks.

  5. #5
    blackhatch
    Guest
    Ang pagsasanib ng mga breeders/cockers association at magtayo ng isang corporation na kung saan ang mga members ay maging stock holders.

    Ang idea ng bawat kasapi na makakapagpalago sa kumpanya ay siyang susi para pantay pantay at sabay-sabay sa pag unlad.

    Ang iisang bangka na sabay sabay ang pagsagwan ay mabilis na makakarating sa paroonan...iba pa rin ang nagkakaisa.

  6. #6
    solraya
    Guest
    micro economics lang utak ko, pero baka makatulong.

    ang pwedeng pasukin ng isang may bakuran na may mga alagang panabong ay ang mag alaga din ng mga pagalain na manok na pang karne or kaya ibenta ang mga itlog pang kain.

    wala ng extra tao na kailangan kasi ang mga taga pag alaga mo sa manok ay madadagdagan lang ng pakakainin sa range, pero alang dagdag na kailangan sa kaalaman.

    ang kikitain nyo dyan ay sapat sa maintenance ng feeds nyo sa panabong.

    maliit na negosyo ang kayang i process ng utak ko.

  7. #7
    CyberFriends Edong's Avatar
    Join Date
    Jun 2001
    Posts
    272
    Post Thanks / Like
    Ate Sol,
    Pwede ba samahan ng sasso yung mga cockerels sa range area?


    Edong

  8. #8
    solraya
    Guest
    edong,

    pwede naman sila ihiwalay by net.

  9. #9
    CyberFriends gamecock96's Avatar
    Join Date
    Mar 2000
    Posts
    6,181
    Post Thanks / Like

    kung gusto nyo magparami ng manok

    gawa kayo ng satellite. Pero dun sa taong mga malapit lang sa inyo. Padadalhan mo ng excess pullets at pahihiramin mo ng stag na pagulangin tapos ang mapoproduce na stags eh bibilhin mo rin sa kanya sa presyong napagkasunduan. Mas marami syang ma proproduce, mas malaki kikitain nya.

    Al

  10. #10
    blackhatch
    Guest
    Networking na kung saan tulong tulong ang mga kasapi at tanging microchips na ipapasok sa manok ang siyang magsilbing pang trace kung nasaan ang manok.....cno imbentor ng microchips na pwedeng i-detect ng satellite.....kakmeyts mag imbento na kayo ng microchips....bwehehehe joke lang mahal ang microchips....for future plan na lang....sori kakmeyt umandar naman ang utak ko na sanhi ng pagkagutom....break tym muna.

  11. #11
    Senior Member banderado84's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Location
    tabi2
    Posts
    999
    Post Thanks / Like
    ....pag gawa ng dummy cocks at gloves para sa training or keeps...dami supply niyan sa balahibuhan:hippie:

  12. #12
    bf_tadero
    Guest
    :rbounce:

  13. #13
    Senior Member Bty Hunter's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    2,049
    Post Thanks / Like

    Hanapbuhay sa pagmamanok,

    Ang linya namin sapol ay Agri-business. Nung nakahiligan ng mga kapatid ko ang breeding at magkaroon na ako ng kakutsaba( galit sa sabong ang tatay ko). Since may mga tauhan kami sa paghahayupan( baboy at iba pa) Ang ginawa namin ay ipinauulam na lang namin sa mga tao namin yung mga kina-cull namin...At least kabawasang gastos sa mga nakatira sa amin.

    May tindahan kami ng mga gamit sa paghahayupan, kaya ang ginagawa ko ay nagpapadala ako ng mga produkto sa manok gaya ng Breco, Thomas at FB McGuines gayundin ng Vitamins ng Costco (Kirkland brands) na sikat sa lugar namin pero naglipana ang imitation products. Maayos naman dahil kahit yung nasa malayo ay pwedeng kumuha dahil sa LBC, text lang OK na.

    Masasabi ko na marami ring nakikinabang sa pagmamanok pangsabong namin. Gaya ng mga tao na sa amin na nakatira at tumatanda. At yung mga kapitbahay namin na nabibigyan ng lahi ng manok ng mga kapatid ko. Mabigat lang ang likas na hirap ng pamumuhay sa atin.

    Ang objective ko ay makakuha ng marami pang tao na masusuportahan sa pamamagitan ng hindi lamang sa pagmamanukan, kungdi sa iba pang paraan tulad ng pagpapatanim at pag hahayupan gaya ng baka at kambing. At least makatulong man lang sa ilang taong nangangailangan at naghahanap ng kabuhayan sa atin.:hippie:

  14. #14
    blackhatch
    Guest
    kapag sisiw pa lang 1 month old at female ay ibenta na agad, baka mamaya abutan pa yan ng sakit sayang naman ung ginastos mong pagkain nya....male na lang ang itira at maalagan pa ng mabuti.

  15. #15
    blackhatch
    Guest
    Ang mga maaring pagkakakitaan habang nagpapalaki ng sisiw ay paggawa ng tali ng manok, silipan ng itlog kung may semilya o bugok, ceramic na kainan ng manok, incubator na manual ang turning sa egg (dapat tested para mabenta), itlogan ng manok, kulungan ng manok, brooder etc....kahit maliit lang ang capital ay pwede na para maka generate ng funds.

    Sa probinsya ay merong fishpond ng tilapia sa ilalim ng kulungan ng manok, para daw nde sayang ung mga patuka na nahuhulog....at ang bibilis nga lumaki at tumaba ung mga tilapia....pero minsan ung tilapia may nakakain na bulate ng manok, paki linis na lang ng maige ang lamanloob ng tilapia.
    kakmeyt silipin ng maige ung gills baka may naka ipit....hehehe joke lang pero minsan totoo.

    Tama c Mam Solraya, ang sasso ay mabilis lumaki at mangitlog ng malaki at marami....sa itlog at karne ay sapat na pagkakitaan para mabalanse mo ang expenses sa mga gamefowl mo...ihiwalay mo lng ng puwesto o mag rent ka ng lupa.

    Ang sasso ay marunong maglimlim nde kagaya ng mga kabir itlog lng ng itlog kahit saan....pwede mong gawing tiga limlim ang mga sasso tipid ka pa sa gastos ng pagpa incubator.

  16. #16
    CyberFriends
    Join Date
    Apr 2001
    Posts
    1,139
    Post Thanks / Like
    Ang pag aalaga ng Kambing ay maganda ring negosyo. In demand ang karne at less gastos mag palaki, dahil puro damo lang ang kinakain nito. Yong mga may problima sa pag cut ng damo sa bakuran, hiram lang kayo ng Kambing, ilang araw lang linis agad yan. Ang dumi ng kambing ay pueding rin gamiting fertilizer...

  17. #17
    Senior Member Kidd Sentencia's Avatar
    Join Date
    Apr 2000
    Location
    Carson Ca/Pangasinan
    Posts
    4,991
    Post Thanks / Like
    Abah soony, halika na sa Pinas at magretard tayo nila abu at maglagay tayo ng mga kambingan...sa inyo, sa amin, sa kay abu para may pulutan tayo lagi tuwin kitakits natin, hehehe.

    Kidd

  18. #18
    CyberFriends
    Join Date
    Apr 2001
    Posts
    1,139
    Post Thanks / Like
    Kidd, call ako dyan basta ba masarap kang mag luto ng kilawin at papaitan. Actually dito lang ako natotong kumain ng kalding sa states, kasi mga tropa mahilig sa Kalding. Charap na pulotan yan sa tuba halo ng SMB. Pag tumalab at na lasing ka, ikot pati mata mo, para bagang lumulotang ka na hindi mo alam kung sa-an ka naka sakay, he he. Grabing maka lasing ang tuba ng nyog. Siguro pasanayan lang yan. May gustong mag nakaw ng Kambing nakatali sa ilalim ng bahay sa provincia namin. Kaso mo na tunogan ng may arii Kaya binantayan nito hangang naka tulog siya sa ilalim ng bahay at lasing din pala. Dumating ang dalawang mag nanakaw at kina kap-kap sa dilim kung saan nakatali si Kambing. Pare bulong ng isa, ito na hawak ko na ang ulo at medyo makinis na hindi tayo mahihirapang mag linis ( kalbo pala). kaya lang walang tali, bitbitin na lang natin. Huli..sigaw ng may ari, at pati ako ay gagawin ninyong papaetan. Sabay hagibis ng tagbo si mag nanakaw..Ayon puro bukol-bukol ang mukha sa ka bubundol sa mga haligi at puno ng niyog, tawa ka naman...short joke lang naman to.

  19. #19
    Member king_ed's Avatar
    Join Date
    Dec 2002
    Posts
    74
    Post Thanks / Like
    sino kaya yong may-ari sa kambing na kwento mo Ka Sonny?


    musta na Sonny at regards na rin kay Abu?


    ed:lol:

  20. #20
    Senior Member Kidd Sentencia's Avatar
    Join Date
    Apr 2000
    Location
    Carson Ca/Pangasinan
    Posts
    4,991
    Post Thanks / Like
    :lol: :lol: natuwa talaga ako soony...alam mo namang madali lang patawanin si ako, kilitiin mo lang paa ko eh pag di bumaho ang kamay mo, heheheh.

    Meron din sigurong makukuhang sustansya ang mga manok sa etsas ng kambing ano...yung parang sa kabayo o baka baga :smoke:

    Kidd

  21. #21
    Senior Member banderado84's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Location
    tabi2
    Posts
    999
    Post Thanks / Like
    ....kas krap maganda itanim sa farm kung maluwang.....tanim ka ng kamatis kaagad ng mauna kang umani,,,shempre mahal pag ikaw una.....cguro maganda ren mushroom lalo na sa kakhaus for humidity lol lagi kasi basa yun....pertilaizer na ren etsas ng manokis mo sa mushroom....:teeth:

  22. #22
    Senior Member gustokomanok's Avatar
    Join Date
    Jun 2003
    Posts
    740
    Post Thanks / Like
    pag aalaga ng impt dogs .. may bantay na kayo sa mga manokis nyo pwede nyo pa ibenta yung mga pups kung manganak ito. Kaso mahal din pagkain ng mga ito ( kaya nga pinamigay ko na yung dalawa kong shepherd)

  23. #23
    Member bogart's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    297
    Post Thanks / Like
    contract grower may alam ba ang ilan dito sa inyo... paki share naman ohhh...
    thanks


    bogart

  24. #24
    solraya
    Guest
    parang madaling pakinggan, pero madami din ang bumabagsak na contract growers dahil hindi nakakakolekta sa kompanya, nadadaanan ng kalamidad (kaya importanteng may insurance) etc.

    ang concept ay, ang kompanya ang mag loload ng mga sisiw sa farm mo, sila ang magbibigay ng feeds, techical assistance ng veterinarians nila. buy back nila ang manok mo at harvest time, sa presyo nila.

    mayroong silent practice, pero bawal: ang mag ride ng sarili mong sisiw. magloload din ang grower ng sisiw na binili nya sa iba. so ang kakainin nun ay yung feeds din na supply ng kompanya. yun ang pinaka profit pag harvest, pag benta mo sa iba yung manok.

    sabi nga...kung galit ka sa isang tao...encourage mo mag contact growing.

    opinyon ko lang..hindi ko kasi kilala ang nogosyo from that side of the fence

  25. #25
    Member bogart's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    297
    Post Thanks / Like
    sabi nga...kung galit ka sa isang tao...encourage mo mag contact growing.
    paano mo nasasabi to maam sol?

    paano ka malulugi kong kanila lahat feeds may sisiw ka pang dagdag...pag naligi bang kompanya lugi ka rin? o ibabawas ba to sa next batch. let say nalugi ng 50k batch 1 sa batch to kong kikita ibabawas ba nila tong 50k na nalugi last batch?
    suwertehan lang seguro to maam sol...hindi naman seguro totoo ung sabi nila......thans anyway sa reply mo....


    bogart

  26. #26
    Senior Member swallow's Avatar
    Join Date
    Aug 2001
    Posts
    2,754
    Post Thanks / Like
    Kapag kaugnay sa pagmamanok o pag-aalaga ng manok panabong ang ibig mong panggalingan ng iyung pagkakakitaan, ito po ang pwede mong gimmick

    1. Magpalahi ka at magbenta ng manok
    2. Magtayo ka ng isang poultry supply
    3. Magpasabong ka... o magpa-derby
    4. Magtayo ka ng samahan na pwede mong gamitin para sa iyong paderby o mga aktibidad na meron kinalaman sa samahan
    5. Magtayo ka ng sabungan
    6. magtayo ka ng canteen sa loob ng sabungan
    7. Mamili ka ng manok at ibenta mo - parang biyahero style

    Halos yan lang naman ang pagkakakitaan dyan...

  27. #27
    Member mr.twin's Avatar
    Join Date
    Jul 2005
    Location
    Argao
    Posts
    292
    Post Thanks / Like
    mga tol,
    pwde rin , pag breed ka ng mga tagalogin na manok then binta mo per kilo mahal yan kay sa bantress, ndi pa pagastos ang tagalogin kahit wlang vaccine buhay yan.. kahit cramble ang ipakain...

  28. #28
    buhawi
    Guest
    magtayo na lang kayo ng boarding house o kayay ladies dormitory......malapit sa mga eskwelahan.......

    malaki kita.......kitang kita:lol:

    buwan buwan........may kinokolekta kang pera.........pang suporta bisyo:lol:

  29. #29
    sandixph
    Guest

    bili ka ng kahoy sa scrap!

    then gawa ng teepee! basta maayos at magaganda bibilhin ng mga may farm kesa maggawa pa sila dito samin sa cavite 100pesos isa

  30. #30
    Senior Member cocker122563's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    pateros, metro manila
    Posts
    700
    Post Thanks / Like
    that's a great idea, sandixph, pero may naisip akong mas maganda. why not try mass-producing concrete teepees? they are more durable in the long run and can stand the test of time and the elements. naka-ilang generation na ang breeding mo ay nandun pa rin yung concrete teepee. i've read somewhere that the cost of producing 1 set of concrete teepee is in the vicinity of around 200 pesos. why not devise ways wherein makakatipid ka by producing in large numbers tapos maibebenta mo pa ng mas mura?

    what i have in mind is if one will order a minimum of 100 sets of teepees, free delivery na yun ,within lets say metro manila, but if it is less than that they have to pay extra for the delivery charge. saka you have to own at least, an elf truck, to facilitate the delivery of these teepees. mabigat yun 'no!!!

Similar Threads

  1. Ano mas effective na gamot pang tao o pang hayop?
    By krisstal in forum Usapang Manok
    Replies: 0
    Last Post: August 27th, 2011, 08:21 AM
  2. $325 Milyones At Maaring Lumaki Pa
    By rovic in forum Chit-Chat
    Replies: 13
    Last Post: August 31st, 2007, 08:13 AM
  3. ano po ang maaring dahilan
    By noel. in forum Usapang Manok
    Replies: 13
    Last Post: April 16th, 2006, 12:57 PM
  4. Replies: 10
    Last Post: October 25th, 2005, 01:57 PM
  5. basta nlang nabubulag na manok..mga maaring dahilan
    By 10brnz10 in forum Usapang Manok
    Replies: 19
    Last Post: January 27th, 2005, 09:28 AM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •