Page 1 of 10 123456 ... LastLast
Results 1 to 30 of 295

Thread: Mga Batang La Loma

  
  1. #1
    Senior Member kahig's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    577
    Post Thanks / Like

    Mga Batang La Loma

    Mga kakmeytz,

    Gusto ko pong umpisahan itong thread na ito para mai-share natin ang nangayayari sa ating munting sabungan. Ako po ay tubong La Loma. Mulat sapul sa La Loma ako isinilang at duon din natintung at nahilig mag-sabong. Nagsimula akong magsabong sa La Loma noong tinatawag nating "Lumang La Loma". Ang pit Manager pa noon ay si Mang Loring. Nagumpisa akong magsabong at pumusta sa "silong". Madalas pag tag-ulan ay bumabaha dito sa silong pero tuloy parin ang walang patid na sultada.

    Hindi naman kaila sa inyo, na maraming tiyope nuong mga panahon na iyon. At pati parada sa manok ay naantala. Maski manalo ang manok mo sa umaga ang parada ay hindi maibigay hangang hapon at minsan gabi na. Nagkalat ang mga tseke kaya kabit kabit nag mga sabit. Pero nang muling bumalik si Mang Dolfo ay sunikat ulit ang La Loma. AT duon nagumoisa ang hackfight timbangan. Halos lahat ng tahor na dumadayo sa La Loma ay tinitimbang ang mga manok at pag may katimbang saka ito bagbabanggain. Ang diyan ang mga sikat; sina Sergio Ching, Dickie Lim, Vigan, Atty. Hipolito, Eddie Apparri, Capt. Crisostomo, Ruding Bata, at madalas ding dumayo ang mga Asistion Brothers at marami pang iba. At tuwing pakagat na ang gabi, nandiyan na ding ang mga Malaysion na bumibili ng mga panlaban sa bayong ni na Mulong at Tangkad. Nais ko ring sariwain ang mga lokal boys na sina Jessie Chu, Atty Loyola, Ang nasirang Pengga, Max Baluyot, Si Jay Jay, Jose Divisoria, Erning Dollar, Boy Rojas. Ang mga taga ulot na nasirang Kamatis, Kuba at iba pa. Ang mga kasador; Celing Mata, Boy Mukha at si Linong Sakal.

    Nakasama ko rin ang magkapatid na si Roming (at ang kanyang maybahay - Ate Beth) at Narsing. Umuutang din ako kay Dameng. Ang naggagamot na si Menes na napaka galing sa pool. Ang mga batang ruweda sina Mong, Bong Chua at marami pang iba.

    Kung puede ninyong i-share ang mga lumipas sa ating mga kasabong ay maraming salamat. Ngayon nandito na ako sa Amerika, pero hindi ko parin nakaklimutan ang aking eskuwelahan ng La Loma. Tuwing ako ay uuwi at magbabakasyon ay hindi pa rin ako nagmimintis pumunta sa La Loma. Pati na rin ang litchunan ni Aling Mila at Ping-Ping. :rbounce: :rbounce:

  2. #2
    Member al kapon's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Posts
    369
    Post Thanks / Like
    MARAMI DING SABUNGEROSA METRO MANILA NAKAPAGSABONG SA LALOMA, MADALAS KASI KAHIT ALAS DOSE NA NG GABI MAY SULTADA PA DYAN,NUNG BUHAY PA SI MANG TOMAS KAHIT ANO SANLA MO SA KANYA PASOK KA,

  3. #3
    Senior Member goryo888's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    Isla de Bahag, Baryo Kurukya
    Posts
    6,239
    Post Thanks / Like
    Naku pre ko....noong nasa kolehiyo pa ako dyan ako lagi ring nagsasabong....pero wala akong pakialam sa mga pangalan ng mga sikat dyaan....kapag napapalaban ang manok ko at ang tawagan ay ubod ng lalim na halos di mo na mahukay....doon ko lang nalalaman na ang kabangga ko ay mga Big time ng Laloma....pero di ko pa rin sila kilala...ang kilala ko lang na nakalaban ko syempre sikat....si J. Abarrientos, na kasama lagi si Cris Bolado....nakalaban ko 2x panalo ako 1x at 1x tabla....

    Sa trbesiya nasa taas ako lagi....naku ang daming iktad at mananabit....tatawagin ko si Kuya Francis na kaibigan kong pulis kamuka ni Babalu...para bayad sila.......yaan naman ay noong bago bago pa lang akong nagsasabong dyan sa La Loma...pero siguro napapagkikita na rin nila ang mukha ko kaya di na nila ako iniiktaran....

  4. #4
    Member al kapon's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Posts
    369
    Post Thanks / Like
    KAHIG SAAN KA SA LALOMA?MAHIRAP MAG ULOT JAN PRO KAINAMAN KAHIT MALIIT PARADA MO MATUTULOY... MASARAP ANG DAYO JAN KAKAIN KA NG LO TRES...SAHOD KALIWAT KANAN...TAPOS INIM NG KONTI KAY MILAS O KAYA KAY PING PING BOLADAS NG KONTI SA MGA WAITRESS PAMPAALIS NG SUYA:lol:

  5. #5
    Senior Member kahig's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    577
    Post Thanks / Like

    Al Kapon o al Tapon

    Pre,

    Taga Mariveles St. ako. Sa pagitan ng Simon at Calamba. Kay papuntang sabungan ay sampung minutong lakad lang. Talagng masarap uminon diyan sa Mila's at Ping Ping. Ang pulutan puede ring balat ng lechon. Nuong mga panahon na iyon pati bituka at chitcharon bulaklak puede ring hinggi. Ang waitress ko noon ay si Elsie na mestizahing. Kadalasan dati nagiinuman kami ni Narcing Guizon sa sabungan at ang pulutan any yung mga lamang loob ng tinalong manok. Adobong atay balunbalunan na tuyo at maanghang ng may kasamang bayag ng manok.

  6. #6
    Member al kapon's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Posts
    369
    Post Thanks / Like

    kahig o kahog

    malapit ka lang pala kina .mayor, ang alam ko dati maraming kabayo sa lugar na yan karamihan kutsero. yung tindahan ng bigas at soft drinks jan mga taga bulacan.malapit sa don manuel, mukhang big time ka dati jan ako taga jan din lumaki sa may retiro:lol:

  7. #7
    Member
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    160
    Post Thanks / Like

    Laloma...

    tanong ko lang bakit napasara yung sabungan ng laloma nung mid 80s ano ba ang nangyari duon at nainvolve pa yung mga anak ni matandang dolpo? di ko na kasi nasubaybayan ang mga pangyayari...mabuti na lang at binuksan nyo ang thread ng laloma at mapag usapan natin dito...

  8. #8
    Member
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    160
    Post Thanks / Like

    laloma ...

    naalala ko pa dyan ako bumibili ng tapang kabayo, kalderetang aso,at ang pinakasikat nilang soup#5... meron pa nga pala hindi ka magiging full pledge na sabungero kung hindi ka na kasuot ng tsinelas na tinatawag na SUNGKIT... o anong say nyo mga batang LALOMA bwehehe...:lol:

  9. #9
    Senior Member kahig's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    577
    Post Thanks / Like

    Al Kapon

    Al,

    Ang sinasabi mong malapit knia mayor amoranto. Hindi naman tayo big time pero maigi rin maka tsamba sa larangan ng sabong. Nuong taong 1980 ay nagpasasa rin tayo ng buwenas. Anim na buwan din akong naging batang rueda dahil sa sobrang suwerti. Anin na buwan akon di natalunan ng manok. Maski si Greg na holdaper any umiwas na rin lumban sa akin pagkatapos niyang matalo ng dalawang sunod sa akin. Kilala mo ba si Pepe na nagaalaga ng manok malapit sa kanto ng Mariveles at Retiro. Ang kanyang kapatid na si Nardo ang gingamit kong cristo pag dumadayo ako sa Araneta. Malapit sa kanto ng Mariveles ay sina Boy Sta. Ines. Kilala ko silang maiggi. At taga roon din si Willie na mekaniko.

    Salamat sa mga balita mong pangyayari sa La Loma.

  10. #10
    Member al kapon's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Posts
    369
    Post Thanks / Like

    pre

    mas ok ngayon d2 dalawa rueda, pag pareha parada sa rueda sa labas, pg may problema kasa ni roming sa malaking rueda;miski nasa labas ka nag papatari mapapanood mo sa tv laban sa loob.andoon parin yung malaking electric fan sa pilahan.pro ang alam ko reyes na may ari d2.

    bihira na ko pumasok sa laloma pag maglalaban lang ng nokis,sawa na ko sa estets kaya d2 na lang ako pasabong sabong

  11. #11
    Member al kapon's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Posts
    369
    Post Thanks / Like

    english dom

    alam ko noon yung may ari ng laloma sina mng luring , tapos si mang dolfo tapos mga reyes..... kahig correct me if im wrong.. bentahan yata yon:lol:

  12. #12
    Member
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    160
    Post Thanks / Like

    remembering the good & d bad old days in ...

    sabungan ng Laloma.. maraming mga graduate dyan kagaya ng mga manyonyope, mang lalason, mananabit, mandururukot...mga vendors na tumanda na sa sabungan pero marangal ang hanap buhay...hayyyyyy buti na lang at nabuksan ang thread na to... naala ko lahat mga katarantaduhan dyan sa laloma...:lol:

  13. #13
    Senior Member kahig's Avatar
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    577
    Post Thanks / Like

    Lumang La Loma

    Ang lumang Laloma ay pinamamahala lang kay Mang Luring ang tunay na nagmamay-ari ng La Loma ay ang pamilya ni Mang Dolfo.
    At sa ngayon maraming nabilling shares of stocks ang mga Reyes. Majority stock holders na sina Tos Reyes at ang pamilya ni Cesar Reyes. Ang mga Reyes ang nay-ari ng karera sa Sta Ana. Naipagbili na yata ito sa mga malaysiano.

    At si mang Dolfo naman ay palaging naka terno ang suot na sungkit sa kanyang polo at pantalon. Napaka bait ng yumaong Dolfo sa akin. Madalas niya akong papaguhin pero madaling pagpasiyahan ang mga pago niya sa akin. Kung hindi mallallamado talagang puedeng labanan. Kung kulang ding ang pamusta ko puede rin akong bumale sa kaha ng opisina. Parang anak ang turing niya sa akin. Sumalangit nawa. May he rest in peace.

    Tungkol naman sa pagkakasara nag La Loma ang naging dahilan ay ito. May isang sarheto na nagbitay ng tiyope. Nasa rueda palang ay inumpisahan ng bugbugin ng isa sa mga anak ni Mnag Dolfo. Si Gerry ay ang pinaka batang kapatid nina Roming, Narcing at Junior. Hingil sa sa kaalaman ni Gerry at ang kanyang bodyguard na may baril pala yung saherto. Sa kaguluhan, biglang umalingawgaw ang tatlong putok. Unang tama si Gerry at handusay agad naka sandal na lang sa rueda ang kanyang body guard na si hikaw (dahil may hilaw ito sa iasang tenga) at tuluyang bumulagta. Dalawang buhay ang nautas ng araw na iyon. Kaya ilang linggo ring nasara ang sabungan.

  14. #14
    Member al kapon's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Posts
    369
    Post Thanks / Like
    :lol: :lol:

  15. #15
    Member
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    160
    Post Thanks / Like

    al kapon...

    bakit ka natawa... makikitawa na rin ako bwehehe

  16. #16
    Member al kapon's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Posts
    369
    Post Thanks / Like
    pre pag uwi mo sabong tayo d2 sa amin pag nanalo yayo sabay tayong tatawa, pag natalo eh talo kaya inom na lang .. sagot ko

  17. #17
    Member
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    160
    Post Thanks / Like

    al kapon...

    ok sabong to the max tayo dyan sa Laloma medyo matagal tagal na rin akong di nakakakita ng duguang manok :lol: :lol:

  18. #18
    plm_eng
    Guest
    unang natuto ako magsabong sa laloma , that was 1990, nanalo ako ng malaki , sabi nga beginners luck. Matandang kristo ang ginamit ko ng dalawang araw na panalo. Halos di na marinig ang boses sa paglologro dahil sa katandaan. Ngayun RIP nasya.
    Ang kasador na si Ruming ay super bait , respetado ng mga sabungero dahil sa ganda ng pakikisama . Walang puwera sa kanya kahit malaki ang diperensya gumagawa sya ng paraan para mapalaban ang may pusta . Miss ko n ang laloma . lalona lechonan sa labas ng sabungan.

  19. #19
    Member
    Join Date
    May 2003
    Location
    Caloocan City
    Posts
    338
    Post Thanks / Like

    Oh La Loma

    Naalala ko tuloy nung estudyante pa ako ( early 80s ), dito ako sa La Loma tumutuloy pag nakita ako ni erpat sa karerahan. Pauuwiin ako nun. Gabi na daw kasi at kailangang gawin ko pa ang aking homework.hehehe lol

    Totoo namang pong inaabot halos ng hatinggabi ang hackfight dito dati. Mabilis ang sulltada at kahit bitaw na tiyak na mapupusta ka pa. Truly a trabesyador's haven.

    Pero kuwidaw ka at marami talagang igtad, mananabit, patay bata, maninyope, atbp. sa La Loma nung mga panahon na yun. Kaya pag ako'y nagtratrabesya pinipili ko lang at yung mga regular lang na sabungero lang dun ang kapustahan ko.

    Dyan din ako kauna-unahang nagbitaw ng manok. Lasak sibil ang sa akin at puti ang kalaban ko. Tinanong pa nga ako nung isang matanda sa ulutan at bakit ko daw nilabanan yung puti eh kontra balahibo daw at lamang sa kulay yung puti. Dahil ang lasak daw " nanghiram " lang ng kulay sa puti.

    Sa loob-loob ko lang, " anak ng tutungko itong matandang ito at kumana pa ng pamahiin ". Hehehe

    " Di na bale 'tang , galit kasi ako sa puting manok ", sabi ko kay tatang.

    May katwiran pala si tatang, paktay yung manok ko.huhuhu

    May natutunan din akong leksyon dyan sa La Loma. Magpahanggang ngayon ay dala-dala ko ito. Huwag na huwag nang magsasabong pag maghihiwalay na ang taon ( kada Dec. 31 ). Dahil ang wallet mo at ang laman nitong pera ay tiyak maghihiwalay din. :lol:

    Wentooo!!!

    Hi Nick Englishdom,

    Kumusta na? Mag-entry ka sa Dec.17 3-cock natin ha sa San Mateo. Pag-uwi mo abisuhan mo naman kami. Regards.

    Ben4

  20. #20
    Member
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    160
    Post Thanks / Like

    La loma....

    Prezzy Ben4...

    ok karanasan natin ah.. kaya pala nauubos alawans mo dalawa pala skool mo :lol: me extra subject pang horsie horsie dyan sa San lazaro...
    Sigurado.. darating yung Entry ko sa UBBA 17 Dec.. ikaw pa... tatanggihan ko ang lahat wag lang ang UBBA..

    nandyan na si vaciada King Bogart, kumapal na daw kyutikel sa ibabaw ng tarugo nya,kailangan na daw mavaciada hehehe

  21. #21
    Member renzmac's Avatar
    Join Date
    Jun 2004
    Posts
    109
    Post Thanks / Like

    sali ako

    pwedeng sabihin na sa La Loma din ako nahasa ng husto sa sabong... kasabihan na ng mga taga La Loma kapag sa La Loma ka na tuto ay para kang UP graduate:lol:

    Dahil matutunan mo lahat...(gulang)

    isa sa aking golden memories sa La Loma ay yung muntik na akong mabiktima ng igtad...pusta ako sa manok ng kapitbahay, first buckle palang dapa na ang kalaban namin, ika ng ay binubuli na lang...then paglingun ko wala na ang kapustahan ko..syempre galit ako hinanap ko yung kapustahan ko at nahuli ko nga ang lintek... deny to death ang loko ang sabi ay nakikipagusap lang daw dun sa isa pang kapustahan..at hindi raw nya ako tatakbuhan dahil sa yung nga daw manok na pinustahan ko ang papatay, nung lingunin ko ay papatay nga ang manok namin tama sa leeg...ayun na sya ngayon ang naghahabol, pero sorry na lang hindi ko sya binayaran...:lol: sigawan ang mga tao ng HULIIIIIIIIIII....na-igtaran ang mananabit..........sarap ng feeling.....makabawi sa mga mandarambong......

  22. #22
    Member al kapon's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Posts
    369
    Post Thanks / Like

    renzmac

    tama ka pre pag sa laloma ka natuto mag sabong may doctorate ka:lol:

  23. #23
    Senior Member hero2003's Avatar
    Join Date
    Apr 2003
    Posts
    1,045
    Post Thanks / Like

    Dyan din ako nag Enroll at Graduate

    Diyan sa sabungan ng La loma ako natuto magsabong enrolled ako dyan ang dami kong tuition fee na i deposito dyan. Pag naka uwi ako subukan kong i withdraw nga nadeposito hehehehehe.

    Totoo nga ang sabi nila na pag dyan ka nag umpisa para kang graduate ng UP

    hero

  24. #24
    Member al kapon's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Posts
    369
    Post Thanks / Like
    pre kahig dagdagan mo pa kwen2 ng laloma tutal inumpisahan mo ito.:lol:

  25. #25
    CyberFriends blitzgame's Avatar
    Join Date
    May 2002
    Location
    NY
    Posts
    211
    Post Thanks / Like
    Kahig,
    kaya pala hi blood ka mahilig ka kumain ng Lechon.

    Sa La loma na Sabungan yan na yata ang pinaka maraming mga igtad na kapustahan mabilis mawala sa tabi mo at nakapagpalit na ng T-shirt kagad, nung bago ako nag sasabong dyan na Igtadan na ako o na takbuhan , kasi nga kung ikaw ay nanonood ng laban tuwang tuwa ka habang pumapalo ang manok mong napustahan, samanatalang ang kapustahan mo wala na pala sa tabi mo.hehehe kaya nuon nag tanda na ako pag may kapustahan ako, tinitignan ko ang mukha pati ang sapatos nya o Tsinelas na gamit yun ang tinatandaan ko kasi nagpapalit sila ng damit pero yung suot na tsinelas o sapatos hinde nila pinapalitan kaya nung mangyari uli na tinakbuhan ako hinanap ko kapustahan ko halos maikot ko na yung sabungan awa ng dyos nakita ko si igtad na nakapagpalit na ng T-Shirt siningil ko tumatanggi pa na sya ang kapustahan ko sabi ko hinde ko malilimutan ang tsinelas nyang suot dahil yan ang tinanadaaan ko at pati mukha nya. sinabi ko sa management ayos naman ang nangyari nagbayad naman si Loko.
    Isa pang Experience ko dyan kalaban ko si Narsing (kapatid ni Roming) maganda ang laban ng manok namin parehas ang labanan parehas na may mga tama na ang mabigat lang pag manok nila nakatayo hinde kinakaryo pag ang manok ko nakatayo karyuhin kagad hinde bigyan ng tsansang makapalo
    nang nakita kong papatay na manok nya sinabi ko sa sentenciador karyo
    hinde kinakaryo sinigawan ko KARYOO ang ginawa ng sintensyador kungyari napuwing imbes ang manok ang karyohin
    nagtatangal kungyari ng puwing,ang ginawa ko TINAPIK ko yung balikat nya at sigaw ng KARYOOO nagulat din siguro yung sentensyagor ayun kinaryo tumuka manok namin 2 beses manok nila pinagagantl wala na tepok na manok nila bilang ng isa 2 tatlo panalo na, ng iaabot sa akin yung manok ko parang sinasabi ng manok ko GOOD JOB Boss at pag kaabot ko namaalam na rin ang manok ko.

  26. #26
    Member al kapon's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Posts
    369
    Post Thanks / Like

    blitz

    yan naman pare ko nangyayari kahit saan basta kalaban mo may ari.......mahirap kalaban ang club lalao na pag basaan na........:lol:

  27. #27
    Senior Member bna_talimbabaga's Avatar
    Join Date
    Aug 2005
    Location
    CamSur
    Posts
    737
    Post Thanks / Like

    AL KAPON,

    musta na, puno ang PM mo. wala ka rin e-mail add sa profile eh. thnx.

  28. #28
    CyberFriends gamecock96's Avatar
    Join Date
    Mar 2000
    Posts
    6,397
    Post Thanks / Like

    Knollet

    Pre,
    Laking laloma tayo. Sa may lourdes Church naman ako kaya mabait tayo.
    Nung una eh nakapag sabong na rin ako dyan sa laloma pero ako ang umayaw dyan. Di ko alam kung saan pa ako dudukot ng kaka tuition fee dyan sa sabungan na yan kasi lahat na lang ng gulang eh inabot namin dyan sa sabungan na yan. Pero nung nasa tate na ako at sa isang bakasyon ko eh naisipan naming dumayo dyan. Palaban din dala naming manok. Wala naman kami talagang mananare dyan kundi yung nagamit namin nung mga laban namin dyan na sa tingin namin ay OK naman magkabit. Sa madaling salita eh sa ulutan eh napalaban kami. Dumiretso ako dun sa mananare na napatarian na namin dati. Dun din papunta ang kalaban namin (Taga ulot). Nung magtagpo kami sa mananare ay biglang bulyaw sa akin na Mananare namin ito. Sabay sabi na humanap ka dyan ng iba. Sabi ko eh yun lang din ang napatarian namin dun, aba binulyawan na naman ako at sinabing basta mananare ko to. Sa pagbulyaw nagpantig ang aking tenga at biglang nagdilim paningin ko. Sabi ko. Bakit parang inuutusan mo ako?? Marunong ka pa sa akin kung saan ko gusto? Wag mo sabihin taga dito ka at territoryo mo ito?? Dahil kahit dito sa lugar mo ikaw pagugulungin ko dito. Biglang hinahon si loko at sabi bakit ano ba sinabi ko?? Sa mga puntong ito eh ako na gusto kong mailaban at di na manok. Syempre nag mediate yung mga match maker sa ulutan. Di na lang tinuloy laban at napaulot sa iba manok namin at nanalo. Yun kanila rin eh napalaban sa iba at nanalo rin yata. Pero sabi ko kung yung sultada naming dalawa ang tinuloy eh malamang talo sila lol

    Al

  29. #29
    CyberFriends Soseng's Avatar
    Join Date
    May 2002
    Posts
    517
    Post Thanks / Like
    ako naman eh dyan sa la loma talaga naadik sa trabesya. nung year 2000-2002 eh halos tuwing sabado eh nandyan ako sa la loma...kahit andaming sabungan na malapit samin sa Pasig eh byahe pa rin ako ng malayo hehehe!

    pag sabado kasi eh yung mga labanan sa hackfight eh kasing kalidad ng derby.

    ka-goryo, nakikita ko rin doon c Johnny A. si Danny Pe, Chinese community, mr. yu, roming, "boy mouth", linsangan bros, si Kuba, si Porma pati si Parusa ang mga sikat na nakikita ko jan hehehe

    pag wala pang sultada eh may nagpupustahan sa bilyar jan...si Andam ata yung nakita kong nagbibigay ng magandang partida dyan :teeth:

  30. #30
    Member al kapon's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Posts
    369
    Post Thanks / Like
    :lol: :lol:

Similar Threads

  1. LA LOMA COCKPIT
    By finchiestiffler in forum Usapang Manok
    Replies: 22
    Last Post: May 1st, 2013, 02:44 AM
  2. LA LOMA RANCH
    By gallero210 in forum Chicken Talk
    Replies: 0
    Last Post: February 10th, 2013, 10:03 PM
  3. Beware!!!!la loma cockpit
    By alandenverdy in forum Sabong News
    Replies: 133
    Last Post: December 9th, 2011, 07:12 PM
  4. Dona? Dana? in Riverside/Mira Loma CA
    By Blacklodge in forum Chicken Talk
    Replies: 0
    Last Post: August 25th, 2011, 02:27 PM
  5. la loma 3-cock derby tonight!!!!!!!!!!!!!!
    By ACE-DEALER FARM in forum Sabong News
    Replies: 18
    Last Post: June 26th, 2007, 11:18 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •