
Originally Posted by
jun parana
mga Bossing ano kaya ang dahilan bakit ang mga manok ko pag binitawan na sila sa loob ng gradas ay ginigerian muna ang kalaban na siyang nagiging sanhi ng pagkatalo nila maaring makaganti man pero huli na! apat na ang sunod sunod na nilaban kung ganito iba iba naman ang mga bloodline nila, kulang ba sa training? subra ba sa gamot?o mali kaya ang pag-alaga sa kanila, salamat mga Bro,
natural na character ng tandang ang gumeri, ito ay isang sign ng gameness at maturity, magandang ugali kung ang tandang ay pang broodpen subalit hindi magandang ugali kung pang laban. pwedeng i korek ang problema ito mag mula ng i harvest sila galing sa hardening pen hangang training to conditioning. karamihan ng correcting methods ay nabanggit na ng kapwa natin dito sa thread, dagdag ko lang ay...
1.) Maikli ang comfort zone ng manok.
1.) Malapit ang pagitan sa ibang manok sa cording area.
2.) Kulang sa rotation sa cording area teepee to teepee.
3.) Kadalasan ay malapit ang scratching pens or fly pens.
4.) Palaging malayo ang bitaw bawat sparring nito.
5.) Kulang sa heating ang manok from training to pit.
6.) Nakaugaliang 1 to 2 buckles lang bawat sparring which is negative.
7.) Ugaliing may pitting araw araw ang mga panlaban.
8.) Mataas ang testosterone ng manok at fight day.