Results 1 to 29 of 29

Thread: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

  1. #1
    Senior Member Edwin7765's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    761
    Post Thanks / Like

    Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Doc,

    Pwede po ba malaman kung ano ang gamot sa sipon na may pamamaga ng mukha (one side lang po) kaya pa po ba ito pagalingin kasi binigyan ko na ng amtyl500 for three consecutive days, di pa rin nawala. Ano po ba ang pinakamabisang gamot para dito.
    Marami pong salamat doc

  2. #2
    Member
    Join Date
    Mar 2009
    Location
    san juan, bats.
    Posts
    31
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    naku ganyan din yung sa akin

  3. #3
    Senior Member juan sabungero's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    sampaloc manila/ infanta quezon/ cerritos & buena park, california usa
    Posts
    4,518
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    may outbreak ngayon ng ganyan sakit . . .

    .

  4. #4
    Senior Member Edwin7765's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    761
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Quote Originally Posted by juan sabungero
    may outbreak ngayon ng ganyan sakit . . .

    .
    ano po bang sakit ang ganyan. Nung ginamot ko ng amtyl500 nawala or natuyo ang sipon pero maga pa rin ang mukha

  5. #5
    Senior Member
    Join Date
    Dec 2009
    Posts
    1,600
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    baka ganito nangyari sa alaga mo kakmeyt.

  6. #6
    Member
    Join Date
    Jan 2001
    Location
    US
    Posts
    165
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Edwin7765,

    Hello! Naka experience na rin ako ng ganyan na pamamaga ng mukha ng manok dahil sa sipon na natuyo. Naging matigas na yung pisngi ng manok at naluluha ang mata sa side na ito pero sa kabila wala. Kung anu-ano na ang ginamot ko para sa Coryza at sa CRD pero halos kirat pa rin ang itsura dahil sa pamamaga.

    Hirap kumain ang manok at parang nasasaktan sa kanyang paglunok. Eto ang ginawa ko at palagay ko pwede mo rin o kaya mo rin gawin. Kailangan operahin ang bukol na ito kung hindi ay baka hindi na makarecover ang manok mo. Ginawa ko ito at so far umimpis na ang kanyang mukha mula ng maalis ko ang bukol na naging balantukan sa pisngi at sa roof ng kanyang sinus. Malakas na rin siyang kumain, masigla na at nawala na rin yung pagluluha ng mata.

    Dapat may hahawak sa manok at ikaw naman ay gagawa ng incision o hiwa sa taas lang ng tuka between sa ilong at sa mata. iwasan mo mahiwa ang beak o tuka dahil matagal gumaling yan. madugo ito kaya maghanda ka ng malinis na basahan at cotton. Gumamit ka ng maliit na pang scoop na tulad ng sa panghinuli. kayurin mo ang mabaho, madilaw at parang rubbery na bukol sa kanyang pisngi at sinus. Ingatan ang mata na hindi matamaan. Siguraduhin mo na maalis mo lahat ng makita mong madilaw na parang keso ang itsura. ito yung nabubulok sa loob. Kumuha ka ng maliit na syringe at lagyan mo ng hydrogen peroxide at i flush mo yung butas para makuha mo lahat ng nabubulok at patay na dugo. Patuyuin.

    Magpiraso ka ng antibiotic at i shoot mo doon sa butas kung saan mo naalis yung balantukan, preferrably 1/4 size ng tablet ex. Baytril tablet. Tapos lagyan mo ng kahit isang tahi lang para may mag hold lang sa balat sa lugar.

    Painumin mo ng antibiotic ex. Baytril tablet 22.7 mg 1 tablet araw- araw about 10 days. Wag mo muna bibigyan ng grains o matigas na pagkain kasi masakit pa ang roof ng kanyang bunganga. Crumbles lang na binasa sa tubig at may gatas ang ipakain mo. Lagyan mo ng electrolytes ang kanyang inuman.

    Gagaling yan. Sana makatulong sa iyo.
    Last edited by rk_opteryx; March 1st, 2010 at 11:24 AM.

  7. #7
    Senior Member Edwin7765's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    761
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Quote Originally Posted by rk_opteryx
    Edwin7765,

    Hello! Naka experience na rin ako ng ganyan na pamamaga ng mukha ng manok dahil sa sipon na natuyo. Naging matigas na yung pisngi ng manok at naluluha ang mata sa side na ito pero sa kabila wala. Kung anu-ano na ang ginamot ko para sa Coryza at sa CRD pero halos kirat pa rin ang itsura dahil sa pamamaga.

    Hirap kumain ang manok at parang nasasaktan sa kanyang paglunok. Eto ang ginawa ko at palagay ko pwede mo rin o kaya mo rin gawin. Kailangan operahin ang bukol na ito kung hindi ay baka hindi na makarecover ang manok mo. Ginawa ko ito at so far umimpis na ang kanyang mukha mula ng maalis ko ang bukol na naging balantukan sa pisngi at sa roof ng kanyang sinus. Malakas na rin siyang kumain, masigla na at nawala na rin yung pagluluha ng mata.

    Dapat may hahawak sa manok at ikaw naman ay gagawa ng incision o hiwa sa taas lang ng tuka between sa ilong at sa mata. iwasan mo mahiwa ang beak o tuka dahil matagal gumaling yan. madugo ito kaya maghanda ka ng malinis na basahan at cotton. Gumamit ka ng maliit na pang scoop na tulad ng sa panghinuli. kayurin mo ang mabaho, madilaw at parang rubbery na bukol sa kanyang pisngi at sinus. Ingatan ang mata na hindi matamaan. Siguraduhin mo na maalis mo lahat ng makita mong madilaw na parang keso ang itsura. ito yung nabubulok sa loob. Kumuha ka ng maliit na syringe at lagyan mo ng hydrogen peroxide at i flush mo yung butas para makuha mo lahat ng nabubulok at patay na dugo. Patuyuin.

    Magpiraso ka ng antibiotic at i shoot mo doon sa butas kung saan mo naalis yung balantukan, preferrably 1/4 size ng tablet ex. Baytril tablet. Tapos lagyan mo ng kahit isang tahi lang para may mag hold lang sa balat sa lugar.

    Painumin mo ng antibiotic ex, Baytril tablet 1 tablet araw- araw about 10 days. Wag mo muna bibigyan ng grains o matigas na pagkain kasi masakit pa ang roof ng kanyang bunganga. Crumbles lang na binasa sa tubig at may gatas ang ipakain mo. Lagyan mo ng electrolytes ang kanyang inuman.

    Gagaling yan. Sana nakatulong sa iyo.
    thanks po sir sa info. Yung sa akin naman po sir ay napakasigla, malakas kumain at mapupula din ang mukha at di namamayat or di nya iniinda ang pamamaga ng mukha nya. Sige po sir gagawin ko po yan

    Any inputs from doc ted

  8. #8
    Member
    Join Date
    Jan 2001
    Location
    US
    Posts
    165
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Edwin, kung hindi pa naman talamak at hindi matigas ang pamamaga, baka madala pa iyan sa gamot lang. WAG MO MUNA OPERAHIN. BIGYAN MO MUNA NG CHANCE YUNG GAMOT NA MAG WORK.

    Yung sa akin kasi ay talagang nagkalaman na at naging matigas. Ayaw na tablan ng gamot kahit ano pa ang ibigay ko. Kaya nga nag decide ako na operahin at tuwa namana ko na napagaling ko siya.

    Good luck sa iyo.

  9. #9
    Senior Member Edwin7765's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    761
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Quote Originally Posted by rk_opteryx
    Edwin, kung hindi pa naman talamak at hindi matigas ang pamamaga, baka madala pa iyan sa gamot lang. WAG MO MUNA OPERAHIN. BIGYAN MO MUNA NG CHANCE YUNG GAMOT NA MAG WORK.

    Yung sa akin kasi ay talagang nagkalaman na at naging matigas. Ayaw na tablan ng gamot kahit ano pa ang ibigay ko. Kaya nga nag decide ako na operahin at tuwa namana ko na napagaling ko siya.

    Good luck sa iyo.
    Thanks po sir sa advice

  10. #10
    Senior Member Edwin7765's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    761
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    taas ko lang po para makita ni doc

  11. #11
    Senior Member Edwin7765's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    761
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Doc please help me. Gusto ko kasing gumaling ang maga ng mukha ng alaga ko at sayang naman

  12. #12
    Member Rommel Miguel's Avatar
    Join Date
    Mar 2008
    Location
    ilocos norte
    Posts
    252
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Quote Originally Posted by Edwin7765
    Doc,

    Pwede po ba malaman kung ano ang gamot sa sipon na may pamamaga ng mukha (one side lang po) kaya pa po ba ito pagalingin kasi binigyan ko na ng amtyl500 for three consecutive days, di pa rin nawala. Ano po ba ang pinakamabisang gamot para dito.
    Marami pong salamat doc

    ako rin, dalawang manok ko na ang nagkasipon.. 5 days ng gumagamit ng amtyl pero wala pa ring pagbabago..

    any other medication that you guys can advice.. thanks in advance..

  13. #13
    Senior Member Edwin7765's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    761
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Quote Originally Posted by Rommel Miguel
    ako rin, dalawang manok ko na ang nagkasipon.. 5 days ng gumagamit ng amtyl pero wala pa ring pagbabago..

    any other medication that you guys can advice.. thanks in advance..
    up ko lang po para makita ni doc

  14. #14
    Senior Member
    Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,655
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    mga brod , kung ang ibinibigay ninyong gamot ay walang response ang manok o hindi gumagaling ay wag na ninyong ipagpatuloy yon gamot na yon dahil sayang lang pera ninyo ,ibig sabihin nuon ay hindi hiyang sa manok ninyo yong gamot na yon at KINAKAILANGAN PALITAN ng ibang klaseng gamot. try mo ang amoxycyllin 250 mg. bigyan mo umaga hapon.mabibili mo ito sa mercury drugs. ito ay kung yong mukha ng manok mo ay malambot pa at hindi pa matigas , kase kung tumigas na ay kelangan ng operahin yon at aalisin mo na yon "MANUALLY" kase di na yon kayang tunawin ng anti-biotic.

    ako ay amoxycyllin 250 mg. ang ginamit ko sa manok ko na may ganiyan sakit at sa awa naman ng diyos ay gumaling , marahil ay naagapan ko kaya gumaling siya. bigyan mo siya 21 days para segurado patay yong bacteria.

    seguruhin mo rin na malinis ang inumin niya at nakabukod sa iba ang painuman at pakainan niya. kung minsan nababalewala natin yong painuman nila kahit "SUPER DUMI NA PALA " AT MAY MGA TILAMSIK PA NG IPOT SA PAINUMAN. MINSAN INI-IGNORE LANG NG TIGA BIGAY NG PATUKA . YAN ang nangyari sa aking munting manukan na nakita ko mismo. yong BACTERIA sa tubig na iniinom nila ay yon ang panggagalingan ng SAKIT NILA at MASAKIT sa bulsa natin pag sila ay nagkasakit ... hehehe.

    MAS MAGASTOS ANG GUMAMOT KA NG MAY SAKIT NA MANOK KESA MAG MANTINI KA NG HEALTHY NA MANOK kaya mga kasabong panatilihin natin na malinis ang inumin at pakainan at lalu na ang paligid nila para IWAS SAKIT at iwas gastos din ..

    sana makatulong .. good luck ...

  15. #15
    Senior Member Desert Hawk's Avatar
    Join Date
    Dec 2009
    Location
    Dammam/Malilipot, Albay
    Posts
    879
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Quote Originally Posted by Edwin7765
    up ko lang po para makita ni doc
    Kabayan malamang busy si doc at di pa sya makapasyal dito sa site.. Subukan nyo ito baka makatulong..

    http://www.youtube.com/user/tsunamib...15/nwUDLkjRcH4

  16. #16
    Senior Member Edwin7765's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    761
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Quote Originally Posted by Desert Hawk
    Kabayan malamang busy si doc at di pa sya makapasyal dito sa site.. Subukan nyo ito baka makatulong..

    http://www.youtube.com/user/tsunamib...15/nwUDLkjRcH4

    Oo nga sir baka busy lang si doc. Up ko lang po para makita nya

  17. #17
    Senior Member Desert Hawk's Avatar
    Join Date
    Dec 2009
    Location
    Dammam/Malilipot, Albay
    Posts
    879
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Quote Originally Posted by Edwin7765
    Oo nga sir baka busy lang si doc. Up ko lang po para makita nya
    Kabayan, buksan mo yung link.. nandyan na yung sagot sa tanong mo.

    http://www.youtube.com/user/tsunamib...15/nwUDLkjRcH4

  18. #18
    Senior Member albertmar1953's Avatar
    Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,248
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    magandang araw ho mga cockmate nangyari din hosa 2 kong sisiw iyan mga 2.5 month palang ang idad nila dinapagaling ng gamot dahil siguro di napansin agad ng bata ko tumigas na ang sipon sa loob,hanggang sa nabulag pareho ang 2 kong sisiw,tig kabilang mata lang naman binile kulang iyon para kung maging maganda ang paglaki ay gawin kong Materyales.anak kasi ng sabihin nanating imported,sa patuloy na paggamot ng anak ko umimpis na ang muka nila di naman inopera at pinadala kupa sa vetirinaryo,sabi nya ay galing na.
    ngayon mga cockmate silay 7 month masigla at matso kahit Bulag. ang tanong kulang ho sa inyo kung sila bay puede kupang gawing Broodstag o katsaw sa kasama nilang mga Pullets? sapalagay ho ninyo mamamana kaya ng anak nila yung sakit ng ama nila? sana ho matulungan din ninyo ako sa tanong kong ito
    Last edited by albertmar1953; March 5th, 2010 at 12:23 AM.

  19. #19
    Senior Member Edwin7765's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    761
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Quote Originally Posted by Desert Hawk
    Kabayan, buksan mo yung link.. nandyan na yung sagot sa tanong mo.

    http://www.youtube.com/user/tsunamib...15/nwUDLkjRcH4
    Maraming salamat po sir sa napakagandang info

  20. #20
    Senior Member Desert Hawk's Avatar
    Join Date
    Dec 2009
    Location
    Dammam/Malilipot, Albay
    Posts
    879
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Quote Originally Posted by albertmar1953
    magandang araw ho mga cockmate nangyari din hosa 2 kong sisiw iyan mga 2.5 month palang ang idad nila dinapagaling ng gamot dahil siguro di napansin agad ng bata ko tumigas na ang sipon sa loob,hanggang sa nabulag pareho ang 2 kong sisiw,tig kabilang mata lang naman binile kulang iyon para kung maging maganda ang paglaki ay gawin kong Materyales.anak kasi ng sabihin nanating imported,sa patuloy na paggamot ng anak ko umimpis na ang muka nila di naman inopera at pinadala kupa sa vetirinaryo,sabi nya ay galing na.
    ngayon mga cockmate silay 7 month masigla at matso kahit Bulag. ang tanong kulang ho sa inyo kung sila bay puede kupang gawing Broodstag o katsaw sa kasama nilang mga Pullets? sapalagay ho ninyo mamamana kaya ng anak nila yung sakit ng ama nila? sana ho matulungan din ninyo ako sa tanong kong ito
    Kabayang Albert, base sa mga nabasa kong mga babasahin, ang mga namamana sa pagpapalahi ay yung mga sakit na di gumagaling, paguugali, at itsura ng palahiin. Kung sa tingin mo totally recover na ang stag mo, sa tingin ko ay pwede mo syang gamitin. Pero kung duda ka sa kalusugan nya, wag na lang kasi baka sa huli ka pa magsisi. As much as possible kasi, yung materyales na gagamitin mo lalo na kung pangmalakihang laban ang pinaghahandaan mo ay well grown at di nanggaling sa sakit. Masyadong magastos magbreeding so dapat aware tayo sa lahat ng bagay..

  21. #21
    Senior Member albertmar1953's Avatar
    Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,248
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    salamat kabayang Desert Hawk sa impormasyon mo talagang napakagastos ng magpalahi at nararanasan ko, marami pa naman akong ibang BC. kaya balak ko itry ko magkaanak sila kahit tigkaunti lang tapos tigil ko hanggang ma try ko ang mga anak nila. kung magkasakit din tulad ng ama nila saka ko didisisyunan ,salamat talaga ng marami kabayan sa pagmamalasakit mo.

  22. #22
    Member fowlfox_denan's Avatar
    Join Date
    Mar 2008
    Posts
    108
    Post Thanks / Like

    Arrow Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Try m Try m gamitin docxylac tablet and trisolak tablet alternate mo docxylac next day trisolac isubo m for one week at gagaling yan

  23. #23
    Senior Member Desert Hawk's Avatar
    Join Date
    Dec 2009
    Location
    Dammam/Malilipot, Albay
    Posts
    879
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Quote Originally Posted by albertmar1953
    salamat kabayang Desert Hawk sa impormasyon mo talagang napakagastos ng magpalahi at nararanasan ko, marami pa naman akong ibang BC. kaya balak ko itry ko magkaanak sila kahit tigkaunti lang tapos tigil ko hanggang ma try ko ang mga anak nila. kung magkasakit din tulad ng ama nila saka ko didisisyunan ,salamat talaga ng marami kabayan sa pagmamalasakit mo.
    No problem sir.. most welcome.. ako naman ay wala pang farm, basa basa lang ng mga babasahin tungkol sa pagmamanok para makapulot ng pointers.. Para pag pinasok natin yung breeding atleast ready tayo..

    Mahirap ang puro experiment e.

  24. #24
    Senior Member Edwin7765's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    761
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    up ko lang po para makita. Magandang araw po sa inyong lahat

  25. #25
    Senior Member Edwin7765's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    761
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Quote Originally Posted by fowlfox_denan
    Try m Try m gamitin docxylac tablet and trisolak tablet alternate mo docxylac next day trisolac isubo m for one week at gagaling yan

  26. #26
    Senior Member
    Join Date
    Dec 2009
    Posts
    1,600
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Quote Originally Posted by Rommel Miguel
    ako rin, dalawang manok ko na ang nagkasipon.. 5 days ng gumagamit ng amtyl pero wala pa ring pagbabago..

    any other medication that you guys can advice.. thanks in advance..
    dahon ng luyang dilaw,bawang,luya at gata...okey na yan sa manok mo..

  27. #27
    Senior Member cris trinidad's Avatar
    Join Date
    Sep 2004
    Posts
    583
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Quote Originally Posted by Rommel Miguel
    ako rin, dalawang manok ko na ang nagkasipon.. 5 days ng gumagamit ng amtyl pero wala pa ring pagbabago..

    any other medication that you guys can advice.. thanks in advance..
    Vetracin capsule lang for three days tanggal yan...

  28. #28
    Senior Member Edwin7765's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    761
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    Quote Originally Posted by warley
    dahon ng luyang dilaw,bawang,luya at gata...okey na yan sa manok mo..
    Maraming salamat po sir sa inputs nyo. For info magaling na po sya

  29. #29
    Member
    Join Date
    May 2014
    Location
    antipolo
    Posts
    49
    Post Thanks / Like

    Re: Namamaga Ang Mukha Dahil Sa Sipon

    ung sakin nmn 4 months na bigla nlng namaga ang muka at bigla sinipon bakit gnun pag pakain ko ng hapon ok pa sia no problem sa lahat pag gising ko papakainin ko na sia napansin ko maga na ang muka nia at may sipon bakit gnun anu kayng maganda at mabisang gamot ung maayos at sure para sa 4 months po ah salmat mga kakmeyts

Similar Threads

  1. Namamaga ang mukha at paa?
    By dmtred in forum Filipino Discussions
    Replies: 1
    Last Post: March 9th, 2011, 06:53 PM
  2. Replies: 16
    Last Post: April 25th, 2006, 04:18 PM
  3. namamaga ang mukha ng manok
    By alwenfrancis@ya in forum Usapang Manok
    Replies: 3
    Last Post: January 29th, 2006, 01:13 AM
  4. Namamaga ang mukha pero walang sipon
    By juggernaut in forum Usapang Manok
    Replies: 12
    Last Post: November 19th, 2005, 02:55 AM
  5. namamaga ang mukha ng mga sisiw ko!
    By sandixph in forum Usapang Manok
    Replies: 3
    Last Post: August 7th, 2004, 12:58 AM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •