Page 1 of 88 1234561151 ... LastLast
Results 1 to 30 of 2622

Thread: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

  1. #1
    Cyberfriends cccforevergold's Avatar
    Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,336
    Post Thanks / Like

    Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    mga kasabong share nyo naman mga alam ninyo kontra balahibo like sabi nga nila lasak sibil talisain na darakpin. lasak daw lamang sa talisayin. mga kaliskis senyal, patok na kulay pag full moon atbp. Atty art de castro in tandem with mr ed apari dalawa old timers sa sabong na kakasolo wsc champion alam ko believers dun. baka po may ma i share kayo. may naniniwala may hindi wala naman masama kung mai share natin. salamat po.

  2. #2
    Member AMP's Avatar
    Join Date
    Mar 2009
    Location
    Dubai UAE
    Posts
    122
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    Nice Thread... Up lang para makita.
    Hope Hindi mapasukan ng kalokohan.

    peace to all

  3. #3
    Member BINABAE's Avatar
    Join Date
    Jan 2006
    Location
    Quezon City, Phil
    Posts
    346
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan


    Tuwing umpisang pabilog ang buwan, swerti ang pulang linaw, dalusapi, binabae, yan ang nasundaan ko base sa mga nailaban ko at bulag na manok

    kapag bilog na at malaki na malas yung puti paa , pulang linaw na me katig sa buntot, talisain na green leg, heto pa yung mga kupas ang balahibo eh lagalag din pero bwenas yung mga mayahin.

    Di ko lang alam sa iba pero ito yung nasundan at karanasan ko sa laban ng mga nailaban ko kailan lang na manok ko

    cheers
    Last edited by BINABAE; June 10th, 2010 at 08:57 PM.

  4. #4
    Member darkhorse's Avatar
    Join Date
    Jul 2006
    Posts
    93
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    up natin...baka may mag share pa..

  5. #5
    Senior Member wrigleycanada's Avatar
    Join Date
    Feb 2004
    Location
    Tugtug
    Posts
    3,284
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    Kapag naiputan ka ng ibon or manok, punta ka sa sabungan at mananalo ka. Kapag nanaginip ka ng nanalo ang manok mo ay wag mo nang ituloy at malamang na matalo ka.

  6. #6
    CyberFriends JFK's Avatar
    Join Date
    Sep 2000
    Posts
    951
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    yung patok na senyal na matibay e yung natuka ng 2 sa huli...hehe...joke...joke.

  7. #7
    Member Univers5's Avatar
    Join Date
    Apr 2006
    Posts
    307
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    Quote Originally Posted by wrigleycanada
    Kapag naiputan ka ng ibon or manok, punta ka sa sabungan at mananalo ka. Kapag nanaginip ka ng nanalo ang manok mo ay wag mo nang ituloy at malamang na matalo ka.
    wrigs ganun ba yun diretcho na ng sabungan d na maliligo hehe joke lang po

  8. #8
    Senior Member wrigleycanada's Avatar
    Join Date
    Feb 2004
    Location
    Tugtug
    Posts
    3,284
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    Quote Originally Posted by Univers5
    wrigs ganun ba yun diretcho na ng sabungan d na maliligo hehe joke lang po
    Ganun na nga. Bwenas ka nyan mapatrabesiya or maglalaban ka ng manok.

  9. #9
    Member ernie67's Avatar
    Join Date
    Mar 2009
    Posts
    266
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    ito ang sinulat ni art de castro new moon & first quarter moon kapag madilim ang gabi swerte ang dark legged at dark ang balahibo pag full moon &last quarter paka maliwanag ang gabi swerte ang wl , ylat light colored rooster

  10. #10
    Cyberfriends cccforevergold's Avatar
    Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,336
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    sir ano po ang description ng pulang linaw na manok? marami salamat po sa mga nagcontribute. ika nga napakarami ways to enjoy sabong kanya kanya lang talaga, walang bawal paniwalaan basta walang panlalamang sa kapwa.

  11. #11
    Senior Member cris trinidad's Avatar
    Join Date
    Sep 2004
    Posts
    583
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    Quote Originally Posted by cccforevergold
    sir ano po ang description ng pulang linaw na manok? marami salamat po sa mga nagcontribute. ika nga napakarami ways to enjoy sabong kanya kanya lang talaga, walang bawal paniwalaan basta walang panlalamang sa kapwa.

    wine red....

  12. #12
    Cyberfriends cccforevergold's Avatar
    Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,336
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    marami salamat po, dark red na dalusapi po o pati mayahin?

  13. #13
    Member MauMiraSoc's Avatar
    Join Date
    May 2008
    Posts
    194
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    Quote Originally Posted by ernie67
    ito ang sinulat ni art de castro new moon & first quarter moon kapag madilim ang gabi swerte ang dark legged at dark ang balahibo pag full moon &last quarter paka maliwanag ang gabi swerte ang wl , ylat light colored rooster
    kung naniniwala ka dito sa post mo, tignan mo muna itong phases ng moon bago ka magschedule ng laban ng manok mo.
    ito ang pinagababasehan ko ng laban ng mga manok ko, base sa kulay at phase ng moon.
    maaring hindi totoo pero wala naman mawawala kung susunod ka sa pamahiin.
    http://www.woodlands-junior.kent.sch.uk/time/moon/


    regards,
    mau

  14. #14
    Senior Member gibo's Avatar
    Join Date
    Jan 2008
    Posts
    573
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    Quote Originally Posted by cccforevergold
    sir ano po ang description ng pulang linaw na manok? marami salamat po sa mga nagcontribute. ika nga napakarami ways to enjoy sabong kanya kanya lang talaga, walang bawal paniwalaan basta walang panlalamang sa kapwa.
    red rooster na white legs.

  15. #15
    Member tupada 33's Avatar
    Join Date
    Apr 2005
    Posts
    207
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    Yes, sir gibo
    Makishare din

    Sa Bulacan
    Pulang linaw - Red rooster na white leg
    Dalusape - Red rooster na yellow leg
    Sa Laguna or batangas
    Basta sinabi dalusape it is either white or yellow leg

    Good day sa lahat!
    Erwin

  16. #16
    Member CyroneCyche's Avatar
    Join Date
    Dec 2009
    Location
    Bulacan
    Posts
    273
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    Skin,pag nglaban ang Bulik at talisain....lamang sa panalo ang bulik......
    PUti at talisain...lamang ang Puti
    Talisain at Binabae...lamang ang Talisain
    Binabae at abuhin...lamang ang binabae.

    UNg iba kse sumasablay eh,kaya yan lng ang sinusunod ko....
    hindi pa ako,natatalo sa taribisya pag ganyan ang labanan,bihira tlga ang lumusot ang kalaban....

    ewan ko lng sa iba!....kse base lng po un sa obserbasyon ko sa pagsasabong....

  17. #17
    Senior Member dick bais's Avatar
    Join Date
    Dec 2006
    Location
    TEL-AVIV,ISRAEL
    Posts
    649
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    Pag bilog ang buwan sigurado ang panalong bulik sa experience ko lang.
    Madam wregs kung maiputan ka ng ibon hindi ka ba magiging bato?

  18. #18
    Senior Member
    Join Date
    Dec 2009
    Posts
    1,600
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    kami naglaban minsan ng isang itim na manok...sabi ng isang kasamahan
    namin ihanap daw namin ng puti kasi di daw nananalo ang puti sa itim
    at nagkataong wala "DAW BUWAN" noon kaya panahon ng mga dark
    fowl...inilaban nga namin sa puti kahit medyo malaki iyong puti...
    at sa awa ng diyos dalawang salto lang ng puti dapa na iyong amin...
    resulta di man lang nagalusan ang puti...

  19. #19
    Senior Member cat_jho's Avatar
    Join Date
    Nov 2007
    Posts
    1,216
    Post Thanks / Like

    Thumbs up Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    up up up up up up up up up up up

  20. #20
    Cyberfriends cccforevergold's Avatar
    Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,336
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    a friend texted me talisay daw lamang sa binabae kasi di kaya akyatin ng babae ang bundok ng talisay

  21. #21
    Member Bayblade's Avatar
    Join Date
    Jul 2003
    Posts
    142
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    Patok sa laban ang ALIMBUYUGIN kapag kabilugan ng buwan o full moon. Kaya nitong lupigin ang SINIBALANG dahil kayang patayin at lamunin ng bubuyog ang balang sa ganitong pagkakataon.

    Patok ang MALATUBA kontra ALIMBUYUGIN at MAYAHIN dahil madaling malasing sa tamis ng tuba ang bubuyog at maya.

    Patok ang ABUHING PULA kontra MAYAHIN dahil kayang apuyan at gawing abo ang isang maya. Pero kayang palisin ng BINABAE ang ABUHIN dahil winawalis lang ng isang babae ang bunton ng abo sa dapugan.

    Patok sa laban ang MAYAHIN kontra BULIK dahil ugali ng maya na tukain at kainin ang palay sa bukid na siyang sumasagisag sa kulay ng bulik.

    Patok ang TALISAIN kontra BINABAE dahil hirap umahon at umakyat ang isang babae sa bundok at puno ng Talisay. Pero daig ng MALATUBA ang TALISAIN dahil ang niyog na pinagmumulan ng tuba ay tumutubo sa kabundukan ng Talisay.

    Patok ang DALUSAPING DILAW-PAA kontra ABUHIN dahil lahat ng bagay bago maging abo ay dapat munang tupukin ng apoy. Nagsisilbing apoy ang DALUSAPING DILAW-PAA samantalang ang ABUHIN ay nanatiling abo lamang.


    Daig ng MALATUBA ang MAYAHING LASAK, DALUSAPI, TALISAIN, PUTING SAMPAGAHIN, BULIK NA PULA at ABUHIN. Mapapansin na tuwing kabilugan ng buwan pumapatok ang ALIMBUYUGIN. Mahirap ding talunin ang TALISAING ITIM-PAA sa unang tatlong araw mula kabilugan ng buwan.

    Patok sa laban ang PUTI kontra HIRAW sa bandang umaga. Ngunit angat sa laban ang HIRAW kontra PUTI pagdating ng hapon. Ang puti na sagisag ng tubig ay kayang painitin ng araw sa umaga hanggang tanghali subalit lumalamig na ito banding hapon o paglubog ng araw.
    Lalong walang laban ang PUTI kontra HIRAW kung gabi dahil daig ng tulisan, na sumasagisag sa hiraw , ang pari na nakasutana ng puti sa loob ng kumbento.

    Patok ang MAYAHIN kontra TALISAIN. Nililipad lamang ng maya ang bundok ng Talisay at kayang dapuan ang pinakamataas na puno ng Talisay.

    Patok ang MAYAHIN at BULIK kontra PUTING TAGAKIN. Pero kayang lupigin ng PUTING TAGAKIN ang kahit anong kulay ng kalaban maliban sa dalawang nabanggit.

  22. #22
    Member Bayblade's Avatar
    Join Date
    Jul 2003
    Posts
    142
    Post Thanks / Like

    Wink Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    Ito Pa Kapag June 16 2010 Patok Ang Dalusapi Hinog Manga Number 13 Siya Sa Oras Ng
    11:am Up 11:57 Pm

  23. #23
    Cyberfriends cccforevergold's Avatar
    Join Date
    Feb 2005
    Posts
    1,336
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    maraming salamat sir bayblade sa mga post mo napakainformative and amusing as well dahil sa mga kaakibat na paliwanag. Sa mga hindi po nakakaalam ay ako po ang host ng san juan coliseum derby time sa solar sports destiny cable every mondays wednesdays and saturdays ala una po iyon. at napaka ganda topic of discussion din ang mga beliefs natin sa kulay ng manok sa paglalaban. sabi ko nga lagi dami ways to enjoy sabong kanya kanya yan and nobody could say mali tayo tama sila or what mahalaga enjoy natin ang sabong. would surely include sa mga susunod episodes ang naipon ko information here. marami salamat po and keep on posting.

  24. #24
    Member Bayblade's Avatar
    Join Date
    Jul 2003
    Posts
    142
    Post Thanks / Like

    Wink Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    Sa June 19&20 Patok Ang

    Lasak - Yl Score 13
    Malatuba- Yl Score 13
    Talisayen-bl,gl .score 14, Sa Oras Ng 5:07 Up 8:24 Pm


    Sa Susunod Tayo Nnman BALATUAN NYO NLANG AKO......HEHEHEHHEH
    Last edited by Bayblade; June 13th, 2010 at 12:57 AM.

  25. #25
    Senior Member
    Join Date
    Dec 2009
    Posts
    1,600
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    Quote Originally Posted by Bayblade
    Patok sa laban ang ALIMBUYUGIN kapag kabilugan ng buwan o full moon. Kaya nitong lupigin ang SINIBALANG dahil kayang patayin at lamunin ng bubuyog ang balang sa ganitong pagkakataon.

    Patok ang MALATUBA kontra ALIMBUYUGIN at MAYAHIN dahil madaling malasing sa tamis ng tuba ang bubuyog at maya.

    Patok ang ABUHING PULA kontra MAYAHIN dahil kayang apuyan at gawing abo ang isang maya. Pero kayang palisin ng BINABAE ang ABUHIN dahil winawalis lang ng isang babae ang bunton ng abo sa dapugan.

    Patok sa laban ang MAYAHIN kontra BULIK dahil ugali ng maya na tukain at kainin ang palay sa bukid na siyang sumasagisag sa kulay ng bulik.

    Patok ang TALISAIN kontra BINABAE dahil hirap umahon at umakyat ang isang babae sa bundok at puno ng Talisay. Pero daig ng MALATUBA ang TALISAIN dahil ang niyog na pinagmumulan ng tuba ay tumutubo sa kabundukan ng Talisay.

    Patok ang DALUSAPING DILAW-PAA kontra ABUHIN dahil lahat ng bagay bago maging abo ay dapat munang tupukin ng apoy. Nagsisilbing apoy ang DALUSAPING DILAW-PAA samantalang ang ABUHIN ay nanatiling abo lamang.


    Daig ng MALATUBA ang MAYAHING LASAK, DALUSAPI, TALISAIN, PUTING SAMPAGAHIN, BULIK NA PULA at ABUHIN. Mapapansin na tuwing kabilugan ng buwan pumapatok ang ALIMBUYUGIN. Mahirap ding talunin ang TALISAING ITIM-PAA sa unang tatlong araw mula kabilugan ng buwan.

    Patok sa laban ang PUTI kontra HIRAW sa bandang umaga. Ngunit angat sa laban ang HIRAW kontra PUTI pagdating ng hapon. Ang puti na sagisag ng tubig ay kayang painitin ng araw sa umaga hanggang tanghali subalit lumalamig na ito banding hapon o paglubog ng araw.
    Lalong walang laban ang PUTI kontra HIRAW kung gabi dahil daig ng tulisan, na sumasagisag sa hiraw , ang pari na nakasutana ng puti sa loob ng kumbento.

    Patok ang MAYAHIN kontra TALISAIN. Nililipad lamang ng maya ang bundok ng Talisay at kayang dapuan ang pinakamataas na puno ng Talisay.

    Patok ang MAYAHIN at BULIK kontra PUTING TAGAKIN. Pero kayang lupigin ng PUTING TAGAKIN ang kahit anong kulay ng kalaban maliban sa dalawang nabanggit.
    kakmeyt anong kulay naman ng balahibo ang pwedeng ilaban sa lahat ..sa lahat ng oras?
    kung meron man..

  26. #26
    Senior Member Eddie go's Avatar
    Join Date
    May 2005
    Location
    San Jose, California
    Posts
    5,902
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    WOW, Bayblade para akong biglang bumalik ng panahon na ako ay bata pa na taga hawak lamang ng manok sa ulutan sa Mandaluyong " Sabongan Bagong Silang " Shaw Blvd pagkalampas ng Jose Rizal College na University na ngayon.

    Lasak Sibil, Talisayin darakipin, hehehe.

    Puti ay Tagak na kakainin ang Bulik na Pula na parang hipon na luto na.

    Alimbuyugin ( bubuyog ) tatalunin ang Puti ( bulaklak ) dahil dadapuan ito ng bubuyog, hehehe.

    Si Man Sayas na kapitbahay namin noon ay # 1 na mapamahiin pagdating dito at si Mang Inong naman ay 90% na dehadista ay nagsasabong kung ang buwan ay first Quarter( para bang suklay ) at ito daw ay para sa mahilig sumahod ng logro sa sabongan, hehehe.

    Sa gagaling ng mga manok ngayon sa atin ay hindi kona pinagtatapunan ito ng pansin.

    Kung sakali ang sinusunod ko lamang ay kapag lumakad ang REGLA ng isang kulay gaya ng SWERTE ANG TALISAYIN o malas ito. Pero bukod dito ay wala na.

    Eddie
    Last edited by Eddie go; June 13th, 2010 at 03:55 AM.

  27. #27
    Member NANI's Avatar
    Join Date
    Jul 2007
    Posts
    141
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    Quote Originally Posted by warley
    kami naglaban minsan ng isang itim na manok...sabi ng isang kasamahan
    namin ihanap daw namin ng puti kasi di daw nananalo ang puti sa itim
    at nagkataong wala "DAW BUWAN" noon kaya panahon ng mga dark
    fowl...inilaban nga namin sa puti kahit medyo malaki iyong puti...
    at sa awa ng diyos dalawang salto lang ng puti dapa na iyong amin...
    resulta di man lang nagalusan ang puti...
    kami naman naglaban sa tupada abuhin sa amin, pero malaki nilabanan kami ng medyo maliit kasi daw umaambon, sabi nila talo ang abuhin pag umaambon kasi namamtay ang baga, kaya lang sa laki ng baga d kinaya patayin ng ambon hehehehe durog manok nila

  28. #28
    Senior Member juan sabungero's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    sampaloc manila/ infanta quezon/ cerritos & buena park, california usa
    Posts
    4,518
    Post Thanks / Like

    Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    napanood ko kanina yun interview kay Atty art de castro in tandem
    with mr ed apari sa hataw pinoy

    sabi nga ng dalawa walang kasiguraduhan ang mga senyales pang
    palakas loob lang

    abangan ninyo sa youtube ng hataw pinoy at ipo-post nila iyon within
    this week

    lunar calendar kung gusto ninyong pag aralan. advice lang sa akin
    ng isang matandang sabungero huwag maniwala

    http://i26.photobucket.com/albums/c1...gCalendar1.jpg

    sa regla ako ay naniniwala pa. kailangan lang matunog ka at
    marunong bumasa kung anong regla ang lumalabas kundi bulsa mo
    ang duduguin bwahahaha

    .

  29. #29
    Member Bayblade's Avatar
    Join Date
    Jul 2003
    Posts
    142
    Post Thanks / Like

    Wink Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    maari din namang manalo ang manok na wala sa panahon basta itoy nakakalamang sa laki,kondisyon,quality at regla sa rweda dahil may 25 percent winning chance sila sa laban. araw araw nagbabago ang galaw ng manok depende sa pagasikaso o pagkondisyon, magkamali lang tayo at di tumugma sa schedule ng laban maging sa pag pointing ay maari tayong matalo. lahat ngayon ng mga cockers at breeders ay mahusay na sa tulong ng sensya.


    Maraming salamat po

  30. #30
    Member Bayblade's Avatar
    Join Date
    Jul 2003
    Posts
    142
    Post Thanks / Like

    Wink Re: Kontra Balahibo, patok na senyal at kulay ayon sa buwan

    paalala sa lahat di lahat ng nakakabasa ay nakakaunawa kailangan parin ang malalim na pagaaral.hindi lahat ng nakatala ay 100% accurate minsan din ay nababaliktad may karapatan ding manalo ng 45% ang kalaban lalo na kong ito ay maayos at malakas ang kargada sa kadahilanan una,kalidad ng manok,ikalawa maayos na kondisyon,ikatlo buwenas sa araw ng paglaban wala kang problema,ikaapat maayos na mananari di nasosohulan ng kalaban pati sentensiyador,panlima ay ang tumatakbong regla sa ruweda.HEHEHHEHEHEHHEH

    MARAMING SALAMAT POOOOO

Similar Threads

  1. Replies: 51
    Last Post: April 14th, 2014, 12:38 AM
  2. Senyal Na Patok Sayo...
    By HGYREDSTALLION in forum Usapang Manok
    Replies: 235
    Last Post: January 14th, 2014, 11:47 PM
  3. kulay ng balahibo?
    By kaManok in forum Usapang Manok
    Replies: 31
    Last Post: December 1st, 2012, 04:12 PM
  4. kalendaryo at kontra balahibo
    By thomas12345 in forum Usapang Manok
    Replies: 22
    Last Post: July 12th, 2011, 06:41 PM
  5. KONTRA PELO o KONTRA BALAHIBO
    By sonny_padilla in forum Usapang Manok
    Replies: 2
    Last Post: January 30th, 2004, 08:16 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •