Page 1 of 114 1234561151101 ... LastLast
Results 1 to 30 of 3393

Thread: asinta ng tari

  
  1. #1
    rollyramos
    Guest

    asinta ng tari

    sa pinoy long knife /tradisyunal o socket knife,------ inaasinta sa loob ng tuhod(pumapatay),
    inaasinta sa puwet ang dulo ,sa gitna,sa gilid,(pumapatay)
    inaasinta ng 1:00 oclock,1:30.,at 2o oclock pumapatay.
    inaasinta na bumabay bay sa kaling kingan o prop toe(pumapatay)
    inaasinta ng alas dose na inihihiga ng kaunti ang talim (pumapatay.

    sa kano (amerkano) short knife o 1"inch knife---- inaasinta ng pabalagbag ayon sa direksyon ng tahid,(pumapatay)

    ang punto ng asinta--- mula alas dose (12:00 oclock) hanggang alas dos y medya(2:30 oclock ) ay pumapatay.minsan maging ang alas tres(3:00 oclock ay pumapatay)

    pero bakit may mga mananari na halos ayaw lumayo ang asinta sa tabi ng prop toe o kalingkingan??

    mula sa isang kaibigan ang kaalaman na ito na napag usapan namin na tinangkilik ko dahil napatunayan ko na totoo,

    ayon sa kanya ang pag tatari ay depende sa linyada ng panabong,na tulad din halos ng paliwanag ko na depende sa istilo o laro ng panabong, kung tutuusin medyo kontra dahil sya sa bloodline at ako sa performance,

    paigsiin na natin***... ang manok ay pumapalo depende sa laro nya at sa lahi nya,ang mga manok na me pagka duwag ay patulak pumalo at ang matatapang ay pahablig pumalo.

    kung ang matatapang na manok ay tinarian mo ng asintang 12:00 or 1:00 malamang hirap sumugat dahil pasampal ang patama. dapat na asinta sa tahid ang mga pahablig na palo at asintang 1:00 ang patulak na palo.

  2. Thanks Maebel peduca thanked for this post
  3. #2
    rollyramos
    Guest
    suma tutal,,madalas na ang mananari sa sabungan ay umaasinta sa puwet o dikit sa prop toe, kaya kung ang manok mo ay pahablig pumalo napakatagal makapatay,pero kung ang manok mo ay pataga/pamasahe o patulak pumalo ay mabilis makapatay,

    kung sa tahid ka naman umasinta at patulak mamalo ang manok mo tiyak panay pa sampal ang patama ng tari at di makasugat halos,ngunit kung ang asintang ito ay sa manok na pahablig mamalo ay papasok lahat ng palo.

    ang mga manok na kulang sa tapang ay padepensa mamalo,madalas na pabangga/patulak/unat ang paa/o parang namimisikleta,madalas ay talampakan o kuko /pakalmot ang intensyon ipatama.

    ang manok na matapang ay pahablig mamalo/wallop/pasakyod o iba pang posisyon na ang interes ay ipatama ang tahid.

    sabi nga ng kaibigan nag turo nito sa akin, kung ikaw rolly ay mananakit kung naging manok ka diba kamao ang ipapatama mo na gaya sa tahid,
    pero kung takot kang manakit at hindi ka gigil,malamang amba o pasampal ang gawin mo tulad sa manok na mahina ang loob na unat ang paa kung mamalo .

  4. #3
    rollyramos
    Guest
    suma total---- ang asinta ng tari ay depende kung paano mamalo ang manok mo,dahil kapag tama ang asinta mo lahat ng palo ay papasok,kapag mali ang asinta mo sa uri ng palo ng manok mo tiyak pekete at daplis ang pasugat mo.

    kahit sinong pinakamagaling na mananari ay matatalo kung hindi nya mai ayon ang asinta sa klase ng palo ng tatarian nya,
    yan ang dahilan kung bakit nakikita natin na napakaraming ipinalo ng manok pero hindi makapatay,at nakakakita rin tayo ng isang palo lang shoot ,dahil nag tugma ang asinnta nya sa uri ng palo ng manok,

    hindi dahilan ang short cutter o poor cutter na manok dahil lahat ng inilalaban ay pinupustahan at pinile ang mga manok na ito.palusot nalang yan na isinisisi sa manok kung pumalo ng maganda pero hindi nakasugat o nakapatay.:hippie:

  5. #4
    rollyramos
    Guest

    eto pa isa

    ang mga pinoy ay ayaw lumayo sa asintang dikit sa kalingkingan o tuwid na tila nasa likod ang tari na nakalinya ng ala una o higit ,nasanay na kasi sila sa asinnta ng mga native na panabong noon na tirang takot.patulak,pakalmot at bumabangga ng padepensa.dito tumutugma ang asintang dikit sa proptoe o kalingkingan, naglaon ay naging mistiso ang lahi kaya may pumapalo na rin ng pahablig, nag play safe ang mananari kaya umasinta sa gitna o pagitan ng distansya ng binti o sa puwet.

    ang mga amerkano na matatapang ang manok., na ginagamitan ng 1"inch knife ay naka asinta o nakaayon ang tari sa tahid dahil matatapang ang amerkanong manok.pahaklit at pahablig mamalo,palong tahid ang pinatatama,hindi sila nag asinta ng nakadikit sa kalingkingan,lagi sa tahid naka kabit ang socket o booth.
    (pagod na ko tipa)para sa inyo yan subukan nyo:hippie:

  6. #5
    Senior Member reongmanchi63's Avatar
    Join Date
    Jul 2003
    Location
    USA
    Posts
    828
    Post Thanks / Like

    Kumusta na ho Ka Rolly?

    Ka Rolly,
    Kumusta na ho? May mga hennie pa ba kayong produce ngayong taon na ito?Pasyal ako sa inyo pag-uwi ko dyan ngayong Dec. Baka dalhin ko yung mga bisita ko sa lugar nyo.

  7. #6
    Senior Member
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    1,139
    Post Thanks / Like
    ayon ako sa sinabi mong ang manok na maypagkaDUWAG PATULAK kung pumalo at PAHBLIG na pahatak ang palo ng matapang na manok.

  8. #7
    edmundo
    Guest
    alryyyyt! mga kasabong, si rolly ramos po ay magiging regular na commentator na sa programang sultada - kung sana ay hindi na niya muna itataas ang kanyang talent fee hehehe

  9. #8
    sandixph
    Guest

    baka dumami ang chicks!

    naku boss rolly baka hindi ka payagan ni misis paniguradong maraming magkakagustong chicks sayo! boss rolly thanks nga pala don sa hennie na galing sa inyo isinama ko na sa inahin ko. sana makilala mo pa rin kami kahit sikat kana!

  10. #9
    oman_cock
    Guest
    boss rolly
    ano naman ibig sabihin ng ibang mananari bakit may ibang sukat o laki ng pangalang kasi yong iba nakikita ko bago ikabit ang tari namimile sila ng pangalang paano ba ang paggamit?

  11. #10
    CyberFriends Maning's Avatar
    Join Date
    Feb 2001
    Location
    Babuyan Island
    Posts
    2,856
    Post Thanks / Like

    Thumbs up Asinta ng tari

    Ka Rolly,

    Marami akong natutunan sa yo. Ituloy mo pa. TY.


    maning

  12. #11
    CyberFriends
    Join Date
    Aug 2001
    Posts
    469
    Post Thanks / Like
    dapat pati paghahasa paki turuan mo rin ka rolly yang si maning at palaging mapurol ang tare na ikinakabit niyan...
    parehas

  13. #12
    CyberFriends rebel's Avatar
    Join Date
    Sep 2000
    Location
    VIZMIN
    Posts
    2,330
    Post Thanks / Like
    Ka Rolly,
    Kumusta na?
    Medyo kulang lang sa swerte ang entry mo last May 8. Baguhan din ako sa pagtatare pero hindi rin nalalayo ang concept ng alignment ng asinta ko na ginagamit dahil marami din gaffer ang nag turo sa akin ng asinta na ginagamit nila. Si purol (Maning) na lang ang hinihintay ko na turuan ako pero hanggang ngayon ay di pa rin ako pinagbigyan hehehe .

    SA paghahasa naman ng tare ang gusto ko malaman kasi medyo may kalayuan sa akin ang tagahasa ng tare kaya nagpabili ako at binigyan ng mga kaibigan ng hasaan (honing stone). Paano po ba ang tamang pag hasa using honing stone ng tare na balak mo pang gamitin ulit sa araw ng derby na yun. Marami kasi ang nagturo sa akin kung paano pero kung minsan ay hindi naman epektibo lahat. Pag nabungi na ang tare ay hinahasa ko using diamond steel from (Rigolletto) and sa finishing naman ay ginagamit ko ang Cesario at newboy finishing stone. Ang sawala at Henry honing stone ay ginagamit ko naman pag kailangan ko ng talim sa tare.

    Pag nasa tarian na ang mga kilalang gaffer ay tinitingnan ko na lang kung paano nila ginagawa ang final touch sa kanilang tare bago ikabit at pati asinta ay tinitingnan ko na rin. Kanya kanyang estilo ng pag hasa ang nakikita ko. May style na galing sa itaas (top) ang tare ay nilapapat sa hasaan pababa at ganun din sa kabilang side ng tare. Hirap e -explain dito ang style ng iba pero nakikita ko na kanya kanya talaga ng style ang gaffer.

    Ibig sabihin 2 klase lang ang palo ng manok? Eto ay pahablig at patulak? Ang pagkiskis ng manok ba ay pahablig ang tawag doon? Paano kung ang style ng manok mo ay patulak at pahablig ang palo,paano mo iasinta ang tare?

    Salamat

  14. #13
    Senior Member banderado84's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Location
    tabi2
    Posts
    999
    Post Thanks / Like

    gandang tred....

    ....makiki tiltil na rin ako heheh....paano naman kaya ang magandang pag testing kung ang tari mong inihasa ay napatalim mo na....ibaiba din kasi stayl ng mga batikang mananare....gaya ng pakagat sa kuko, pakagat sa may gilid ng hinlalaking daliri, pakagat sa palad na may kalyuhen heheh, padahisdis sa dulo ng hintuturo, meron din patusok sa kuko pag tsek naman ng tulis or powent, meron pa cguro iba pero alin kaya epektib sa lahat.....baka lahat ?....tenk U....maxB

  15. #14
    CyberFriends jlbs72's Avatar
    Join Date
    Aug 2000
    Posts
    9,789
    Post Thanks / Like
    Reb,

    di yata natin kaya yung presyo ni kasamang purol (maning), hehehe...

  16. #15
    CyberFriends Maning's Avatar
    Join Date
    Feb 2001
    Location
    Babuyan Island
    Posts
    2,856
    Post Thanks / Like

    Talking

    jlbs72 (Joel),

    FREE.. Si 007/ PAREHAS lang ang nagpapatari sa akin. Pero, katakot takot naman na SISI ang inaabot ko kapag matalo ang manok dahil mapurol daw ang mga tari ko. Pero kung manalo, magaling daw ang manok nya :lol:


    maning

  17. #16
    steben_cgal
    Guest



    Pero kahit puro tari mo maning magpapatari pa rin yan si RCERADOY sa iyo...bakit kaya? crush ka siguro Maning bwehehehe...



    :lol:

  18. #17
    CyberFriends bulangero's Avatar
    Join Date
    Mar 2003
    Posts
    394
    Post Thanks / Like
    Walang substitute sa actual experience para matuto magtari pero maganda rin pag-usapan ang theoritical part para madagdagan pa ang kaalaman ng mga gusto matuto magtari.

    Meron po akong gusto itanong. Ano naman po ang magandang asinta para na kahit nakatihaya ang manok ay susugat pa rin?

    Salamat sa mga sasagot.

  19. #18
    Traineee
    Guest
    ako'y makikitanong na rin ....

    - kailan ginagamit ang high point, mid point at low point na tari?

    - gaano ba talaga kahaba ang dapat na gamiting tari ayon sa binti ng manok at sa palo ng manok?

  20. #19
    CyberFriends jlbs72's Avatar
    Join Date
    Aug 2000
    Posts
    9,789
    Post Thanks / Like
    Maning,

    wala ka palang panalo kay roldan, hehehe... C U sa GD 05!

  21. #20
    Senior Member P_U_L_A's Avatar
    Join Date
    Oct 2002
    Posts
    604
    Post Thanks / Like
    makitanong na rin ako.

    ano po ba magandang desinyong tari? saka paki explain na rin bakit maganda.

  22. #21
    rollyramos
    Guest
    low point-----para sa grounder na manok,makise ,ma syapol
    high point----- para sa malipad na manok,angat,salto o mahilig sa ere pumalo

    paliwanag***** low point mababa ang dulo ,ang manok na grounder ay marami pumalo ,gamit ito para mabilis mag labas pasok ang tari dahil medyo tuwid kumpara sa high point.

    paliwanag**** high point mataas ang dulo kung sa ere pumalo ay doble ang lakas kesa sa ground kaya mas malaki ang tsansa na maka hiklat ang talim at pwersa na mahugot agad ang tari.

    mas malakas ang palo sa ere dahil nag sasalubong ang dalawang pwersa ,kumpara sa palo sa ibaba na mas may tsansa na makailag ang pinalo.

    disenyo ng tari___ nasa sa inyo na yan kung saan kayo hiyang,kung para sa akin mas gusto ko ang manipis at makitid pag sa stag ikakabit ,at gusto ko ang malapad at mas mabigat kung sa matanda ikakabit(2taon higit).

    haba ng tari___ depende sa haba ng binti ng manok at sa tuhod mas madalas isinusukat, para sa akin ang 2inches na haba ay sapat na upang pumatay,ang sobrang haba naman ay mas mainam sa salto /angat na manok pero lawas/lagpas ito sa makikising manok o masyapol.

  23. #22
    Senior Member
    Join Date
    Jun 2002
    Posts
    1,126
    Post Thanks / Like
    salamat sa mga paliwanag mo pre. malaking tulong ito para sa mga gustong matututong magtari. dagdag kaalaman na rin ito para sa mga marunong na.



  24. #23
    Senior Member P_U_L_A's Avatar
    Join Date
    Oct 2002
    Posts
    604
    Post Thanks / Like
    salamat Mang Rolly!

  25. #24
    rollyramos
    Guest
    :hippie:

  26. #25
    Member
    Join Date
    May 2004
    Location
    Antipolo
    Posts
    42
    Post Thanks / Like

    Magandang topic po ito ituloy nyo...

    Mr. Rolly Ramos maraming salamat ho sa mga ibinabahagi nyong kaalaman. Marami kami ritong natututo sa mga thread na sinisimulan nyo.Sana ay patuloy nyong ibahagi ang iba pa ninyong karanasan sa pagmamanok.

    Derby Lord,
    Siguro pwede mo namang gamitin yung ignore list mo para di ka masyadong apektado sa mga thread ni Mr. Ramos. Hayaan mo na lang kaming mga gustong matuto ang magbasa kung hindi ka interesado sa mga sinusulat nya huwag mo na lang basahin. Maraming salamat sa pang-unawa.

  27. #26
    rollyramos
    Guest

    akyat lang

    nabuhay kasi ang tread ng tari clinic,nandito ang asinta:hippie:

  28. #27
    kalotski2002
    Guest

    tanong

    bos rolly tanong ko lang ho, ang asinta ba na nakaabay sa tahid ay alas tres at alas dose yung nasa likod ang tari or the other way around? salamat bossing and gud luck sa laban mo sa saturday!:hippie:

  29. #28
    palaweños
    Guest

    Thumbs up Boss RR,

    Ang ganda ng nabuksan nyong thread... Sana laging ganto ng sa gayon kaming mga baguhan ay maraming matutunan....
    Salamat Boss Rolly!

    Palaweños

  30. #29
    a_sasis
    Guest

    Thumbs up

    Boss Rolly, maraming salamat sa post mo, nanalo ako khapon ng dalawang manok sa tupada nga lang, first time kong nagtari, using yung mga sini share mong pointers sa pagtari same with pag asinta as my basis. You're such a big help sming mga baguhan, keep up the good work and more power.

  31. #30
    CyberFriends jon_elasigue's Avatar
    Join Date
    Jul 2004
    Posts
    1,908
    Post Thanks / Like
    Ka Rolly, sarap basahin ang tread na ito lalo na sa gustong matuto sa pagtatari at sa marunong na magtari. Iba pa pala ang posisyon o asinta ng tari. Marami na din akong napanood at kwento sa sabungan ang tungkol sa salpukan at paluan ng mga manok. Nakita ko, lamang na sa palo ang isang llamadong manok pero hindi pa rin patay ang dehado pero nun nagsabayan sa ere ang dalawang manok pagbaba ay bagsak at patay ang llamado. Naka-tira ng magandang palo ang dehadong manok. Ngayun naintindihan ko na, na ang posisyon ng tari ay depende sa performance o paano maglaro ang manok at bloodline. Siguro pareho ang asinta ng tari sa parehong manok (sabi nga ni Ka Rolly ang mga magtatari ay iisa ang estilo ng pag-aasinta halos lahat ay sa puwet o dikit sa prop toe) suma-tutal ang dehadong manok ay kung pumalo ay malayo sa katawan o patulak. Hindi ko man pangarapin ang matutong mag-tari pero i-aaply ko ang mga turo ni Ka Rolly sa mag-tatari ko. Ka Rolly taga-Calamba din ako, ituloy na natin ang ating "Tropang Laguna" at sana maka-rating ako sa inyong farm at makita ko kayo.

Similar Threads

  1. meron bang tamang asinta ng tari talaga?
    By Black Jap in forum Usapang Manok
    Replies: 1161
    Last Post: November 24th, 2014, 07:09 PM
  2. Asinta ng tari (modern method)
    By bladeguz in forum Usapang Manok
    Replies: 5
    Last Post: January 16th, 2013, 12:33 PM
  3. Asinta sa kanang tari!
    By 423focus in forum Usapang Manok
    Replies: 2
    Last Post: July 17th, 2012, 07:34 PM
  4. pinakamabilis pumatay na asinta ng tari
    By minas emmanuell in forum Usapang Manok
    Replies: 0
    Last Post: April 6th, 2006, 01:07 PM
  5. Tamang paglagay at asinta ng tari...
    By bymbo_68 in forum Usapang Manok
    Replies: 5
    Last Post: October 29th, 2005, 03:59 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •