Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 30 of 82

Thread: Off-Color or Kakaibang Kulay na Manok, Anong mga karanasan ninyo?

  1. #1
    Moderator malalim's Avatar
    Join Date
    Aug 2001
    Location
    Muntinlupa & Batangas City
    Posts
    1,514
    Post Thanks / Like

    Off-Color or Kakaibang Kulay na Manok, Anong mga karanasan ninyo?

    Nung isang buwan, merong inilapit sa akin at sa tatay ko yung kapit bahay ko sa Batangas mga 1 dosenang mga manok lahat off-color, medyo gipit sa pera yung kapitbahay namin.

    Binili ko sila sa halagang tig-800 pesos bawat isa. Iba't iba ang kulay merong hiraw, puti, sinibalang, bangkas. Yung kapitbahay ko kasi ay merong isang broodcock na puti (2x derby winner) at black at brownred na mga inahin. Kaya't ang resulta kung hindi mga puti, hiraw o itim ang lumalabas sa palahi niya.

    Nakakaaliw, kasi sa farm ko tawag-pansin sila. Kakaiba talaga, yung hiraw, nailaban ko na sa hackfight at nanalo. Yung iba medyo bata pa kaya malamang sa isang taon na sila mailalaban.

    Tuwa lang, ilalaban ko sila pang minimum bet lang sa hackfight.

    Kayo mga kapwa sabungero, ano ang karanasan ninyo sa mga off-color?

  2. #2
    Moderator malalim's Avatar
    Join Date
    Aug 2001
    Location
    Muntinlupa & Batangas City
    Posts
    1,514
    Post Thanks / Like

    Sa pustahan naman...

    Nung sabado naman sa San Mateo, kapansin pansin ang dami ng bulik at puti/sinibalang. Meron ngang isang sultada ang magkalaban ay isang puti at isang bulik.

    Makikita mo na medyo kabado pumusta ang mga tao pag-off color ang mga naglalaban parang hindi nila alam kung saan lalagay sa pusta. Ang tagal bago mag-pustahan, pakiramdaman muna.

    Yung isa namang sultada ay isang napakagadang bulik at isang pula. Akala ko madedehao yung bulik kasi nga bulik, pero mali...na-llamado yung bulik.

    Kayo, pag off-color kinakalaban ba ninyo kaagad sa pusta?

  3. #3
    aceman
    Guest

    what is the off color cock?

    cay you specify

    ano po yung sinibalang bulik etc

    meron po ako red and white magksama ano ung

  4. #4
    Moderator malalim's Avatar
    Join Date
    Aug 2001
    Location
    Muntinlupa & Batangas City
    Posts
    1,514
    Post Thanks / Like
    Yung sinibalang...puti na manok namay konting pula o itim na balahibo...Kung mas marami yung pula o itim na balahibo kesa sa puti ang tawag diyan lasak o sa ingles, spangled....

    Yung bulik, eto yung merong batik-batik na balahibo....

    Hayaan mo, next week me picture na yung sinibalang at hiraw...wala akong bulik na manok...baka yung iba nating kasama sa site meron pwedeng i-post...

    Meron din akong binabae, nanalo nung nilaban ko nung 2-cock timbangan ulutan - classified as off-color din ang binabae...

  5. #5
    Desert Dust
    Guest
    Ako swerte ako sa puti, bangkas at abuhin pero hindi ko gusto ang kulay ang gusto ko grey and sweater color hindi naman ako masyadong buwenas sa mga iyon, kakatuwa ano? hindi ako puwedeng mag commercial breeder puro pang personal, karamihan sa buyer ayaw sa off color diba?

    DD

  6. #6
    Senior Member LUPIN3's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Location
    CAVITE
    Posts
    1,730
    Post Thanks / Like

    "Sinibalang"

    Korek ninyo kung mali...

    Sa amin yung tinatawag na sinibalang yung puti na me Kaunting halong pula o itim na balahibo, kung madaming nakahalong pula o ibang balahibo ang tawag namin doon ay "Panuksukan"...

  7. #7
    Moderator malalim's Avatar
    Join Date
    Aug 2001
    Location
    Muntinlupa & Batangas City
    Posts
    1,514
    Post Thanks / Like

    korek ka dyan

    Lupin,

    Korek ka diyan...

    Sa Batangas, "panuksukan" din ang tawag pero pagdating sa Maynila tawag nila lasak.

  8. #8
    Moderator malalim's Avatar
    Join Date
    Aug 2001
    Location
    Muntinlupa & Batangas City
    Posts
    1,514
    Post Thanks / Like
    DD,

    Kaya nga napilitang ibenta ng 800 pesos lang kahit na medyo mataas ang antas ng pagkamanok nung ka-barrio ko kasi wala daw bumibili sa kanya ng ganung kulay. Pati nga yung broodcock ibinigay na sa akin.

    Yung pyle o sa iba kung tawagin "white chocolate", yun maganda ring kulay ng manok.

  9. #9
    Member russell's Avatar
    Join Date
    Jun 2001
    Posts
    388
    Post Thanks / Like
    Kasamang Malalim

    karanasan ko dyan sa off color.... nung nagpalahi kami niyang spangle karamihan sa lumabas puro manfighter sila...

  10. #10
    ritchie
    Guest

    makulay na usapan...

    sana, lahat nang kulay-manok ay mabanggit at maipaliwanag dito... salamat.

  11. #11
    Senior Member earan's Avatar
    Join Date
    Jun 2002
    Location
    Calamba, Laguna
    Posts
    911
    Post Thanks / Like
    1. type ko sinibalang as off-color panapat sa talisain. talo nya sa kulay ang talisain. siguro sa sampung sinibalang kontra talisain, swerte na and dalawang talisain na lumusot, pahirapan pa yun.
    2. ang abuhin at alimbuyugin ay malakas or dominante din ang kulay kumpara sa iba, it's just a matter of color preference.
    3. sa derby ay hinde naman bawal ang off-color, ang impression nga lang sa kanila ay questionable ang "gameness" pag dating sa basaan kaya alanganin pustahan.
    4. yung kaibigan ko naman ay mayroon syang mga puti cross sa bluface hatch. inenbred nya sa hatch line kaya ang tawag nya ay white hatch, puti pero umuusok talaga dahil sa hatch.
    4. mayroon ako ngayong experimental na jungle fowl, alimbuyugin ang kulay ng mga magiging stags. sila ang nakikita kong panapat sa fighting style ng usong-uso na sweater. :lol:

  12. #12
    blackhatch
    Guest

    off colour battlecocks!

    my idol was the late senator ramon mitra and am now going to follow his footsteps....my experiment of cross breeding started last July 2003 and i started to cross a DOM Burrick battlecock (bulik) with a Black Bonanza hen and i was amazed for the outcome....the chicks has a different colors i've got 4 chicks alive and it's now 3 mos. old, they fight each other that's why i separated them.....the outcome has been some sort of carnivorous coz they eat feathers and skin of their fellow chicks.

    my second experiment was a cross of yellow leg hatch broodcock with a democrat hen.....got 5 chicks alive and the outcome was a 3 reds and 2 white.....i wonder where did the 2 whites came from haven't heard yet of white hatch or white democrat....would my democrat hen has a blood of kelso or claret or white japs?

    anyway here's some sample of off color battle cocks
    Attached Images Attached Images

  13. #13
    blackhatch
    Guest

    off colour battlecocks!

    my idol was the late senator ramon mitra and am now going to follow his footsteps....my experiment of cross breeding started last July 2003 and i started to cross a DOM Burrick battlecock (bulik) with a Black Bonanza hen and i was amazed for the outcome....the chicks has a different colors i've got 4 chicks alive and it's now 3 mos. old, they fight each other that's why i separated them.....the outcome has been some sort of carnivorous coz they eat feathers and skin of their fellow chicks.

    my second experiment was a cross of yellow leg hatch broodcock with a democrat hen.....got 5 chicks alive and the outcome was a 3 reds and 2 white.....i wonder where did the 2 whites came from haven't heard yet of white hatch or white democrat....would my democrat hen has a blood of kelso or claret or white japs?

    anyway here's some sample of off color battle cocks
    Attached Images Attached Images

  14. #14
    blackhatch
    Guest

    off colour battlecocks!

    my idol was the late senator ramon mitra and am now going to follow his footsteps....my experiment of cross breeding started last July 2003 and i started to cross a DOM Burrick battlecock (bulik) with a Black Bonanza hen and i was amazed for the outcome....the chicks has a different colors i've got 4 chicks alive and it's now 3 mos. old, they fight each other that's why i separated them.....the outcome has been some sort of carnivorous coz they eat feathers and skin of their fellow chicks.

    my second experiment was a cross of yellow leg hatch broodcock with a democrat hen.....got 5 chicks alive and the outcome was a 3 reds and 2 white.....i wonder where did the 2 whites came from haven't heard yet of white hatch or white democrat....would my democrat hen has a blood of kelso or claret or white japs?

    anyway here's some sample of off color battle cocks
    Attached Images Attached Images

  15. #15
    CyberFriends jlbs72's Avatar
    Join Date
    Aug 2000
    Posts
    9,589
    Post Thanks / Like
    isa rin akong off color lover. sa ngayon mayroon akong puti, itim, hiraw, alimbuyugin, abuhin at naghahanap pa ng bulik na medyo mataas tass naman ang lahi, hehehe...

    bakit ba nagustuhan ko ang pangit na manok ? akin lang napansin kasi na sa sabungan, napakadaling iulot ang mga off color na manok. ang tingin kasi nila ay mababang klase or nakaka manok sila sa laban.

    Kung ako ang tatanungin, kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto kong sumali o kaya ay magpasabong na puro off color na manok ang maglalaban. pwede na siguro ang grey pero definitely walang pula na maglalaban. ano kaya itsura kung lahat ng maglalaban ay pangit ang itsura ? nakakatuwa ano ? dito din natin siguro makikita kung sino sa mga off color breeder ang may mga tinatagong galing o kaya'y ang mga pandiin nila pala ay mga off color. high breed na off color.

  16. #16
    talahib747
    Guest
    Roy,

    pare i've got white chocolate, sinibalang at hiraw (blacks) sa yard ko. di ko maalis sa yard ko ang mga ito dahil may kakaibang katangian ang bawat isang linyada na gustong gusto ko. besides, i want to fight birds in all colors.

  17. #17
    CyberFriends gamecock96's Avatar
    Join Date
    Mar 2000
    Posts
    6,019
    Post Thanks / Like

    Thumbs up HACKFIGHTS

    Kung gusto mo makaharang, off colored na manok ang i breed mo. Siguradong labanin dahil tingin nila hindi kasing game as a red bird. Sa america yan din ang opinion ng marami.
    Anyways, ako, marami akong off colored, lahat ng klaseng off colored meron ako, bulik, sinibalang, puti,hiraw, alimbuyugin, gold, binabae.

    Al

  18. #18
    tsampoy
    Guest
    preng gamecock,daming pangharang nyan,hahahahaha!UMUULAN NG PERA NYAN,SASAHURIN NA LANG ,hahahahaha!:lol: :lol:

  19. #19
    Moderator malalim's Avatar
    Join Date
    Aug 2001
    Location
    Muntinlupa & Batangas City
    Posts
    1,514
    Post Thanks / Like
    Holdaper! Holdaper!

    Parang narinig ko na yung sigaw na to...Di ba JLBS?....Sino kaya yung sinigawan ng ganun...Panoorin niyo yung 2-cock-timbangan-ulutan sa San Mateo...para malaman...pero hindi po off-color na manok ang nilaban niya dun....he he he he...

  20. #20
    Moderator malalim's Avatar
    Join Date
    Aug 2001
    Location
    Muntinlupa & Batangas City
    Posts
    1,514
    Post Thanks / Like
    Alvin (Talahib),

    Ako man hindi ko maalis ang mga off-color na manok ko. Yung "white chocoloate" o Pyle kung tawagin, medyo bwenas ang resulta ko diyan, pati na yung mga binabae...

    Yung hiraw ngayon lang ako nagkaroon, bwenas pa yung unang laban...

    Kaya pala ang gagaling ng mga manok mo...you truly monitor your bird's performance...tama yun...breed according to performance...sang ayon ako diyan...

  21. #21
    Senior Member LUPIN3's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Location
    CAVITE
    Posts
    1,730
    Post Thanks / Like

    "PANGHARANG"

    Mga Kakmeyts.. Puwede na bang Pangharang to??
    Attached Images Attached Images

  22. #22
    talahib747
    Guest
    roy,

    yung hennie mo maganda pare, maliit lang yung palong kaya lalung nagmukhang inahin. makikig pa.

    ikaw din pare, mahuhusay yung manok mo. bilib ako dun sa laban nyo ni roadman sa 2 cock ulutan/timbangan. talagang pinalakpakan ng tao.

  23. #23
    hh_katak
    Guest
    kahit off-color basta winning line pinapalahi ko. cull ko naman kahit mga imported materials basta napagtatatalo ang mga anak. meron akong hiraw, alimbuyugin at panuksukan... ang papangit ng hitsura pero mataas naman ang winning percentage kaya tuloy lang ang breeding. nilaban ko sa lipa city yung isang 7-month hiraw ko last monday. ang tibay di talaga bumigay kaso patay rin paguwi sa bahay.

  24. #24
    rollyramos
    Guest

    alam ba ninyo?

    alam ba ninyo na ang lahat ng kulay ng manok ay off color,
    maliban sa dalusaping dilaw ang binti at sa mayahing asul ang binti....

    ang tawag sa dalusaping dilaw paa /binti at mayahing asul paa/binti ay "STANDARD COLOR".

    kaya kung ang makakalaban ninyo ay hindi dalusapi at mayahin na nabanggit ko ito ay " OFF COLOR"

    sana ay nakatulong ako sa mga hindi nakakabatid upang alam nila kung off color o hindi ang kaharap nila.:hippie:

  25. #25
    Senior Member astro's Avatar
    Join Date
    Jul 2001
    Posts
    791
    Post Thanks / Like

    Off Color Cocks

    Hello to All,

    Nagkaroon ako ng isang multi-winner na Hirao (Talisay with black legs). Ang paborito niyan kalaban ay "balawon" or ginger DOM. Pag ginger ang kalaban, palagi na panalo, sa huling laban niya parehas na kulay ang kalaban natalo pero walang sugat, di tumuka sa bandang huli.

    Last January 2003, linaban ko ang isang alimbuyugin sa isang ginger DOM, nadehado ako sa tawagan sa rueda. Pero bago binitawan nabaliktad ang tawagan. Ang resulta .. tabla or draw pareho patay in few secs. Talo sa manok....hehehe

    Thats my experienced sa off color...

    Astro

  26. #26
    Junior Member
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    24
    Post Thanks / Like
    sa akin kahit anong kolor basta may fighting skill at abilidad na madispose ang kalaban .... there's nothing in color for a well breed & cared na manok..IMHO:lol:

  27. #27
    Moderator malalim's Avatar
    Join Date
    Aug 2001
    Location
    Muntinlupa & Batangas City
    Posts
    1,514
    Post Thanks / Like
    Rolly,

    Thank you sa paliwanag, lalo na sa mga nalilito kung ano ang off-color. Ang tingin ko ang talisayin na madilaw ay nagiging "standard" color na rin dahil dumadami din ang ganitong kulay na manok. Kung baga sa ulutan makikita mo na 70% ay dalusapi/mayahin, mga 20% talisayin na yellow/blue/green legs, tapos "others".

    Dun sa "others" ako medyo interesado, kasama na sa others yung dirty grey. Yun bang maitim na talisayin.

  28. #28
    CyberFriends jlbs72's Avatar
    Join Date
    Aug 2000
    Posts
    9,589
    Post Thanks / Like

    ANO ANO BA ANG MGA OFF COLOR NA KULAY

    bukod sa
    1. Puti
    2. itim
    3. binabae
    4. hirao (dirty grey)
    5. Alimbuyugin (dirty red, hehehe)
    6. Sinibalang

    ano ano pa ang considered na off color ?


    Sino sino bang breeder ang nagpasikat ng off color bukod kay Boy Primallion at Manny dalipe (zambo White & Black ) ???

  29. #29
    Member
    Join Date
    Feb 2003
    Location
    Chicago, IL
    Posts
    36
    Post Thanks / Like

    Off color

    7. abuhin
    8. bulik
    9. panuksukan(?)
    10. malatuba

  30. #30
    thoris
    Guest

    Off-Color

    Off-Color....

    10. Cabilyada ( Pula)
    11. Cabilyada ( Puti )
    12. Bangkas
    13. Ulikba ( Pati kulay ng laman itim )
    :wink2:

Similar Threads

  1. anong kulay ng manok ang pinakamatalino.?
    By muhammad in forum Usapang Manok
    Replies: 16
    Last Post: September 16th, 2011, 12:58 PM
  2. Kakaibang kulay....
    By tor10rox in forum Usapang Manok
    Replies: 7
    Last Post: December 16th, 2007, 07:33 PM
  3. anong gamot gamit ninyo sa pagkukundisyon ng manok
    By tyrone in forum Usapang Manok
    Replies: 0
    Last Post: April 25th, 2007, 06:17 AM
  4. anong kulay ng manok?
    By FIGHTING DUCK in forum Usapang Manok
    Replies: 20
    Last Post: May 24th, 2006, 06:56 PM
  5. anong kulay sa manok ang panalunin?
    By baceda in forum Usapang Manok
    Replies: 8
    Last Post: May 2nd, 2006, 06:16 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •