Page 3 of 3 FirstFirst 123
Results 61 to 82 of 82

Thread: Off-Color or Kakaibang Kulay na Manok, Anong mga karanasan ninyo?

  1. #61
    miguel88
    Guest

    off-colored ba kamo?

    description of off-colored cocks

    1. sinibalang o panuksukan >>> white colored na may konting pula/itim.
    2. lasak >>> red colored na may batik-batik na puting balahibo.
    3. blue o abuhin (pyle) >>> as in abuhin ang balahibo na may halong pula.
    4. bulik o DOM >>> maputla ang pagkapula ng balihibo na batik-batik
    5. hiraw (dirty grey) >>> a dirty version ng talisayin (grey), usually dark legged.
    6. bangkas >>> kabaligtaran ng panuksukan...overwhelmed ng red feathers ang white.
    7. white chocolate >>> puti balahibo na may konting pula.
    8. puti >>> as in na puti lang na walang halo ibang kulay.
    9. alimbuyugin >>> matingkad ang pagkaitim ng balahibo na minsan ay mamula-mula. maraming klase ng balahibo ang ganitong uri ng manok... minsan parang alanganing dalusapi o mayahin sa kanilang balahibo...
    10. malatuba o gold >>> golden colored ang balahibo
    11. kasilihang pula >>> dark red ang balahibo na puti/dilaw paa
    12. talisayin o grey >>> the usual grey na makikita natin sa ruweda na puti/dilaw ang paa.

  2. #62
    Wintuha
    Guest
    Sniperjoe,

    A male with gold feather, green legged and red eye is your throwback because the parents (dark red and lemon hackle) do not have gold color. Pero siguro ka ba na walang nakakasta na iba sa inahen?

    There is a trend in this website regarding sex related traits linkage. Try to study the features of the cock and you will notice that the female offsprings possess some of the features of their father. On the other hand, the features of the hen are noticeable in the male offsprings.

    The green leg of the male offspring was inherited from the hen side. It is possible that the gold color may came from the forefather of the hen.

    Try to do some experiment mag cross ka ng white legged na cock at green legged na inahin, may lalabas na yellow. At ang ibang features such as color of the feather and type of comb ay ibabato ng inahen sa anak na lalaki at ang features naman ng tandang ay ibabato sa anak na babae.

    regards,
    wintuha

  3. #63
    miguel88
    Guest

    DOM of Dennis Roldan

    Mga amigo,

    Nakalimutan nyo na ba na nag-champion si Dennis Roldan sa 8Million International Derby yata yon two years ago using white DOM or bulik... naging tradisyon lang kase sa mga derby fights na mga standard colored ang nakikita nating naglalaban dahil sa katotohanang ang FILIPINO ay hangang ngayon ay alipin ng paniniwala na mas magaling ang mga imported na manok na galing kay UNCLE SAM... Sad to say, the legendary Senator Ramon Mitra is no longer around with us, who developed those MITRA BLUES... BOY PRIMALLION who's legacy brought by his ZAMBOANGA WHITES should not be forgotten...These off-colored fowls has become great during their heydays...Nakakalungkot lang na very few from our respectable breeder/cockers ang nag-try sundan ang mga dakilang sabungero na binangit ko...For me, I would give salute to those breeders/cockers who are an advocate of Oriental Fowls.

  4. #64
    Jim Reyes
    Guest
    Sa totoo lang mas gusto kong collections ay mga off colors. Madali kang mapalaban. Ang problema nga lang iba iba rin sila ng style at kailangan kilala mo ang bawat isa. In hackfights you will have a lot of choice in fighting your opponents hindi ka nila kayang basahin and chances are you can out do them most of the time. The basic premise is, you know your opponents style and they do not know yours.

  5. #65
    Member sniperjoe's Avatar
    Join Date
    May 2003
    Location
    Manila
    Posts
    94
    Post Thanks / Like
    Sigurado akong wala, kasi single mating ang ginagamit ko wala rin akong Gold na manok. Ang napakaganda nitong manok na ito kasi nakapahusay dumiskarte, matalino kahit ibat-ibang stilo ng kalaban, malaki man o pantay sa kanya.

    I tried also the original hen with other broodcocks, Butcher-yellow legged red, Grey-Green legged and her son, green legged dark red, pero wala nang lumabas na gold hehe.

    Cheers!

    sniperjoe-glg yard:sprcool:

  6. #66
    CyberFriends jlbs72's Avatar
    Join Date
    Aug 2000
    Posts
    9,584
    Post Thanks / Like
    Wintuha,

    hayaan mo at pag aaralan naming mabuti iyan. if ever na matuloy ang 2 cock ulutan timbangan OFf color derby, marami kaming babaguhin din na mga mali namin last time, hehehe... mailalaban na naman ni talahib ang kanyang mga sinibalang, hehehe...

  7. #67
    Member
    Join Date
    Apr 2003
    Posts
    42
    Post Thanks / Like

    Thumbs up off color na kulay

    di ba ang objective kaya nilalaban ang manok ay upang manalo ang manok? so, ang off color na panlaban ay isa lamang sa mga strategies upang ma attain ang objective. sa vulgar na pananalita, gulangan lang iyan.

    hennie

  8. #68
    tsampoy
    Guest
    yang off color ay CAMOUFLAGE nalang ang gamit nyan sa kasalukuyan.mga off color yan na loaded ng best hatchblood,kasing lakas at lutong pumalo ng hatch.yung off color off beat ang fighting style nyan,magaling pa sa cutting.yung mga off color ay OFF COLOR LANG SA KAHA,HATCH ANG MAKINA,HAHAHAHAHA.:lol: :lol:

  9. #69
    CyberFriends jlbs72's Avatar
    Join Date
    Aug 2000
    Posts
    9,584
    Post Thanks / Like
    May liwanag na...

    Mukhang matutuloy ang planong off color derby...

    Any inputs guys ?

  10. #70
    Senior Member silangan's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    2,102
    Post Thanks / Like
    Sir Joel, ang suggestion ko isang main. Off-color vs standard color.:rbounce:

  11. #71
    novis2gme
    Guest

    sna matuloy

    keep posting mga kakmeyts. Mukhang ok na ok yan off color derby na yan ah...let me know nga kung matuloy...gd luck sa plano nyo....

  12. #72
    CyberFriends jlbs72's Avatar
    Join Date
    Aug 2000
    Posts
    9,584
    Post Thanks / Like
    Novis,

    Matutuloy ito pre, hindi pa lang final ang date, actually excited na taga san Mateo kasi first time sila maka experience ng ganito. Finalize lang namin kung ano ano pwedeng taaging "Off Color". We'll let u know guys.


    God Bless.

  13. #73
    Senior Member juan sabungero's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    sampaloc manila/ infanta quezon/ cerritos & buena park, california usa
    Posts
    4,518
    Post Thanks / Like

    Re: Off-Color or Kakaibang Kulay na Manok, Anong mga karanasan ninyo?

    sana magkaron ulit ng kasunod na off-color derby si jlbs72 . . .









    .

  14. #74
    CyberFriends jlbs72's Avatar
    Join Date
    Aug 2000
    Posts
    9,584
    Post Thanks / Like

    Re: Off-Color or Kakaibang Kulay na Manok, Anong mga karanasan ninyo?

    juan,

    alam mo pre, marami talaga nag re request sa akin na ituloy ang off color derby. problema lang wala na akong cock na pnasali o panggaanti sa mga sasali sa atin. alam mo naman ang magpa derby, give and take dapat.

  15. #75
    Senior Member dotman's Avatar
    Join Date
    Nov 2005
    Posts
    709
    Post Thanks / Like

    Re: Off-Color or Kakaibang Kulay na Manok, Anong mga karanasan ninyo?

    Kung magkakaroon man, baka puwedeng between mid-Feb and mid-March para mataon naman sa bakasyon. Di kasi ako napayagan ng January in-time sana for the WSD. Paki-consider naman, pleeeeeeease....

  16. #76
    Senior Member serge's Avatar
    Join Date
    Nov 2004
    Location
    D-FALCON
    Posts
    1,709
    Post Thanks / Like

    Re: Off-Color or Kakaibang Kulay na Manok, Anong mga karanasan ninyo?

    HI MALALIM,

    Maganda talaga tingnan kung may mga off-colored stags/cocks sa backyard kaso lang
    iyong sinibalang ko na nanalo sa Dictado Mega Cockpit ay namatay din pagkatapos ng
    laban. Para sa akin mas mabuti siguro na ikaw mismo ang magpalahi galing sa winning
    line mo !!!

    SERGE

  17. #77
    Member StormMax's Avatar
    Join Date
    Oct 2006
    Location
    Cebu City/Borbon
    Posts
    110
    Post Thanks / Like

    Re: Off-Color or Kakaibang Kulay na Manok, Anong mga karanasan ninyo?

    para sa akin maganda ang off color sa hack fyt kase lage kang nakakalamang. sa laki, sa tindig, at sa edad. kase akala ng kalaban tagalogin ang manok mo.

    just my opinion.

  18. #78
    raptortiger
    Guest

    Re: Off-Color or Kakaibang Kulay na Manok, Anong mga karanasan ninyo?

    Ang karanasan ko sa off-colour ay:

    1. Mahirap ibenta at binabarat.
    2. Dinudumog ng marami sa ulutan at nadedehado sa pustahan.

    3. Mas maraming WIN sa hackfyt at nasisira ang laro ng ibang winning line.
    4. Nde ka kakabahan sa magnanakaw at pde mong outdoor ranging o cording sa tabi ng kalye o daanan ng tao na nde na binabantayan.
    5. Mas may bilis, Angat or Baba, utak, at diskarte sa laban medyo may 2log nga lang o mahina talaga sa sugat....kapag naitama mo ang timplada mo sa pagsaksak ng dugong tested at proven na linyada ay pwede na sila gamitin sa hackfyt at derby.
    6. mas matibay sila sa sakit at madaling mag adjust sa paligid.
    7. sa naging manfighter ang gold, frostgrey at brownred ang naging ka sparring ko mismo....sa naging crossblending ng brownred x frostgrey at brownred x gold ay naging manfighter ang bawat nagiging offsprings at maging ang 3 way na brownred x gold x grey ay naging manfighter din.....and i found two ways para nde na nila ako ulit awayin ang sugatan ang ibabaw na tuka or pahawaan mo ng sakit na maging duwag sila.
    8. Lakasan na lang ng loob kung ilalaban sa derby.

    3/4 Winning Line x 1/4 Off-colour (2 way)
    1/2 Winning Line x 1/4 Off-colour x 1/4 Offcolour (3 way)
    1/4 Winning Line x 1/4 Winning Line x 1/4 Offcolour x 1/4 Offcolour (4 way)
    1/2 Winning Line x 1/2 (Unknown Crosses (combination of Off-Colours and Winning bloodline) (starcross or 5 way cross or more.)

  19. #79
    RedMiner
    Guest

    Re: Off-Color or Kakaibang Kulay na Manok, Anong mga karanasan ninyo?

    Mga kasabong maganda rin ang may off color sa ating manukan. By next year nga mag lalabas na rin ako ng off color pero hybrid nga lang ng dahil sa tamang blending ko sa linyada nito at sinisiguro kong walang tulog ito sa oras ng basaan. Marami rin akong ilalabas na red colors pero pili pili lang ang off color ko.

    cheers!!!

    Double A Gamefarm

  20. #80
    Senior Member GoldenWings's Avatar
    Join Date
    Aug 2005
    Posts
    786
    Post Thanks / Like

    Re: Off-Color or Kakaibang Kulay na Manok, Anong mga karanasan ninyo?

    sana nga magkaroon ng ulit ng offcolors derby ng makasali na din!

  21. #81
    Senior Member val casero's Avatar
    Join Date
    Jun 2006
    Posts
    565
    Post Thanks / Like

    Smile Re: Off-Color or Kakaibang Kulay na Manok, Anong mga karanasan ninyo?

    mga tol, okay rin naman ang mga off colored cocks basta alam mo ang panahon na dapat silang ilaban. ayon kasi sa experiences ko ang kilos nila ay may kinalaman sa buwan. siguro mahirap paniwalaan, pero subukin nyo lang na maglaban ng bulik ng last quarter, mas lamang ang talo pero pag full moon lamang ang panalo. ang hennie naman at banugin ay lamang ang panalo kapag 1st quarter,alimbuyugin ay pang new moon at full moon while ang abuhin at malatuba ay malakas pag last quarter. so far mas lamang ang panalo ko sa mga off color na manok kesa sa mga standard. hindi ko naman sinasabi na gayahin ninyo ay timeline ko pero just give it a try baka hiyang hiyang lang yan. Kagaya nga ng sabi ni Kim weather weather lang yan. Sa mga gustong sumubok sa timeline ay dapat meron kayong MOON PHASE program sa inyong PC o kaya ay ARABIC calendar para sigurado kayo sa tamang regla ng buwan.

  22. #82
    Member PaTaPat's Avatar
    Join Date
    Dec 2006
    Location
    Pateros, Metro
    Posts
    106
    Post Thanks / Like

    Re: Off-Color or Kakaibang Kulay na Manok, Anong mga karanasan ninyo?

    val casero, kung yan ang susundin ng lahat ng mananabong eh di dapat lahat ng sabungero ay milyonaryo na. hehehe!

Similar Threads

  1. anong kulay ng manok ang pinakamatalino.?
    By muhammad in forum Usapang Manok
    Replies: 16
    Last Post: September 16th, 2011, 12:58 PM
  2. Kakaibang kulay....
    By tor10rox in forum Usapang Manok
    Replies: 7
    Last Post: December 16th, 2007, 07:33 PM
  3. anong gamot gamit ninyo sa pagkukundisyon ng manok
    By tyrone in forum Usapang Manok
    Replies: 0
    Last Post: April 25th, 2007, 06:17 AM
  4. anong kulay ng manok?
    By FIGHTING DUCK in forum Usapang Manok
    Replies: 20
    Last Post: May 24th, 2006, 06:56 PM
  5. anong kulay sa manok ang panalunin?
    By baceda in forum Usapang Manok
    Replies: 8
    Last Post: May 2nd, 2006, 06:16 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •