Results 1 to 25 of 25

Thread: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

  
  1. #1
    Senior Member Gasner98's Avatar
    Join Date
    Jan 2011
    Location
    Cavite-Hawaii
    Posts
    945
    Post Thanks / Like

    Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    Mga kasabong konting input naman sa marami ng karanasan sa pagbibitaw ng manok sa ruweda. Last 4-Cock Derby namin sa DHC noong Feb 8th ay natalo ang last fight namin at isa sa mga narinig ko na comments ay dapat ang manok ay pinalalakad sa ruweda habang kinakasa pa ang pusta. Ang ginawa ng handler ko dahil matagal pa ikinasa ang pusta sa laki ng diprensiya ay kinipkip niya ang manok sa kanyang mga kamay hanggang maikasa ang pera. Tama ba ho ito o kailangan pinalalakad ang manok? Salamat po sa lahat ng inputs ninyo.

  2. #2
    Member RenDel's Avatar
    Join Date
    Jan 2006
    Posts
    185
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    dapat ang manok ay hinahayaang lumakad sa ruweda para ma familiarize niya ang environment. bantayan lang wag sumugod sa kalaban. Habang hindi pa naikasa ang pusta patuloy lang ang paglakad ng manok. Hayaan itong mag-adjust sa ilaw at makapag-unat to loosen up a little bit of his muscle. Kung hahawakan lang ang manok ay hindi ito makapag-adjust ng maigi sa kanyang new environment. paminsan minsan ay dapat himasin ang manok to calm him down baka ma over excited siya at mag-off ito.

  3. #3
    Member acidburn's Avatar
    Join Date
    Aug 2010
    Location
    Cagayan Valley & San Mateo Rizal
    Posts
    82
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    Quote Originally Posted by RenDel View Post
    dapat ang manok ay hinahayaang lumakad sa ruweda para ma familiarize niya ang environment. bantayan lang wag sumugod sa kalaban. Habang hindi pa naikasa ang pusta patuloy lang ang paglakad ng manok. Hayaan itong mag-adjust sa ilaw at makapag-unat to loosen up a little bit of his muscle. Kung hahawakan lang ang manok ay hindi ito makapag-adjust ng maigi sa kanyang new environment. paminsan minsan ay dapat himasin ang manok to calm him down baka ma over excited siya at mag-off ito.
    nice input, laking tulong to sa mga baguhan na tulad ko.. keep it comin guys!!!

  4. #4
    Member
    Join Date
    Dec 2010
    Location
    Pangasinan
    Posts
    89
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    Kahit naman hindi mo ipalakad basta tamang heating lang manok at tamang pointing tingin ko gagalaw yan. Kung alam mong may pagka Man Fighter ng konti ang Manok mo papalakarin mo pa ba? Delikado baka ikaw pa ishuffle nya. Nangyari na po dito sa Pangasinan ito Habang kinakasa ang parada pinalakad muna manok tapos onting tease lang ng patuka. Pagdampot ng Handler pinalo sya sa kamay tapos sa binti dito na natanggal ang bayna, nabasag ang bayna sa lakas ng palo ng manok. Pagkatumba ng handler shinaffle ang kanang binti nya. Talsikan ang dugo at parang gripo ang paglabas ng dugo sa binti ng handler. Nakatayo pa ang handler dahil sa adrenaline pero kitang kita ang damage na natamo nito halos wakwak ang binti sa tama at parang fountain ang labas ng dugo. Sa maniwala kayo at hindi 200K mahigit ang nagastos ng BOSS nila para mabuhay at maisave lang yung binti ng handler. Luckily the handler recovered. Kaya Ingat Ingat lang po mga kasabong sa pagpapalakad ng manok.

  5. #5
    Member purebreed8's Avatar
    Join Date
    Jul 2007
    Posts
    219
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    Quote Originally Posted by RenDel View Post
    dapat ang manok ay hinahayaang lumakad sa ruweda para ma familiarize niya ang environment. bantayan lang wag sumugod sa kalaban. Habang hindi pa naikasa ang pusta patuloy lang ang paglakad ng manok. Hayaan itong mag-adjust sa ilaw at makapag-unat to loosen up a little bit of his muscle. Kung hahawakan lang ang manok ay hindi ito makapag-adjust ng maigi sa kanyang new environment. paminsan minsan ay dapat himasin ang manok to calm him down baka ma over excited siya at mag-off ito.
    Ren is right. let the chicken get comfortable to his environment and let him walk. You need to let him walk because the knife is tight and you want to keep blood flow to the leg or else it will get numb!

  6. #6
    Member
    Join Date
    Nov 2007
    Posts
    100
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    Walang mali sa ginawa ng handler mo sir, ganyan talaga ang sabong, my malas at swerte. Minsan lng kasi my mga tao na pg natalo ang manok mo, ang daming gustong punahin. Both Sir Rendel and Sir Wake has their point. Basta lng lagi nating tandaan na pg talo ang manok, talo talaga at huwag sanang ma blame ang handler bka yun pa ang maging rason ng away...better luck next time..

  7. #7
    Member oblax's Avatar
    Join Date
    Jul 2010
    Posts
    277
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    dapat po talaga ay pinapalakad ang manok habang ikinakasa pa ang parada..dahil mainit ang ating mga palad at ito ay hindi maganda sa ating mga manok at magbibigay sa knila ng stress..Isa pa ang kailangan na masanay xa sa environment pati na din sa ilaw ng sa ganun ay mka adjust xa sa knyang kapaligiran..Hayaan po nating maglakad lakad ang ating manok sa ruweda upang mabuo ang kanyang kalooban na ang lugar na iyon ay teritoryo nya at sa oras na makakita xa ng ibang manok ay maging agresibo xa upang ipagtanggol ang knayang kaharian..Bantayan lng po nting mabuti ang ating manok habang pinapalakad sa ruweda kc mabuti na po ung maingat tayo kc merong iba (hindi lahat) na kapwa natin sabungero na nanlalason ng manok..

  8. #8
    Member jude_julia's Avatar
    Join Date
    Dec 2010
    Location
    taytay,rizal luanda angola
    Posts
    259
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    habang kinakasa un parada ibaba mo lng un manok mo,pag nakasa na saka mo heating ganyan hackfigth hnd nmn dapat tagalan un heating dba.

  9. #9
    Member jude_julia's Avatar
    Join Date
    Dec 2010
    Location
    taytay,rizal luanda angola
    Posts
    259
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    kung gsto mo nmn habang kinakasa un parada kausapin mo manok mo na husayan nia at wag magpapatama, malibre sa pagamot minimun lng kamo parada mo,,,

  10. #10
    Senior Member eligio's Avatar
    Join Date
    Dec 2007
    Posts
    1,235
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    ang maganda siguro ay pinapalakad ang manok habang hinihintay na maikasa ang pusta.

  11. #11
    Member
    Join Date
    Dec 2009
    Posts
    98
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    Try to observe sa world slasher or any big time derby kung paano mag heating yung mga handler very systematic...don may mapupulot ka kung ano dapat gawin sa taas ng ruweda ng isang handler o mag heating ng manok..chersss....

  12. #12
    Senior Member beakheel's Avatar
    Join Date
    May 2005
    Location
    guam,cavite
    Posts
    2,757
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    Quote Originally Posted by Gasner98 View Post
    Mga kasabong konting input naman sa marami ng karanasan sa pagbibitaw ng manok sa ruweda. Last 4-Cock Derby namin sa DHC noong Feb 8th ay natalo ang last fight namin at isa sa mga narinig ko na comments ay dapat ang manok ay pinalalakad sa ruweda habang kinakasa pa ang pusta. Ang ginawa ng handler ko dahil matagal pa ikinasa ang pusta sa laki ng diprensiya ay kinipkip niya ang manok sa kanyang mga kamay hanggang maikasa ang pera. Tama ba ho ito o kailangan pinalalakad ang manok? Salamat po sa lahat ng inputs ninyo.
    Maganda naman ang score ng entry mo at Di dapat sisihin ang Di pagpapalakad ng manok..kung kayo sana nag insurance palagay ko mas maganda sana angpakiramdam mo..Sa sabong may talo at panalo talaga
    Sa discretion ng handler mo sapat na yung nai limber ng ayos paraaka adjust ang manok at Kung Di man nasiyahan ang mga Uzi dahil natalo...wall kamo silang pakialam dahil ang handler mo kamo ang nagkundisyon at nag point nganok kaya say ang may tanging alam

  13. #13
    Senior Member Gasner98's Avatar
    Join Date
    Jan 2011
    Location
    Cavite-Hawaii
    Posts
    945
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    Salamat sa mga inputs mga kasabong. Karagdagang kaalaman ito para sa akin at sa lahat ng baguhan sa larangang ito. Kung meron pang ibang kasabong na may inputs please keep it coming para mas maganda at madaming matulungan. More power and GOD Bless.

  14. #14
    Senior Member mel mendoza's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Location
    san jose,ca
    Posts
    918
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    Ganoon talaga kong matalo ang manok daming kwento. Kong nanalo namn manok mo. Sasabihin ng iba na tama ang style mo na di palakarin.

  15. #15
    Member oblax's Avatar
    Join Date
    Jul 2010
    Posts
    277
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    tama ung cnabi ng isa nating kasabong..habang ikinakasa ang parada pwede kausapin mo ang manok mo..paalalahanan mo xa na galingan nya sa laban dahil kung mananalo xa my naghihintay sa knya na tatlong pullets sa breeding pen pero kung matatalo nmn xa kawali sibuyas at bawang ang naghihintay sa knya at adobo kalalabasan nya..

  16. #16
    Member RenDel's Avatar
    Join Date
    Jan 2006
    Posts
    185
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    Quote Originally Posted by wake View Post
    Kahit naman hindi mo ipalakad basta tamang heating lang manok at tamang pointing tingin ko gagalaw yan. Kung alam mong may pagka Man Fighter ng konti ang Manok mo papalakarin mo pa ba? Delikado baka ikaw pa ishuffle nya. Nangyari na po dito sa Pangasinan ito Habang kinakasa ang parada pinalakad muna manok tapos onting tease lang ng patuka. Pagdampot ng Handler pinalo sya sa kamay tapos sa binti dito na natanggal ang bayna, nabasag ang bayna sa lakas ng palo ng manok. Pagkatumba ng handler shinaffle ang kanang binti nya. Talsikan ang dugo at parang gripo ang paglabas ng dugo sa binti ng handler. Nakatayo pa ang handler dahil sa adrenaline pero kitang kita ang damage na natamo nito halos wakwak ang binti sa tama at parang fountain ang labas ng dugo. Sa maniwala kayo at hindi 200K mahigit ang nagastos ng BOSS nila para mabuhay at maisave lang yung binti ng handler. Luckily the handler recovered. Kaya Ingat Ingat lang po mga kasabong sa pagpapalakad ng manok.
    Kung ang manok ay man fighter ay dapat lagyan ng tali sa isang paa para maka-iwas sa disgrasya. Kaya dapat kung sasali ng derby o anumang laban ay magdala ng cord para handa ka sa laban. Kailangan talaga ng manok na masanay sa bago niyang environment upang maging buo ang kanyang loob sa laban. Kung nasa kamay mo lang palagi ang manok ay hindi siya makapag-unat ng muscle. Ang manok na ilalaban ay kagaya rin ng isang boksingero na kailangan makapag-unat para hindi mabigla ang muscle sa labanan. Ang pagpalakad ng manok sa ruweda ay bahagi lang ng kanilang warm up bago ito ibitaw.

  17. #17
    Senior Member Bloodsport's Avatar
    Join Date
    Aug 2010
    Location
    Nasugbu, Bats
    Posts
    660
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    Sir malas lang talaga siguro. Yung monok mo sir kahit hinawakan bago makasa at tsaka pinalakad ayos lang dahil naka peak ang manok sir, konting painit lang sir puwede na na yung dahil alam ng handler mo sir kung paano painitin ang manok nyo sir. sir ito tanong ko lang naman. Ito ho bang tanong na ito ay lalabas kung nanalo ho ang manok? Malas lang ho sir.

  18. #18
    Senior Member beakheel's Avatar
    Join Date
    May 2005
    Location
    guam,cavite
    Posts
    2,757
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    Quote Originally Posted by beakheel View Post
    Maganda naman ang score ng entry mo at Di dapat sisihin ang Di pagpapalakad ng manok..kung kayo sana nag insurance palagay ko mas maganda sana angpakiramdam mo..Sa sabong may talo at panalo talaga
    Sa discretion ng handler mo sapat na yung nai limber ng ayos paraaka adjust ang manok at Kung Di man nasiyahan ang mga Uzi dahil natalo...wall kamo silang pakialam dahil ang handler mo kamo ang nagkundisyon at nag point nganok kaya say ang may tanging alam
    palagay na nating pinalakad ng handler mo habang kinakasa at natalo pa rin...baka ang marinig mo naman ay....sobra ang laki ng parada kaya hinde nakaya ng manok

  19. #19
    Member jude_julia's Avatar
    Join Date
    Dec 2010
    Location
    taytay,rizal luanda angola
    Posts
    259
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    ganyan talaga un mga usisero dami nakikita kala mo nmn lahat ng bagay alam nila sports lang sabong walang nkakasiguro na panalo kana sa laban,kaya bossing sunod na lang kayo bumawi sure champinon na kayo peaceeeeeeeeeeeee

  20. #20
    Member
    Join Date
    Dec 2010
    Location
    Pangasinan
    Posts
    89
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    Quote Originally Posted by RenDel View Post
    Kung ang manok ay man fighter ay dapat lagyan ng tali sa isang paa para maka-iwas sa disgrasya. Kaya dapat kung sasali ng derby o anumang laban ay magdala ng cord para handa ka sa laban. Kailangan talaga ng manok na masanay sa bago niyang environment upang maging buo ang kanyang loob sa laban. Kung nasa kamay mo lang palagi ang manok ay hindi siya makapag-unat ng muscle. Ang manok na ilalaban ay kagaya rin ng isang boksingero na kailangan makapag-unat para hindi mabigla ang muscle sa labanan. Ang pagpalakad ng manok sa ruweda ay bahagi lang ng kanilang warm up bago ito ibitaw.
    Kahit may cord kung talagang man fighter makakaiwas ka ba e ikaw ang susugurin? bago mo mahawakan cord e pinalo ka na.

    May point ka sir sa sinabi mo pero it depends sa ugali ng manok. Mahirap ng magmarunong at baka madesgrasya pa, ang tari pag tumama sa iyo either hosp ka or sementeryo ka.

    Tamang heating lang kahit wala palakad oks na.

  21. #21
    Member
    Join Date
    Nov 2007
    Posts
    100
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    Quote Originally Posted by wake View Post
    Kahit may cord kung talagang man fighter makakaiwas ka ba e ikaw ang susugurin? bago mo mahawakan cord e pinalo ka na.

    May point ka sir sa sinabi mo pero it depends sa ugali ng manok. Mahirap ng magmarunong at baka madesgrasya pa, ang tari pag tumama sa iyo either hosp ka or sementeryo ka.

    Tamang heating lang kahit wala palakad oks na.
    Mas sang-ayun ako nito. Kung man hitter ang manok, kailan pa ipalakad para maging teritoryo nya yun? di na cguro...

    Yung point ko dito eh, nka straight win nmn ang entry at last fight lng ang natalo.. Minalas lng yung last fight. My mga taong usyusero talaga sa sabungan at nagmamagaling.

  22. #22
    CyberFriends steph's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,045
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    kung ikaw ay nalagay sa dehado dapat lang palakarin mu manok mu kunti para makita ng betting public kilos at hitsura ng manok mu para papago sila.Ang pagbibitaw at paghiheating ay hndi ordinaryo gawain yan.lalo na heating.the more experiences you had sa pagheheating youl finaly compare kung anu ang reactions ng manok lalo na sa hipo ng muscles kung kailan sya peak na bibitawan..opinyion ko lang ha ksi ako nagbibitaw din...wala sa haba at ikli ng time warm up yan kundi sa reaction ng kilos,sudden changed of muscle tone ng manok.Kung umabot ka sa allowable time warm up at di mu nakitaan manok mu sa gusto mu then wala kang magagawa kundi bitawan nlang.during heating its ur chance also to predict a little whats the fighting style of ur opponent....kung sugod manok mu wag mung e display sa warm up na talagang sugod manok mu.

  23. #23
    Member RenDel's Avatar
    Join Date
    Jan 2006
    Posts
    185
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    Quote Originally Posted by wake View Post
    Kahit may cord kung talagang man fighter makakaiwas ka ba e ikaw ang susugurin? bago mo mahawakan cord e pinalo ka na.

    May point ka sir sa sinabi mo pero it depends sa ugali ng manok. Mahirap ng magmarunong at baka madesgrasya pa, ang tari pag tumama sa iyo either hosp ka or sementeryo ka.

    Tamang heating lang kahit wala palakad oks na.
    Kung sa bagay hindi naman kasiguruhan ang panalo pag pinalakad mo ang manok. Nasa inyo na iyan kung gusto bigyan ng magandang laban ang iyong manok. Pero sa aking experience sa mga laban, kahit na man fighter ang manok ay pinapalakad namin. Nagdadala kami ng mahabang cord. Kung hindi ka maging alerto ay talagang mapapalo ka ng manok. Ang mahusay na handler ay talagang hindi matatakot kahit man fighter ang manok. Isa sa mga gamit ng pagpapalakad ay para tingnan kung hindi tight ang pagkatari sa manok. Kung hahawakan mo lang manok baka hindi mo mapansin na itinataas na ng manok ang kanyang paa na may tari dahil nakaramdam sya ng cramp sa paa dahil sa mahigpit ang pagkatari.

  24. #24
    Member RenDel's Avatar
    Join Date
    Jan 2006
    Posts
    185
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    Kung magpapalakad ka ng man fighter ay dapat kang maging alerto. Bitawan mo ito sa ruweda na hawak ang dulo ng mataas na cord at lumayo ka ng konti para hindi ka maabutan. Bago mo ito damputin ay kailangan mong itaas ang cord para maitaas ang isang paa ng manok para hindi na ito makapalo. Kung magaling na handler ay alam na niya ang kanyang gagawin sa mga man fighter. Hindi naman susugod yan sa taong humahawak ng cord dahil may cock teaser naman na kailangan iharap sa manok na man fighter bago ito bitawan. Nasa experience lang yan kasabong. Trabaho ng isang handler ang magbigay ng magandang laban sa kanyang manok sa lahat ng pagkakataon. Kaya kung ang handler ko ay hindi marunong maghandle ng man fighter na manok ay hindi ko siya pagtitiyagaang maging handler ko. Dahil sa gusto kung bigyan ng magandang laban ang aking mga mandirigma ay kailangan ang handler ko ay marunong at alerto sa lahat ng labanan.

    Pera, sakripisyo, at pagod sa pag-aalaga ng manok ang nakataya sa lahat ng laban kaya nararapat lang na bigyan ang lahat ng mga mandirigma ng magandang laban para may malaking chance na manalo.

  25. #25
    Member
    Join Date
    Dec 2010
    Location
    Pangasinan
    Posts
    89
    Post Thanks / Like

    Re: Ano dapat gawin sa manok habang ikinakasa pa ang parada?

    Salamat sa tips mo kasabong Rendel pero Pass talaga ako sa palakad pag man fighter manok. Takot ako matare.. I saw it happened in our place and I dont want to be in his position ever. Mind you sir Beterano narin yung handler na yun. Marahil ay nagkulang sya sa judgment that time.

    Advice ko nalang sayo TOPIC STARTER ang pagpapalakad ay okay sa manok pero kung gagawin mo ito sa isang man fighter na manok 100X ka dapat maging alerto at maingat. Isang pagkakamali buhay mo katapat.

Similar Threads

  1. Anong dapat gawin sa nahuling magnanakaw ng manok?
    By ciamiming in forum Chit-Chat
    Replies: 19
    Last Post: October 26th, 2013, 08:19 AM
  2. Nangingitim na manok, ano dapat gawin?
    By mikel0582 in forum Usapang Manok
    Replies: 16
    Last Post: February 16th, 2012, 11:26 AM
  3. Nawawalan ng gana sa pagkain ang manok, anu ang dapat gawin?
    By glimmerman48 in forum Filipino Discussions
    Replies: 6
    Last Post: April 29th, 2011, 08:00 AM
  4. Ano Po Dapat Gawin Sa Manok Na Kumakain Ng Lupa
    By garlain in forum Filipino Discussions
    Replies: 28
    Last Post: August 27th, 2008, 10:43 AM
  5. anong dapat gawin sa mga magnanakaw ng manok??
    By sean_21 in forum Chit-Chat
    Replies: 49
    Last Post: November 26th, 2005, 07:55 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •