Results 1 to 28 of 28

Thread: Pag aalaga ng panabong na manok?

  
  1. #1
    Bularit
    Guest

    Question Pag aalaga ng panabong na manok?

    Pwede ba talagang gawin source ng kabuhayaan ang pag aalaga ng panabong na manok? hindi kasi maiiwasan na kapag nag alaga ka ng panabong na manok, hindi mo maaring hindi subukan or ilaban ang mga ito sa rueda, upang makita ang kalidad at galing nila. Karamihan naman ng mga nag bebenta ng manok na panabong ay may mga malalaking farm at magagandang mga gamefowl materials, kaya sila ang pinagbibilhan ng mga taong may hilig sa panabong na manok.

    Kung may sasang-ayon dito na "pwede" ang tanong, ito ba ay pwedeng pangmatagalan na kabuhayaan? at kung ang sagot ay "hindi", kung gayon ang sabong ay isa lang libangan at diversion tama po ba? or in english they call it ..just a mere passion & love for the sport. Need ur opinion fellow cockers

    :hombre:


    Wag po nating isali ung mga nagbebenta ng manok na bayong, dahil usually hindi naman nag-aalaga ng mga manok ang mga yon, namimili lang upang ibenta
    Attached Images Attached Images

  2. #2
    nokman junior
    Guest
    para sa akin pwedeng gawing pangkabuhayan ang pagmamanok....lahat naman ng breeder nag-umpisa sa maliit eh kaya kung magaling ka na breeder at nagpapanalo naman ang mga tinale mo...kahit mistisohin pa ito ay may bibili naman nito.....nasa galing na yan ng ng-aalaga....basta ingat lang sa pusta....

  3. #3
    Member pompits's Avatar
    Join Date
    Jul 2002
    Posts
    441
    Post Thanks / Like
    sa pag aalaga ng panabong na manok upang gawing source of income ay masyadong delikado, dahil ba kamo, kasi nga hindi mo alam kung mag click ba ang palahi mo, bago mo malaman ito ilang taon pa ang dapat bilangin hindi ka pa nakakatiyak kung sa pagdating ng oras na yun e magpanalo ang palahi mo, kaya sa akin ang pag aalaga ng manok panabong ay isa lamang hilig at libangan na kung minsan ay nasasamahan ng sugal dahil kailangan para malaman mo kung worth ba yung pinag hirapan mo at yung price of all the money, time at effort e yung mapanalo mo yung manok na ikaw mismo ang nag breed.yun lang po para sa akin...

  4. #4
    Member rkysat's Avatar
    Join Date
    Aug 2003
    Location
    Laguna
    Posts
    490
    Post Thanks / Like
    Marami na akong nakita at na informed sa akin na malalaking Farm ang "sabit" sa mga utang sa feed suppliers nila dahil basically walang gaanong buyers ng manok nila . Ito yung mga tipong commercial breeder ika nga na ang intention ay "sale" sale". Mabuti kung mag klik ang palahi mo, what if not ! TRIAL & ERROR ang pag papalahi !
    Sa mga multi Millioners naman na breeder, eh no problem sa kanila at masasabing diversion nila ito dahil nga financially stable sila.
    Sa katulad natin maliliit, nag papalahi pa rin tayo para sa ATING panggamit lamang . Dito na pumasok yung sinabi kong hobby at diversion ako !

  5. #5
    marccaesar
    Guest
    Pwedeng gawin pangkabuhayan ang pag-alalaga ng manok kung mayroon kang maliit na farm o kahit range area man lang, excellent breeding materials , competitive o good winning percentage sa mga derbies, good business sense, tapat na pakikisama sa kapwa, at higit sa lahat ay ang walang humpay na pagmamahal sa mga manok panabong,

    Kung mayroon lahat ng mga nabanggit, bakit hindi ?


  6. #6
    TeePee
    Guest
    Hindi masama ang gawing kabuhayan ang pag-aalaga ng panabong na manok.
    Pero kailangan mo munang subukan ang mga palahi mo sa sabungan. Mas magandang sumali ka sa mga pa derby na kaya lang ng level mo at kung nakikita ng mga sabungero na nagpapanalo ang mga palahi mo, kahit saan pa yan pupuntahan yan para lang makabili ng manok mo. Time consuming at Trial and Error ang pagpapalahi sabi nga nila. At kung ikaw naman ay successful sa mga palahi mo at gawin mo itong kabuhayan, be honest lang sa mga gustong bumili ng manok mo, lalo na sa mga baguhan. Kung magbebenta ka kailangan kasing husay din ng mga palahi mo ang ibibigay mo. Kapag satisfied ang buyer sa nakuha niya babalik at babalik yan. Huwag kang matakot na baka makalaban mo siya sa sabungan pagdating ng araw, you have your own breeding program and techniques at alam mo kung papaano i-improve ang mga palahi mo. Ang sabong ay very challenging, kung makakalaban mo ang sarili mong palahi sa ibang tao, mas maganda pa nga dahil first class ang ibinigay mo sa kanila at siyempre first class ang makakalaban mo at doon mo masusbukan ang mga palahi sa mga susunod na henerasyon.

  7. #7
    Member
    Join Date
    Jun 2005
    Posts
    332
    Post Thanks / Like
    depende yan sa puhunan mo, kung maliit puhunan, kawawa lang mga palahi mo, dapat maging flexible ang financial status mo at maalagaan mo nang maganda from chicks to maturity.

  8. #8
    Senior Member
    Join Date
    Mar 2006
    Location
    Canada/Pang
    Posts
    1,023
    Post Thanks / Like
    30 % successful , 70 % broke ..chances.

  9. #9
    batute20
    Guest
    bakit dami atang nanggagaya sa akin ah...nanghahalukay :lol:

    sige hukay pa kayo!!

  10. #10
    Senior Member Kidd Sentencia's Avatar
    Join Date
    Apr 2000
    Location
    Carson Ca/Pangasinan
    Posts
    4,991
    Post Thanks / Like
    Some make a lot, some just a few, some just even, lots losses...

    In terms of money, it's a very high risk business...in terms of satisfying one's desire, if yours, it's awesome.

    Kidd

  11. #11
    Member
    Join Date
    Jun 2005
    Posts
    332
    Post Thanks / Like
    sir batute20,
    makiraan po.

  12. #12
    Member
    Join Date
    Jun 2005
    Posts
    332
    Post Thanks / Like
    sir batute20
    makikiraan lang po.

    teepee,
    tama po kayo, dapat mapagkakatiwalaan tayo ng buyer para babalik balikan tayo at magkaroon ng suki ika nga, kailangan mga 1st class mga pinagbibili natin kahit sa tamang halaga lang.

  13. #13
    Member
    Join Date
    Jul 2003
    Posts
    239
    Post Thanks / Like
    Kung beginner ka palang at mag start palang mag experiment para maka kita ng prepotent na manok,at uhaw sa sarisaring linyada ng manok na e brebreed ang masasabi ko ay malabo na eto ang magiging source of income mo! Kung makabenta ka man ng hindi pa kilalang manok mo e malaki na ang 1T, sa halagang iyan lugi ka na sa feeds @ medicine,time & effort,facilities,sa mga namatay sa sakit pati na ung mga cull mo lalo na kung minalas ka at napakarami ng female. Isa pa ang buyer magagaling pumili kalimitan nakukuha nila ung magagaling mo at matitira ang mediocre, sa mga natirang iyan pinagpilian, dyan ka kukuha ng panlaban mo dahil kung hinde e burden mo yan sila sa feeds,tatanda yan sila sa farm mo. Sa laban naman beginner ka takot kang pumusta kalimitan 1500 kung kadudaduda 3T kung magaling, sabihin mo nanalo ung magaling meron kang 3T minus 10%,tari,snack mo pati kasama mo,entrance,pamasahe,conditioning feeds @ med. balato,painom,ang mapait namatay pa ung manok! meron ka kayang gain?Advice ko pagipunan mo at bumili ka ng the best na trio at ung malakas ang market na breed, lucky ka kung prepotent pa sigurado INCOME na kaagad.

  14. #14
    Senior Member SuPeR_MaNyOnG's Avatar
    Join Date
    Mar 2006
    Posts
    630
    Post Thanks / Like
    kapag naka ready na po lahat ng kailangan nyo sa pagmamanok..

    lakas ng loob po ay kailangan... maging handa po sa lahat ng posibleng mangyari..

    good luck po sa ating lahat..

  15. #15
    etwin
    Guest

    Pwede bakit hinde....

    Kahit pa sa silong lang nakalagay ang mga manok mo bastat magaling ang alaga at mataas ang uri nito...kahit pa hindi ka nag sasabong bastat alam na mura may darating at darating sa bahay mo para bumiling manok...meron panga namamakyaw
    ikaw lang ang gagawing tiga alaga kapag 10 month na ...kung sampu ang nasa silong dalalahat pati medyo mahina sa bitaw...

    Sa lamuan katabing bahay nila ay nag titinda ng honey duon ko sila nakikita matagal nayon...at matagal narin akong wala sa atin...nasabi ko ito dahil may mga ahente ako sa lugar nila..at nabigyan panga ako ng manok..kahit pa sa mga kumpare ko
    mga hindi naman maka pausta ng malaki at bihiradin namng nag sasabong...maraming galamay ang mga may sabungan kapag silay nauubusan ng manok kumukuhadin sila sa tabi tabi at pag mahina ang sultada duon nila ito inilalabas wag lang mag uwi an ang mga tao sa sabungan....kaya ok lang yan...mabilis lang ang balita at magugulat kanlng sa bisita....

  16. #16
    Member ValianT's Avatar
    Join Date
    Oct 2005
    Location
    KHamis Mushayt K.S.A.
    Posts
    171
    Post Thanks / Like
    bularit,
    super un white claret mu ah!
    multiple winner ba 2?
    kaso mukhang napbayaan ang sarili,
    retired na ba 2?:lol:

  17. #17
    etwin
    Guest

    Re: Pag aalaga ng panabong na manok?

    Mag soga ka kahit sa tabing kalsada para makita ng mga tao may
    alaga kang mga manok...makita mosandali lang ubos mga manok mo...lalunat kung mga quality ang mga ito...:lol:

    Sa totoo lang tol kung naka tira ka sa ma tao na lugar ha may titigil at titigil para tumingin ng manok mo...

    pero kung nasa liblib kana ibana kung may pangalan ka para dumayo pasila sayo...mabuti pa ang Balot pag umupu kalang sa ma tao nalugar may dadaan at dadaan para bumili...

    Sa manok naman kahit hindi ka nag sasabong at nakita ng tao sa bitaw ang mga manok mo mag kakaroon ng presyo ang mga manok mo..

    Alin lang sa tatlo[3] kung....

    1. mabili ng mahal ang manok mo...
    2. mabil ng mura ang mga manok mo..
    3. manakaw ang mga manok mo...

    pero kung pangit na at mahihina pa ito sa bitaw wag munalang
    isiping mabibili pa ang mga ito...maganda pa siguro kung mag sabay ka ng pag tatanim ng papaya kasabay sa pag laki ng mga ito...

    opinion lang Tol hindi ako tumitingin kung kumo backyard lang
    ang mga manok mo ang tinitignan ay ang hataw ng manok.
    ka ialangan moring malaman kung may ibubuga ang manok kung itoy ma aalagaan mupa ng maayos...ang lahat kita sa ayos...sa hipo...sa pigura...sa hataw kung may ipag babago pa ang mga ito...

    Ang iniiwasan ko lang ang magandang balahibo...magandang hipo...pero bulok sa bitaw...ang mga ito siguradong ayw lang katayin ng mga may ari ng manok...

    Kaya ang sagot ko sa tanong mo tungkol sa manok ....
    pwede kung magaling kasa pag mamanok...

  18. #18
    KBAURILE
    Guest

    source of income...

    sa akin lang, pwede tong pagkakitaan. pero you have to make a name for yourself para may bumili ng stocks mo.

    kailangan mo talagang maglaban ng manok para makita ng mga tao ang kalidad ng mga ito and then hope for the best na may bibili sa 'yo.

    pero don't compete with large farms kung maliit lang ang farm mo. kung ang benta sa farm 14 k kada manok. siguro drop your price to 1/4 depending sa kalidad ng manok mo.

    from my experience, naglaban muna ako ng mga manok at different places and i managed to make friends with a lot of people who believe in the quality of my cocks.

    from there nagkaroon ako ng mga costumers from cavite city, tanza, and even in manila.

    pero presyong kaibigan lang ang bigay ko sa kanila.

    last season, i managed to produce less than 30 cocks and before the start of this season, nabili na ang more than half ng palahi ko. yung mga natira, kami na ang naglalaban.

    siguro satisfied naman sila sa mga manok ko kse it has been like that since year 2000, when i got to serious breeding.

    hope that helps...:blush:

  19. Likes loisbugoy liked this post
  20. #19
    Member Olivirus28's Avatar
    Join Date
    Jun 2011
    Location
    Macau and Davao
    Posts
    334
    Post Thanks / Like

    Re: Pag aalaga ng panabong na manok?

    Sa akin lng po:

    Kung magsesemula kapa lng dapat alam mmo na lahat dahil hindi basta-basta ang sakripisyo dito sa pag mamanok:

    1)Bumili ng Nagpapanalong bloodline.
    2)Pure o puro na winning line.
    3)Management mo.
    4)Budget mo.
    5)Area mo.
    6)Dapat supporta ni misis,.para hindi gilitan mga panabong mo kung ayaw pumalu.
    7)Aral ka ky TJT.
    8)think Positive para hinde masyadong masakit sa bulsa.
    9)Research sa internet kung anong bagong systema.
    10)Gameness and sports.

    Thank you!

  21. #20
    Junior Member
    Join Date
    Oct 2015
    Posts
    5
    Post Thanks / Like

    Re: Pag aalaga ng panabong na manok?

    Ano po ba ang magandang ipares sa inahing talusapi beginner po kasi ako

  22. #21
    Senior Member e4alnied's Avatar
    Join Date
    Aug 2010
    Location
    ticao is.
    Posts
    699
    Post Thanks / Like

    Re: source of income...

    Quote Originally Posted by KBAURILE View Post
    sa akin lang, pwede tong pagkakitaan. pero you have to make a name for yourself para may bumili ng stocks mo.

    kailangan mo talagang maglaban ng manok para makita ng mga tao ang kalidad ng mga ito and then hope for the best na may bibili sa 'yo.

    pero don't compete with large farms kung maliit lang ang farm mo. kung ang benta sa farm 14 k kada manok. siguro drop your price to 1/4 depending sa kalidad ng manok mo.

    from my experience, naglaban muna ako ng mga manok at different places and i managed to make friends with a lot of people who believe in the quality of my cocks.

    from there nagkaroon ako ng mga costumers from cavite city, tanza, and even in manila.

    pero presyong kaibigan lang ang bigay ko sa kanila.

    last season, i managed to produce less than 30 cocks and before the start of this season, nabili na ang more than half ng palahi ko. yung mga natira, kami na ang naglalaban.

    siguro satisfied naman sila sa mga manok ko kse it has been like that since year 2000, when i got to serious breeding.

    hope that helps...:blush:
    agree ako dito... dagdag ko lang, dapat start right & breed right at dapat breed for qualities not for quantity... sana makatulong!

  23. #22
    Senior Member Eddie go's Avatar
    Join Date
    May 2005
    Location
    San Jose, California
    Posts
    7,532
    Post Thanks / Like

    Re: Pag aalaga ng panabong na manok?

    Quote Originally Posted by beltranmark698 View Post
    Ano po ba ang magandang ipares sa inahing talusapi beginner po kasi ako
    Dalusapi sir at di talusapi, sorry. Kulay sir ang dalusapi at di bloodline at magresearch ka ng husto at huwag kang umasa lamang dito sa mga isasagot sa iyo dahil mahabang pagaaral ang pagpapalahi at pagaalaga ng manok panabong kadalasan ay kulang pa ang buong buhay natin para dito. Sana dika ma offend sa akin sinabi sa iyo beltran. Have a nice day and God Bless.

    Eddie

  24. Likes Saccridge, Sonic Jammer liked this post
  25. #23
    Senior Member MBhoss's Avatar
    Join Date
    Jul 2008
    Location
    Al Jubail
    Posts
    730
    Post Thanks / Like

    Re: Pag aalaga ng panabong na manok?

    The best ang sinabi mo Sir Teepee san ayon ako sa sinabi mo.

    Quote Originally Posted by TeePee View Post
    Hindi masama ang gawing kabuhayan ang pag-aalaga ng panabong na manok.
    Pero kailangan mo munang subukan ang mga palahi mo sa sabungan. Mas magandang sumali ka sa mga pa derby na kaya lang ng level mo at kung nakikita ng mga sabungero na nagpapanalo ang mga palahi mo, kahit saan pa yan pupuntahan yan para lang makabili ng manok mo. Time consuming at Trial and Error ang pagpapalahi sabi nga nila. At kung ikaw naman ay successful sa mga palahi mo at gawin mo itong kabuhayan, be honest lang sa mga gustong bumili ng manok mo, lalo na sa mga baguhan. Kung magbebenta ka kailangan kasing husay din ng mga palahi mo ang ibibigay mo. Kapag satisfied ang buyer sa nakuha niya babalik at babalik yan. Huwag kang matakot na baka makalaban mo siya sa sabungan pagdating ng araw, you have your own breeding program and techniques at alam mo kung papaano i-improve ang mga palahi mo. Ang sabong ay very challenging, kung makakalaban mo ang sarili mong palahi sa ibang tao, mas maganda pa nga dahil first class ang ibinigay mo sa kanila at siyempre first class ang makakalaban mo at doon mo masusbukan ang mga palahi sa mga susunod na henerasyon.

  26. #24
    Junior Member
    Join Date
    Dec 2014
    Posts
    15
    Post Thanks / Like

    Re: Pag aalaga ng panabong na manok?

    Pabigat (sa paa ng manok)maganda bang pang exercise sa manok at Ilang oras gamitin sa 1 araw

  27. #25
    Senior Member Eddie go's Avatar
    Join Date
    May 2005
    Location
    San Jose, California
    Posts
    7,532
    Post Thanks / Like

    Re: Pag aalaga ng panabong na manok?

    Quote Originally Posted by blackeagle@.com View Post
    Pabigat (sa paa ng manok)maganda bang pang exercise sa manok at Ilang oras gamitin sa 1 araw
    Sir sa tingin ko nasa negative side ka kung gagamitan mo ng pabigat ang manok sa paa. Mas maganda pa siguro na gumamit ng lubid na doon mo sila padapuin na para bang nagbabalance sila habang nakadapo doon sa lubid. Siguro mga 30 minutes lang muna sa isang araw at obserbahan mo kung may developement siya kapag ibinibitaw mo. O kaya sa hardening pen at malaking tulong ito sa kanila sa pagpapalakas ng kanilang mga paa. Sa akin lang ito sir.

    Eddie

  28. #26
    Member
    Join Date
    May 2015
    Posts
    141
    Post Thanks / Like

    Re: Pag aalaga ng panabong na manok?

    Manok ko po bulik breed
    http://m.imgur.com/ecqM40h,Tt0uiQQ
    Last edited by TheDarkLord098; February 2nd, 2016 at 12:56 PM.

  29. #27
    Junior Member
    Join Date
    Jun 2015
    Posts
    22
    Post Thanks / Like

    Re: Pag aalaga ng panabong na manok?

    Kailangan mo dito sa pagaalaga ng manok dapat passion mo talaga at dapat may tyaga at pasensya ka, dahil kung wla baka matagal na 2 taon tigil kana sa pag mamanok.

  30. Likes Eddie go liked this post
  31. #28
    Senior Member Eddie go's Avatar
    Join Date
    May 2005
    Location
    San Jose, California
    Posts
    7,532
    Post Thanks / Like

    Re: Pag aalaga ng panabong na manok?

    Quote Originally Posted by Nomel888 View Post
    Kailangan mo dito sa pagaalaga ng manok dapat passion mo talaga at dapat may tyaga at pasensya ka, dahil kung wla baka matagal na 2 taon tigil kana sa pag mamanok.
    Totoo iyan kailangan na passion mo ang pagmamanok at di lang naenganyo dahil may kaibigan kang nagsasabong at nanalo. Malaking gastusin ito at tiyaga at malalaman mo ito gaya ko dahil sa tilaok lamang nila ay maligaya kana at wala agad ang pagod mo sa oras na mahimas mona sila, hehehe. Kahit pa nating sabihing maliit ang manukan mo ay malaking gastos ang haharapin mo. Iyon nga lamang iba na ang pakiramdam mo lalo na kung nagpapanalo ang mga manok mo kahit sa hackfight lang.

    Eddie
    Last edited by Eddie go; February 20th, 2016 at 01:22 AM.

  32. Likes Island Born liked this post

Similar Threads

  1. Replies: 8
    Last Post: March 29th, 2009, 06:54 PM
  2. ALA-ALA sa MANOK PANABONG!!!!!
    By a2y in forum Usapang Manok
    Replies: 48
    Last Post: July 2nd, 2008, 12:56 PM
  3. Re: Pag-aalaga ng manok
    By jewelyn in forum Usapang Manok
    Replies: 4
    Last Post: October 13th, 2007, 03:25 PM
  4. Replies: 14
    Last Post: August 13th, 2006, 12:58 AM
  5. tamang pag-aalaga sa nanalong o sugatang manok...
    By RMS1stTry in forum Usapang Manok
    Replies: 0
    Last Post: December 9th, 2005, 10:14 AM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •