Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 30 of 34

Thread: itlog ng manok, lalaki o babae?

  
  1. #1
    nokman junior
    Guest

    itlog ng manok, lalaki o babae?

    mga fellow frends,

    madami kasi sa amin na gumagawa nito....totoo ba na kapag ang itlog ay pahaba at malaki ay lalaki ang sisiw na ipo-produce nito at kapag pabilog at maliit naman ay babae?, kasi maraming sabungero sa amin ang kinukuha at inuulam nalang yung mga itlog ng inahin nila na bilog at maliliit dahil 90 percent daw na magiging babae lang yung ipo-produce ng egg na yun.....tingin nyo po, may katotohanan ba at basehan yung ganitong kaalaman?.....may gumagawa ba ng ganitong praktris sa inyo?.....kasi parang napaka-imposible para sa isang beginner na katulad ko na maniwala sa ganito kasi siba pag 1 day old palang yung sisiw ay mahirap ng malaman kung ano yung gender niya, itlog pa kaya.....sana reply naman kayo....

  2. #2
    ryan72_2000
    Guest

    itlog na pabilog at pahaba

    ...ay walang katotohanan para malaman mo ang tunay na kasarian ng mga lalabas pa lang na mga sisiw. sa katunayan, nag-ipon ako ng puro mga pahabang itlog at aking pinapisa - ang kinalabasan ay mas marami ang babae kaysa sa lalaki.
    kung gusto mo ng method dun sa chix sexing ay ipapadala ko sa iyo.

  3. #3
    I.C.F.
    Guest

    Thumbs up Ryan ako din ha!!!

    Ryan,
    pare musta na De din ako naniwala dun
    sa itlog pa lang Ryan padalahan mo din ako ng
    about ur method sexing the chicks in thier early age...
    thanks in advance..


    I.C.F. - john

  4. #4
    nokman junior
    Guest
    ryan, padala mo naman sakin yang method mo...makakatulong yan sakin..antay ko.

    calling ol senior members out der, help us out...reply naman kayo kung ano ang mga views noy bout this thread...sorry, kung if ever na napag usapan na to dito...wait kaming mga baguhan sa inyo.

  5. #5
    thundercock
    Guest

    maraming lalaki na sisiw k'sa babae

    Wala pong katutuhanan na kapag pahaba ang hugis po ng itlog ang sisiw po nito ay lalaki. Tinalakay na rin po ito ni Dr. Bunan sa Tukaan at hindi raw po ito tutuo.
    Kung gusto nyo pong maraming lalaki sa palahi po ninyo puntahan nyo po 'tong thread na ito, at sigurado maiintriga po kayo...

    http://sabong.net.ph/forum/showthrea...ghlight=baking

  6. #6
    Senior Member MOYZKI's Avatar
    Join Date
    Jun 2003
    Posts
    619
    Post Thanks / Like
    Sa palagay ko ay wala sa itsura at hugis ng itlog ang kasarian ng lalabas na sisiw....

    Ang inahin ang nag-didikta ng kasarian ng mga sisiw na lalabas. Kung lamang ang babae sa mga napapalabas mong sisiw ay pwede mo palitan ang inahin mo, pili ka ng nag-lalabas ng mas ming lalake. Sa pag-kakaalam ko ay pwede rin ipamana ng inahin ang kanyang katangian na maglabas ng mas maraming lalake sa mga magiging anak nya.....


    MOYZKI

  7. #7
    nokman junior
    Guest
    pero bakit kYa maraming naniniwala sa ganoong sistema?, hindi kaya meron ding silang pinanghahawakang katibayan o gusto lang nilang iligaw ang isang katulad kong baguhan?.....anyone out der who believed that long eggs produce a male offspring...defend ur belief...

  8. #8
    Senior Member MOYZKI's Avatar
    Join Date
    Jun 2003
    Posts
    619
    Post Thanks / Like
    Pareng nokman,


    Kung gusto mo ay gumawa ka ng sarili mong case study. Paghiwalayin mo ang mga itlog na bilog sa pahaba at subukan mo ito papisa sa magka-ibang inahin. O kaya ay gumamit ka ng incubator para mapag-hiwalay mo ang mga ito ng mas madali.

    Kung mapisa na ang mga ito ay pag-hiwalayin mo ng brooder para hindi sila maghalo. O kaya ay lagyan mo ng tamang markings ang mga sisiw. Ngayon, ikaw na mismo ang makakapag sabi kung totoo ba o mali ang mga sinasabi nila.

    Pare post mo din dito sa site ang mga conclusions mo, baka sakaling mapakinabangan din ng ibang miyembro....

    MOYZKI

  9. #9
    ryan72_2000
    Guest
    thundercock,

    thanks for putting back the old thread in connection with this present topic.

    may katotohanan ang nire-rekomendang sistema sa pamamagitan ng pag-papatuka ni mr. alberto para makakuha ng majority ay males sa iitlugin ng hen.

    sa tao para mag-kaanak ng lalaki ay may sistema ring ginagawa, kinokunsedera ang edad ng babae, may tamang buwan sa pag-tatalik at may sistema kung ano ang kakainin ng lalaki at babae.

  10. #10
    nokman junior
    Guest
    sa lahat ng nagreply,

    salamat sa inyo at kahit papaano ay naliwanagan ako, sensya na kung napag-usapan na to dati..para kasi sa baguhang katulad ko, ito kasi yung pinaka major na tanong ko.....kung may katotohanan ba talaga....agen,salamat! sana may mga expert cockers and breeders na magreply pa dito....i hope

  11. #11
    dongeroo
    Guest

    Re: itlog na pabilog at pahaba

    Pwede pong pa email ng chix sexing?

    dong@teamyehey.com

    Salamat pong marami in advance.

  12. #12
    CyberFriends
    Join Date
    Sep 2001
    Posts
    215
    Post Thanks / Like
    Nag eksperimento kami ni erpats nitong off season at isinalang lamang ang mga itlog na hugis pahaba. Mayroon ako ngayong 50 heads ng 1 month to 2 month old na sisiw na mga lalaki at mga 15 sisiw na babae.

  13. #13
    Senior Member swallow's Avatar
    Join Date
    Aug 2001
    Posts
    2,689
    Post Thanks / Like
    Hindi basehan ang hugis ng itlog sa kasarian ng magiging sisw!!!

    Bakit po??? ito ang aking kasagutan pagkatapos kong marinig yang paniniwala ng ilan... Kung totoo na me kinalaman ang hugis ng itlog sa kasarian ng sisiw, paano yung mga itlog na walang semilya? dapat di po ba walang hugis kasi walang semilya eh, pero ang katutuhanan pwede syang maging bilugan or pahaba. Ikalawa, me mga inahin tayo na puro pahaba ang itlog at meron naman puro bilugan, pero nagbibigay pa din sila ng sisiw na babae at lalake.

    Yung paliwanag ni Alberto Marin eh me basehan dahil hinugut pa niya ito sa isang pagsasaliksik ng mga siyentipiko.

    Meron pa din pong isang pamamaraan ng sexing pero sa day old chick na ito, yung tinatawag na vent sexing method. Sa fisrt day ng sisiw malalaman mo kung lalaki o babae, kaya kung nais niyung makatipid, pwede nyo ng ipalo sa poste ang mga babaeng sisiw.

  14. #14
    jewell
    Guest

    tanong din po tungkol sa itlog

    10 days na yung mga itlog ko sa loob incubator. sinilip ko ito at nakita ko na meron itong dark shades na parang naka-float sa tubig .gumagalaw din kapag iniikot ko yung itlog. fertile ba ang ibig sabihin nito?

  15. #15
    Dulag
    Guest
    swallow,

    ser, pakipaliwanag ng konti ang ibig mong sabihin ng vent sexing method. interested ako dyan, paano ba yan bosing?

  16. #16
    thundercock
    Guest

    Fertile egg

    Kung merong gumagalaw sa itlog at may itim na bahagi sa loob nito during candling ito po ay masasabi nating fertile, meron po kayong makikita na parang spider web like na nakadikit sa gilid ng itlog, (sa loob hindi sa labas), isa rin po itong palatandaan na fertile ang itlog.

    Chick sexing,

    Mahirap pong isalarawan sa salita para malaman ang chick sexing sa pamamagitan sa pagtingin sa vent po nito, sa merong mga libro na may larawan ng vent formation ng babae at lalaking sisiw sana po ay mai scan po ninyo at maipost po dito sa site, at suggest ko rin po na kung meron po kayong extra sa income po ninyo maganda po na makabili po kayo ng libro, sa " Philippine cocking Fundamental" na libro ay nakalarawan po doon ang hitsura ng pagkakaiba ng vent ng babae at lalaking sisiw.


    " Life is Short...Enjoy "

    Thundercock

  17. #17
    Senior Member swallow's Avatar
    Join Date
    Aug 2001
    Posts
    2,689
    Post Thanks / Like
    Dulag,

    Tulad ng binanggit ni Thundercock, ang vent sexing eh medyo mahirap ilarawan kung wala kang makikitang litrato ng vent na inaasahan mo sa bawat kasarian. Ang vent sexing eh accurate lang po sa 1st day ng sisiw at kailangan po hindi pa siya naka-inom ng tubig o nakakain ng kahit anong patuka.

    mahirap ipaliwanag pero napakagandang basehan para malaman kung ang sisiw ay lalake o babae, khit po yung binabae hindi makakalusot dito.

    Me isa pa palang paraan ng sexing, pero ito ay sa sisiw idad 2-3 weeks. Dito naman ang ginagamit eh ang pagtubo ng wing feathers para malaman ang kasarian.

  18. #18
    Dulag
    Guest
    siguro nga dapat nang bumili ng Phil. Cocking Fundamental na libro para madagdagan ng konti ang kaalaman na medyo scientific, salamat thundercock n swallow. ser swallow yun bang na mention mo sexing by looking at the feathers e andun din sa book. otherwise medyo paki explain naman if you dont mind, thanks again!!!

  19. #19
    romanc2
    Guest

    chicken sexing

    Kung mayron kayong kaibigan na nagtatrabaho sa
    Robina Farms or any big farms na ang kanilang trabaho ay paghihiwalay ng male or female day old chicks, paki post lang dito para padala tayo ng tauhan na magratrain under sa kanya for a fee. Maraming masasave nating gastos kung alam natin ang pagpili ng male and female at an early stage

  20. #20
    Senior Member swallow's Avatar
    Join Date
    Aug 2001
    Posts
    2,689
    Post Thanks / Like
    Totoo po yung sinabi ni Romanc, kung me kakilala kayo sa mga malalking company na tulad ng Robina, SMB, etc or mga contract grower na matindi na ang experience sa broilers, alam nila yan, kasi kapag ma lalaki ang nabigaw na sisiw sa kanila alam nilang medyo maliit lang kita nila kasi medyo mabagal lumaki ang lalaking sisiw.

    Dulag,
    Yung sa wing feathers ang basehan, habang sila ay tumutubo pa lang. Yung tungkol sa Phil Cocking Fundamentals na libro, hindi ko alam kung nandun yun kasi hindi ako nagkaruon ng interes na bumili nun... sa kadahilanan na me ilan lang po akong taong pinagkakatiwalaan kapag mga ganyan articles/ write-ups ang pinag-uusapan, yung iba basta hindi technical discussion binabasa ko lang pero hindi ko tinatanggap ng basta-basta.

  21. #21
    ryan72_2000
    Guest
    dulag,

    send mo sa akin iyung email address mo at ipapadala ko sa iyo iyung method sa sexing ng day-old chix.

  22. #22
    riyadhton
    Guest

    Sexing Method

    Ryan72_2000

    Baka puwede mo rin akong bigyan ng sexing method.
    Here is my e-mail alz166@yahoo.com

    Hoping for you favorable response regarding this matter.

    Thank you and more power.


    =========================
    Sabong is an art ... Learn from the master ... beat the master!:hombre:

  23. #23
    Dulag
    Guest
    ryan 72_2000

    tanx in advance, my e-mail is laoflores@yahoo.com, regards.:rbounce:

  24. #24
    batute20
    Guest

    ryan...

    ako rin pls...

  25. #25
    Senior Member AnakNiPepe's Avatar
    Join Date
    Feb 2005
    Location
    Sa Bundok
    Posts
    854
    Post Thanks / Like
    sa itlog mahirap malaman intay na lang tayo ng 21 days. sa 1 day old chick pwede mo na itong malaman gamit ang magnifier at ilaw makikita mo kung babae o lalaki sa pagtingin sa may puwitan ng sisiw pag may patulis lalaki at pag ala babae yan. may nakasulat nga sa phil cocking funda. 2 method ang nakasulat doon wing method at ung sa puwit.

  26. #26
    Member mr.twin's Avatar
    Join Date
    Jul 2005
    Location
    Argao
    Posts
    290
    Post Thanks / Like
    sinubakan ko yan kinuha ko lahat na matutulis na itlog at ito yong pinalimlim ko sa sa 7 pito pung na hatch 6 of them are male ....bka naka chamba lang.......

  27. #27
    edbatz
    Guest

    chicks sexing

    i'm a newcomer, pls send me this method:
    my e-mail ads: edbatz@gmail.com

    thanks a lot for the this help

  28. #28
    Senior Member boknoy2004's Avatar
    Join Date
    Oct 2005
    Location
    SiPiNg BaLe
    Posts
    559
    Post Thanks / Like

    Chick sexing

    paki padalhan din po ako ng method sir kung may matira pa. maraming salamat po at makakatulong ng malaki sa ating lahat yan... rgalang76@yahoo.com

  29. #29
    Senior Member chrisgeoff21's Avatar
    Join Date
    Jan 2006
    Location
    pangasinan
    Posts
    1,126
    Post Thanks / Like
    mga tol,,,,

    my pinansyalan akong farm ng kaybigan ganyan gngwa handler nya.imagine 40 eggs na pinili nya out it eh 35 males tlga lumabas!!!di daw maiiwasan na my makuha na babae pero majority lalaki sigurado un ka nya....kaya ngpaturo na din ako malay ko dba wala naman mawawala pag susubukan.hehehe....

  30. #30
    Member Aramos's Avatar
    Join Date
    Nov 2004
    Posts
    261
    Post Thanks / Like

    shape

    Ganun ginagawa ko pinipili ko yung malaking itlog at pahaba or matulis...Pero 4-8 pcs lang ako kung magpasalang walang space eh....5 out of 8 eggs ang nabubuo tapos 3 to 4 naman ang males na lumalabas...

Similar Threads

  1. totoo ba ito???about s itlog kung lalaki o babae
    By jong72 in forum Usapang Manok
    Replies: 30
    Last Post: August 12th, 2009, 11:44 PM
  2. Replies: 1
    Last Post: August 9th, 2008, 09:51 PM
  3. Replies: 8
    Last Post: January 22nd, 2008, 06:47 PM
  4. Ilang Babae Ang Kaya Ng Isang Lalaki?
    By clence in forum Usapang Manok
    Replies: 5
    Last Post: August 4th, 2007, 03:52 PM
  5. Lalaki O Babae
    By brunswick in forum Usapang Manok
    Replies: 11
    Last Post: February 3rd, 2004, 04:48 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •