Page 1 of 33 12345611 ... LastLast
Results 1 to 30 of 977

Thread: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

  1. #1
    Senior Member cocker122563's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    pateros, metro manila
    Posts
    700
    Post Thanks / Like

    mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    marami sa atin ang hindi kayang bumili ng mga manok na palahi sa farm sa kadahilanang masyadong malaking pera ang kakailanganin para makabili ng isang panlaban na nagkakahalaga mula 2,000 - 10,000.
    kahit nga mga backyard breeders lang, ang halaga ng kanilang palahi ay hindi bababa sa 1,000 - 1,500.

    dito ngayon papasok ang mga biyahero sa mga sabungan na nagbebenta ng manok sa bayong. pangakaraniwan ng magbenta sila ng mga stags mula Php 800 - Php 1,000 at mga cocks mula 1,000 - 1,500.

    hindi komo't bayong ay bulok na. nasa pagpili mo rin yun. pwede mo namang hipuin, ikahig at ibitaw para malaman mo kung may obra nga ang manok o wala.

    sa kagaya kong sabungero na kung magparada ay hanggang 5,500 lang, ano pa ang kikitain ko kung bibili ako ng manok na halagang 3,000 at pupustahan ko lang ng 5,500? ibawas mo na doon and plasada, bayad sa tari at gamot. may matitira pa sa iyong kulang kulang 4,500. bale tumubo ka lang ng 1,500. eh yung pagod mo pa sa pagkundisyon, patuka at vitamins? sabi ng kumpare ko, pustahan ko raw ng malaki. eh hanggang 5,500 nga lang ang kaya ng bulsa at ng dibdib ko. hehe.

    pero may alam akong lugar na mismong pinagkukuhanan ng mga biyahero. mas makakamura ka dahil aalisin mo na ang tubo na ipapatong sana ng mga magbabayong. ang lugar na ito ay ang slaughterhouse sa lipa, batangas. yun ang tawag sa lugar dahil doon ang bentahan ng mga baka, baboy, kambing at higit sa lahat...mga panabong na manok.

    tuwing linggo ang bentahan sa lipa. mga isa't kalahating oras lang naman ang biyahe mula c-5 hanggang lipa. pagdating mo ng munisipyo ng lipa city ay madali ng matunton ang slaughterhouse. alam ng mga taga-roon kung nasaan yun. bale isang malaking compound yun na kung saan sa entrance pa lang ay nandun na ang bentahan ng lahat ng klase ng panabong. alas sais pa lang ng umaga ay marami ng mga manok na pambenta doon. lahat ng klase. stags, bullstags, cocks, talisayin, dalusape, mayahin, binabae, inahin, palahi, nakaw, reject sa farm, etc. nandun lahat.

    may texas, mestizo, tagalugin, asil, mga bulok at mga magagandang lahi din naman. nasa sa iyo na yun kung ano ang hinahanap mo sa isang panabong. gaya ng sabi ko, pwede mo naman kasing ikahig at ibitaw. ok lang yun sa mga nagbebenta basta hanggang mga 3 lipad lang. at take note...ang presyo. may mabibili ka dun sa halagang 500 na hindi mo mabibili dito sa maynila ng 1,000. ang sekreto dun ay nasa pagpili mo at pagtawad.

    pag pumupunta ako dun alas singko pa lang na umaga ng linggo ay nasa c-5 na ako. dumarating ako dun ng alas sais y medya. marami ng manok ang nakadisplay na pambenta. pangkaraniwan ng bumibili ako ng mga 3 hanggang 5 manok. ang 1,000 nila dun ay magandang2x manok na. nasa pagtawad lang naman yan at pagpili ng tama. kung ang balak mo lang ay i-hackfight, hindi ka nagkamali ng pupuntahan.

    matutuwa ka talaga sa dami ng mga manok na makikita mo. at sa presyong kayang kaya mo. kaya lang ay dapat ka talagang pumunta ng maaga dahil nabibili agad ang mga magaganda. hanggang alas dose ng tanghali ang tiangge dun ng mga manok.

    hindi ako galit sa mga backyard at farm breeders. sigurado naman akong meron na kayong mga suki na talagang kaya ang presyo ng mga manok nyo dahil quality talaga. ang sa akin ay binibigyan ko lang ng alternatibo ang mga sabungerong kagaya ko na pang smalltime hackfight lang. nasa sa atin na yun kung bibili tayo ng manok na mura nga pero bulok o mura nga pero quality pa rin. nasa tamang pagpili at pagkilatis lang yan.

    hanggang sa susunod!

  2. #2
    Member bossm's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    127
    Post Thanks / Like
    Korek k dyan ka cockmate nung nsa Pinas pa ko bumibili din ko ng maonk sa bayong s bocae bulacan, parehas din ng sistema. S katunayan nga meron akong iniwang manok (from d byong) sa kumpare ko 2x winner( that was 2yrs ago). Ang huling balita ko ay pinapalahi n lng nya bec. nabalda nung ilaban nila at least nka 3x n panalo bago igrahe. So minsan d mo n kailangang pumunta p ng farm manok sa byong lng ok n, tamang conditioning at ma-side ka s buenas ayos n cgurado n ang panalo.

  3. #3
    BAROK
    Guest

    di pwede ibitaw!!

    dito sa amin marami rin ang nagbebenta sa sabungan ng manok bayong sa halagang 600 ~ 1500Php, ang problema hindi pwede ibitaw, kaya mahirap makipagsapalaran masasayang lang ang pagod at pera mo kong bibili ka.

    Kung pwedeng ibitaw, ayos yon makakapili ka ng maganda.

  4. #4
    Senior Member cocker122563's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    pateros, metro manila
    Posts
    700
    Post Thanks / Like
    hindi pwedeng hindi mo ibitaw ang manok pag bumibili ka sa bayong sa dahilang hindi mo malalaman kung may diperensya ang manok gaya ng gumugulong pag landing o hindi maganda ang hataw ng paa o madaling mapagod at parang hinihika ang manok. wag kang bibili kung ayaw man lang ibitaw ng nagbebenta ang manok. siguradong may ayaw ka niyang makita sa binebenta niyang panabong. mahirap makipagsapalaran sa paghipo lang at di mo man lang alam kung ano ang laro ng manok na binibili mo. kung ito ba ay angat/manlilipad, manlulupa, may shuffle ba, mailag, nagpapahabol, nangangayaw, etc? kaya importanteng makita mo talaga sa bitaw ang binibili mo. kahit naman siguro saan ka bumili, sa farm man o sa backyard breeder o sa magbabayong man, napakahalagang makita mo ang obra ng manok na binibili mo. nasa tamang pagkilatis lang yan ng kung anong style ng pakikipaglaban ang sa tingin mo ang magdadala sa iyo ng panalo sa ibabaw ng ruweda maging ito man ay farm-bred, backyard-bred o manok bayong na karaniwan ay palahi rin ng mga maaayos na backyard breeder. basta't ilalaban mo lang ang nabili mo pag kumpleto sila sa training at conditioning. ilalaban mo lang sila pag handa silang lumaban, hindi yung ikaw ang handang maglaban dahil karaniwan, kahit anong galing ng manok, kung wala ito sa tamang kondisyon ay matatalo ito sa loob ng ruweda.

  5. #5
    Senior Member cocker122563's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    pateros, metro manila
    Posts
    700
    Post Thanks / Like
    may gusto lang akong ikuwento sa inyo sa mga naging karanasan ko sa pagbili ko ng panabong sa slaughterhouse sa lipa, batangas.

    may nabili akong dalusaping dilaw ang paa na siyete ang pungos sa halagang Php 450. mga 9 months ang idad. pangit ang itsura dahil nga sa pagkakapungos at mukhang mestizo talaga pero napakaganda ng hipo at husto sa height. at higit sa lahat, salto sarado ang laro. kinondisyon ko ng 2 linggo at nilaban namin sa pateros. makong ang nakalaban namin. ang sabi sa amin sa ulutan ay 2,200 lang daw ang parada un pala'y 22,000. umabot din sa 7,700 ang parada namin. bata rin ang manok na makakalaban namin kaya pumayag kaming lumaban. sumatotal, naikasa ang parada. dehadong dehado kami. logro tres. binitawan ang mga manok. paglipad ng manok namin, huling huli sa ere ang mayahin. pagbagsak, pilay ang kanang paa ng kalaban samantalang kami ay buong buo pa. pero nagtaka ako kung bakit biglang tinawag ang llyamado. yun pala'y labas ang bituka ng manok namin. nasabi ko sa sarili ko...patay na. may takbo ang manok namin na bukod sa 9 months lang ay manok bayong pa. pero imbis na tumigil sa paghataw ang manok namin ay tuloy pa rin sa pagsiyapol. hataw dito, angat doon. nadagdagan ng nadagdagan ang sugat ng kalaban. umabot pa sa limang minuto bago napatay ng manok namin na lawit ang bituka ang kalaban naming makong. hindi talaga tumakbo o nag-atubili man lang na tatakbo.
    maganda ang lahi ng manok na nabili ko na iyon sa halagang 450. sayang at namatay din. sinubukan kong hanapin uli sa lipa slaughterhouse ang matandang lalaking nagbenta sa akin ng manok na iyon pero hindi ko na nakita.

  6. #6
    Senior Member Bty Hunter's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    2,049
    Post Thanks / Like

    texas balulang

    Naranasan ko na ring mag-laban ng manok na bili sa bayong. Yung hipo at kilos ng manok para sa akin ay malaking basehan kung may 'pag sinta' ang tinale. Makakatiyempo ka talaga ng magaganda....nung nakaraang buwan lang 8 tinale ang nadale sa amin ng kawatan, kasama yung 2 time derby winner na gagawin sana naming broodcock Ang punto ko ingat lang, dahil baka galing sa nakaw ang makuha mo..d'yahe kung matandaan nung ninakawan.

  7. #7
    patuzai
    Guest

    Re: texas balulang

    kung ingat lang sa pagbili ng manok bayong , lalo na sa panahong ito uso ang nakawan ng manok , pero sa totoo lang maraming magagandang manok sa bayong lalo na kung magiging kaibigan mo yung nagbebenta ng manok sa bayong , meron panga dyan puro kaso nga lang kalimitan galing sa nakaw .... ingat ingat lang sa pagbili mga kaibigan ...


    maraming salamat po ...


    patuzai

  8. #8
    Member
    Join Date
    Dec 2002
    Posts
    48
    Post Thanks / Like
    Sa sabong, maaring mag laro sa ib-ibang level.

    Kung di naman ilalaban sa masyadong mataas na uri ay talagang mananalo rin ang manok na 'bayong'. Kadalasan, dahil sa di magandang itsura nito ay napapalaban ang mga manok bayong sa mas maliit, mas bata o mas mababa. Pero siguro, piliin mabuti at alagaan pa ng matagal- tagal na panahon bago isabak sa tare.

  9. #9
    ryan72_2000
    Guest
    dati nung mahilig pa akong bumili ng mga manok sa bayong - na hindi ko alam kung mananalo o saang lahi nag-mula - ay mataas ang porsyento na bumibilang ang mga ito ng hangang pitong panalo. ngayon ang binibili ko ng mga manok ay yung kilalang mananalong linyada na matataas pa ang uri pero mapalad na silang makadalawa na ang karaniwan ay patay sa unang laban - sayang at di ko tuloy makuwanan para palaganapin ang kanilang lahi.

  10. #10
    Senior Member Bty Hunter's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    2,049
    Post Thanks / Like
    Depende rin talaga kung saan mo planong manlaban. Kung sa derby o pang malakasang pustahan e medyo delikado yatang gumamit ng di kabisadong linyada. Sa tulad kong minsan lang sa isang taon umuwi mas gusto kung manlaban sa mga ulutan lang dahil mas matipid sa oras..tamang libang lang. Kaya mas gusto ko yung mga di mapormang manok..gagandahan lang ang ulot. Nung nakaraang uwi ko 5-1 (panalo-talo) rin ang bili ko sa balulang..same day laban! Konteng pusta lang bawe sa kantyaw don sa mga nasilat.:lol: ( Tip: malusog na pangangatawan, may baon akong PAN-X at rooster charge= ayos rin)

  11. #11
    miguel88
    Guest

    manok bayong, san ba galing?

    nagtataka lang ako sa karamihan kung bakit kailangang bigyan ng halaga kung ang manok ba ay galing sa bayong o sa farm... ang bayong ay pinaglalagyan lang naman ng manok kaya hindi ito sukatan kung ang manok na inilagay duon ay bulok o hindi... pakatandaan natin na ang mga manok na binebenta mula sa bayong ay galing din sa backyard at kung minsan ay galing din sa farm (kadalasan yan yong mga nakaw)...sumatotal, hindi dapat bigyan ng konklusyon na bulok o mahina ang manok bayong... bagamat hindi ako bumibili sa ganito, masasabi ko na kung bibili ka mula sa bayong, kailangan lang na hipuin at siyasatin ang mga pakpak at paa kung may diperensya at syempre maibitaw mo para makita ang klase ng manok...ang bayaw ko nga naibebenta nya ang mga stag namin sa slaughter house din pag walang pera pero magagandang klase...walang lang ako magawa dahil manok naman nila iyon e...nakakapanghinayang lang!

  12. #12
    Senior Member louie_vh's Avatar
    Join Date
    May 2003
    Location
    Ohio,USA
    Posts
    664
    Post Thanks / Like
    Tanong ko lang mga Kaibigan kung paano pumunta sa slaughter house sa Lipa,Batangas?kasi dito pa ako mangagaling sa Dapitan,Sampaloc Manila...at saka tuwing Sunday lang ba talaga ang bentahan duon ng mga Manok? I'm just curious coz' ayon sa mga nababasa ko sa thread na ito ay may magagandang klase rin na mga manok na binebenta sa slaughter house at a very affordable price, i might visit the place paguwi ko dyan sa pinas by early next year.Thanks sa mga sasagot sa tanong ko na ito.

    P.S.
    pahabol lang,iyun father ko ay may biniling manok bayong(i was in grade 6 then) binili ng father ko sa sabungan at nanalo ito 3x then binenta rin ng father ko ng mawalan sya ng trabaho.:rbounce:

  13. #13
    Senior Member cocker122563's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    pateros, metro manila
    Posts
    700
    Post Thanks / Like
    sagot ito sa tanong ni louie_vh tungkol sa direksyons papuntang slaughterhouse, lipa, batangas.

    kung magcocommute ka lang, sumakay ka ng bus papuntang lipa city. makabubuting sa terminal ka na ng BLTB sa pasay sumakay. kailangang maaga kang umalis sa pasay para makarating ka sa lipa bago mag-alas siyete ng umaga. ang travel time kasi ay mula isa't kalahati hanggang dalawang oras. tuwing araw lang ng linggo ang tiangge o bentahan ng mga manok dun. magpababa ka sa munisipyo ng lipa at mula doon ay sumakay ka ng tricycle at sabihin mo ay sa slaughterhouse ka pupunta. alam na ng mga tricycle drivers doon kung nasaan ang lugar na iyon.

    kung may sarili ka namang sasakyan, basta drive ka lang sa south superhighway hanggang makarating ka sa pinaka-exit sa dulo. pagkalagpas mo ng tollgate ay kumanan ka sa exit ng going to batangas. ito yung exit bago dumating ng exit papunta namang laguna. derecho ka lang. madadaanan mo ang mga bayan ng santo tomas, tanauan, malvar at lipa. basta ang landmark mo ay ang munisipyo ng lipa city. pagkalagpas ng konti ay may makikita kang sanggang-daan. sa kanan ka bumaybay dahil pag sa kaliwa ka pumasok ay sa town proper ng lipa ang bagsak mo. mula doon ay magtanong ka na sa mga tricycle drivers kung nasaan ang slaughterhouse at ituturo ka na nila doon. tinignan ko ang kilometrahe ng sasakyan ko at ang layo mula manila hanggang lipa ay mga 75 kms humigit kumulang.

    kung mahilig ka talagang magmanok ay sigurado akong magugustuhan mo ang pagpunta sa lipa slaughterhouse sa dahilang magsasawa ka sa dami ng mga manok ng binebenta doon tuwing araw ng linggo. gaya ng sabi ko dati, karamihan sa mga biyahero ng manok sa mga sabungan dito sa metro manila ay doon bumibili at namamakyaw ng mga manok. sulit ang pagod at ang layo ng iyong pupuntahan. subukan mong pumunta para malaman mo.

    i hope na kahit paano ay nakatulong ako sa iyo at sa bayang sabungero na gustong makabili ng mga mura at affordable na mga manok. keep on cocking!!!

  14. #14
    Senior Member louie_vh's Avatar
    Join Date
    May 2003
    Location
    Ohio,USA
    Posts
    664
    Post Thanks / Like
    Cocker 122563,
    Thank You very "BIG" sa very informative na reply mo sa tanong ko,for sure i'll visit the place paguwi ko dyan next year para naman makakuha ako ng mga manok at a very affordable price and with quality anyway hindi naman ako sumasali sa Derby puro lang ako hackfight at 2 cock ulutan,Thanks again kaibigan Cocker 122563.
    Kakmeyt Louie :-] :rbounce:

  15. #15
    Senior Member SuPeR_MaNyOnG's Avatar
    Join Date
    Mar 2006
    Posts
    630
    Post Thanks / Like

    Smile Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?


  16. #16
    Senior Member titans's Avatar
    Join Date
    Feb 2006
    Posts
    3,179
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    Paguwi Ko Pinas Pupunthan Ko Yang Slaughter House Salamat Cocker

  17. #17
    Member alimbuyugin's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    BATANGAS
    Posts
    308
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    sir cocker, maganda itong binuksan mo na usapan na to,dangan kasi taga batangas ako at ang lipa ang isa sa dalahan namin ng mga hayop na ibenebenta,bka nga ung nabibili mo eh galing sa mga baryo sa amin,totoo na di mo matatawaran ang galing ng manok na galing sa bayong kasi karamihan dyan mga galing din naman sa farm, ung iba pa nga mga winner na pero nagipit lang kaya ipinagbibili, sa lipa kasi kung gusto mo mabenta ng mabilisan alaga mo mapapasabak ka, kaya lang dapat tlaga magaling kang kumilatis kasi yan din ang tapunan ng mga rejects, katulad nung tiyuhin ko na kapag kulang ang pambili ng pagkain dyan nya benebenta kasi ang katwiran nya pagipinagbili nya sa tao,babaratin din lang eh sa lipa baratin ka man siguradong mabibili pera na di ba? maswerte ka pag nabili mo dun eh ung nakaw, kasi karamihan ng magnanakaw ng panabong ay di sabungero ang hangad lang nila easy money kaya kahit magkano lang ok na, malay nya ba sa lahi ng manok na ninakaw nya basta sa kanya pera lang...
    Last edited by alimbuyugin; December 20th, 2006 at 06:50 PM.

  18. #18
    mistisuhin
    Guest

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    Ang Dami Ko Namang Natutunan Sa Inyo Mga Bossing!
    Maka Punta Nga Jan Onetime.
    Tanong Ko Lang Po Mga Bossing, Di Po Ba Delikado Jan? Di Po Ba Uso Hulidap Jan? Yun Po Bang Pagkabili Nyo Tapos Kukuhanin Ulit Sa Inyo?
    Nagtatanong Lang Po Kasi Di Pa Po Ako Nakakapunta Sa Batangas.
    Thx!:d :d :d

  19. #19
    eugene481@yahoo
    Guest

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    Merry Xmas po sa lahat !!!!

  20. #20
    Senior Member
    Join Date
    Dec 2004
    Posts
    668
    Post Thanks / Like

    Cool Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    wowwwwwwwwwww lipa batangas..nadaan ko na ito.....makabile nga din dyan ....pang tupada hihihihihihihih...

  21. #21
    Senior Member DLANOD's Avatar
    Join Date
    Jul 2006
    Location
    dito lang sa tabi-tabi
    Posts
    2,211
    Post Thanks / Like

    Smile Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    mahilig talaga akong bumili ng manok bayong lalo na pagpanalo ako sa trabisya. meron kasi akong suki na kung tawagin ko ay "selso ala e", taga batanggas kasi. mas madami akong naipanalo kesa natalo na manok bayong. ang style ko kasi ay pagnanalo sa trabisya at natapos ang sultada don na ako pupunta nyan sa suki ko, pipili na ako at bitaw ng 1 to 3 buckles...at dahil nga sa suki na nya ako ay meron talaga syang manok na hinahanda para sa akin, na pusta bili, kumbaga ay kinundisyon nya talaga. pagmaganda ang laro sabay ulot na din.

  22. #22
    Senior Member DLANOD's Avatar
    Join Date
    Jul 2006
    Location
    dito lang sa tabi-tabi
    Posts
    2,211
    Post Thanks / Like

    Smile Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    sa may LUKSUHIN, ALFONSO CAVITE ay meron din kagaya ng sa LIPA. hindi ko na lang matandaan kung anong araw ang kalakal doon...pero kagaya ng sinabi ni sir cocker ay sari-sari ang tinda/lako doon, may kambing, baka, kalabaw etc. .. etc... at manok panabong. basta tyaga ka lang sa pagpili at siguradong makakakita ka rin ng aces doon.

    goodluck cock hunting nyo...

  23. #23
    Member alimbuyugin's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    BATANGAS
    Posts
    308
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    BOSSING MISTISUHIN, GARANTYA KO SA U DI KA TATALUHIN DUN BAKA NGA ITURO PA SAU ANG TAMANG DAAN PAG-UWI KUNG SAKALI AT MALIGAW KA,MAGDALA KA NG BALISONG PARA KUNWARI EH BATANGUENO KA RIN...HEHEHEHE...AYOS DUN SIR NA SA IYO RIN NAMAN KUNG LOLOKOHIN KA SA ISANG LUGAR NA DI MO KABISADO....









    Quote Originally Posted by mistisuhin
    Ang Dami Ko Namang Natutunan Sa Inyo Mga Bossing!
    Maka Punta Nga Jan Onetime.
    Tanong Ko Lang Po Mga Bossing, Di Po Ba Delikado Jan? Di Po Ba Uso Hulidap Jan? Yun Po Bang Pagkabili Nyo Tapos Kukuhanin Ulit Sa Inyo?
    Nagtatanong Lang Po Kasi Di Pa Po Ako Nakakapunta Sa Batangas.
    Thx!:d :d :d

  24. #24
    Member raul dimaandal's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Location
    Virginia
    Posts
    135
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    sa may Tanauan- matadero tuwing araw ng tiange martes o myerkules yta?from 5 to 12 ng umaga ang dami manok at lahat ng hayop

  25. #25
    Senior Member poginggwapo's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Location
    maryland/pasig city
    Posts
    528
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    mga kasabong sa mandaluyong cockpit malapit sa kalentong madaming manok bayong mura at madaming nagbebenta...linggo hanggang miyerkules ang sabong doon...balita kyo d2 kung makakuha kayo

  26. #26
    Senior Member tri_cast's Avatar
    Join Date
    Jul 2006
    Location
    Norlandia
    Posts
    3,946
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    hirap naman kasing bumili sa bayong na yan kasi baka nakaw naman patay tayo pati ikaw na bumili damay.....
    At sa inyo naman mga sir na bumibili ng mga manok kung nakita ninyong magaling na manok at mura at sa huli malalaman mong nakaw pala ano gagawin mo?????? sa totoo lang mga sir......
    Dito mahirap nasosolved ang problema natin sa nakawan sa mga malalaking farm kasi ayaw nating tumolong pero isipin sana natin kung ano din reaction natin kung tayo ang nanakawan......
    Kung walang bibili ng nakaw na manok ay wala na sanang magnanakaw pa.....

  27. #27
    Member JuryRudy's Avatar
    Join Date
    Oct 2006
    Posts
    397
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    hindi ako bumibili ng manok sa bayong pero madalas akong magmasid kung ibinibitaw nila. magagaling din at may magaganda din.

  28. #28
    Member JuryRudy's Avatar
    Join Date
    Oct 2006
    Posts
    397
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    Quote Originally Posted by JuryRudy
    hindi ako bumibili ng manok sa bayong pero madalas akong magmasid kung ibinibitaw nila. magagaling din at may magaganda din.
    Pero sa farm na pinupuntahan ko ay binabayong nila ang manok na binili ko. hehhehehe.
    hindi kinakahon.

  29. #29
    Member alimbuyugin's Avatar
    Join Date
    Oct 2003
    Location
    BATANGAS
    Posts
    308
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    KASI BOSSING MURA UNG BAYONG KUMPARA SA KAHON, AT MADALI IKAMADA ANG ANG BAYONG KAHIT ANONG PWESTO PWEDE,AT MAS MARAMI KANG MADADALA KUNG SA BAYONG NAKALAGAY...






    Quote Originally Posted by JuryRudy
    Pero sa farm na pinupuntahan ko ay binabayong nila ang manok na binili ko. hehhehehe.
    hindi kinakahon.

  30. #30
    chainandcycle
    Guest

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    Ang nabili kong manok sa slaughter sa Tanauan ay mahigit kumulang sa 50. 80% ang nanalo. Subukan ninyong basahin ang libro ni Tony Hidalgo at ang kuwento niya tungkol sa isang magbabayong ng Texas Cockpit na bumubunggo sa mga bigtimers at magugulat na lamang kayong hindi totoong ang manok na magagaling ay nanggagaling lamang sa mga big time breeders. Ika nga ni Ginoong Hidalgo na ang magagaling na manok ay nanggagaling kahit saan. Nasa pumipili ang susi wala sa lalagyan. Ika nga depende sa ligaya ng pumipili. kapag mababaw ang ligaya kahit bobong manokm ay okay na. Kapag mataas ang ligaya siguradong mga umaalimpuyong palo lamang ang papasa.

Similar Threads

  1. Replies: 499
    Last Post: February 8th, 2012, 11:12 AM
  2. Replies: 13
    Last Post: November 25th, 2011, 05:31 PM
  3. Experience Nyo S Mga Manok Bayong ....
    By airwolf0912 in forum Usapang Manok
    Replies: 34
    Last Post: May 3rd, 2008, 02:22 PM
  4. picture ng mga manok bayong
    By fowlfox_denan in forum Usapang Manok
    Replies: 0
    Last Post: April 23rd, 2008, 11:35 AM
  5. Babala sa mga mahilig bumili ng Imported fowls.
    By DNA-Farm in forum Usapang Manok
    Replies: 39
    Last Post: October 10th, 2007, 10:31 AM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •