Page 36 of 36 FirstFirst ... 26313233343536
Results 1,051 to 1,065 of 1065

Thread: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

  
  1. #1051
    Senior Member Eddie go's Avatar
    Join Date
    May 2005
    Location
    San Jose, California
    Posts
    7,601
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    Quote Originally Posted by Purok4_MC722000 View Post
    Kung maLapit ka lang sa texas cockpit marami ang mumura lang, na nakabayong thur, fri at sunday ka pupunta, makakakuha ka ng 1k, pag nakatsamba ka super pa mabibili mo. Sa san roque, marikina marami din.

    Noong araw naman ay talagang uso iyan lalo sa La Loma Cockpit ang dami at kahit ngayon ay may nagdadala pa din para ipagbili doon. Siyempre may kamahalan na rin naman ngayon kaysa dumayo kapa sa malayong lugar at gastos mo sa gas at bayad sa toll ay baka ganoon din ang kalabasan kapag sinuma mo. Ibitaw mo at kung maganda sa tingin mo ang laro ng manok eh ok na siguro na bilin o tawaran mo.

    Eddie
    Last edited by Eddie go; July 4th, 2016 at 07:42 PM.

  2. #1052
    Senior Member
    Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,467
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    Quote Originally Posted by kikoskie View Post
    Walang mabilan ng pwedeng pang praktisan ng tari eh
    kung malapit ka sa amin sa sta. rosa , laguna ay meron akong dalawang pwedeng pag praktrisan magtari , tig 1200 isa pwede na balik patuka lang (2 at 3 years old na sila).

  3. #1053
    Member
    Join Date
    Apr 2003
    Posts
    44
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    Ano ang latest sa pagbili nyo ng manok bayong? OK pa ba sa Lipa, Padre Garcia, Bocaue at Grotto sa SJDM Bulacan?

  4. #1054
    Senior Member
    Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,467
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    ang alam ko yon lipa at sa padre garcia ay okey pa rin at walang pagbabago . Parang mahina na yata ang bentahan duon kase nakakarating na sa laguna yong mga tiga batangas na nagbebenta ng mga manok panabong eh , dati naman hindi at bihira lang makarating sa mga sabungan ang magbabayong pero mahal na rin akse ang stags nila ay 1500 ang gusto, sabi gudlak sa inyo kung mabili yan ng 1500.

  5. #1055
    Member
    Join Date
    Apr 2011
    Posts
    77
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    payag ba yung mga nagbebenta ng manok sa bayong na spar muna ang manok bago bilhin? nasubukan ko na rin bumili sa bayong pero di na ako nag request na ibitaw dahil inisip ko pagpraktisan lang naman magtari.

  6. #1056
    Senior Member
    Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,467
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    Quote Originally Posted by warrar View Post
    payag ba yung mga nagbebenta ng manok sa bayong na spar muna ang manok bago bilhin? nasubukan ko na rin bumili sa bayong pero di na ako nag request na ibitaw dahil inisip ko pagpraktisan lang naman magtari.

    Oo,lahat sila ay payag ibitaw muna ang manok bago bayaran.Minsan nga ay nakaka walo o sampung bitaw na daw ang manok nila maghapon at hindi pa nabibili hahaha, yon ang pwedeng pwede ng baratin kase ibig sabihin ay mahina yon manok niya kaya hindi nabibili.

  7. Thanks hennie thanked for this post
  8. #1057
    Member
    Join Date
    Apr 2003
    Posts
    44
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    Meron pa ba sa Bocaue at Grotto? Magkano na ang bentahan?

  9. #1058
    Junior Member
    Join Date
    Apr 2020
    Posts
    10
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    Mayroon pa bang bentahan ng manok panabong sa Lipa Slaughterhouse? Magkano ang current price ng mga manok doon?

  10. #1059
    Senior Member
    Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,467
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    Quote Originally Posted by ReynaldD View Post
    Mayroon pa bang bentahan ng manok panabong sa Lipa Slaughterhouse? Magkano ang current price ng mga manok doon?
    Meron pa yata at 2 libo pataas na yata ang bentahan pero makakahingi ka naman ng diskwento or deal sa bawat nagbebenta ng manok , mag-ingat lang kase may mga nakaw na manok na duon din minsan ibinabagasak ng mnga magnanakaw. sa sabungan namin ay marami pa rin tig 1500 lalu na natalo na yon nagbebenta ng mga bayong sa trabesiya ay talagang mura na nila benebenta mga manok bayong, minsan pa ay 5 libo ang tatlong manok bullstags at isang cock na. gudlak.

  11. #1060
    Junior Member
    Join Date
    Apr 2020
    Posts
    10
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    Hi Bro Tarosa, maraming salamat sa reply.

  12. #1061
    Senior Member
    Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,467
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    Walang anuman bro RelanaldD ... San ka ba sa atin ? BUmubili ka lang ba ng pansabong mo at hindi ka nagpalahi ?

  13. #1062
    Junior Member
    Join Date
    Apr 2020
    Posts
    10
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    Hi Bro Tarosa,

    Sa Bahayang Pag-asa, Imus, Cavite ako. 2001 pa ng huli akong magsabong. Una kong laban ay manok sa bayong na nabili ko sa Padre Garcia na tig-P600 ang nilaban namin ni utol sa Zapote Cockpit sa Las Pinas. Nanalo ito kahit may halak na ginamot namim ng cough syrup. Sabi ng isang amuyong na McLean hatch raw ang tinalo namin. Natigil lang ako dahil nabiktima ako ng pyramid scam nuong 2002. Maganda pa naman ang score namin na 11-4 sa sabong sa Cavite Coliseum kahit na pulot-pulot lang ang panlaban namin. Naengganyo akong magbalik sa sabong dahil maganda raw ang papremyo sa 2-cock ulutan sa Imus Sports Arena. Gusto namin ni utol na magkundisyon lang ng panabong dahil maliit lang ang aming pwesto. Matrabaho kasi ang mag-breed at mag-alaga ng sisiw na baka hindi namin maasikaso dahil pareho na kaming seniors ni utol.

  14. #1063
    Senior Member
    Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,467
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    Hi Bro reynaldD,

    Halos pareho pala tayo ng karanasan, nakabili din kami jan sa padre garcia nuong araw 1980's pa yon 2 manok 500 yon isa at yon isa ay 3 hundred lang kase pangit na manok pero magaling at pareho nanalo sa santa rosa cockpit na nuon ay sa aplaya pa ang sabungan at hindi sa highway . Na adik na si utol at nagpalahi na kami ng sarili namin , grabe sobra gastos at stress sa pag alaga ng manok panabong, mas lamang sa gastos kesa income kaya tinigilan ko na yan pagpalahi kase marami kalaban lalu na ang magnanakaw sa lugar bukod pa yon mga kumpa kumpare na aalbor lang at walang balik kahit patuka man lang eh ang mahal ng materyales lalu pa sa mga sikat na breeder.... Isa ang natutunan ko sa sabong na until now ay garantisado , ito ay kahit kanino galing manok ay may talo rin o kamatayan din yan . Ihanda natin ang manok natin ng tama para hindi ka kakaba kaba sa oras ng laban niya ---- ang sarap ng pakiramdam ng lamang ka sa laban kase pangit ang manok at mukhang low quality lang ito.

    Si utol nuon ay dampot lang ng dampot kase pinagyayabang niya ang manok na high breed daw at ang pinanggalingan ay famous breeder sa batangas na sumasali sa world slasher pero hindi nag cha champion palagi lang 6 points siya which is not bad na din. marmai kami laban na mananalo na lang natatalo pa akse nga dampot lang sa yard at kulang sa preparasyon --- tigas kase ng ulo ni u--- este utol pala hahaha kaya pinabyaan ko na siya , hayun HILAHUD SA SABONG ...ah senior ka na rin ba? hehehepa shot shot na lang tayo ng cognac kung ganun.

    may ilan piraso pa akong manok sa ngayon pero balak ko na rin tiiglan at i dispose ko na rin yong iba o lahat yon pag natapos itong covid19 pandemic na ito.
    Last edited by tarosa; June 23rd, 2020 at 04:35 AM.

  15. #1064
    Senior Member
    Join Date
    Feb 2005
    Posts
    2,467
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?

    Anu balita kay sir Eddie Go ???? pareng Eddie paramdam ka naman jan ? Nawala na kase mga regular members dito simula ng mag ka facebook eh hehhee.

  16. #1065
    Junior Member
    Join Date
    Jun 2020
    Posts
    28
    Post Thanks / Like

    Re: mahilig ka bang bumili ng manok sa bayong?


Similar Threads

  1. Experience Nyo S Mga Manok Bayong ....
    By airwolf0912 in forum Usapang Manok
    Replies: 36
    Last Post: March 14th, 2015, 08:37 AM
  2. Replies: 21
    Last Post: October 23rd, 2014, 03:44 PM
  3. Replies: 499
    Last Post: February 8th, 2012, 11:12 AM
  4. picture ng mga manok bayong
    By fowlfox_denan in forum Usapang Manok
    Replies: 0
    Last Post: April 23rd, 2008, 11:35 AM
  5. Babala sa mga mahilig bumili ng Imported fowls.
    By DNA-Farm in forum Usapang Manok
    Replies: 39
    Last Post: October 10th, 2007, 10:31 AM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •