Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 30 of 34

Thread: bakit binibilad sa araw ang manok . . .

  
  1. #1
    Senior Member juan sabungero's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    sampaloc manila/ infanta quezon/ cerritos & buena park, california usa
    Posts
    4,518
    Post Thanks / Like

    bakit binibilad sa araw ang manok . . .

    mga kakmeyts atin himay-himayinn ang mga tunay na
    kadahilanan bakit kailangan ibilad sa araw ang ating mga
    manok panabong. anu-ano ang maiidulot na kabutihan
    nito sa kanila.

    alam natin na importante ang moist control sa atin panabong
    para sa accuracy ng kanilang cutting. isa ba itong kadahilanan
    kaya natin sila ibinibilad para mabawasan ang kanilang tubig
    sa katawan.

    kapag itoy nasobrahan dehydration ba o heat stroke ang
    pumapatay sa kanila.

    panting o paghingal dahil sa init. ito ba'y nakakaragdag sa
    resistenya ng manok. kapag ang manok ay nag table work
    ito'y nagpa-panting o humingal, katumbas ba ito ng panting
    nakukuha sa pag bilad sa araw. o isa lamang mekanismo
    na pinalalamig ng manok ang kanilang katawan at walang
    relasyon ang dalawa.

    mga kakmeyts kung mayroon kayong sariling analysis sa
    naidudulot ng pagbibilad sa araw ng ating manok panabong
    at gusto niyong i share ay you're all welcome!

  2. #2
    buhawi
    Guest
    ibinibilad natin yan sa araw..........dahil pinapaliguan natin yan............sa pamamagitan ng pag lulubog sa tubig ng katawan nila sa timbang puno ng tubig.

    kung sa lilim mo yan ilalagay pagka paligo..............sipon ang aabutin nyan.

    maganda yan pagpapaligo ng manok.............dahil yung mga isinasaksak nating gamot.........naglilikha ng matinding init sa katawan nila.

    para maka ginhawa ang katawan nila ay pinapaliguan sila.

  3. #3
    nemmmo
    Guest
    importante ang pagbilad dahil sa VITAMIN D na nakukuha sa sunlight.

  4. #4
    CyberFriends GoodWings's Avatar
    Join Date
    Jun 2000
    Location
    Bataan
    Posts
    835
    Post Thanks / Like
    15 minutos lang naman at least ang pagbilad na kailangan ng manok. Pero yung mga nasa malamig na klima tulad sa ilang parte sa bacolod, at ibang lugar sa south, halos hindi iniinda ang pagkakabilad buong maghapon. Kaya kung titingnan mo mga dulo ng balahibo akala mo may split ends kasi parang sunog na sa pagkakabilad araw araw.

  5. #5
    Lakay2
    Guest

    Bakit binibilad sa araw ang manok?

    Patalastas lang!

    Kasi hindi puwedeng ibilad sa ulan ang manok! :lol: :crazy: :hippie:
    Pasensya na!

    Lakay

  6. #6
    Member ERWIN MADRIGAL's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    Marilag st, Q.C.
    Posts
    133
    Post Thanks / Like

    Re: Bakit binibilad sa araw ang manok?

    :lol: kala ko dahil lahi sila ng amerikano kaya kailangan nila ng sun bathing:lol: just kidding lang po.

  7. #7
    Pagasa's Peak
    Guest
    Pangit ang balahibo ng manok, walang kintab pang di nabibilad. Ang manok, kusang nagbibilad at alam niya ang kailangan niyang haba ng painit sa araw. Pero kung wala manok nyo sa teepee natural lang na dapat siyang ilabas at ibilad kahit ilang minuto.

  8. #8
    Senior Member roundhead's Avatar
    Join Date
    May 2002
    Posts
    650
    Post Thanks / Like

    Exclamation

    mga pards ako hinding hindi ko binababad sa araw ang mga nokma ko. unless pagkatapos paligo, ayun lang.

    kung titignan mo ang mga manok sa gubat, malimit mo silang makikitang nag sa sun bathing, madalalas sila na ka silong. dahil mainit!

    sa tate, tumatambay ang mga manok na tinale sa araw, dahil malamig ang ihip ng hangin.

  9. #9
    doongan
    Guest
    mas maganda yong kusang sila nagbibilad sa sarili nila sa araw.alam nila kung sobra na at sisilong sila.marami tayong mapapansin pag nabilad sila.minsan nagpapaligo ng lupa minsan humihiga na nakatagilid at vitamin D na nakukuha nila sa araw para aid sa absorption ng calcium.tulong na rin sa pagregulate ng temperatura nila pagnilalamig. nakakatulong sa daloy ng dugo nila dahil sa vasodilation effect ng init ng araw at nakarelax ng muscle tissues ang effect ng init ng araw.

  10. #10
    Member Jaypeeix's Avatar
    Join Date
    Mar 2003
    Posts
    483
    Post Thanks / Like
    may sinabis sakin ang uncle ko na tiga bacolod,, at never ko nalimutan un...


    ibabad mo na daw ang manok mo pag umuulan...wag lang daw iabababad sa araw ng matagal,,,,,,,sabi nya... ang manok ay mahina sa init,,,, kesa sa lamig.,..:rbounce: :blush:

  11. #11
    danding09
    Guest
    WAAAAHHHHHH!!!!

    YUNG REGALO SAKIN NA KELSO KINO-CONDITION NAMIN EH NILABAS NG DRIVER NAMIN AT IBINILAD NA HINDI SINABI SAKIN. PAGUWI KO AYUN NA............ WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!! SAYANG!!!!!

    DEADBOL ANG LABAS!!!! ANYA MET NAGRIGAT AGALAGA.

  12. #12
    Senior Member jude's Avatar
    Join Date
    Nov 2002
    Location
    Tanay rizal
    Posts
    696
    Post Thanks / Like
    kahit sa tao, mas mabuti sa pakiramdam ang sikat ng araw sa umaga. kung sa tanghaling tapat naman ay nakaka paso at nakaka pang lambot ang init ng araw.

    pero yung maliit na talian namin, teepee lang at walang lilim.kulang pa sa damo. kaya todo hingal ang mga manok na naka silong sa sementong TP sa tanghali hangang pahapon. pero napansin ko na ilan sa kanila ay tumibay at lumakas sa laban.

  13. #13
    buhawi
    Guest
    lalo nat makapal ang balahibo ng manok

    nakowwwwww,ay parang pinag suot ka ng jacket na pang winter at saka mag sunbathing.............pag hindi ka nag overheat after 30 minutes malas na lang:lol:

    magandang binabawasan ang balahibo ng mga panlaban natin sa bandang wetpu nila.nakakasingaw ng maganda ang init.

  14. #14
    talisayon/balaw
    Guest

    Unhappy pagpiliin...

    let the cock do the works....ilagay mo lang sa area na may init at puede din magsilong...pag gusto niya init di magbilad siya..kung gusto sa lilim di sumilong siya..ibinilad kasi para matuyo..kung tuyo na..at walng masilongan di..kunin na at ilagay sa loob...meron dito..sa init lang manok nya..sobrang manfighter..malakas nga ngunit talo kasi sugod ng sugod....mainit ang ulo..hehehehe:rbounce: at palaging shuffles walang lipad..wala kasing pahinga ang feathers at tuyo masyado..yon lang:hombre:

  15. #15
    talisayon/balaw
    Guest

    bakit....

    bakit nga.....testing lang

  16. #16
    abraham
    Guest
    PARA MAKAKUHA NANG NATURAL VITAMIN D, AT MAKAPAGPRUDOS NANG NATURAL ENDURANCE.

  17. #17
    Member Jaypeeix's Avatar
    Join Date
    Mar 2003
    Posts
    483
    Post Thanks / Like
    alam nyo ba according to my sis na nurse,,,

    (FYI)

    ang araw ay hindi nag pproduce o nag bbigay ng vitamin D.... but ito ay

    kailangan para ma absorb o magamit ng katawan natin ang

    vitamin D.....:rbounce:


    :blush:

  18. #18
    kaManok
    Guest

    ang araw ay natural sources of vit.

    kaya binibilad ang manok sa araw ay para tumibay sa laban,dahil ang sabong ay patayan,kapag ang manok moy lampa di yan makakamatay ng kalaban,

    kaya naman imuumpisahan yan sa umaga e.mainam yung sikat ng araw sa umaga, kasi yung moisture nung lamig sa damuhan e umaangat .kaya naabsorb ng katawan ng tao man o manok, nanagiging source of long life eka nga..

    bakit naman masama ang sobrang init.lets say 10-2,dahil yang init ay nakakatuyo,ang manok ay maliit lang ang utak sa ulo na kapag nasobrahan ay kumokulo ang kanilang dugo,kaya pag napabayaan mo e namgigitim ang kanilang katawan sa sobrang inityun ay dugo na hindi maka circulate sa katawan?

    kaya kayo bago umalis saumaga e silipin mo muna yung ulo ng manok.lagyan nyo kahit maliit na bagay upang makasilong yung kanilang ulo kapag matindi na ang sikat ng araw,

    eto pa 1 plus 1 lang yan pagbibilad ng manok sa araw ,alam ng magulang na sabungero yan....








    **** In every place there is a best breed

  19. #19
    buhawi
    Guest
    kapag ang mga manok lumaki at tumanda na sa teepee ay sanay na sila sa sikat at init ng araw.kapag masyadong mainit ay kusang sisilong yan.yan ang advantage ng naka teepee na mga manok.malalakas ang pangangatawan at malakas ang resistensiya.hindi kaagad hinihingal.

  20. #20
    Senior Member Bty Hunter's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    2,049
    Post Thanks / Like

    tama si buhawi

    pag maganda ang tirik ng araw sa cording area, mas malakas ang pangangatawan at resistensya ng mga manok. Basta may masisilunagn sila na teepee at may sariwang tubig sila sa maghapon, ayos lang sila. Nakumpara namin ito sa mga manok namin na laki sa cording area na tirik ang araw sa mag-hapon kumpara sa mga manok namin na lugon sa ilalim ng niyugan, hamak na malalakas ang resistensya ng mga lugon sa arawan.:hippie:

    SA conditioning naman, binibilad ng utol ko yung mga panlaban namin sa umaga dahil ito ang approach niya sa pag-papagaan ng manok...ito yung area na mahina kami

  21. #21
    doongan
    Guest
    tama yan ika nga mas matibay sila.ilagay lang ang tubig sa ilalaim ng teepee para hindi uminit.mapapansin pa nga natin na kahit tanghaling tapat ay hihiga pa sa kainitan ng araw ang mga manok na sanay dito.siguraduhin lang na may tamang shade sila sa ilalaim ng teepee.
    sa conditioning naman sa umaga na lang hanggang 9 to 10 pm binibilad.ito ang gingawa ng karamihan.

  22. #22
    Member wenweng's Avatar
    Join Date
    Nov 2004
    Location
    SINGAPORE
    Posts
    385
    Post Thanks / Like
    para sa akin yu pagbilad sa araw sa manok na naka scratcher ay isang process lang for conditioning sa everyday workout ng manok mo. Hinde lang dahil sa nakakakuha sila ng ibat ibang vitamins kundi ito ay isang factor dahil na na i rotate mo ang mga manok mo.

  23. #23
    Senior Member neildivine's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    651
    Post Thanks / Like
    PAGBILAD SA ARAW

    Kung moisture control ang habol sa pagbilad sa araw ng manok ay daanin na lang ito sa pagkontrola sa feed at water intake ng ating mga tinale. Wala pa itong stress at makapagpahinga pa ng husto ang manok bago ang laban.

  24. #24
    Senior Member
    Join Date
    Nov 2005
    Location
    cuernos de negros
    Posts
    3,208
    Post Thanks / Like

    Re: bakit binibilad sa araw ang manok . . .

    may resistensya ang manok..............

  25. #25
    Member Mang Jack's Avatar
    Join Date
    Nov 2011
    Location
    Mabalacat/UAE
    Posts
    299
    Post Thanks / Like

    Re: bakit binibilad sa araw ang manok . . .

    kami dahil kokonti lang ang alagang manok sagad kami kung magbilad sa araw. pero kailangan binabantayan dahil mamatay yan mamaga ang atay. kaya pag tantya namin na hindi na kaya, lipat agad sa lilim. parte yun ng hardening na alam namin habang hindi pa inilaban ang manok. pero pag kinukundisyun na saglit na lang kung ibilad dahil training naman ang madami. hangga ngayon ganun parin ang paniniwala namin, bigyan na lang ng tamang pahinga ito bago ilalaban.

  26. #26
    Member cjsabungero's Avatar
    Join Date
    Mar 2011
    Location
    Tarlac/u.a.e.
    Posts
    200
    Post Thanks / Like

    Re: bakit binibilad sa araw ang manok . . .

    nasa tamang oras din po pag bibilad, 7am to 9am, at xempre me time limit po tayo yung 10 minuto malaking bagay na po yun, para saan? pang dagdag istamina ng manok, me bitamina rin nakukuha sa sikat ng araw, like sa balahibo, pampaganda din ng sirkulasyun ng dugo, etc. pansinin din ho natin na yun mga di nasisikatan ng araw ay xa itong me sapola or mabibigat ang timbang. pwede rin ho nating sabihin na pag mamaintain ang timbang ayun sa gusto natin kasama na po ang table work/ circulation/training.

  27. #27
    Member
    Join Date
    Mar 2012
    Posts
    98
    Post Thanks / Like

    Re: bakit binibilad sa araw ang manok . . .

    Quote Originally Posted by doongan View Post
    mas maganda yong kusang sila nagbibilad sa sarili nila sa araw.alam nila kung sobra na at sisilong sila.marami tayong mapapansin pag nabilad sila.minsan nagpapaligo ng lupa minsan humihiga na nakatagilid at vitamin D na nakukuha nila sa araw para aid sa absorption ng calcium.tulong na rin sa pagregulate ng temperatura nila pagnilalamig. nakakatulong sa daloy ng dugo nila dahil sa vasodilation effect ng init ng araw at nakarelax ng muscle tissues ang effect ng init ng araw.

    Agree ako dito sir... sa tingin ko ang pgbibilad ng manok ay makalumang practice na.. wla akong nakikitang magandang epekto nito sa manok sa halip ay nagiging dahilan pa ito ng stress sa ating manok.. hindi rn ako naniniwtala na nakakatulong sa stamina ng manok ang pgbibilad.. Tama ang sabi mo sir na dapat kusa silang mgbilad sa araw para maiwasan ang stress...

  28. #28
    Member Mang Jack's Avatar
    Join Date
    Nov 2011
    Location
    Mabalacat/UAE
    Posts
    299
    Post Thanks / Like

    Re: bakit binibilad sa araw ang manok . . .

    ang tanong dyan, nasubukan nyo na ba ang sagarang pagbilad ng manok during pre conditioning o bago pa iyon at sinubukang ilaban pag may wastong pahinga, wastong pagkain at vitamina? kumpara sa mga hindi nabibilad ng madalas o dun sa 10 minuto lang nabibilad at parehong may tamang pahiga, wastong pagkain at vitamina? pag nasubukan lang, dun mo lang malalaman ang kaibahan at kung makalumang kaugalian nga kaya ang pagbilad ng sagaran sa araw.

  29. #29
    Senior Member loisbugoy's Avatar
    Join Date
    Dec 2006
    Location
    Qatar/San Antonio Quezon
    Posts
    2,615
    Post Thanks / Like

    Re: bakit binibilad sa araw ang manok . . .

    Quote Originally Posted by doongan View Post
    mas maganda yong kusang sila nagbibilad sa sarili nila sa araw.alam nila kung sobra na at sisilong sila.marami tayong mapapansin pag nabilad sila.minsan nagpapaligo ng lupa minsan humihiga na nakatagilid at vitamin D na nakukuha nila sa araw para aid sa absorption ng calcium.tulong na rin sa pagregulate ng temperatura nila pagnilalamig. nakakatulong sa daloy ng dugo nila dahil sa vasodilation effect ng init ng araw at nakarelax ng muscle tissues ang effect ng init ng araw.
    Quote Originally Posted by doongan View Post
    tama yan ika nga mas matibay sila.ilagay lang ang tubig sa ilalaim ng teepee para hindi uminit.mapapansin pa nga natin na kahit tanghaling tapat ay hihiga pa sa kainitan ng araw ang mga manok na sanay dito.siguraduhin lang na may tamang shade sila sa ilalaim ng teepee.
    sa conditioning naman sa umaga na lang hanggang 9 to 10 pm binibilad.ito ang gingawa ng karamihan.

    100% I agree with you....mabuhay po kayo


    HAPPY KASABONG TO ALLLLLL....

  30. #30
    Senior Member e4alnied's Avatar
    Join Date
    Aug 2010
    Location
    ticao is.
    Posts
    647
    Post Thanks / Like

    Re: bakit binibilad sa araw ang manok . . .

    Quote Originally Posted by doongan View Post
    mas maganda yong kusang sila nagbibilad sa sarili nila sa araw.alam nila kung sobra na at sisilong sila.marami tayong mapapansin pag nabilad sila.minsan nagpapaligo ng lupa minsan humihiga na nakatagilid at vitamin D na nakukuha nila sa araw para aid sa absorption ng calcium.tulong na rin sa pagregulate ng temperatura nila pagnilalamig. nakakatulong sa daloy ng dugo nila dahil sa vasodilation effect ng init ng araw at nakarelax ng muscle tissues ang effect ng init ng araw.
    100% agree ako dito...........

Similar Threads

  1. Ilang araw bago pakainin ang may sugat na Manok
    By kusido in forum Usapang Manok
    Replies: 21
    Last Post: August 4th, 2012, 04:50 PM
  2. Tulong: Basang Manok Ng Ilang Araw
    By arch_adonis_rmp in forum Filipino Discussions
    Replies: 5
    Last Post: May 6th, 2009, 10:46 PM
  3. ilang araw ang pahinga ng manok bago ilaban
    By el sabungero in forum Usapang Manok
    Replies: 22
    Last Post: April 14th, 2008, 07:51 AM
  4. Ilang Araw bago mapisa ang itlog ng Manok?
    By Aramos in forum Usapang Manok
    Replies: 4
    Last Post: March 20th, 2008, 02:40 AM
  5. Pagbibilad Ng Manok Sa Araw...
    By dr_extreme in forum Usapang Manok
    Replies: 49
    Last Post: May 9th, 2007, 09:59 AM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •