Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 30 of 85

Thread: malas anong lunas

  
  1. #1
    joe@manoks
    Guest

    malas anong lunas

    mga cockmates...

    10 cocks straight puro talo....anong malas to...

    sa handler ko bato o sa mga vitamins na binibigay ko...

    ayos naman ang pag-alaga ng manok ko puro winning blood lines...magaling naman ang fighting skill nila ngunit sa cockpit na! wala patay ka-agad..

    hindi ko kasi ma trace kong saan kami nag kamali...

    medyo need your nice opinion saka experience ninyo mga cokcmates...

    para ma adjust ko ang ganitong malas..javascript:smilie(':blush:')

  2. #2
    powwow
    Guest
    :lol: :lol: MAGPALIT KA NA NG BLOODLINE MGA ZAMBOANGA WHITES NA SIKAT NGAYON :lol: MAGAGALING NA MURA PA :lol:

  3. #3
    Senior Member nemesis's Avatar
    Join Date
    Jan 2005
    Location
    Karangalan Village
    Posts
    627
    Post Thanks / Like
    Joe@manoks,

    Hindi kasiguruhan na pag maganda na ang bloodline at vitamins at supplements na ibinibigay mo sa mga manok mo ay magiging kampante ka na na mag-uuwi ka ng panalo, dapat yan ang unang-una mong tandaan.

    magbalik-tanaw ka sa mga posibleng pagkukulang mo katulad ng paraan ng pagko-kondisyon ng mga manok, galaw ng manok bago ibinitaw sa laban, environmental factors katulad ng pagpapalit ng weather, nasa peak na ba ang manok nung oras ng laban o nag-off na, stress sa mga manok during conditioning up to the time of fight, etc...napakaraming factors na akala mo ay maliit pero yun pala ang magbibigay sa iyo ng pagkatalo.

    Ngayon, kung wala ka nang ibang maisip na factors bakit nagkaganoon, sobrang "alat" na siguro nyan, hehehe.....

    Ang mga batikang nagka-casino, kapag sobrang "alat" (malas), naliligo sila sa dagat, hehehe.....

  4. #4
    powwow
    Guest
    :lol: :lol: SABAY SISID WALA NG LUTANGAN :teeth: :teeth:

  5. #5
    Senior Member hammertime's Avatar
    Join Date
    Jun 2001
    Location
    PIPINDAN
    Posts
    623
    Post Thanks / Like
    Magaling na manok daw ang panlaban sa malas....

  6. #6
    ryan72_2000
    Guest
    ganyan talaga ang siglo ng panahon, di lagi tag-init may tag-ulan din.

    pahinga muna. ganyan ang ginagawa ko kapag natalunan kahit isang beses. huminga muna ng malamim at magmuni-muni kung saan nagkamali. kapag nakabwelo ay arangkada na naman.

    kasabihan nga eh samantalahin ang buenas huwag ang malas.

  7. #7
    Senior Member Boy London's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Location
    LONDRES/LAGUNA
    Posts
    6,210
    Post Thanks / Like
    IISA KASAGUTAN DIYAN MATAPOS MONG IBIGAY LAHAY NG IYONG PAMAMARAAN SA IYONG MANOK ALAM MO BA KUNG ANO ITO?????????

    HUMMMMMMM.......

    MAS MAGALING ANG MANOK NA NAKALABAN MO KEYSA SA IYO.
    WALANG MALAS NA TAO PRE LAHAT TAYO AY BWENAS YAN ANG TANDAAN MO...

    AT WAG KANG MANINIWALA KAY PRENG NEMESIS HEHEHEHE NA PAG INAALAT AT MALAS AY MALIGO SA DAGAT DAHIL PAG NALIGO KA SA DAGAT LALO KANG AALATIN DAHIL MAALAT ANG DAGAT HAHAHAHAHAHA PRENG NEMESIS JOKE LANG... PAG NAG KATAON DAING ANG LABAS MO :lol: :lol:

  8. #8
    joe@manoks
    Guest
    thanks sa mga advice ninyo mga cockfriends...

    10 cocks in the raw it's a big ?....
    duda ko sa handler ko ang problema..

  9. #9
    Senior Member Boy London's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Location
    LONDRES/LAGUNA
    Posts
    6,210
    Post Thanks / Like
    HINDI KA PA MALAS KUNG TUTUUSIN PRE DAHIL YUNG KAIBIGAN KO RITO UMUWI NAG LABAN NG MANOK 32 , 2 TABLA LAHAT TALO HEHEHEHEEH MAS MASWERTE KA PA PRE.:lol:

  10. #10
    talisayon/balaw
    Guest

    sa akin ay.....

    medyo pamahiin...kung tanggapin o hindi..ok lang...ngunit gusto kong i share...matagal na rin ako sa sabong..off and on kumbaga...ngunit.. madalang lang ang talo ko ..dats y i love this game...last december 7 straight wins ako...pag dating january...5 straight loss din...panalo na ..talo pa...meron pang nagsasarili....tuka lang ang difference...patay lagi ang kalaban...meron pang isa ..akin buhay pero talo..di na tumuka...ang kalaban...nakatuka pa bago..namatay...

    ngayon inisip kong..wala namang naiba sa lahat ng conditioning...ngunit...me nalaman ang handler ko na certain manok..ng dumating ang manok na ito(galing sa brod ko) puro na talo...nang tiningnan ko ang manok...merong senyal na buaya..o soloista...sa amin bugtungan...ibinabalik ko sa brod ko ito..at sa awa ng dyos...3 panalo na ako mula nang ilabas ko ito sa manokan ko...

    isipin mo...kung merong nadagdag sa manok mo (yong latest)bago ka natalo...kung wala..magkaiba tayo...noon di ako naniwala sa pamahiin...ng matalo ng straight...nagdalawang isip na... :lol: sana makatulong...:hombre:

  11. #11
    Senior Member
    Join Date
    Jan 2004
    Posts
    1,139
    Post Thanks / Like

    laging talo

    igan,

    pahiyang ka lang subukin mong maglaban ng BINABAE .

  12. #12
    CyberFriends steph's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Posts
    1,043
    Post Thanks / Like

    Boy London... grabeee ahh 32 manok nilaban???

    Boy London,

    Grabee na record yan pare...32 laban walang nanalo???!!! shakettt sa bultsaaa nyan !!! hehehe.

    sa akin naman since ordinary fowls lang naman mga tinale ko...
    pana-panahon lang sa akin.Minsan nagpapanalo at minsan
    haba ng talo. I'm making sure lang during sa pagtatalo ko ehh
    mababa lang pusta ko. I'll wait for the time na medyo bumabalik
    ang swerte then pusta ng medyo mataas naman compared sa
    betting ko na nagtatalo ako.

    Sa mga cockers who invested money talaga para sa mga manok nila in order para makasabay in any derby competitions talagang they wont accept that struggling streak. Dapat mataas panalo nila.Kunti ang percentage ng word na "SWERTE" sa kanila... pagalingan talaga ng manok!!!

    openion ko lang ha,

  13. #13
    roland_kent
    Guest
    kung sa handler ang problema?..
    subukan mong ikaw mag condition ng manok mo..siguradong marunong ka..tapos sumali ka sa 3 cock o one cock lang..tingna mo kung mananalo...
    o kaya pahiyang ka muna sa handler dahil diskumpiyado ka naman dba sa handler mo?

  14. #14
    guapito_I
    Guest

    joe@manoks!!!

    pre, paano bang conditioning method mo? at paano ba ang system nang handler mo? may mga bagay na dapat mo din malaman kung nasa tamang sitwasyon ang manok mo para ilaban at kung hiyang ang vitamins na binibigay mo? HINDI LAHAT NANG VITAMINS AY TAMA SA MANOK. TY!

  15. #15
    3BCA FORTBONIFACIO's Avatar
    Join Date
    Jun 2004
    Location
    THE FORT
    Posts
    2,632
    Post Thanks / Like

    Re: joe@manoks!!!

    tama si preng nemesis...marming maling factors kung bakit ka inaalat....magsimula sa bloodlines....uri ng laban ng iyong manok sa nakalaban nya....conditioning...pagpapakain....pointing....m oisture ng manok.....pamamaraan sa paggamit ng gamot....pagtatari.....pagbitaw sa manok....marami kang dapat ikonsidera......at higit sa lahat iyang swerte......huwag kang maniwala dyan kay preng Boy London...na lahat ng tao ay buenas.......iyan kasing taong yan mapasa Babae at sabong buenas yan hindi pa nakakaranas ng malas:lol: ....sundin mo rin yong sabi nila na medyo mag pai-hay ihay ka muna maligo sa dagat pero samahan mo ng tahong para may masisid ka.....marami yan si preng POWWOW.
    "LEGALLY ARMED AND PROUD OF IT"

  16. #16
    ryan72_2000
    Guest
    :lol: ayan ka na naman klasmeyt eh. okey na sana iyung pauna mo eh pero gumulo na naman ng bandang huli eh. gusto mo bang masermunan na naman tayo

  17. #17
    3BCA FORTBONIFACIO's Avatar
    Join Date
    Jun 2004
    Location
    THE FORT
    Posts
    2,632
    Post Thanks / Like
    pinangingiti ko lang si preng Joe, mahirap na yong talo ka na mukha asim ka pa.....sabi nga nila think digital he he he he...
    "LEGALLY ARMED AND PROUD OF IT"

  18. #18
    ryan72_2000
    Guest
    oo nga naman - laughter is the best medicine sa minamalas at sinuswerteng katulad ni katotong BL :lol:

  19. #19
    Senior Member jepoy723's Avatar
    Join Date
    Nov 2004
    Posts
    1,309
    Post Thanks / Like
    Yong bang lahat ng manok mo nanilaban ay isang coliseum lang? Try mo sa ibang sabungan!! Ako kahit malas ako bumitas masaya parin ako kasama sa laban ang matalo hinde nga lang lagi...hehehe

  20. #20
    3BCA FORTBONIFACIO's Avatar
    Join Date
    Jun 2004
    Location
    THE FORT
    Posts
    2,632
    Post Thanks / Like

    klasmeyt................

    maaalis mo lang ang ngiti ko kahit na ako ay talo......ay kung talo na ako tapos hihingan mo pa ako ng balato ....tiyak babalatuhan kita ng BATO
    "LEGALLY ARMED AND PROUD OF IT"

  21. #21
    3BCA FORTBONIFACIO's Avatar
    Join Date
    Jun 2004
    Location
    THE FORT
    Posts
    2,632
    Post Thanks / Like

    preng JOE...........

    kung hindi magbabago ang lagay mo sa pagsasabong subukin mo yong mga paniniwala ng mga matatanda tungkol sa pamahiin.........malay mo baka magpabago yan .....yong bang pa fung soy mo muna iyong lugar mo o mga manok.....kasi yong kapit bahay kong intsik na sabungero pinofungsoy nya muna ang lugar nya at mga manok nya na ilalaban........panalo naman yong mga chineese sweater nya.
    "LEGALLY ARMED AND PROUD OF IT"

  22. #22
    Senior Member Boy London's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Location
    LONDRES/LAGUNA
    Posts
    6,210
    Post Thanks / Like
    preng 4th malas ako sa babae hehehehe sa manok swerte. hangan ngayon wala pa akong boyfriend este girlfriend heheheh. nag karoon ako ng girlfriend meron may ari pa heheheh.:lol:

  23. #23
    3BCA FORTBONIFACIO's Avatar
    Join Date
    Jun 2004
    Location
    THE FORT
    Posts
    2,632
    Post Thanks / Like

    preng BL............

    paano mo naman akong mapapaniwala na malas ka sa babae.....iyong girlfriend mo pagaari na ng iba nadagit mo pa
    "LEGALLY ARMED AND PROUD OF IT"

  24. #24
    Senior Member Boy London's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Location
    LONDRES/LAGUNA
    Posts
    6,210
    Post Thanks / Like
    waaaaaa hindi ako makalusot sa iyo pre 4th hahahahaha:lol:

  25. #25
    Senior Member Kidd Sentencia's Avatar
    Join Date
    Apr 2000
    Location
    Carson Ca/Pangasinan
    Posts
    4,991
    Post Thanks / Like
    Dapat eh ibase mo sa klase ng inilaro nila nuong natalo. Kung ito eh lumaban ng husto at nakipagsabayan, malakas, mabilis, etc...ba eh mahabang alat nga yan.

    Hangga't hindi nakikita ang mga inilaban or naging performance ng mga manok mo sa ruweda eh lahat ng magiging payo eh magiging hula lang...mintis kadalasan.

    imho,

    Kidd

  26. #26
    ben.escandor
    Guest
    dear joe@manoks

    baka diyan paglabas mo pa lang ng bahay papuntang sabungan ay may nagkakaway na saiyo ng sandok at syansi. malakas itong "spell" na ito.
    Sa susunod huwag mong ipaalam masyado na manlalaban ka at ibahin mo ang dadaanan mo.

    beerhunter

  27. #27
    Senior Member roundhead's Avatar
    Join Date
    May 2002
    Posts
    656
    Post Thanks / Like
    ang sabi ng iba............

    maglaban ng binabae.

    ang sabi ko naman.......

    mamili ka kung sino at saan ka lalaban. baka mamaya mga bigatin ang tinatapatan mo, eh flyweight ka pala. talagang medyo uphill battle ang labanan.

  28. #28
    joe@manoks
    Guest
    mga parekoys....ty sa inyong mga advise..

    naka dami n kayooo.. ahhh...heheheheheh..

    mga manok kong inilaban ay talagang malas isang palo lang ng kalaban patay...mga kalaban unscracthed...professionl naman ang gapper namin...subok narin ang mga vitamins saka food supplement..ko pati na mga conditoning method dito ko pa na tutunan ang mga yon....something really wrong...sugal ako sa mga manok ko talo pag ibang manok nanalo ako...talagang merrong malas sa grupo namin ...hmmmm pahinga muna siguro ako pusta muna ng ibang manok...bwisit kasi tong mga partner ko...siguro iba sa inyo dito nakaranas na ng mga hudas...sugal na pera mo...hinuhudas ng mga tao kasama mo sabongan...siguro ito nag dahilan ng malas kasi pera mo hinohudas ng mga kasa mo...it's so hard to find a good person in this kind of game...lahat gustong kumita..heheheh...
    pinaglalaroan kanang mga experience gambler sabongero...yong isang buwan merrong derby dito sa cebu na-awa ako ng sikat na boxengero parang pinag lalaroan din sya pero hindi ako siguro...sorry if someone here was there...observation ko lang..para kasing hindi nya alam ang mga laro nitong mga expert gambler...kaya't ako pratice na lang.

  29. #29
    Member
    Join Date
    Aug 2003
    Posts
    195
    Post Thanks / Like

    pangontra sa malas,

    Joe,

    Maraming paraan para hindi ka malasin sa paglalaban ng manok, bigyan kita ng mga ilang halimbawa.
    1. Ilipat sa ibang ayos ang kulungan ng mga manok.
    2. Huwag magwawalis ng manukan sa araw ng laban.
    3. Huwag makikipagtalo o' discussion kanino man sa araw ng
    laban ng manok.

    Itoy mga ilang pamamaraan lamang.


    Egay

  30. #30
    Member
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    344
    Post Thanks / Like

    malas

    pare,

    minsan nag-derby ako sa iloilo at isinama ko ang misis ko sa bulangan (sya kasi ang financier ko, hehehe) habang nagiintay napuna nya kung bakit may malas at swerte sa manok. eto ang napuna nya.
    ang kapalaran ng manok ay mababasa mo lang kapag ito ay umakyat na sa gradas. maging bigtime man ang may-ari kung napatapat sya sa malas na lugar (sabihin natin malas ang meron) kahit anong galing pa ng manok nya, malamang matalo pa rin.
    sa kulay din ng manok, halimbawa malas ang talisain. kung talisain ang manok, kahit mlalaki pa sa laban o mas nakaka-manok, kahit anong galing nyan mas mataas ang percentage na matalo pa rin.

    kaya ang tip ko sa iyo, sumabay ka sa agos o regla. halimbawa gaya ng nabanggit ko kung malas ang kulay ng manok mo na ilalaban, maigi na iatras mo na lang ang laban mo. walang masama kung umatras sa laban kaysa matalo at mamigay ng pera. pwede rin na i-postpone mo muna ang laban mo at intayin na umikot ang swerte.

    pangalawa kung bwenas ang WALA at malaki ang pusta mo, medyo ipitin mo ang parada mo para lang malagay ka sa WALA at ipusta na lang sa labas ang iba. kung bwenas naman ang MERON, wag mong dagdagan ang pusta mo umuwi ka na lang at baka ako pa ang sisihin mo kapag natalo.

Similar Threads

  1. paglagkit ng bunganga ng manok... ano ang lunas?
    By robertandrei in forum Usapang Manok
    Replies: 7
    Last Post: July 20th, 2011, 10:11 AM
  2. Ano po ang lunas dito...
    By basti in forum Usapang Manok
    Replies: 5
    Last Post: March 14th, 2006, 02:29 PM
  3. tunay na lunas
    By bagito in forum Usapang Manok
    Replies: 2
    Last Post: February 25th, 2005, 11:15 AM
  4. bakit ang malas malas?
    By mark000416 in forum Usapang Manok
    Replies: 9
    Last Post: December 6th, 2004, 08:16 PM
  5. lunas sa pagtatae ng sisiw
    By triplus in forum Usapang Manok
    Replies: 5
    Last Post: June 9th, 2004, 08:13 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •