Page 1 of 695 1234561151101 ... LastLast
Results 1 to 30 of 20839

Thread: Mga taga Or. MINDORO dito tayo!!

  
  1. #1
    Senior Member goryo888's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    Isla de Bahag, Baryo Kurukya
    Posts
    6,239
    Post Thanks / Like

    Smile Tribu Mangyan

    Kumusta na ga? Ano na balita dyan sa atin? Kumusta na ang sabong dyan sa DRAGON at sa SINGKO? Nakakamiss na talaga ang Mindoro.
    Last edited by goryo888; November 16th, 2006 at 08:30 AM.

  2. #2
    Member arneld's Avatar
    Join Date
    Feb 2005
    Location
    UAE / Bahayang Pag-Asa
    Posts
    258
    Post Thanks / Like
    goryo888,

    Kamusta? hindi ako taga Mindoro pero ang asawa ko, siya ay taga Bayanan II, tuwing bakasyon ko doon ako nag stay ng matagal dahil sa nagustuhan ko ang lugar.

    Last 2003 ay naka punta ako sa Dragon pero medyo mahina ang pasabong dahil October at lugon ang mga manok, pero maganda ang sabungan. Hopefully this January 2006.

    Regards,
    Arneld

  3. #3
    alimbuyog
    Guest
    Bro. musta rin sa yo. taga Socorro ako, sana dumami tayo dito.

  4. #4
    bernnari
    Guest
    Ako sa Sta. Maria Village Calapan musta mga kabayan. Matagal na akong di umuuwi miss ko na ang mga kamaganak ko dun.

  5. #5
    Senior Member goryo888's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    Isla de Bahag, Baryo Kurukya
    Posts
    6,239
    Post Thanks / Like
    Mga kabayan sana bago tayo mag siuwian kung nasa labas man kayo ng BANSA eh magPARAMDAM naman kayo para baka magkakita kita tayo doon.

  6. #6
    Member arneld's Avatar
    Join Date
    Feb 2005
    Location
    UAE / Bahayang Pag-Asa
    Posts
    258
    Post Thanks / Like
    Mga Sandugo,

    Sa January 2006 ang uwi ko at goryo888 pag natuloy ay may bibilhin akong lupa diyan sa Naujan itong August at next year ay ililipat ko ang mga manok ko diyan.

    Uuwin si Misis itong August at titignan niya kung okay ang lugar. Sana matuloy.

    Regards,
    Arneld

  7. #7
    Senior Member grandeur0's Avatar
    Join Date
    Aug 2002
    Location
    Socorro Oriental Mindoro,Milano Italy
    Posts
    550
    Post Thanks / Like
    kmusta na sa lahat ng taga mindoro sana magkameron tayo ng kitakitz lahat ng taga mindoro nasa labas man o dyan lang sa atin para mag chicken talk sagot ko isang litson baboy set lang ang date uwi ako ng sept 2005 bka till january 2006 ako ng bakasyon taga socoro ako....

    alimbuyog,
    pre kmusta mo ako kay pareng bhoy arcia nsa post office sya

    grandeur0

  8. #8
    Member sonny dela cruz's Avatar
    Join Date
    Jul 2003
    Posts
    399
    Post Thanks / Like
    Ako baka pwede makisali ga,nakapangasawa utol ko ng taga Canaan,Victoria,me tindahan sila ng Feeds sa victoria pangalan Gasic Feeds.

    Nung diyan pa ako sa pinas madalas ako sa Canaan gawa ng pag nag lalaban at nag aayos ng mga kulungan ng mga nokis at kapag tag prutas.

    Me panlaban kami sa Victoria sa July 10,andun tatay ko at kapatid ko.

    Maraming salamat sa thread na ito,para kasing pangalawang bahay ko na ang Canaan,Victoria orriental mindoro.Miss ko na tilapia,rambutan ,sintores at lansones.

    Ingat and God Bless to all.

  9. #9
    Senior Member goryo888's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    Isla de Bahag, Baryo Kurukya
    Posts
    6,239
    Post Thanks / Like
    ARNELD.... sandugo, maganda sa NAUJAN. Sige pre para pag uwi ko makaka chicken talk ako.

    Sonny.... gasic feeds parang may ari non eh SABUNGERO din, ewan lang, hindi ako masyadong SIGURADO. Wala problema, basta gusto nyo ang MINDORO, eh dito tayo.


    Grandeur....buti ka pa pre, malapit na uwi, sige, ikumusta mo ako sa mga taga roon.

  10. #10
    Vader
    Guest
    kamusta na ga mga kabayan, :rbounce:

  11. #11
    Member sonny dela cruz's Avatar
    Join Date
    Jul 2003
    Posts
    399
    Post Thanks / Like
    Musta na mga Mindoreno,tama ka kapatid Goryo888 naimpluwensiyahan namin ng tatay ko at dahil na rin siguro sa negosyo.Me kakilala kami na taga Naujan sa victoria di ko lang sure ang apelyido pangalan niya si Meo tatay niya Bgy.Captain dun.Ang napangasawa naman ng utol ko pamangkin ng Mayor sa Canaan Victoria.Pag-uwi ko next year panigurado papasyal ako.
    Salamat ulit and Good luck sa inyong lahat.

    P.S.Pangalan ng utol ko si Sam dela cruz.

  12. #12
    Senior Member goryo888's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    Isla de Bahag, Baryo Kurukya
    Posts
    6,239
    Post Thanks / Like
    Vader... welcome ka dito!

    Sonny..... malamang kakilala ng tito ko yung Gasic na sinasabi mo, kasi nga si tito TONY ko ay nagtatari doon sa VICTORIA, CATLY apelyido nya. Siya kasi yung nag aalaga ng MANOK ng KUYA ko.
    Good LUCK sa inyong lahat!! And GOD BLESS!!

  13. #13
    Senior Member DingDong's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Location
    Oriental Mindoro/Laguna/Batangas
    Posts
    2,411
    Post Thanks / Like

    ayos are!

    teka nga, para gang nakatulog na naman ako sa pansitan. . .

    ako'y taga socorro, dangan laang at dine nagkatrabaho sa laguna. pero ako'y laging nauwi basta't makasilip ng mahabahabang holiday. madalas pasko at mahal na araw. . .

    aba'y ayos kung magkitakits tayo minsan . . . ang lugar, kung sino ang may malaking sukahan, baka malasing ei, maganda na yun malapad ang lugal. . .

    ka goryo, ayos areng binuksan mong sinulid na are. . .

    sige,

    larga na!

  14. #14
    Member saliva_joke's Avatar
    Join Date
    Apr 2005
    Posts
    497
    Post Thanks / Like
    to all ORIENTAL MINDOREŅOS,
    HAPPY FATHERS' DAY!

  15. #15
    Member sonny dela cruz's Avatar
    Join Date
    Jul 2003
    Posts
    399
    Post Thanks / Like
    Happy Fathers Day sa inyong lahat.

  16. #16
    Senior Member goryo888's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    Isla de Bahag, Baryo Kurukya
    Posts
    6,239
    Post Thanks / Like
    Happy Father's Day!!!!!

  17. #17
    alimbuyog
    Guest
    Ayan, nadinig na panalangin ko. Dumadami na tayo dito, set lang kayo date kung kelan kayo andito Mindoro, available ako lagi dito.

    Me libre na tayong litson, sagot ni Pareng Sherwin.

    Grandeur, buti nakita mo thread na to, musta sa yo. Kausap ko lang kanina si Pareng Boy, puntahan ko mamaya, sabihin ko kinukumusta mo.

    Happy Father's Day sa lahat ng Tatay!:rbounce:

  18. #18
    Member arneld's Avatar
    Join Date
    Feb 2005
    Location
    UAE / Bahayang Pag-Asa
    Posts
    258
    Post Thanks / Like
    Dingdong sa Cavite ako nakatira sa Bahayang Pag Asa at malapit sa Daang Hari Cockpit.

    Tawiran ako pag nasa Pinas: Cavite, Mindoro at Iloilo vice versa

    Guys sana ay magkitakits nga tayo kaso kung hindi magbabago ang schedule 2nd week ng January 2006 ako nasa Pinas.

  19. #19
    Senior Member grandeur0's Avatar
    Join Date
    Aug 2002
    Location
    Socorro Oriental Mindoro,Milano Italy
    Posts
    550
    Post Thanks / Like
    sonny,
    yon bang gasic feed store kamag anak ba yong may bilyaran dati na nabaril ng sundalo mga bata pa yong nabaril na mag kapatid,presidente pa si erap noon,kasi magsasabong din yong dalawang magkapatid na yon

    goryo888
    uwi ako ng sept or october bka till january ako doon pag naaproved ang request ko na bakasyon para makapag sabong din ng dec pasyal ako sa victoria doon kasi minsan kmi naglalaban di kc kmi manalo sa socorro

    alimbuyog,
    kmusta na lang sa lahat ng tropa,bka pwedi sa sayo ang place kung mag kitakitz tayo ng mga taga mindoro pra malapit ang pagdala ng litson

  20. #20
    alimbuyog
    Guest
    grandeur,
    bahala na, pagusapan na lang natin, saka tanungin natin cla kung ok sa kanila. sana magkaroon cla ng panahon makauwi dito.

    pero kung dito sa atin sa Socorro magkikita-kits, mas ok. Tugtugan pa namin kayo dito, may banda ako dito.

    tanungin ko din si Bro. Dingdong kung makakauwi.

    kita-kits!

  21. #21
    Member sonny dela cruz's Avatar
    Join Date
    Jul 2003
    Posts
    399
    Post Thanks / Like
    Bossing GrandeurO,ang me ari dati ng gasic feeds tama ka yung mga magkapatid na namatay kaibigang matalik yung ng kapatid ko at nung nangyari yun dapat nandun kami at magkikita dapat kami sa bilyaran para pag-usapan yung enrty namin pero nagkataon na nag-away utol ko saka mrs. niya kaya pinagpabukas na namin yung lakad namin .

    Nung namatay yung magkapatid pinasa na sa utol ko yung pwesto at hindi na pinalitan yung pangalan parang respeto sa pagiging magkaibigan nila.

    Sana magkaroon na ng kitakits at kung sakali wala pa ako proxy ko utol ko.

  22. #22
    Senior Member DingDong's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Location
    Oriental Mindoro/Laguna/Batangas
    Posts
    2,411
    Post Thanks / Like

    lekat at nakatulog na naman ako

    itaas ko laang are at nasa ikalawang pahina na.

    teka nga, kailan ga areng kitakits na are. kung ito sa mahabahabang bakasyon tulad ng Christmas break, aba'y are ako dine. kung sa Socorro, ok yun. kasi gitna ng or. mindoro.

    grandeur0, pre litsong baboy ga are, gaw-in mo nang baka at nang mahabahabang inuman.

    sige, larga na!

  23. #23
    Senior Member goryo888's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    Isla de Bahag, Baryo Kurukya
    Posts
    6,239
    Post Thanks / Like
    Dumadami dumadami dumadami...... abay nakakagulat eh!!! sana nga magkakitakita tayo, kaya lang medyo matatagaln pa yata ako balak ko kase eh sa Thanks Giving Next year pa ako, Nov. hanggang Dec. na siguro. Sige basta magkita kita kayo kung wala man ako eh BALITAAN NYO na laang muna AKO.

  24. #24
    Senior Member DingDong's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Location
    Oriental Mindoro/Laguna/Batangas
    Posts
    2,411
    Post Thanks / Like

    ka goryo

    tutal kayo naman ang nag-umpisa nare, tanggap ga kami . . .

    teka marami pang taga oriental mindoro dito sa site ah, baken hindi napasok dito. baka nahihiya pang mabistong mangyan pala . . .

    ei, kasamang goryo, are ga yung babalitaan ka na laang namin, kung hindi ka makakarating baka yun alak ay pwede may pulutan na si granduer0 eh. ang lugar ay kay alimbuyog daw, may tugtugan pa. ayos ga 'tol?

    hala. dine tayo at nang malargahan na are.

  25. #25
    Manokiz
    Guest
    napa-daan laang po,,,

    Dati kong Home Port yaang Calapan, Mindoro - b'yaheng Sta. Clara, Batangas. Kamusta na lang kina Captain Magpantay at Chiefmate Castillo at more power sa samahan ng Mindoro Cockers.

  26. #26
    Senior Member goryo888's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    Isla de Bahag, Baryo Kurukya
    Posts
    6,239
    Post Thanks / Like
    Basta lahat pwede, ke napadaan lang o talagang taga rine sa amin sa MINDORO ay walang problema!! Sige LALARGAHAN natin yan magkano man ang parada!! Sasamahan pa natin ng BANDA!!
    Hwag na kayong mahiya, basta ako mangyan!! Sali kayo!

  27. #27
    Senior Member DingDong's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Location
    Oriental Mindoro/Laguna/Batangas
    Posts
    2,411
    Post Thanks / Like

    ayos ah

    Manokiz . . .

    ayos yan kung baga sa nokiz mestiso, dine mestisong mangyan, nyahahaha. lahat welcome daw sabi ni boss goryo888 basta behave ha, walang magulo . . .

    larga na!

  28. #28
    Senior Member grandeur0's Avatar
    Join Date
    Aug 2002
    Location
    Socorro Oriental Mindoro,Milano Italy
    Posts
    550
    Post Thanks / Like
    dingdong,
    baboy lang naman kasi wala akong baka na alaga baboy madali lang mag hanap nyan,,pre diba dati may piggery kayo doon sa papuntang bagsok may alaga pa ba kayo sa inyo ba yon
    kasi dati nga doon pa yata kmi bumili ng barakuhin,

    sonny
    mababait yong magkapatid na gasic na yon bago mangyari yong trahedya na yon ay nagka tapat ang manok namin ng magkapatid na yon,hapon na mga 3:30pm na makulit yong handler nya pinilit kmi na labanan sila kasi maganda ang manok nila kaso sabi ko hapon na malayo pa uwian namin sabi nila extra daw sultada,nanalo kmi natsambahan sila walang sugat manok ko mabait sila lumapit pa nga sila sa cock house at tiningnan nya manok namin sport sila yon ang napansin ko sa magkapatid na yon ,,,ano na bang nangyari sa kaso nila..

    cgurado uuwi ako ng sept or october ituloy natin ang kitakits isang litson larga na....!!!!!!

    grander0

  29. #29
    Senior Member DingDong's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Location
    Oriental Mindoro/Laguna/Batangas
    Posts
    2,411
    Post Thanks / Like

    litson

    sherwin padi,

    sa lolo namin yung piggery na yun kaya lang matagal ng wala yun tinamaan kasi ng peste halos lahat tinamaan, kaya ayun sinara nalang.

    kahit ano dre ayos lang, basta may kaunting matatagay larga na, kahit chicken talk ang pulutan tuloy na yan.

    sandugo pasok kayo rine.

    larga na!

  30. #30
    Moderator joey bravo's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    3,424
    Post Thanks / Like

    mga Sandugo

    ako din ay taga Or. Mindoro.

    Calapan East at ang farm ko na namana ko sa akin mga magulang ay sa San Gelacio, Victoria. Kya ang entry name ko d2 sa Manila ay may SG na ibig sabihin ay ( San Gelacio)

    bihira na nga lang ako nauuwi sa atin.




Similar Threads

  1. Dito Tayo Taga O S M
    By ralph75 in forum Usapang Manok
    Replies: 0
    Last Post: May 1st, 2009, 11:14 PM
  2. mga taga mindoro dito tayo
    By malayan_heat in forum Chit-Chat
    Replies: 2
    Last Post: April 7th, 2008, 09:24 PM
  3. Mga Taga Pasig dito tayo
    By nokis2win in forum Chit-Chat
    Replies: 8
    Last Post: March 2nd, 2008, 05:51 PM
  4. Mga taga Pasig dito tayo.......
    By nokis2win in forum Chit-Chat
    Replies: 0
    Last Post: February 25th, 2008, 09:41 AM
  5. Mga taga South dito po tayo
    By Quinncyril in forum Chit-Chat
    Replies: 3
    Last Post: November 19th, 2007, 04:26 AM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •