Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 30 of 69

Thread: saan nakakabili ng murang tari

  
  1. #1
    Member
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    194
    Post Thanks / Like

    saan nakakabili ng murang tari

    mga cockmates meron ba kayong alam na pwede bilhan na murang tari na pang hack fight lang. hackfight lang ang sinasalihan namin kc libangan lang namin ang sabong madalas kasi kami madaya sa tari. kaya gusto namin bumili ng tari para kami na lang ang magtatari. paki post naman po mga kaibigan yong ma rerecomend nyo na affordable tindahan ng mga tari. maraming salamat sa inyong lahat.

  2. #2
    Bear Claw
    Guest

    murang tari

    hindi mo rin nalutas ang problema mo sa tari dahil hindi ka nga nadaya pero naman kung inferior ang tari mo, kapag tumagal ang laban malamang na matalo ka.

    ang tari ay isa sa mga investment kapag pumasok ka sa larangan ng sabong, kaya h'wag na manghinayang bumili ng mahal na tari, tinitiyak ko mas dadami ang panalo mo.

  3. #3
    Senior Member Saknong's Avatar
    Join Date
    May 2004
    Posts
    1,258
    Post Thanks / Like
    mga magkano po ba ang magandang klaseng tari at saan makabibili nito dito sa metro manila? gusto ko rin pong bumili ng ilang piraso, kasama na ang case at mga accessories.

  4. #4
    Member
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    160
    Post Thanks / Like

    murang tari pero deadly....

    tawagan mo si Sen Sarmiento sa CP nya (63) 9196672467 subok ko na ang mga tari nya,bangitin mo lang si Nick at bibigyan ka nya ng discount.

  5. #5
    Member
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    160
    Post Thanks / Like

    saknong

    Pre yung presyo ng tari nya is php450.00/pc pwede pang matawaran kung 1 dozen ang kukunin mo. ituturo din nya sa iyo kung saan ang bilihan ng carry case tawagan mo na lang sya 09196672467

  6. #6
    Member PAJARO_ORO's Avatar
    Join Date
    Sep 2003
    Location
    LP-Pque-Bgas-CA
    Posts
    255
    Post Thanks / Like

    Murang tari....

    Ricky,


    Mag standby ka lang dyan sa sabungan at mag tanong sa mga mananari kung meron silang extra at hindi pa nagagamit. Baka sakaling pagbentahan ka nyan. Bastat meron kalang kasamang marunong tumungin ng kalidad ng tari ay okay na. Kung makabili kaman, ang kailangan mo ay yung marunong naman magtari, para maiwasan ang pagdaya sa pagtari ng mga manok mo. Gudlak

  7. #7
    Senior Member Saknong's Avatar
    Join Date
    May 2004
    Posts
    1,258
    Post Thanks / Like
    thanks for the info. hindi naman pala mahal ang tari.

  8. #8
    Member
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    194
    Post Thanks / Like
    thanks again guys for the info. madalas kc kami dumayo ng hackfight sa iba ibang sabungan for fun. wala kaming mananari kaya ayon ang manok namin taas ang kaliwang paa pag inakyat sa rueda.mahirap mag bintang kaso maraming tao ang nakakapansin, minsan napag kamalan pa tuloy ang manok namin na pang-ilalim, yon ang hirap. napapansin ko lang sa mga sabungan walang nag che check ng alignment ng tari sa loob ng rueda bago bitawan ang manok. sana ma implement sa mga sabungan na meron nakakaintindi sa tari sa loob ruedas na mag che-check ng tari bago paglabanin ang manok, para maiwasan ang dayaan sa tari. i believed na marami parin sa mga sabungero na hindi marunong mag check ng tari, ang sabi nga nila kunting lihis lang ng tari malaking bagay na.

  9. #9
    Moderator joey bravo's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    3,370
    Post Thanks / Like
    P 300 a piece bili ko sa mga tari ko na FORK.

    Yung ajustible socket knife medyo may kamahalan P 700 naman, pinagaralan ko lang ito kaya ako bumili ng 8 piraso.

    Ewan ko ba, sabi naman ng mananari ko eh pareho lang daw naman kaya lang yung mahal ( P 1K plus d2 sa site) ay pino ang finishing kaya maganda tingnan. Nasa bakal, design at talim naman daw ang sikreto at hindi sa kintab nito.

    ang pabilhin mo ay yung kilala mo na mananari sa sabungan, alam na lam nila yan kasi yan ang hanapbuhay nila. alam nila kung sino magaling magpanday nyan.


  10. #10
    ducati 916
    Guest

    MAX OLIZA

    Try Max Oliza.....476 45 34


    You can look for him at Texas Cockpit Arena Brg.Mayamot Sumulong Hi-way Antipolo City.


    Tell him Dennis -- Bigfeather reffered you.
    Attached Images Attached Images

  11. #11
    Member
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    194
    Post Thanks / Like
    paring joey, based to your experienced mas maganda ba ang socket. sa tingin ko kasi madali ikabit at parang hindi mabigat sa paa ng manok. mas maganda ba sa beginner na mananari ang socket. san ka bumibili ng mga tari. thanks for your info.

  12. #12
    Moderator joey bravo's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    3,370
    Post Thanks / Like
    tutuo ang obserbasyon mo mas magaan at mas madali nga ikabit ang socket kesa sa fork. Kaya mo ikabit less than 60 secs ang socket. lalo na pag may ready made ka na leather na sapin baka 30 secs lang tapos na.

    pareho lang sila sa patama, depende sa design ng blade.

    nuong last fiesta sa amin, nagpatupada ako libre patari ng socket. Ok naman nakakapatay din.

    sa tinggin ko nga, later on pag nauso ang ASK baka mawalan na ng trabaho mga mananari sa sabungan:lol:

  13. #13
    Senior Member DingDong's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Location
    Oriental Mindoro/Laguna/Batangas
    Posts
    2,408
    Post Thanks / Like

    TARE

    kabayang joey, baka naman pwede akong magpaturo sau magtare, para kung madisgrasya manok ko, wala nang sisihan.

    minsan kasi hindi maiwasan nasisisi ang mananare pag natatalo ang manok. kung ako ang tatare, walang masisisi.

    sige, larga na!

  14. #14
    Moderator joey bravo's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    3,370
    Post Thanks / Like
    walang problema kabayan DD.

    ano ba gusto mo matutunan, FORK o ASK.

    Bili ka muna ng gamit like, tare, sapin, bayna, takira, dental floss at tape.

    kinakailangan yan para after kita turuan ay mapakpapractis ka naman sa bahay para d mo makalimutan.

    kakailanganin mo din Metal polish (panlinis ng tare), hasaan 600 grit above (pangtangal ng rebaba).

    Pag nag kitakits tayo sa Multi, turuan kita, magdala ka na rin ng manok na pag paparactisan na ikaw ang magkakabit ng tari sa dalawa. After that may pulutan pa tayo. Sagot ko na isang Johnny Walker.

    :lol:

  15. #15
    Member mariobros's Avatar
    Join Date
    Nov 2004
    Posts
    467
    Post Thanks / Like
    Baka pwde makajoin, mukhang masarap yon. Hehehe

  16. #16
    buhawi
    Guest

    kapag mura ang tari.............

    ..........mumurahin din ang metal na ginamit............:lol:

    alangan namang mahal na metal material ng tari...........tapos murang ibebenta........................

    ........you get what you pay for.:lol:

    meron namang mahal kuno..............maganda raw ang metal na ginamit...........e simpleng lagaring bakal na mumurahin lang pala ang ginamit.............ay lokohan na yan:lol:

  17. #17
    Senior Member goryo888's Avatar
    Join Date
    Mar 2005
    Location
    Isla de Bahag, Baryo Kurukya
    Posts
    6,238
    Post Thanks / Like
    Ang TARI ay kailangan PANIGURADO.. hinde pwede ang PATAKBO... malamang itakbo pati buhay ng alaga mo pati PERANG pinaghirapan mo!!!

  18. #18
    Moderator joey bravo's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    3,370
    Post Thanks / Like
    Agree ako sa inyo igan, dapat maganda ang pagkakapanday and maganda ang metal.

    Ang tutuong regular price ng FORK knife sa pag kakalam ko ay P 300 to P 500. Dito sa site ay P 1000 to P 1500 pero super ang finishing touches nyan kaya mahal. Maski na mahal ang bili dyan ay D rin tayo sigurado sa metal na ginamit nila kasi kasi d naman natin alam ang hitsura ng ibat ibang metal at papano malalaman ito.

    Tutuo din na nakabili ako ng 12 psc FORK knives thru my mananari at P 300 each. Nakamura siguro dahil one dozen ang binili ko.

    Tinanong ko na yan bakit mura ang pagkakabili samantalang napakamahal ng mga hacksaw blades like, ultra major, eclyse, high speed cobalt etc etc.

    Eto po ang kasagutang ng panday na binilhan nya.

    Hindi daw po sya bumibili ng bago na hacksaw blades sa hardware. Mga scrap ng mga lumber yard and logging company ang kanyang inaabangan at sya ang bumibili ng mga scrap na talim nito. Yung iba ay sa junkyard nya nabibili na regular na nyang kausap dahil paggagawa ng itak, bolo, kutsilyo, karit, balisong at tari ang hanpabuhay nya.

    Ang mga P 300 a piece na tari na ito ay ginamit ko na twice sa CF Global Derbies at sa Roligon 7 cock at wala naman naging problema kasi tumatama at nakakapatay naman ng kalaban.

    Tutoo din na bumili ako ng mga ASK thru my friend rebel ay iyong mga tari na yun ay sinubukan kong gamitin ng nagkatuwaan kaming magpatupada sa Paranaque nila steph, chrisford, migoko, jamesH at idol ko si ablello, ako din ang nag tari sa tupada na yun at nanalo ito gamit ang mga ASK na binili ko kay rebel.

    Gaya ng sinabi ko sa inyo, magpabili kayo sa mananari ng sabungan kasi alam nila kung sino ang panday na magaling gumawa na hindi mahal pero quality din. Hanapabuhay nila yan kaya sila ang expert na makaktulong sa inyo about tari.




  19. #19
    adeguzman
    Guest

    sir joey

    kung akin po metal sa tingin nyo magkano po ang isang fork/ask. nagpadala na kasi ako dyan sa pinas ng bagong hacksaw blades craftsman made in usa at balak ko pong paggawa.:rbounce:

  20. #20
    Member sugbo_slashers's Avatar
    Join Date
    Oct 2004
    Posts
    366
    Post Thanks / Like

    carbon steel knives

    may carbon steel knives kami for P550. kung maalaga lang sa tari at regularly pinupunasan ng oil...ayos na ang carbon steel knife

  21. #21
    Moderator joey bravo's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    3,370
    Post Thanks / Like
    igan adeguzman,

    wala din akong idea pero ipagtatanong ko.

    sana may makasagot na member dito sa site sa katanungan mo.

  22. #22
    Member
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    194
    Post Thanks / Like
    sugbo_slashers, saan ang location mo balak ko bumili sayo i'm came from quezon city.thanks and more power

  23. #23
    Moderator joey bravo's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    3,370
    Post Thanks / Like

    pag lilinis ng tare gamit ang langis.

    sir sugbu slasher,

    mag tatanong lang sana ako igan kasi nabanggit mo na linisin ng langis ang tare.

    matagal ko ng gusto itong itanong sa mga knife makers na kagaya nyo, kasi yung nagturo sa akin ng proper keeping ng tari ay sinasabi naman na wag lagyan ng langis.

    ang turo nya sa akin ay pahiran lang ng metal polish bago itago ito.

    ano po ba ang tama?

  24. #24
    Member sugbo_slashers's Avatar
    Join Date
    Oct 2004
    Posts
    366
    Post Thanks / Like
    rickyboy, Cebu based kami

    joey bravo,

    sa pagkakaalam ko, ang paglagay ng langis ay isa sa pinakamabisang proteksyon laban sa kalawang.

    hindi lahat ng metal polish ay may sangkap na nagbibigay proteksyon contra kalawang...kaya mainam na basahin muna
    ng maigi ang label para makasiguro...

    i suggest that you stick to oil na lang bro....

    adeguzman,

    ang presyo ay depende na sa knifemaker....sa shop namin, standard ay P750 kung ang material mo ay power hacksaw. medyo may kamahalan pero sulit....

  25. #25
    Moderator joey bravo's Avatar
    Join Date
    Feb 2003
    Posts
    3,370
    Post Thanks / Like
    bro SS,

    Nakalimutan ko pala sabihin ang explanation ng nagturo sa akin ng proper keeping ng tare.

    Eto ang paliwanag nya sa akin, mayroon daw reaction sa metal at talim nito ang langis, gun cleaners at ang alcohol etc etc.

    Ang ni recommend nya ng pang linis ay yung GLO METAL POLISH na gawa ng S.C Johnsons and Son USA na available naman sa lahat ng hardware at mall d2 sa pinas.ingredients nito ay METAL OXIDES, emulsifier and solvents.

    Pag ito naman daw ay nadumihan pagkatapos gamitin sa laban ay hugasan lang daw ng tubig at linisin ng Metal Polish.

    thanks for your respose bro.

  26. #26
    CyberFriends jon_elasigue's Avatar
    Join Date
    Jul 2004
    Posts
    1,908
    Post Thanks / Like
    baka meron kayo dyan tari na hindi na ginagamit at mapapakinabangan pa? baka pwede mahingi donate nyo na lang sa akin :lol: pag-papratiksan ko lang.

    sana meron may magandang loob dyan.

  27. #27
    spartacus_22217
    Guest

    Question murang tari LK/SK

    bro,kung type mo ng murang tari na may quality ay try to contact Mr.Danny Roque in his cellphone no.09194719967.Ang mga knife niya ay being exported in the USA by Mr.Efren de la Cruz wit a name FILAMM sucket.Lagi siya kumukuha kay Danny,minsan ay 3x in a year.Mahal nga ang benta nya doon s tate.Maganda ang quality ng gawa niya.Si tiny meneses ay get din sa kanya.Ang mga sucket naman na gawa nya ay design ng yumaong totoy de la cruz at mang dave aranez.

  28. #28
    spartacus_22217
    Guest

    sucket knife

    sucket knife.....to ricky boy ,


    maganda rin ang sucket knife dahil pag tumama ay talagang natutulala ang manok na tinamaan,napakadaling ikabit at konting sipat lang ay align n agad sa pwet.konting sapin lang ang need mo at walang hirap sa pagtali.Ganyan klase ng tari ang binibili ni mang Efren Aguilar sa friend ko at bring sa state by the brand name of FILAMM suket knife.It will only takes you 5mins.to learn how to tie this kind of knife.

  29. #29
    Senior Member roundhead's Avatar
    Join Date
    May 2002
    Posts
    657
    Post Thanks / Like

    Question

    hi sugbo_slashers;

    isingit ko lang ito sa thread na ito.........if you guys dont mind.

    napansin ko sa website mo, na may 'botana' sa one inch mexican,

    ang tanong ko ay, pwede din bang gumamit ng 'botana' as your base for the adjustable and the fork?

    salamat!

  30. #30
    Senior Member banderado84's Avatar
    Join Date
    Jan 2003
    Location
    tabi2
    Posts
    999
    Post Thanks / Like
    gandang thrade pala d2...:teeth:

    ....Mas less work sa pag gawa mas maigi yata sa TARI pag Hacksaw blade ang gagamitin mo.....kasi tempered na yun kaagad.....kumbaga timplado na.....kaya pag pinabule at pinakisap pa ng husto ay baka lalong mabago pa ang tigas nung blade.....alin kaya gusto mo?....yung mahabang oras na binubule para mapakisap o yung madalian na pagbule pero hindi gaano makisap.....kasi more BULE means MORE heat built-up sa materyales or Tare.....LESS IS MORE ika nga.....pero mas nakakatakot talaga pag MAKISAP tare ng makakalaban mo :lol: my 2c

Similar Threads

  1. saan nakakabili ng baena na condom??
    By yoichi in forum Usapang Manok
    Replies: 13
    Last Post: March 3rd, 2013, 09:22 PM
  2. Saan nakakabili ng mycoplasma vaccine?
    By ROY61479 in forum Usapang Manok
    Replies: 0
    Last Post: January 3rd, 2011, 11:31 PM
  3. Saan nakakabili ng lambat............
    By parak in forum Usapang Manok
    Replies: 11
    Last Post: May 25th, 2008, 08:40 PM
  4. saan ba nakakabili ng m4 cobalt
    By Black Jap in forum Usapang Manok
    Replies: 12
    Last Post: July 10th, 2007, 08:41 PM
  5. tari saan nakakabili?
    By grookie in forum Usapang Manok
    Replies: 17
    Last Post: February 13th, 2006, 01:30 AM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •