![]() |
Ang Manok Kong Bulik |
Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding > Main Forums > Usapang Manok > Ang Manok Kong Bulik
![]() |
Page 1 of 2 1 2 > |
|
|
Thread Tools | Display Modes |
|
|
#1 |
|
Senior Member
Join Date: Nov 2001
Posts: 1,441
Posts: 1,441
|
Ang Manok Kong Bulik
Ang Manok Kong Bulik
Jose Corazon de Jesus Linggo ng umaga. Ang nayo'y tahimik, ang maraming dampa'y naro't nakapinid liban na sa ibong maagang umawit ay wala ka man lang marinig sa bukid... Di-kaginsaginsa'y aking naulinig ang pagtitilaok ng manok kong bulik, ako'y napabangon at aking naisip: Pintakasi ngayon! May sabong sa Pasig! Gadali pa halos ang taas ng Araw sa likod ng gintong bundok ng Silangan ay kinuha ko na sa kanyang kulungan ang manok kong bulik na sadyang panlaban... Kay-kisig na bulik! At aking hinusay bawa't balahibong nasira ang hanay, ang palong ay aking hinimas ng laway, binughan ng aso nang upang tumapang! Muling nagtilaok nang napakahaba at saka gumiri nang lalong magara, kumkukutok-kutok pa't kumahig sa lupa, napalatak ako nang hindi kawasa... Ang aking puhunang sampung piso yata'y nabilang ko tuloy sa malaking tuwa! "Sampung pisong husto" ang aking nawika! "kapagka nanalo'y doble na mamaya!" Nang aalis ako't handa nang talaga, siyang pagkagising ng aking asawa; sinabi sa aking iwanan ko siya ng maipamaryang dalawang piseta, ang sagot ko nama'y mangutang ka muna't sa pagbabalik ko ay babayaran ta... Nguni, di pumayag, ako'y lumayas na't baka ang baom ko ay makulangan pa! Sumakay sa tram'ya na patungong Pasig, na taglay ang tuwang walang kahulilip! Hinhimas-himas ang manok kong bulik at inaantig ko ang lakas ng bagwis! Nang ako'y dumating sa Pasig kong nais di naman nalaon ay aking sinapit ang lumang sabungan; tao'y nagsisikip! Nakiupo ako't nakikiumpuk-umpok sa hany ng mga taong tanga'y manok, ang aking katabi'y agad kong hinimok na kami'y nagkahig upang magkasubok; nagkayari kaming sa labang susunod, mga manok nami'y siyang magsasalpok, kaya ako noon sa tuwa ng loob ang panalo'y tila salat ko na halos! Nang kami'y naron na sa sadyang bitawan, ang sigawa'y halos hindi magkamayaw! Ang dala kong kuwalta, todo sa pustaha't pati kusing yata'y ipinag-ubusan... "Sa pula! Sa pula!" ang doo'y hiyawan; "Sa bulik! Sa bulik!" ang dito'y tawagin, may logro ang diyes sa aking kalaban at may doblado pa akong napakinggan. Ang tari ay aming hinubdan ng katad at ang talim nito'y kumisap na kagyat; iniaro ko na ang manok kong hawak saka ibinaba nang lubhang banayad... nagpandali na po sa gitna ng galak ang bulik at pulang kapwa malakas, nang magkasalpok na sa dakong itaas ang pula'y natari't bituka'y lumabas! "Panalo na ako!" ang aking nasambit, ang kagalakan ko'y walang kahulilip nguni't sa hindi ko malaman kung bakit ay biglang tumakbo ang manok kong bulik at hagad bg pula'y sa sulok sumiksik na nangungupeteng sa karuwaga'y labis... Kaya, sa nangyari ako ay nanlamig at pinagpusan pa ng gamunggong pawis... Nang aking kunin na ang manok kong duwag, ngalingali ko nang sa lupa'y ihampas, biro baga itong wala namang sugat ay siyang tumakbo nang wala sa oras! Ang sambalilo ko'y nalabnot ko't sukat at ako'y nanggigil sa sariling palad, hiyawan ng tao'y hindi magkamulat at parang tiyupe ang manok kong hawak! At ako'y umuwing malatang-malata, malamig ang tulo ng pawis sa mukha, nang aking sapitin ang sira kong dampa sa aming palayok tutong man ay wala... Mainit ang ulo't walang patumangga sa aking asawa'y nasabi kong bigla; "O! anak ang tupa! ako ay sinama, dahil sa kanina'y namuwisit kang lubha!" Sa nangyayaring ito'y isang bagay lamang ang sa pagkatalo'y aking natutuhan, bawa't pagkabigo ay aral sa buhay at tinandaan kong sabong ay ilagan, iyang mga taong lagi sa sabungan todo kung pumusta't todo kung humapay, alin sa dalawa ang kahihinatnan: Mamatay sa gutom o kaya'y magnakaw! |
|
|
|
|
|
#2 |
|
Member
Join Date: Jul 2003
Posts: 141
Posts: 141
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
sir, TAGALOG na bulik ang binabanggit sa tula...iba na ngaun ang bulik sa pilipinas....madalang na ang tumatakbo kc mga imported na ito
|
|
|
|
|
|
#3 |
|
Senior Member
Join Date: May 2005
Location: guam,cavite
Posts: 2,672
Posts: 2,672
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
noon at ngayon...iisa pa rin ang kalakaran sa pagsasabong.... wag nating ipupusta ang lahat ng pera dahil lamang sa pag aakalang walang katalo talo ang manok na hawak...kapwa may tari din ang kalaban.
|
|
|
|
|
|
#4 | |
|
Senior Member
Join Date: Mar 2007
Location: CAN /MINDORO /NEGROS OCC. Talisay City -WWW.romy3388multiply.com/
Posts: 1,488
Posts: 1,488
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
Quote:
|
|
|
|
|
|
|
#5 | |
|
Senior Member
Join Date: Mar 2007
Location: CAN /MINDORO /NEGROS OCC. Talisay City -WWW.romy3388multiply.com/
Posts: 1,488
Posts: 1,488
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
Quote:
MANG TONIO, SA NGA-YON IBA ANG BULIK ITO NA BULIK DOM AY NA BASA KO, GALING ORIGINAL SA ENGLAND LONG TIME AGO MANY MOON. |
|
|
|
|
|
|
#6 |
|
Guest
Posts: n/a
Posts: n/a
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
i think tonio was just sharing to us the poem "Ang Manok Kong Bulik".
and with no disrespect to the bulik color and breed. |
|
|
|
#7 |
|
Senior Member
Join Date: Jun 2006
Posts: 1,322
Posts: 1,322
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
yes sir but i think un bulik n un e panahon p ng tatay k.pero mga sir ung bulik ng tatay k 12xwinner sya at d ngsusugat...but i think iba n ang bulik ngaun.ito po nsa avatar k 3xwinner bulik ang kulay pro me nkatagong tugo ng ibang linyada...
|
|
|
|
|
|
#8 |
|
Senior Member
Join Date: Mar 2005
Location: Ciudad De Caceres
Posts: 3,894
Posts: 3,894
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
kayo naman, nakakaaliw ngang basahin ang tula, dapat matuwa tayong mga bulik lover kasi ibig sabihin kahit noon pa kilala na ang bulik nag off lang yun dahil binogahan ng usok ng sigarilyo..he he he
thanks for sharing that Tonio.. |
|
|
|
|
|
#9 | |
|
Guest
Posts: n/a
Posts: n/a
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
Quote:
SINO BA MAS MATANDA SA INYO NI TONIO BAKA HO MAS MATANDA PA KAYO SA TATAY NYANG C MANG MIKE ![]() |
|
|
|
|
#10 |
|
Senior Member
Join Date: Nov 2001
Posts: 1,441
Posts: 1,441
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
I think my post has been misunderstood, I was just sharing a beautiful poem about our sport. It was written in 1911.
I for one am a fan of off-colored roosters and breed buliks or doms as well hope this clears things up |
|
|
|
|
|
#11 |
|
Guest
Posts: n/a
Posts: n/a
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
Post Should Be Appreciated As A Poem.
|
|
|
|
#12 | |
|
Member
Join Date: Oct 2006
Posts: 193
Posts: 193
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
Quote:
![]() |
|
|
|
|
|
|
#13 |
|
Member
Join Date: Oct 2007
Posts: 132
Posts: 132
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
Ang ganda ng tula. Naaliw talaga ako. Thanks for sharing.
|
|
|
|
|
|
#14 |
|
Senior Member
Join Date: Mar 2003
Location: Balayan/San Bruno,Ca
Posts: 1,321
Posts: 1,321
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
Sa modernong panahon ay may kumakalas pa rin pero hindi iyon ang mensahe ng tula.
|
|
|
|
|
|
#15 | |
|
Guest
Posts: n/a
Posts: n/a
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
Quote:
![]() ![]() ![]() kung hindi sana nakaka intindi ng sasabunging manok ang mga kausap mo dito........pupwede sana yang kwentong barbero mo na yan....hahaha. Last edited by aurora gold; November 14th, 2008 at 05:18 AM.. |
|
|
|
|
#16 | |
|
Senior Member
Join Date: Feb 2007
Posts: 780
Posts: 780
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
Quote:
|
|
|
|
|
|
|
#17 |
|
Senior Member
Join Date: Oct 2004
Posts: 1,084
Posts: 1,084
|
Ang Manok Kong Bulik
Napakagandang tula mula sa isang premyadong manunulat. Huseng Batute talaga. Hindi naman ata sabungero pero grabe ang imahinasyon. Taga Tondo siya pero nagsasabong sa Pasig, maaaring ang Pasig niya ay ang Pasig River dahil wala namang trambiyang nakakarating sa Pasig noon.
Tapos sikat pa ang sinulat niyang kantang Bayan Ko. Iba talaga ang native. |
|
|
|
|
|
#18 |
|
Senior Member
Join Date: Nov 2005
Location: SAVANNAH, GA
Posts: 5,885
Posts: 5,885
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
ibig sabihin sa tulang iyan...na sikat ang bulik at di akalaing tatakbo o matalo...ang kulay bulik ang hari sa lahat ng kulay ng manok...sa mga matatandang version...
kaya maski anong klseng manok..basta me paa..puedeng tumakbo... bay romy....si tonio ay yong batang kasama sa matanda sa avatar..erpats nya yon matanda.. ![]() |
|
|
|
|
|
#19 |
|
Senior Member
Join Date: Oct 2004
Posts: 1,084
Posts: 1,084
|
Ang Manok Kong Bulik
Di ba si Richard Bates yung matanda? Anak ba niya si Tonio? Hahahaha.
|
|
|
|
|
|
#20 |
|
Member
Join Date: Apr 2007
Posts: 132
Posts: 132
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
The mesage is: WAG IPUSTA ANG LAHAT NG YAMAN MAGTIRA NG PANG ULAM,
HE HEHE |
|
|
|
|
|
#21 |
|
Senior Member
Join Date: Oct 2006
Location: MEYCAUAYAN,BULACAN
Posts: 1,364
Posts: 1,364
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
sir ganda naman ng tula na yanat may aral pang mapupulot hehe ![]() |
|
|
|
|
|
#22 |
|
Senior Member
Join Date: Jan 2006
Posts: 1,123
Posts: 1,123
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
nice poem.....
![]() Lo there do I see my father. Lo there do I see my mother. Lo there do I see my brothers and my sisters. Last edited by yellowhackled84; November 14th, 2008 at 09:18 AM.. |
|
|
|
|
|
#23 | |
|
Senior Member
Join Date: Nov 2005
Location: SAVANNAH, GA
Posts: 5,885
Posts: 5,885
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
Quote:
tao lang po... |
|
|
|
|
|
|
#24 |
|
Senior Member
Join Date: Oct 2004
Posts: 1,084
Posts: 1,084
|
Ang Manok Kong Bulik
Pasensiya na Grey/dom. Maaring ako din ang mali.
Sorry ulit. |
|
|
|
|
|
#25 |
|
Member
Join Date: Apr 2007
Location: deep south
Posts: 256
Posts: 256
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
matagal na ba tong tula na ito? para kasing nabasa ko na ito ilang taon na ang nakalipas. pero la ko masabi gandang tula. may leksyon pa ito.
|
|
|
|
|
|
#26 |
|
Senior Member
Join Date: Oct 2004
Posts: 1,084
Posts: 1,084
|
Ang Manok Kong Bulik
RVK,
Yung sumulat namatay noong 1932. Hari ng Balagtasan. |
|
|
|
|
|
#27 | |
|
3BCA
Join Date: Dec 2006
Location: saudi/bikol
Posts: 3,850
Posts: 3,850
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
Quote:
bro grey/dom si mr. R.BATES yan kasama ni sir tonio na nasa avatar niya |
|
|
|
|
|
|
#28 | |
|
Senior Member
Join Date: Nov 2005
Location: SAVANNAH, GA
Posts: 5,885
Posts: 5,885
|
Re: Ang Manok Kong Bulik
Quote:
|
|
|
|
|
|
|
#29 |
|
Senior Member
Join Date: Oct 2004
Posts: 1,084
Posts: 1,084
|
Ang Manok Kong Bulik
Nangitim na siguro sa pagkukundisyon ng mga manok ni Boss Danding sa Isabela, Negros Occ.
|
|
|
|
|
|
#30 |
|
Senior Member
Join Date: Oct 2004
Posts: 1,084
Posts: 1,084
|
Ang Manok Kong Bulik
Higit sa lahat napakagandang tula.
|
|
|
|
![]() |
Page 1 of 2 1 2 > |
| Thread Tools | |
| Display Modes | |
|
|
Powered by vBulletin® Version 3.8.6
Copyright ©2000 - 2010, Jelsoft Enterprises Ltd.
Sabong.net.ph TM © ® 2000-2008 Registered trademark of Rooster Content Online, Inc. All rights reserved.
Website Design by Trapik Media