Mga kakmeyt... gumawa po ako ng isang website na sa tingin ko may malaking tulong sa mga kasama nating seaman na naghahanap ng trabaho.
Konting tulong lang po ang aking hinihingi... kung may mga kakilala kayong mga seaman na naghahanap ng trabaho or shipping companies pwede nyo po sila sabihan tungkol sa website na ito. Itong linggo po na ito ay sisimulan naming i email lahat ng mga kumpanya dito sa atin at sa susunod na linggo po naman ay magsisimula na kaming magkalat ng mga flyers at magpa ads sa dyaryo para naman malaman ng mga kababayan nating seaman na nasa probinsya ang tungkol sa website na ito.
Pwede nyo po rin akong matulungan sa pag post sa testimonials / shoutbox page na makikita nyo sa website. O kaya po ay pwede rin kayong mag send ng picture nyo kung kayo ay seaman at nais nyong mailagay ang inyong mukha sa aking website. hehehe.
Balang araw po ay makakatulong din ako sa inyo sa pag ads ng inyong gamefarm sa aking website.. at alam naman natin na marami sating mga kababayan na seaman ang mahilig sa manok.
Maraming salamat po....