|
Re: Dugo sa Mukha
kagat ng lamok yan. ang kulungan ko para sa keep ay nakascreen ng pino para di makapasok ang lamok. Minsan nga kinakulambuan ko pa hanggang sa lupa para di makapasok ang lamok. Importante kasi na makatulog at makapagpahinga ang mga panlaban sa keep nila. Ganun din sa sisiw. Dapat di makapasok ang lamok kasi sa sisiw nman baka ang lamok na kumagat sa sisiw mo ay nakakagat ng manok na maysakit na fowl pox, tapos magkakabulutong ang sisiw mo kahit may bakuna pa ito. kahit may bakuna, pagnatyempo na mahina ang katawan ng manok mo, tatamaan pa rin ng bulutong. Kaya advise din sa mga nakacord na manok, wag ninyong gupitan ang balahibo sa bandang pwet kasi ang balahibo ay nagsisilbing handlang sa mga lamok.
|