Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding
 

Go Back   Sabong, Cockfighting and Gamefowl Posting Pit > Main Forums > Usapang Manok

Usapang Manok Tagalog forum. Pang MASINSINANG pag-uusap lamang tungkol sa manok.

Reply
 
Thread Tools Display Modes
Old October 6th, 2004, 09:10 AM   #61
joey bravo
Moderator
 
joey bravo's Avatar
 
Join Date: Feb 2003
Posts: 2,903
Thanks: 2
Thanked 31 Times in 16 Posts
Congrats Ka Rolly, ikaw na pala ang isa sa mga commentator ng SULTADA sa Prime Channel.

joey bravo is offline   Reply With Quote
Old October 6th, 2004, 11:55 AM   #62
rollyramos
Guest
 
Posts: n/a
tnx,joey B.

abatan ninyo ang mananari na upahan sa sabungan ,kapag nalingat ka at kinayod nya ang dulo o tulis ng tari sa tagisan o hasaan /habang kunwari ay nag hahasa sya ay hindi na mag pepenetrate ang tari sa katawan ng manok, kaya ang pasugat ng manok mo ay panay hiwa na mababaw.kung halimbawa na ako ay magpapatare sa upahang mananari ay hindi ko gusto iyong umaarte na kunwari ay tinatagis at pinatatalim pa nya ang tari,dahil ang matinong mananari ay bastado at handa lahat ng tari mula sa pag kakabasyada,(sa bahay palang o bago tumungo sa sabungan).
mas malamang na ang sa mismong oras ng pagkakabit ng tari at umaaktong nag hahasa o nag tatagis ay gamit o mapurol ang taring ikakabit sa iyo kaya nya hinahasa, at ang katwiran nila inaalis ang ribaba(ribaba-- ito yung tila balahibo sa bakal na naiwan ng ibasyada).
  Reply With Quote
Old October 6th, 2004, 12:03 PM   #63
rollyramos
Guest
 
Posts: n/a
ilan pang daya

ang madayang mananari ay gumagamit ng ordinaryong bakal,na matapos ang unang patama ay mapurol na,hindi ako dalubhasa sa bakal tulad ni EARAN pero alam ko na ang 5peso coin ay pinasasadya upang gawin tari,makintab,makinis at tila napaka talim kung tignan pero matapos humiwa sa una ay wala ng kamandag ang talim upang muling humiwa,kapag nakabitan ka nito at sa unang palo ng manok mo at hindi nakapatay ay wala ka ng pag asa na sumugat,manalangin ka nalang na tumusok sa kalambutan ang patama ng manok mo.SINASABI KO ITO UPANG PATI SA URI NG BAKAL AY MAG INGAT AT MATUTO KAYO:hippie:
  Reply With Quote
Old October 6th, 2004, 12:16 PM   #64
rollyramos
Guest
 
Posts: n/a
PILITIN NYO MATUTO MAGTARI

kung hindi ka matuto magtari at iaasa mo sa ibang tao ang ikakabit na sandata sa manok mo matapos mong paghirapan mula materyales,itlog.,sisiw pagpapalaki,abala gastos ,pangarap,karangalan ay maglalahong lahat kung matapat ka sa mandarayang mananari.andyan na luwagan ang sapin kaya sa pag palo ay lumilihis ang asinta, luwagan ang tali o bidbid,kaya ang pasugat ay malalay.o higpitan upang mangalay at walang pwersa ang palo ng manok mo.sakatin ang prop toe o panlikod na dalire upang pag landing ng manok mo ay out balance at mauuyot paupo.nandyan pati ang tahid ay igapos ng bidbid upang walang pwersa ang palo dahil masakit ito kung idaiti.AT HINDI MO HALATA NA DINADAYA KA LALO AT WALA KANG INTERES SA TARI ,sasama pa kunwari ng pusta sa manok mo ang mananari pero sasahod o kokontra naman ang kumpare nya sa manok mo ng mas malaking halaga.HINDI KO SINISIRAAN ANG UPAHANG MANANARI,PERO TALAGANG ME MGA MANDARAYA,at kung matalo ang manok mo sa magandang ipinakita sa laban ay tiyak na una mong sisisihin ang mananari bago mo pag isipan ang ibang aspeto.ngayon kung ikaw mismo nag kabit ng tari wala kang iisipin kundi talo lang talaga at maluwag sa dibdib mo ito:hippie:
  Reply With Quote
Old October 6th, 2004, 12:39 PM   #65
Inekem
Guest
 
Posts: n/a
Pareho ba and asinta?

Ka RR,

Mayroon kakaibang palo ang mga manok, mayroon palo na nangagaling sa itaas pababa, at mayroon namang nangagaling sa side papasok(left hook). Tanong, pareho ba ang asinta ng tari nito??? Kung magkaiba papaano? Salamat sa anumang kasagutan.
  Reply With Quote
Old October 6th, 2004, 07:35 PM   #66
matador
Guest
 
Posts: n/a
Tama si RR! Kayo na mag-tari.

Pero yung mag-ulot, mag-condition, mag-alaga, magbitaw, gumamot, mag-balahibo kumuha na kayo ng assitant kasi baka wala ng kumita at puro kayo na lang lahat.
  Reply With Quote
Old October 6th, 2004, 08:35 PM   #67
joeyxus
CyberFriends
 
Join Date: Jan 2003
Posts: 72
Thanks: 0
Thanked 0 Times in 0 Posts
Thumbs up

nice thread!
very informative!:teeth: :teeth:
joeyxus is offline   Reply With Quote
Old October 7th, 2004, 04:32 AM   #68
oman_cock
Guest
 
Posts: n/a
The best na Tari?

Ka Rolly
Ano ang pinakamagandang gamitin na tari sa hackfight or derby.. kung magsasadya rin lang ng tari kailangan quality para sulit?

Malaysian Blade
Pakpak langaw
Media Luna
Regular
  Reply With Quote
Old October 7th, 2004, 08:45 AM   #69
Galvin-P
Guest
 
Posts: n/a
asinta nang tari !!!

maganda ang sinasaad ninyo at ako ay isa sa humahanga ,mang rolly bakit hindi kayo magpagawa nang libro para sa pagtatari? sa tingin ko ay maraming bibili at isa na ako. huwag ninyong sayangin ang abilidad ninyo dapat ay may maiwanan na pamana sa lahat nang interesado. puwede ho ba kayong magturo nang personal may patuturuan ako at handa ako magbayad nang talent fee ninyo. may tari na akong pinagawa sa bahay at wala naman alam gumamit. salamat uli! paki-email ninyo ako sa : nivlag007@yahoo.com taga los banos lamang ang backyard ko
nag-uumpisa pa lamang.
  Reply With Quote
Old October 7th, 2004, 03:48 PM   #70
rollyramos
Guest
 
Posts: n/a
sa mga nagtitiwala

kaya kong magturo ng libre at walang kapalit na ano man. sa interesado kailangan may dalang ::
**kaliwang paa ng manok(kuha ka sa sabungan.)
isang set ng gamit para sa tari.
paunan
sapin
tape
baina
bidbid
tari
baina
manok na reject na ipapapatay sa tatarian nyo.
pag usapan at iayos natin ang panahon .cel#09187117718

OMAN-COCK ,para sa akin mas mainam ang ordinaryo na tari na karaniwan ginagamit sa sabungan.
ang ikinagagaling ng tari ay nasa husay ng nagkabit at galing ng manok na tinarian.

INAKEM... MAGANDA ANG TANONG MO AT TAMA ANG NASA ISIP MO, me pagkakaiba ang asinta ng sipat ng tari para sa bawat palo ng manok , .ang palo na galing sa itaas ay asintang tuwid gaya ng ala una (1 oclock) at iyon naman sinabi mo na palo na galing sa side o papasok/wallop ay asinta batay sa pwesto ng tahid.(2:00 to 2:30) ang palo at asintang yang ang pinaka malakas sumira,

****iba iba ang palo ng manok at iba iba rin ang asinta,kaya mas mainam na alam mo ang palo ng manok na tatarian mo.

****ito ang motto ko sa pag tatari,,,,,,,sa bawat laban kung kilala mo ang laro ng manok mo at hindi mo kilala ang laro ng kalaban mo 50-50 ang tsansa mong manalo
****sa bawat laban kung hindi mo kilala ang laro ng manok mo at hindi mo rin kilala ang laro ng manok ng kalaban mo,(wala kang ipapanalo)
****kung sa bawat laban ay kilala mo ang laro ng manok mo at maging ng kalaban mo (hindi ka mabibigo)lalo at maalam kang magtari:hippie:
  Reply With Quote
Old October 7th, 2004, 09:49 PM   #71
Inekem
Guest
 
Posts: n/a
Ka RR,

Tama ka, dapat pagaralan na ang pagtatare, kasi papaano malalaman ng paupahan na gaffer ang tamang asinta kung hindi pa niya nakitang pumalo ang manok. Pakipost na lang kung kailan schedule ng paturo mo magpapadala ako ng tao ko. meanwhile, thanks for the reply and more power to you.
  Reply With Quote
Old October 7th, 2004, 10:07 PM   #72
FORTBONIFACIO
3BCA
 
FORTBONIFACIO's Avatar
 
Join Date: Jun 2004
Location: THE FORT
Posts: 2,471
Thanks: 0
Thanked 14 Times in 12 Posts
Re: sa mga nagtitiwala

BRO, TANONG KO LANG, HALIMBAWANG HINDI MO ALAM ANG LARO NG IYONG MANOK ANO BA ANG POSISYON NG TARE ANG IYONG MAI-IREKOMENDA NA MAA-ARING MAKAHAGIP AT MAKASUGAT RIN. IYON BANG KAHIT NA ANO ANG LARO NG ISANG MANOK AY PWEDE ANG POSISYON NG PAGKAKALAGAY NG TARING ITO. :hippie:
__________________
JARHEAD 1978
FORTBONIFACIO is offline   Reply With Quote
Old October 8th, 2004, 03:10 AM   #73
Congresman Digs
Guest
 
Posts: n/a
Yung asinta ng tumabla rr alas singko y medya ba yun?:lol:

O baka naman five peso metal yun kaya unang patama lang ang may talas at ang mga sumunod na palo kahit may diin ay hindi makatagos sa laman ng stag ni Edwin?:lol:
  Reply With Quote
Old October 8th, 2004, 03:22 AM   #74
rnold2130
Senior Member
 
rnold2130's Avatar
 
Join Date: Jun 2004
Location: london/batangas
Posts: 715
Thanks: 0
Thanked 0 Times in 0 Posts
congresman

anu ba yan:lol:
rnold2130 is offline   Reply With Quote
Old October 8th, 2004, 04:34 AM   #75
MANOKMANOKAN
Guest
 
Posts: n/a
roolyramos.....your mail box is full.
  Reply With Quote
Old October 8th, 2004, 05:28 AM   #76
gambusa
Guest
 
Posts: n/a
Thumbs up Salamat sa tips

Salamat sa mga tips mo Sir Rolly. Tama ka na mabuti na yung wala kang sisisihin kahit matalo sarili mong manok. Ika-nga ay wala na tayong magagawang tulong sa ating manok once na nalargahan na kaya dapat talaga tayong magpursige na hindi lamang matutong magcondition, mag-point at magtari rin. Para sa mga alaskador naman, alam ko deep inside interesado sila sa tips mo dahil kung hindi, bakit sila mag-aaksaya ng oras magbasa ng thread. Payo ko sa kanila bago mang-asar ay pag-aralan muna ang mga tamang accent (uk tri) at spelling (congresman) bago mag-post. Sa ganito, may kredibilidad sila kahit paano bago mang-asar, at least marunong mag-spell at mag-pronounce...hindi matigas ang dila at bobo sa spelling.:hippie:
  Reply With Quote
Old October 8th, 2004, 05:38 AM   #77
gambusa
Guest
 
Posts: n/a
Cool correction

hindi pala si uk tri yung masama accent, si dirbi lurd pala:hippie:
  Reply With Quote
Old October 8th, 2004, 05:43 AM   #78
Congresman Digs
Guest
 
Posts: n/a
Correction din gambusa. Ang spelling ng congressman ko ay single S sa dahilan na hindi na kasya. Pag pinilit kong double S ay wala ng space. Mapipilitan na maging one word ang aking username at mawawala pa ang S sa aking magandang name na DIGS.:lol:

At hindi uk tri ang spelling ng tinagalog na OAK TREE. Dapat ay "OWK TRI." Sisita ka lang mali pa. Mag aral ka muna.:crazy:
  Reply With Quote
Old October 8th, 2004, 05:54 AM   #79
gambusa
Guest
 
Posts: n/a
MAY ACCENT KASI...

...KAYA UK TRI, TAMA KA "OWK TRI" SANA KUNG WALANG ACCENT:hippie:
  Reply With Quote
Old October 8th, 2004, 06:45 AM   #80
derby lord
Guest
 
Posts: n/a
spelling

parang yon lang na spell nakita pa ni gambusa an dami naman dito na parang text rin ang sulat hindi naman pinapansin.

yan gambusa para matoto ka magtare abangan mo palagi ang post ni poly para may papasok naman sa kukuti mo kung pagmamanok ang usapan.ang galing kasi ng maestro mo o ang tare na ipagamit sayo kasing purol ng utak mo gambusa.:lol:

congresman kasi inabot raw ng tabla at daming palo ang pinakawalan ng manok ni rr dahil daw ay napulso kaya hindi nya raw mapatay patay.:lol: yon yata ang dahilan ng palusot nya.sayang tabla pa 50 k pa naman parada ni kamandag.pulso lang ang sugat in the next day patay raw. mga one minute lemon ni poly yon pang (g)ambuse sana yon kasi date syang marines.:lol:


KILLER SMILE
:hombre:
  Reply With Quote
Old October 8th, 2004, 07:05 AM   #81
gambusa
Guest
 
Posts: n/a
Smile BASAHIN NINYO AT KAYO ANG HUMUSGA

Wala namang problema ang ating mga kaklase rito sa sabong pagdating sa spelling or accent kung tayo ay hindi nanunuya o nangmamaliit sa kapwa kakmeyt. Ang masasabi ko lamang ay bago tayo humusga at mangtuya ng kapwa, siguraduhin lang na wala silang masisilip sa atin. Sa ganitong paraan, kahit gaano kahina ang argumento natin, kung tama ang spelling at accent, mukhang may kredibilidad ang ating sinasabi at mas paniniwalaan tayo. Obserbasyon po lamang.:hippie:
  Reply With Quote
Old October 8th, 2004, 08:38 AM   #82
ewolram
Senior Member
 
ewolram's Avatar
 
Join Date: May 2004
Posts: 2,890
Thanks: 0
Thanked 0 Times in 0 Posts
sana ang sagutan nila gambusa at congresman digs ay ilipat sa ibang thread.

rr, nirerespeto kita sa pag ignore mo sa mga nang-aasar!

rr, interesado din po akong malaman ang kasagutan sa tanong ni FORTBONIFACIO. ano ba ang tamang posisyon ng tari kapag hinde mo alam ang laro ng manok na tatarian mo?

thanks
ewolram is offline   Reply With Quote
Old October 8th, 2004, 01:33 PM   #83
rollyramos
Guest
 
Posts: n/a
yabangan ko lang ng konte

alam mo CONGRESMAN DIDS,,,yung manok ko na GUMULPE sa manok ni EDWIN,,E NAPULSO SA TARIAN SA UNANG ANGATAN,at gahil sa galing kong MAGTARE ,yung unang palo ng manok ko sa angatan ay nagmistulang lumpo ang manok ni edwin sa iisang patama,na hindi na nasundan ng pasugat dahil sa wala ng pwersa ang palo ng napulsong manok, pitong minutong minamakinilya at ginagawang tadtaran ng manok ko ang manok ni edwin ,at tatlong minutong nahinog ang manok ko at ang tanging inaantay na lang ay himatayin o magtigil ang manok ko upang matalo, pero dahil sa ganda ng pagkakakundisyon e tumagal at tumabla ang manok.(kaya mo ba yon).ang tumabla ang isang gaya ko sa katulad ni edwin ay karangalan na para sa akin, :hippie:
  Reply With Quote
Old October 8th, 2004, 01:40 PM   #84
rollyramos
Guest
 
Posts: n/a
fortbonifacio

fort bonifacio,,,,,, kung hindi mo alam ang laro ng manok mo ??kadalasan ang asinta ay iyong nakadikit sa prop toe ang pinaka puno ng tari,o tila ala una ang asinta na karaniwang iniaasinta sa tarian sa sabungan o ng upahang mananari,ito yung play safe,tiyak na susugat pero walang pabigla.:hippie:
  Reply With Quote
Old October 8th, 2004, 03:01 PM   #85
talahib747
Guest
 
Posts: n/a
pareng rolly,

tanung ko lang cel. no. mo, may tatanungin ako sa iyo ng personal. paki-pm na lang sa akin, laging puno pm box mo o kaya text mo ako 09179275278.
  Reply With Quote
Old October 8th, 2004, 11:48 PM   #86
Congresman Digs
Guest
 
Posts: n/a
Rolly ok din naman ang paliwanag mo. Ang manok ko na gumulpi sa manok ni Edwin.:lol: Bilib na ako sa ere mo maestro rolly. Stag ang manok ni Edwin gaya ng manok mo.

Hindi na pumapalo ang manok ni Edwin, ang manok mo kahit na pulso ang tama ay pumapalo pa din ang pakpak.:crazy: Dapat napa tulog nun ang manok ni Edwin dahil sa lakas ng paypay ng palpak, guminhawa ang pakiramdam dahil sa lakas ng hangin mula sa pamaypay na pakpak.:crazy: Diba pag malamig masarap matulog?:crazy:

E rr paano naman ang palusot sa dalawang kamote mo sa derby? Huwag mong sabihin na stags mo pa din ang nambugbog?

Paano naging karangalan ang tumabla sa laban sa gaya ni Edwin kung ang manok naman ni Edwin ay dapa na at finishing na lang ang inaantay mula sa manok mo? Hindi bat walang ipinagkaiba iyon sa talo? Kasi talo na ang mga nakapusta kay Edwin e nakatabla pa? Kayo ay nag aabang na ng bayad e wala pang nakulekta.
  Reply With Quote
Old October 9th, 2004, 12:19 AM   #87
robin
Guest
 
Posts: n/a
sino bang edwin ang sinasabi ninyo? tanong ko lang kasi di ko kilala eh. thanks.
  Reply With Quote
Old October 9th, 2004, 12:45 AM   #88
FORTBONIFACIO
3BCA
 
FORTBONIFACIO's Avatar
 
Join Date: Jun 2004
Location: THE FORT
Posts: 2,471
Thanks: 0
Thanked 14 Times in 12 Posts
Bro, Maraming salamat sa iyong kasagutan, sanay huwag kang sawaan sa pagbibigay ng kaalaman sa pagtatare, bagamat may mga ibang bumamabatikos sa iyo ngunit patuloy ka pa ring nagbibigay kasagutan sa nais naming malaman, mabuhay ka Bro.
__________________
JARHEAD 1978
FORTBONIFACIO is offline   Reply With Quote
Old October 9th, 2004, 02:48 AM   #89
oman_cock
Guest
 
Posts: n/a
Tari

Ka Rolly
Maraming salamat sa iyo!! Kasi sinubukan kong kumabit ng tari ayon sa mga payo mo ang ginawa ko 1/30 sinipat ko sa kalahti ng gitna ng puwet ang dulo ng tari ang talim naman ay sa prop toe..Aprobado ka Rolly panalo manok ko!Sabayan sa ere paluan ang manok pagbagsak ng kalaban hila kanan paa!kaunti lang ang pusta ko kasi first time ko lang kumabit ayon lang sa mga payo mo sinunod ko..kaya pag-uwi ko ng pinas sadya ako ng sarile kong mga tari para ako ng kakabit sa mga manok ko!!!!

Maraming Salamat
Ka Rolly :rbounce:
  Reply With Quote
Old October 9th, 2004, 05:06 AM   #90
derby lord
Guest
 
Posts: n/a
tare

alam nyo mga igan kung gusto nyong matutong kumabit ng tare na maging eksperto kayo ay sa tuwing kumakabit kayo ng tare ay subukan nyong pag-aralan ang porma ng paa ng manok.kay roly nayan ay sa o clock o clock lang siya bumi base palagi kita nyo kinabitan nya manok nya na first fight sa cf stag derby sa unang salpokan lang nakatama manok nya sa baba na nakadapa na ang kalaban di na makatama.kasi sa porma ng paa ng manok iba iba yan ang dereksyon kung paano ipatama ng maganda ang palo ng manok.sa aking nakikita dahil bata pa ako nasa sabungan na ako ako na ang umaayos ng tali ng tare kung ito ay pumupulupot ang sipat na one o clock o one and half o clock ay tama na na makapatay at makapatama ng maayos.nasa punto na yan ang laro ng manok kung anong sipat ang gusto mo.kaso dahil kikig ang laro ng manok mo at kabitan mo ng 3 o clock paano naman makatama kung ang hugis ng paa ng manok ay di sang-ayon sa 3 o clock.

kahit gawa lang yan sa pako basta matulis at nasa ayos ang kabit at asinta mo hindi maare na hindi tutusok yan at makakapatay.noon sa akin gawa gawa kolang ang tare bakit mga bitaw na manok ng kapit bahay patay naman.



KILLER SMILE
:hat: :smoke: :hombre:
  Reply With Quote
Reply

Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

BB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On
HTML code is Off

Forum Jump

Similar Threads
Thread Thread Starter Forum Replies Last Post
sipat o asinta brianna Usapang Manok 5 June 30th, 2009 12:16 AM
pinakamabilis pumatay na asinta ng tari minas emmanuell Usapang Manok 0 April 6th, 2006 01:07 PM
Tamang paglagay at asinta ng tari... bymbo_68 Usapang Manok 5 October 29th, 2005 03:59 PM
meron bang tamang asinta ng tari talaga? Black Jap Usapang Manok 24 June 15th, 2005 03:34 AM

All times are GMT +8. The time now is 10:06 AM.

3.8.7