|
Re: INFUSE Cock oh Hen gamit?
Si Cowan ay may alagang mga Allen RH. Mataas ang winning percentage ni Cowan noon, pero napansin nya pag drag fight na ay parang nakukulangan na sya ng tapang sa mga manok nya. Hanggang nakakita sya ng isang dead game na manok. Ito ay ang Gull cock. Ipinares nya ito sa kanyang mga Allen RH hen. Saka nya unti-unting inalis ang Gull blood sa Allen RH sa pamamagitan ng pagpapa-asawa ng pure Allen RH sa bawat henerasyon ng may Gull blood na palahi nya. Ang tawag dito ay infusion ng outside blood bukod sa Allen RH. Pero unti-unti din inalis by repeatedly mating another Allen RH sa mga inaanak ng may Gull blood.
Naging successful si Cowan nung nag-infused sya ng Gull blood sa kanyang mga allen RH. Nung lumaon ay tinawag nang Cowan RH ang nalikha nyang strain na yun (Allen RH with an infused blood of Gull).
May point si Al, na makikita agad sa broodcock ang charateristic na gusto mong idagdag sayong palahi, then unti-unti itong aalisin. Ang infusion ay "Pang-gulat sa Dugo" ika nga.
|