Sabong, Cockfighting and Gamefowl News, Photo, Video; Derby News Schedule, Results, Breeding
 

Go Back   Sabong, Cockfighting and Gamefowl Posting Pit > Main Forums > Usapang Manok

Usapang Manok Tagalog forum. Pang MASINSINANG pag-uusap lamang tungkol sa manok.

Reply
 
Thread Tools Display Modes
Old November 17th, 2000, 01:05 PM   #1
Kidd Sentencia
Senior Member
 
Kidd Sentencia's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 4,995
Thanks: 0
Thanked 1 Time in 1 Post
Sabong Cheats (mga daya)

Okay friends, inspired by the post in the other thread here by Raravez, let's expose all those sort of cheating in cockfighting.
If we know them, we can be aware, and may avoid it. Please post what "tricks" you are aware of.

Thanks!
Kidd
Kidd Sentencia is offline   Reply With Quote
Old November 17th, 2000, 11:52 PM   #2
RARAVEZ
Guest
 
Posts: n/a
KOMPADRENG TALIC, PARA KAY KIDD, ANG TAWAG KO SA GIMMICK NA ITO, SHARING, GANITO, ANG MGA GINAGAWA NILA, PUPUNTA SILA SA SABUNGAN SA ORAS NG TIMBANGAN NG MGA SASABUNGIN, TAPOS PAG-AARALAN NILA KUNG SINO SI MAKATAONG SABUNGERO, PAGDATING NG LABANAN, HIHINGI SILA NG PAGKAIN NG MANOK MO, PAGKATAPOS TITINGNAN NILA SA IYONG SANGKAP KUNG ALIN ANG PINAKAGUSTO NG MANOK. OOPERAHIN NILA ANG BUTIL NA ITO AT LALAGYAN NG PALAMAN NA LASON. PAGPASOK MO NA SA RUWEDA PIPITIKIN NILA ANG BUTIL NA ITO PARA MATUKA NG IYONG MANOK, CHANCES ARE DURING THE CLIMAX OF THE FIGHT, ALL OF A SUDDEN YOUR COCK WILL DIE INSTANTLY. MGA PROFESSIONAL SILA SA PAGPITIK. THEY CAN TELL WHERE WILL THE THING WILL DROP, 99.9 PERCENT IT WILL DROP WHERE THE COCK WILL NOTICE THIS THING. HAVE A GREAT DAY. MABUHAY.
  Reply With Quote
Old November 18th, 2000, 02:48 AM   #3
jrtras
CyberFriends
 
jrtras's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Posts: 166
Thanks: 44
Thanked 7 Times in 5 Posts

Here’s another modus operadi of the manlalason/mandurugas/mandaraya...’yung magbibitaw ng manok ay may hahawakan na lason sa bulsa niya, pag-alis nila ng bayna ay ipapahitid ‘yung lason sa blade ng tare. Kung minsan naman ay sa pulok o hackles ng manok nila ipinapahid ‘yung lason para sa labanan, kapag kumapit ‘yung manok ng kalaban ay matutuka ng kalaban ‘yung lason sa hackle feathers at kapag nagtagal ang laban...siguradong mahihilo ‘yung manok na nakatuka ng lason. Sa derby mahirap gawin ito ng mga mandaraya dahil pinu-punasan ng Sentenciador ‘yung blade ng tare pagka-alis ng bayna at pinagba-bawal nang pahipuin sa tare ang nagbibitaw. Minsan din naman, nakikita ko sa mga big time derbies na pinupunasan rin ang hackle feathers (para ma-alis ang lason, kung meron man) bago bitiwan ang manok.

Mga mandurugas mag-ingat kayo, baka makatapat ninyo si Kidd...ngeekk, .9mm Beretta diyos ko! Kidd, masyado naman yatang violent ‘yon...ala eh 29 lang ng Batangas ay puwede na.

I remember seeing a big banner before at Pasay Cockpit that says: “Mag-ingat sa mandurukot...Mandurukot mag-ingat ka rin!”


Cheers!

jrtras


jrtras is offline   Reply With Quote
Old November 18th, 2000, 06:56 AM   #4
edwin
Senior Member
 
edwin's Avatar
 
Join Date: Jul 2000
Location: Queens,New York
Posts: 1,507
Thanks: 1
Thanked 15 Times in 13 Posts
Post

BEEP-BEEP!!!!!!!!
Okey bumusina na ako.
Everytime i joined a derby in P.I.i always
noticed this,if you are a buddy of a pit
owner,matchmaker(friend,relative)your fight
is gonna be the peak time of your birds.
all sabungero knows for night derby the best time for their birds to fight is 8pm-9pm.But
if you are not a friend,yours is maybe 12 midnight or maybe morning na.I think this is also cheating but in a smart way,right.Not
to mention the matching,iyong mukhang maysakit sa kanila.Si Idol siya ang matched mo lol!!!!!!!
edwin is offline   Reply With Quote
Old November 18th, 2000, 09:10 AM   #5
Kidd Sentencia
Senior Member
 
Kidd Sentencia's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 4,995
Thanks: 0
Thanked 1 Time in 1 Post
Smile

Tutoo yan Edwin at yung mga sinabi niyo mga kasama...personal experience ko laging kalaban ko yung top contender. Yung mga mandurugas, naghihintay sa weigh-in sa umaga, din tatandaan nila yung manok mong akala nila pinakamahina. Uunahan ka, kaya nuon sa Mabalacat, pinainan ko ng "hero" si Salung, laronse ako...yung herong yon eh 3 time winner na...pangit pero lintik...eh sa madaling salita hindi nakasugat ang kalaban, champion kami...hehehe.

Kidd
Kidd Sentencia is offline   Reply With Quote
Old November 18th, 2000, 09:43 AM   #6
NDT
Guest
 
Posts: n/a
Post

PADRE KIDD, (HELLO THERE PADRE RARAVEZ) MABUTI'T NAILABAS MO ITONG TOPIC NA ITO. WOW! KADAMI PALANG MGA KLASENG PANDOROGAS.
SORRY, HINDI AKO MAKAPAGCONTRIBUTE DITO. WALA AKONG KAMUANG-MUANG SA TOPIC NA ITO
BUKOD SA MGA SIMPLE LANG NA KAGAYA NG LASON SA TARI, SA BUTIL, AT HACKLE FEATHER.YUN DING DAYA SA TIMBANG, AT SAKA YUNG MANAGEMENT ENTRY NA PINIPILI ANG KALABAN. PERO ANG ENTRY NILA AY SA PANGALAN NG IBANG
TAO. WISE ANO? ANG MASASABI LANG NG PARE MONG ITO AY ANG MGA MADURUGAS, BABALIK DIN SA KANILA ANG GINAWA NILANG DUGAS IN SOME OTHER WAYS. AND IT'S NOT GONNA BE A SIMPLE
HARDSHIP BUT IT COULD BE TENFOLD PA. KAYA
AKO, FAIR PLAY LANG ANG INAADVOCATE KO. BUT IT'S TRUE YOU HAVE TO BE WATCHFUL SA MGA
KALOKOHAN NG MADORUGAS. AKO, I ALWAYS BRING
MY FAMILY FOR LUNCH OR DINNER THE DAY AFTER
MY SABONG DAY, AND I CAN'T JUST MASIKMURA THE THOUGHT THAT I AM FEEDING MY FAMILY SA PERANG GALING SA PANDURUGAS.
ANG MOTO NG PARE MONG ITO AY: "KEEP THEM SHARP SO YOU CAN REAP BETTER". ALWAYS THINKING NA KUNG MAY BALAK SILANG DUGAS,O MASKI WALA SANA MA ONE FLY KO SILA. HE.HE..
NDT(NO DRUGS THANKS!!!!)
  Reply With Quote
Old November 19th, 2000, 06:51 AM   #7
Kidd Sentencia
Senior Member
 
Kidd Sentencia's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 4,995
Thanks: 0
Thanked 1 Time in 1 Post
Thumbs up

Ang karamihan ding daya eh yung "hulog"...fixed ito kaya pag ang logro over lo-tres na tapos wala ka namang makitang dahilan...be suspicious. Mapurol ang tari, pinabitinan yung manok, pinilay, etc. Sa Pangasinan, minsan, pag tag-lugon, mag-dedehado sa kabila--lo-tres, tapos mag-kokontra-baralta, lo-tres din. Ako, labas na lang, kain ng kambing...inom ng beer. Ang pinakagusto ko talagang pustahan, pag nag-tatrabiseya ako, yung parehas lang...wala-meron. Ahhhhh, the thrill of victe, este victory pala, and the agony of the feet (mabaho)...hehehe.

Kidd
Kidd Sentencia is offline   Reply With Quote
Old November 19th, 2000, 08:28 AM   #8
Simurgh
Member
 
Simurgh's Avatar
 
Join Date: Nov 2000
Posts: 203
Thanks: 0
Thanked 2 Times in 1 Post
Hehehe! (kinopya) yik! yik!yik! eto na naman victe. may laman na uutaakkk....Saraaap simoy bukidd!!! Patibong handa na para ibon.
Well, I've seen it (fixed fight) but no alteration what so ever. usually you will know a fix fight a week after. As far as I know, An obvious fixed fight is rare (100% success) since masyado itong halata during the fight.
A fixed fight in my opinion is also a 50/50 chance to succeed. a six month stag,1.4 kg match with 2kg+ 18 mos. more or less. The logro is 2:3. The weak stag performed as if it has not eaten for 2 days. the stag won by chance without a scratch. A slow motion offbeat weak jump and plunge the knife to the softest chest to the heart of the opposing bullstag. ( the fix fight is a failure). 5 sultadas later the same stag returned match with a near 3 year old cock who look like weighing 2.3 kg. This time partida is given with the cock having ibabao sa tahid handicap.
Upon release the poor stag was hit several times and thrown and rolled to the ground everytime it was hit by the cock. Fortunately the stag legs wasn't damaged. The stag bath with its blood looks pityful with broken wings keep on standing and walk slowly towards the cock only to received additional wound in the body and thown out again. The stag still alive but down head's up and trying to stand. The cock decided to give the stag a long finishing shuffle to end its misery. But wait! after the monstrous shuffle, the unscratched cock stucked its tare to its neck!!! The sentenciador free the cock's tare from its neck and do the careo. The cock and the stag standing and facing each other feeling each other's wound and neither wants to initiates an attack for about 5 seconds. The cocks bettors realizing the stag was severely peppered with wounds and a broken wing shouted to drive away the stag to run. The crowd shouted shooo...shooo, shoes, Este, shoo. Then finally its the cock that ran for its life, The stag won its second fight without delivering a single blow but just two pecks. A fixed fight that failed twice in less than an hour.
kidd eto na naman ako at your mercy heheheheheheheheheheheheheheheheheheheheheheh
Simurgh is offline   Reply With Quote
Old November 19th, 2000, 12:31 PM   #9
Camarines
Senior Member
 
Camarines's Avatar
 
Join Date: Mar 2000
Posts: 2,744
Thanks: 39
Thanked 60 Times in 46 Posts
Question

Totoo ba na kapag bakal ang tare hindi ito susugat tulad ng acero? Ito tunay na nangyari sa akin sa sabungan. Mayroon akong dating kaklase sa elementarya na minsan nakita ko sa sabungan. Lumapit sa akin para hawakan ang manok ko, pinahawak ko naman dahil kilala ko siya. Matapos iyon, mayroon nag-ulot sa manok ko. Ng nasa loob na ako ng rueda siya pala ang makakalaban ko. Ang ginawa ko kinamayan ko na lamang siya. Siya ang natalo. Wala akong sama ng loob sa kanya, pero ang trick niya luma na sa libro.
Camarines is offline   Reply With Quote
Old November 19th, 2000, 06:16 PM   #10
Simurgh
Member
 
Simurgh's Avatar
 
Join Date: Nov 2000
Posts: 203
Thanks: 0
Thanked 2 Times in 1 Post
Camarines... Usually ang panlalamang sa paghahawak ng manok mo ay hindi pa rin nawawala. Sa hackfight at sa tupada nangyayari ito. kunwari tumutulong sa pagmatch ang mamang gustong manglamang hanggan mahawakan na niya halos lahat ng manok sa ulotan. pagkatapos ay sesenyasan niya ang kanyang tagaulot kung alin ang manok ang lamang siya.
Ang bakal na sinasabi mo ay baka yung mild steel or tare na gawa sa coins. nakakamatay din ito dahil matalas ito sa umpisa o sa unang palo ng manok mo pero napadaling mapurol kung tumama sa lupa o sa balahibo ng manok.

cheers
Simurgh is offline   Reply With Quote
Old November 19th, 2000, 08:35 PM   #11
GoldenDragon
CyberFriends
 
Join Date: Mar 2000
Location: laspinas munti
Posts: 456
Thanks: 0
Thanked 0 Times in 0 Posts
Rules to live by :::

never never let strangers/even acquintances/ anybody touch/hold your fighting cocks... baka umaakyat ka pa lang eh lo tres ka na.

hold the face of your cock close to your chest when going anywhere, forming a line to the rueda... dahil umaakyat ka pa lang doblado na.

never never make your cock peck at your opponents' cock when limbering inside the pit.

the cleaning of the cock in the rueda became a standard practice in big time pits because of a very famous chinoy , who puts poison in his fowls'head hair (pulok)... so pag tinutuka ng manok mo ang opponent kadalasan ang manok mo patay maski na walang sugat.

there are plenty people in the cocking world who can render your fowls useless in a matter of minutes...

never never leave your cock house unattended
plenty of poison men around.

EDWIN...
infairness naman to some cockpits...usually they schedule the fights of the bigtimers during those times you mentioned because there are still plenty mamamago, na makakasa ang laban ng mga manok...but you are right in your assumption

I remember a fight insued between a then congressman from the north and a famous chinoy .. seems the chinoy requested the congressman that his 2:00 am fight be rescheduled to which the congressman reported said "pag presidente ng amo mo saka ka humiling ng ganyan" cooler heads prevailed otherwise, seguro wala na silang dalawa sa mundo.

so the 'amo' bacame president , and the congressman became ex...ang bilis magturn coat ni ex sipsip kaagad kay chinoy....lol!!! O among you sabungeros anong tawag sa bloodline na ganyan lol!!!

as a general rule sa akin " late fight " kami lagi, 11:00 pm upwards.
for my cocks to be fighting at 8-10 pm is a disaster to my fowls ... masyado pang mainit ang clima.

siya ingat cheers and mabuhay na lang...

------------------
GoldenDragon is offline   Reply With Quote
Old November 19th, 2000, 11:45 PM   #12
Kidd Sentencia
Senior Member
 
Kidd Sentencia's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 4,995
Thanks: 0
Thanked 1 Time in 1 Post
Smile

my 2 cents.

GD and Edwin, meron namang printed schedule di ba. Kung akong pinalalaban/pinalilimber na tapos alam kong meron pang nauna per printed schedule, maghihintay sila. Klase din ng pandadaya yon...nakitang nagpakain ka sa akalang malayo pa ang laban mo tapos alam na hindi pa natunawan ang nokma mo laban na...no-way di ba. Pag ginawa sa akin yon, wala akong daldal...yung kamay ko lang ang tinataas ko, yung gitnang daliri nakataas, yung iba nakababa. hehehe.

Kidd
Kidd Sentencia is offline   Reply With Quote
Old November 20th, 2000, 01:50 AM   #13
jrtras
CyberFriends
 
jrtras's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Posts: 166
Thanks: 44
Thanked 7 Times in 5 Posts
Lightbulb


Paalala sa mga nagta-travesia:

Iwasang makipag-pustahan sa taong palipat-lipat ng puwesto...malamang ay mananakbo!

Iwasang makipag-pustahan sa taong may bitbit na damit...siguradong mananakbo!

Iwasang makipag-pustahan sa taong ayaw lumingon kapag nakikipag-repite ng pusta...malamang ay mananabit!

Iwasang makipag-pustahan sa mga Kristo na nagne-negosyo (pabago-bago ang masyada, minsan lumologro, minsan sumasahod) dahil kapag naipit sa pusta...kadalasan ay walang pang-abono. Huh! Subukan ninyong gawin kay GD 'yan...nang makita ninyo kung paano magwala sa sabungan si GD! LOL!

Kapag hindi naiwasang mapapusta sa pinaghihinalaang mananabok ay huwag nang panoorin ang laban ng manok sa ruweda...tingnan mo na lang 'yung kapustahan mo para hindi makatakbo!


Good-luck!

jrtras

jrtras is offline   Reply With Quote
Old November 20th, 2000, 08:14 AM   #14
edwin
Senior Member
 
edwin's Avatar
 
Join Date: Jul 2000
Location: Queens,New York
Posts: 1,507
Thanks: 1
Thanked 15 Times in 13 Posts
GOLDEN DRAGON,
You are right,not all pit do that set-up
but 90% does.
It's frustrating,sometimes you just fought your first fowl and there was already a champion.
Kidd, agree with me naman he-he-he.
tambak1
edwin is offline   Reply With Quote
Old November 20th, 2000, 10:37 AM   #15
Kidd Sentencia
Senior Member
 
Kidd Sentencia's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 4,995
Thanks: 0
Thanked 1 Time in 1 Post
Wink

I agree with Edwin 100 percent...teka, ano nga ba yung ina-agree-han ko. Magaganda siguro ang mga kasama mong nars sa hosp, ha...Edwin? opppps, wala akong sinabi ha, magaganda lang sabi ko. Padalhan mo nga ako ng pic nuong pinakamaganda at bata (hindi utak), yung nakabikini or swimsuit preferred...makiki-cyberpal lang ako...hehehe.

Good info, jrtras...kaya not good to go to sabong alone, nagsasarili, lungkot yon...hehehe.

Kidd
Kidd Sentencia is offline   Reply With Quote
Old November 20th, 2000, 03:52 PM   #16
wabion
Guest
 
Posts: n/a
Post

Sali ako ha? This is my initial contribution to Kidd's Sabong Cheats. Meron din diyan ang style ay ganito. Sa DERBY ito ha, during limbering sa ruweda masyadong kinikilatis ang galaw ng manok mo, kapag sa tantiya niya na kakainin ng buhay ang manok niya, medyo pipihitin nito ang tari para masaktan ang manok. Mapupuwera ngayon ang sultada ninyon at irere-schedule. Iyon na wala ng bisa ang gamot, "OFF" pa si manok......resulta DIDO!
  Reply With Quote
Old November 21st, 2000, 05:24 AM   #17
Kidd Sentencia
Senior Member
 
Kidd Sentencia's Avatar
 
Join Date: Apr 2000
Location: Carson Ca/Pangasinan
Posts: 4,995
Thanks: 0
Thanked 1 Time in 1 Post
Unhappy

Quote:
Originally posted by wabion:
Sali ako ha? This is my initial contribution to Kidd's Sabong Cheats. Meron din diyan ang style ay ganito. Sa DERBY ito ha, during limbering sa ruweda masyadong kinikilatis ang galaw ng manok mo, kapag sa tantiya niya na kakainin ng buhay ang manok niya, medyo pipihitin nito ang tari para masaktan ang manok. Mapupuwera ngayon ang sultada ninyon at irere-schedule. Iyon na wala ng bisa ang gamot, "OFF" pa si manok......resulta DIDO!
Wabion, welcome kaibigan. Oo nga ano. Sa mga bigtime siguro hindi naman...panay seasoned veterans I guess. Pero para sa ating smalltime, paano kaya maiiwasan ito? Sa akin, first, no drugs...para kahit patagalan ayos lang. Pangalawa keep an eye on them as much as you can. Ano pa ba...kayo naman.

Kidd
Kidd Sentencia is offline   Reply With Quote
Old November 22nd, 2000, 10:18 AM   #18
srs
CyberFriends
 
Join Date: Oct 2000
Posts: 123
Thanks: 0
Thanked 0 Times in 0 Posts
Tama kayo mga friends in cockfighting world, siguro mas mainam din na ipakita ito ni Mr. Emoy G. sa kanyang tukaan o kaya sa sultada, para makarma naman itong mga mandaraya na ito, mas masakit naman ang balik nito sa kanila, talagang bwiset as in Bwaka...... hayan at na- high blood na naman ako, ganyan din ang madalas kong makita sa hackfight, kaya kayong mga mayroong asosasyon diyan ay gawan naman ninyo ng paraan para matigil na itong pandaraya at panlalamang ng iba nating sabungero, kayo rin at baka hindi tumagal ang sports na ito kung patuloy ang ganitong pangyayari. Calling Emoy G. Turuan ang mga lintek na ito ng aral.
srs is offline   Reply With Quote
Old November 22nd, 2000, 06:38 PM   #19
Camarines
Senior Member
 
Camarines's Avatar
 
Join Date: Mar 2000
Posts: 2,744
Thanks: 39
Thanked 60 Times in 46 Posts
Wink

Ang kaibigan kong mahusay mag condition ng manok ay mayroon gimmick. Sa tupada ang lahat ay magugulang, hindi lumalaban ng parehas sa timbang, kinakailangan lagi sila nakakalamang. Kaya siya ay gumagawa na lamang ng gimmick tulad kunwari dumadampot lamang ng manok na naka tie cord. Pero huwag ka naka condition ang manok na ito. Ang gagawin lamang niya ay puputikan ang paa ng manok at sasabihin, ito o kadadampot lamang sa tie cord. Ang magugulang na mahina ang utak nahuhuli niya sa ganitong paraan. Siya ang may sabi sa akin na ang larong sabong ay laro ng matatalinong tao dahil dito mo na makikita ang lahat ng paraan para manalo. Kaya pag may naglaban ng bulag o may diperensiyang manok sa tupada, magdalawang isip kayo hindi ito ilalaban kung hindi mananalo o magaling sa panalo. Maski na bulag ang isang mata ng manok paa naman ang ipinapalo.
Camarines is offline   Reply With Quote
Old November 24th, 2000, 09:26 PM   #20
el umbre
Guest
 
Posts: n/a
Post

pareng jitras ..meron akong idadagdag diyan sa expose about bet takers and etc...observahan ninyong sumahod yung kristo ninyo...style nila lalayo sa iyo at para hindi mo siya mapansin,sasabihin nakasahod ng 400 hundred sa lo-be..pero yung pala sa lo-dies,..kumita siya na 25 walang kahirap -hirap .madalas mangyari rin sa mga bigtime..ito.lalo't malalaking halaga ang involve..kaya mga pare make sure you could rely on your taga pusta (bawal na pala ang kristo..my bad,...lol...)dapat maasahan rin sa bugbuggan...lol.(kasamang gugulpi sa mananabit)at katulad ng sabi ni pareng jitras...huwag pupusta sa negosyante ..madalas ang sabit dito..nandiyan babayaran ka ng cheque,quartz na relos..talagang walang pambayad dahil laway at lakas -loob ang puhunan..lol...ingatzzz
  Reply With Quote
Old December 2nd, 2000, 10:13 PM   #21
RARAVEZ
Guest
 
Posts: n/a
MAGANDANG ARAW, MGA KUMPADRES.ito dagdag din ito, salisi sila sa cock house. ang tawag sa amin nito balasa, binabalasa nila ang manok para maglisya ang mga buto at hindi makapalo ang manok, ang estilo ng manok ay hindi magbabago, kahig, patuka, palipad, painit. pag binitaw mo na, sumasabay ang manok mo nauuna dibdib, at siguradong susuot siya sa kalaban dahil ang kasu-kasuan niya ay lisya na. ang mga taong ito ay tatambay sa cock house sa iyong paningin bantay siya ng kabilang cock house, sa paningin ng kabila bantay din siya ng ibang cock house o dili kaya kasama sila, ang galing nila. nalaman namin ito, ng magkakuwentuhan kami ng mga talunan sa aming bayan. at may nagtip sa amin na ang manok daw namin ay nasalisihan ng mga pro's. huli talaga ang akala, mga kapwa sabungero. saan ba ang sabungan na walang daya at maganda ang patakaran o regulasyon at pinapangalagaan ang bawat lumahok sa pa derby nila. nasa PILIPINAS, ba. sa WALA BA O SA MERON, pare. MABUHAY.
  Reply With Quote
Old September 20th, 2001, 02:14 AM   #22
Ad Infinitum
Guest
 
Posts: n/a
Post

Quote:
Originally posted by Kidd Sentencia:
Okay friends, inspired by the post in the other thread here by Raravez, let's expose all those sort of cheating in cockfighting.
If we know them, we can be aware, and may avoid it. Please post what "tricks" you are aware of.

Thanks!
Kidd

Sa tingin ko may pang-gugulang at may pandaraya. Ang pang-gugulang ay kaya kong sikmurahin, pero ang pandaraya ay hindi. Ito yung mga naaalala ko na hindi pa nabanggit.


Mga pang-gugulang sa hackfight:

1. Didikitan ng aspalto yung ulo ng manok nila para mukhang bagong pungos. Mapapaisip ka talagang labanan sila miski medyo malaki sila dahil mukha talagang bagong pungos.

2. Bibilugin ang tahid para mag mukhang stag. Minsan, sinasabay nila ito at yung pag-lagay ng aspalto sa ulo (wow, bagong pungos na stag...talagang lalabanan 'to).

3. Pipisain at ilalagay sa isang kamay ang manok nila para mukhang manipis.


Pandaraya sa hackfight:

1. Pag itatari na ang manok, papalitan nila ang manok nila ng isang kamukhang-kamukha pero mas malaki. Nung nangyari ito sa amin ay ako mismi hindi ko ito napansin, buti nalang matinik talaga ang mata ng kaibigan ko, so pag dating sa ruweda umayaw kami. Akala ko pa nung una e baka nagkakakamali ang kaibigan ko. True enough, dalawang magkamukhang-magkamukhang manok ang nilaban nila nung araw na yon (talisain, puti ang paa, banderado, at pareho pa ang pungos). Tabla yung una nila, panalo yung huli. Kaya dapat talagang susundan niyo ang kalaban. Sabi nung isa ko pang kaibigan e sinundan daw niya, kaso nilagay daw sa kahon habang hinahanda ang gagamitin sa pag-tare. Baka naman sa ibang kahon na hinugot yung mas malaki.

2. Pipitikan ng lason ang manok mo habang nasa ulutan ka. Magagaling pumitik ang mga ito. Tapos lalabanan ka kaagad miski maliit at pangit ang manok nila. Dito pinaka umiinit ang dugo ko, dahil halos wala ka talagang chansa manalo. Para na rin nilang tinaga sa leeg ang manok mo. Meron kaming manok na hindi naipalaban, so pinasok namin ulit sa kahon at inuwi (malapit lang ang bahay). Pag-uwi ay matigas na ang manok namin.

3. Kapag dumayo ka at hindi ka nagtatare ng manok mo at wala kang kilalalang mananari doon, minsan ilalabas ng manananare ang tare o kaya i-ha-high point para hindi gaanong makasugat. Ito ay kuwento lang ng kapit-bahay ko. Nung bago pa ako nagsasabong e wala naman akong naranasang ganito. Mababait naman yung mga mananaring nakilala ko. Pero para safe, dapat matuto na kayong lahat manari.

4. Kapag nagyaya ng hipuan ang kalaban, huwag kang papayag dahil papahiran ang puwet ng manok mo at hindi na papalo ng mabuti ang manok mo. Cardinal rule: ang puwede lang humawak ng manok mo ay ikaw at ang sentenciador sa kareo.


Pang-gugulang sa derby:

1. Kapag baguhan ka ay pinag-aagawan ka ng mga bigtime. Kaya dapat tiwala ka talaga sa manok mo, sa pag-kondisyon at pag-point ng manok mo, sa tare mo, moisture control, etc. para kahit na sinong bigtime ang iharap sa iyo ay okey lang. Sa amin ay okey lang ito kapag sumali kami e talagang ine-expect namin na ang mga magagaling doon ang aming matatapat. Chaka masarap din madehado sa derby.


Pandaraya sa derby:

1. Pumipitik ng lason sa cockhouse. Ingat kayo lahat sa mga ganyan (I can't stress this enough). Kapag nili-limber mo ang manok mo sa drop pen, at kung ang cockhouse niyo ay yung may screen sa bandang itaas, doon nila pipitikin ang lason. Lahat pa naman kayo ay nakatingin sa manok at walang nakatingin sa labas ng cockhouse. Dapat may tumitingin pa rin sa labas. Kami, tinatakpan namin yung screen at yung pinaka-mataas na parte lang nung cockhouse ang hindi nakatakip (pero maliit na maliit lang ang hindi nakatakip para mahirap mai-shoot doon sa agwat ang lason). Hindi nangyari sa amin ito, pero may nakita ang kaibigan ko na ganito (ibang cockhouse), sinumbong niya, kinapkapan ang mama, may nakitang lason sa bulsa, pinag-sasapak at nakulong pa ang mama. Umiiyak ang mama at inamin niyang pumitik siya ng lason.

Ito lang ang naaalala ko. Mas maraming dapat ingatan sa hackfight, kaya buti pa e mag-derby nalang. Hindi naman kailangang big time. Miski 2-cock lang e puwede na. Tutal, miski hackfight lang e dalawa o tatlong manok rin lang naman ang nilalaban niyo. At least sa derby ay timbangan at hindi napapalitan ang manok.

Meron pang mga pandaraya sa pustahan pero nabanggit na ito. Ako, wala talaga akong kristo. Ako mismo ang pumupusta. Kapag gusto kong sumahod sa manok ko, isa sa mga kaibigan ko nalang ang sasahod para sa akin. Tutal, kapag maliit lang naman ang isasahod mo ay walang problema yan sa derby.

O siya, ingat tayong lahat! Also, please never ever throw fights. Kawawa naman ang manok mo, lagi mo dapat binibigyan ng fighting chance ang manok mo.

Keep on cocking!
  Reply With Quote
Old September 20th, 2001, 09:31 AM   #23
kasador
Guest
 
Posts: n/a
yoon bang careo na hindi parehas.ang ulo ng isang manok ay nasa ilalim ng ulo ng kalaban sa careo.dapat palaging pantay ang taas at magkaharap at parehas na may -chance na tumuka.yoon nabang iba halos lamutakin ang balahibo ng likod ng kalaban sa careo.o yoon namang tangan ng manok sa careo na sapo-sapo ang ilalim habang ang hinliliit na daliri ng nagca-careo ay dinadalirot ang sugat sa ilalim ng katawan.bigla na lang tumigil at ayaw tumuka samantalang ilang segundo lang ay buhay na buhay.buhay nga naman.nireremedyuhan ika nga dahil naka pusta ang sabungan.
  Reply With Quote
Old September 20th, 2001, 10:20 AM   #24
Sundowner
CyberFriends
 
Join Date: Apr 2001
Posts: 1,140
Thanks: 0
Thanked 2 Times in 2 Posts
Thumbs up

Kaya iyan ang advantage ng American rules compare sa ating rules dahil sa American way ikaw na mismo ang nag hahandle ng manok mo habang nag lalaban at nag hihintay ka lang ng bilang ng referee. Ikaw na mismo ang gumigising sa manok mo pag dating sa pahirapan ng laban at walang pakialam ang referee. Pero mahirap ng baguhin ang patakaran natin sa Pinas dahil ito na ang kina gisnan natin. Sana naman ang mga pit operator ay pili-in naman ang mga referee nila at hindi bias. Sila rin ang malulugi pag nasira ang reputation ng Sabongan nila.
Cheers,

------------------
Sonny
Sundowner is offline   Reply With Quote
Old September 23rd, 2001, 01:44 AM   #25
erluntz
Guest
 
Posts: n/a
Post

Meron pang isang klaseng pandaraya sa travesia.Ang binibiktima ay yung nag-iisa o yung lasing o medyo malagihay na.Grupo ang gumagawa nito mga apat o lima katao.Ang gagawin sasahuran ka ng malaki. ang hindi mo alam ay mga kasama pala niya ang nasa tabi mo at likuran mo.prang palusutan ang nangyari.pag panalo sila siempre bayad ka.pero pag ikaw ang panalo ang babayaran niya ay yung nasa likod mo na kasamahan pala niya.pag nagkaroon ng diskusyon ay sabay kakampi pa ang dalawang kasama nila sa tabi mo.talo ka dahil apat o lima ang kalaban mo.
ive seen this done even in bigtime derbies..
so the moral of the story is dont ever go to derbies alone..
  Reply With Quote
Old September 29th, 2001, 08:20 PM   #26
firm believer
Member
 
firm believer's Avatar
 
Join Date: Dec 2000
Location: Sa Sports na Sabong
Posts: 322
Thanks: 0
Thanked 1 Time in 1 Post
Post

erluntz, gandang tip niyan.


eto naman sa careo, pag ang manok na pinapanigan ang tinaman ay minamadaling bunutin para hindi dumiin ang tari at isa pa magkaroon ng chance para makaganti.

pero kung ang manok na di pinapaboran ang tinamaan ay pababayaang mahalukay ang sugat. kung mababaw naman eh magtatawag ng mag-aalis kuno yon pala lalong isinasaksak yung tari.
firm believer is offline   Reply With Quote
Old September 30th, 2001, 02:50 AM   #27
Pinolim
CyberFriends
 
Pinolim's Avatar
 
Join Date: Sep 2001
Location: California
Posts: 2,403
Thanks: 7
Thanked 13 Times in 10 Posts
Post

Erluntz, thanks for that very nice tip. I have been away so long from the pit that I think I have to brush up with what is happening inside the pit nowadays.

------------------
4got10cocker
Pinolim is offline   Reply With Quote
Old September 30th, 2001, 03:57 AM   #28
Simurgh
Member
 
Simurgh's Avatar
 
Join Date: Nov 2000
Posts: 203
Thanks: 0
Thanked 2 Times in 1 Post
Post



Panlalamang. yan ang unang diskarte ng mga sabungero o di kaya sabihin na lang nating gusto nating lamang ang manok natin sa lahat ng bagay [img]//sabong.com.ph/UbbNonCgi/smilies/biggrin.gif[/img]

well, kung pupunta ako ng sabungan para sa hackfight o derby. ang unang ginagawa ko ay nililinis ang loob mng kulungan.(baka may natira pang lason na nakadikit sa dingding)

Kahit sa travesia, malamang maka spot ng daya lalo na sa mga smalltime derby (at bigtime?) pag 0-0 o 000 ang score ng entry, be watchful, malamang hulog ang huling laban ng entry na ito. Its a very common "secret" kuno practiced by mandarayang sabungeros. Malaki ang tsansang makabawi kahit sa pera man lang for the reason na hawak nila nag lahat ng gusto nilang gawin sa sariling manok
nila! for a fall este! para ihulog ang laban.

Diyan na nga kayo at manonood pa ako ng unang fight ng disc #3 world slasher 2000 vcd. Se ya!

tsirs!

victe
Simurgh is offline   Reply With Quote
Old October 3rd, 2001, 02:28 AM   #29
Pinolim
CyberFriends
 
Pinolim's Avatar
 
Join Date: Sep 2001
Location: California
Posts: 2,403
Thanks: 7
Thanked 13 Times in 10 Posts
Post

As an apropos to Victe's posting, entries with 0-0-0 scores in 4 cocks will drop their last fight by changing the cock they will be fighting. That way, the loser cock is not an expensive cock. I have this happen.

------------------
4got10cocker
Pinolim is offline   Reply With Quote
Old October 3rd, 2001, 02:33 AM   #30
Pinolim
CyberFriends
 
Pinolim's Avatar
 
Join Date: Sep 2001
Location: California
Posts: 2,403
Thanks: 7
Thanked 13 Times in 10 Posts
Post

OOOOPs, I made a Bobo.I seen this happen, instead of " I have this happen". I don't claim to be a very righteous person but I am always protective of my animals.
Thanks for your understanding.

------------------
4got10cocker
Pinolim is offline   Reply With Quote
Reply

Thread Tools
Display Modes

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

BB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On
HTML code is Off

Forum Jump

Similar Threads
Thread Thread Starter Forum Replies Last Post
Daya Ba Ito O Diskarte Lang? jenkarlyn Usapang Manok 17 May 5th, 2009 04:35 PM
Who Out There Cheats? junebug32 Chicken Talk 1 December 17th, 2007 06:02 PM
Mga Daya sa Sentensya... Kidd Sentencia Usapang Manok 27 April 6th, 2007 11:07 AM
Daya-an sa WSC2005 jeremias Marcel Usapang Manok 60 November 16th, 2005 04:00 PM
daya ba o disgrasya shadrock Usapang Manok 7 February 3rd, 2004 12:17 PM

All times are GMT +8. The time now is 07:29 PM.

3.8.7